Chapter 22: Unang Araw sa Misyon NAKAHANDA ang lahat ng kanilang mga gamit at masasabi ni Hezekiah na wala nang atrason ang kanilang gagawing misyon. Hindi nila alam kung hanggang kailan ang misyon na gagawin ngunit nakasisiguro siyang mahaba-habang paglalakbay ang kanilang gagawin. Una nilang pupuntahan ang bayan ng Lawis kung saan ay kakalap ila ng mga bagong impormasyon. Matagal na iyong nangyari doon ngunit nagbabakasakali silang may makukuha. “Nakaka-excite ngunit nakaka-kaba. We don’t know kung anong nakaambang panganib para sa atin dalawa pero ito na yata ang pinakamahirap na misyong ating gagawin.” “Ano pa nga ba ang ating magagawa? Simula paman noong una ay Skull na talaga ang ating kalaban. Sila ang malaking tinik sa bansa kung bakit hindi tayo umuunlad. Kailangan mahinto ang