Chapter 23: Denzel Point of View HABANG nakatingin sa maputing buhangin at malinaw na tubig dagat ay hindi mapigilan ni Denzel ang kanyang sarili. Aaminin niyang masaya na siya ngayon sa kanyang kaibigang si Crim Carl. Ngunit hindi niya maitatangging mahal na mahal pa rin niya si Hezekiah. Ngunit nang dahil sa banta ng kanyang buhay at kondisyon ay kailangan niyang umalis. Ngayon ay payapa na silang namumuhay ni Crim Carl sa Destin Florida. Mas mainam dito dahil hindi nalalayo sa Pilipinas ang klima. May beach, mainit at madaming masasayang tao. Ngunit isa iyong parusa kay Denzel ang makita ang white sand ng beach sa tuwing nakikita niya kasi ito ay bumabalik ang alaala niya kay Crim. “Ayos ka lang ba?” biglang tanong ni Crim. “Okay lang naman ako... huwag mo lang akong pansinin. Nat