Chapter 51: Unang Gabi, Unang Gulo NASA bahay na sila ni Jonito nang hindi pa rin mapakali si Denzel dahil palaging laman ng kanyang isipan ang sinabi ni Hezekiah kanina. Alam niyang hindi iyon sinadyang sabihin ng lalaki ngunit nasambit na nito. Kung ganoon ay tama pala ang palagay ng mga kasamabahay. May pagtingin pa sa kanya si Hezekiah. Ngunit ayaw na niyang mag-isip at mag-assume. Kuntento na si Denzel kung ano ang kauganayan nila ng lalaki ngayon. “Oh my gosh, sobrang ganda mo naman. Ang ipinakitang picture ni Jonito sa akin ay sobrang simple mo lang,” magiliw na wika ng ginang. Talagang sumalubong pa ito sa kanila. “Magandang gabi po,” magalang niyang bati at nakipagbeso. “Diyos ko ang lambot pa ng pisngi,” ani nito. “Hindi ko inakala na ganito ka pala kaganda sa personal. Mabu