Chapter 46: Pagbangon ng Skull HABANG kausap ni Denzel si Lauriate ay may isang bagay na nabuo sa kanyang isipan. Lahat ng tao sa kanyang paligid ay pabor na sabihin kay Hezekiah ang katotohanan. Parang siya lang itong hindi talaga at natatakot na sabihin ang totoo. "Alam mo kung patatagalin mo pa itong lahat Denzel ay paniguradong magiging malaking problema ang iyong mabubuo. Mas mainam na ngayin palang ay alam na ni Hezekiah na anak niya ang kambal." "Kapag nagtungo na siguro kami ng isla Lauriate. Doon ko sasabihin sa kanya ang totoo upang makapag-usap kami ng masinsinan. Hindi ko naman ipinagdadamot ang mga bata. Sadyang ayaw ko lang talagang madamay ang dalawa sa gulo na aming pinasukan noon." "Nandito na tayong lahat e. Walang na tayong magagawa pa kung gugustuhin namang manggulo