Chapter 50: Pagbabalik ng Nararamdaman TUMAHIMIK muna saglit si Denzel baka hindi niya ma-kontrol ang kanyang sasabihin sa mga kasambahay ni Jonito. Ayaw niya siyempre magbigay ng mga impormasyong dapat lang sa kanila at kaunti lang ang nakakaalam kung ano ba talaga ang kanilang trabaho noon at ano ang mayroong sila ni Hezekiah. “Ako Ma’am, parang may gusto si Sir Hezekiah sa inyo. Kasi hindi ba sabi nila nasa mata ang totoong nararamdaman ng isang tao. The way po siya makatingin sainyo ay tila gusto niya kayong kasama palagi,” ani Bellinda. Ito ang pinakamadaldal na kasamabahay nila Jonito. “Hindi ko alam, e. Iba kasi ang nakikita ko sa mga nakikita ng tao sa paligid natin. Iyong nakikita ko naman ay talagang makaibigan lang kaming dalawa.” “Kung iyan po ang iniisip ninyo pero kilig