Chapter 45: Salu-salo SOBRANG bilis lumipas ng mga araw hanggang sa pinayagan nang lumabas ang dalawang bata sa ospital. Tuluyan nang bumalik sa sigla ang dalawa at hindi na mababakas na nanggaling ang mga ito sa ospital. Bago paman makarating ang kambal sa bahay ay nagpatulong na muna siya kay Hezekiah na maglinis. Sobrang nakakahiya ngunit gama na game naman ang lalaki. Mula noon hanggang ngayon ay talagang wala pa ring ipinagbago ang lalaki. Ito pa rin ang Hezekiah na kanyang kilala. “Maraming salamat, ha. Sobrang nakakahiya at talagang nakaabala pa ako saiyo.” “Wala iyon, wala din naman akong magawa kaya mas mabuti nang tumulong ako rito. By the way maiba ako. Tuloy ba ang punta natin sa isla? Everything went well and I think magiging okay na ang lahat for the following days.” “Wal