Chapter 39: Mag-ama HABANG hinihintay ni Denzel si Hezekiah ay napaisip siya bigla sa mga bata at ang kanyang pagpayag sa pagpunta nila ng isla. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari roon basta ang gusto lang ni Denzel ay makilala ng kambal si Hezekiah. Para kahit papaano’y hindi mahirap sa mga itong tanggapin ang isa’t-isa. Sa ngayon ay ganoon na lamang ang kanilang set-up dahil masiyado pang mahirap ngayon dahil hindi ligtas. Kapag nalaman ng lahat na may mga anak si Hezekiah ay baka ito ang pagbuntungan ng Skull. Ayon kay Lumino ay mayroon pa ring mga miyembro nito na nago-operate pa sa kasalukuyan. Malaki ang nagawang pinsala nina Hezekiah at talagang gaganti ang mga ito. Alam niya iyon dahil dalawang bese na siyang pinaghigantihan ng Skull. Una ay ang kasal nila ni Crim Carl at an