03

952 Words
Chapter 3 3rd Person's POV; "Pwede ba kupal wag matigas ang ulo maligo ka." Naggigitgit na utos ng dalaga sa binatang nakasampa sa isang sofa habang yakap ang dalawang tuhod at nakatitig sa t.v. "Ang galing nung kahon niyo nagsasalita." Komento ng binata bago iangat ang tingin at ituro ang maliit na t.v "Hindi kahon yan t.v ang tawag diyan kupal at pag hindi ka pa naligo ibabato ko yan sayo." Nakapokerface ba banta ng dalaga na kinalaki ng mata ng bahagya ng binatang si L bago mabilis na tumayo at nanakbo papunta ng banyo. "Tsk." Ani ng dalaga bago lumapit sa sofa para kuhanin yung remote ng---. 'Sa hindi alam na kadahilanan nagkaroon ng malaking sunog sa isla na pag mamay ari ng mga Aragon kung saan nanduon ang pinaka malaking pag aari ng pamilya. At kaninang umaga pagkatapos ng sunog bigla na lang daw sumabog ang isla ng hindi alam kung anong klaseng bomba ang nagpadurog at sa isang iglap nawala sa mapa ng pilipinas ang isla.' 'Grabe ang nangyaring ito nabalitaan din daw na libo libong tao ang namatay sa pagsabog at natagpuaang palutang lutang sa isla ang nakakapag taka lang walang ni isang Aragon ang nanduo---.' "Ang islang yun kung hindi ako nagkakamali dun ang main base ng mga Aragon." Bulong ng dalaga pagkatapos ang t.v "Imposibleng mga tagalabas ang gumawa nun, kailangan kong makausap sina Mesiree bukas baka may alam ang magkakapatid na Aragon sa nangyari." Dagdag pa ng dalaga ng---. "Langit wala ka ban---." "What the f**k! Kupal what the hell are you doing!" Mura ng dalaga ng bumukas yung pinto at lumabas ang binata na nakahubad at basang basa. Skyler Lacson's POV; Napahilot ako sa sintido habang nakatalikod kung saan nagbibihis si kupal ng damit. 'Daing ko pa nag aalaga ng bata putangna hindi marunong magsuot ng damit.' "Ayos na langit okay na ba ito?" "Hindi ka pwede sa kwarto ko matulog dun ka sa kabilang kwarto pero bukas kana matulog dun dah---." Nabitin sa ere ang sasabihin ko at agad nagtakip ng bibig gamit ang likod ng palad ko para maiwasang matawa sa tyura ni kupal. "Oy anong nakakatuwa sa suot ko?" Nakangiwing tanong ni kupal na kinatikhim ko bago umiwas ng tingin dahil natatawa talaga ako nagmukha kasi siyang babae sa suot niya sama mo pang mukha siyang anghel. Pimasuot ko kasi sakanya yung kulay pink kong jacket na may bunny design tapos short na bulaklakin. Mga binigay lang din naman sakin yan na never kong sinuot. "Dito ka matulog sa sala ilalabas ko yung unan at mga comforter bukas lilinisin natin yung magiging kwarto mo." Ani ko bago tumalikod para pumasok sa kwarto ko. Sakto namang sabado bukas kaya walang pasok. Maliit lang ang apartment ko may kusina dalawang kwarto at hindi gaanong malaking sala pero kahit papaano naman kumpleto ako sa mga gamit at kumakain ng tatlong beses sa isang araw kahit nag aaral ako. Past time ko na kasi yata ang pagtatrabaho at meron din akong mga sinasalihang contest katulad ng wrestling,boxing at iba pa. Actually afford ko naman ang bumili ng sariling lupa at bahay medyo malaki na din naman ang naiipon ko sa bangko dahil sa pagtanggap ko ng trabaho na legal naman...para sa paningin ko. Ayoko lang talagang umalis aa lugar na ito dahil walking distance lang naman ang school ko dito at isa pa magandang cover din ito kaya eto tiis tiis. "Kupal ito yun---." Naputol ang sasabihin ko ng paghakbang ko sa labas ng pintuan at pag angat ko ng tingin dala ang mga comforter at unan nakita ko si Kupal na nakasampa sa sofa yakap ang dalawang tuhod gamit ang isang kamay at pinagpapatong patong ang mga cards na mukhang nakuha niya sa taas ng t.v. 'Mylord may maipaglilingkod pa po ba ako sainyo?' Muntikan ko ng mabitawan ang hawak kong unan ng pumasok siya sa isip ko. Ganyan na ganyan din ang palagi niyang posisyon nung nasa basement pa siya pero---imposible. "Langit." Parang nagslow motion ang lahat ng mag angat ng tingin si kupal at magkalat ang ginagawa niyang maliit na palasyo gamit ang game cards. 'Imposibleng siya yun, dahil ang taong yun walang puso at kaluluwa.' Mabilis na ngumiti si kupal at dali daling tumalon pababa. "Ako na nan dun ako hihiga ah pwede ko bang buksan yung kahon na nagsasalita?" Inosenteng tanong ni L matapos lumapit sakin at parang batang kinuha yung unan at comforter na hawak ko. "Fine pero patayin mo din agad mahal ang kuryente." Ani ko bago lumapit sa sofa at kuhanin ang remote. "Ganito pag gamit nito, itong red pagpapatayin mo na okay?tapos itong green pag bubuksan mo." Ani ko bago pindutin yun. Pagbukas ko ng t.v saktong palabas nun ay spongebob. "Tapos ito paglilipat mo." Pipindutin ko yun dahil sa cartoon ng---. "Oy wag diyan mo lang!" Parang batang utos ni kupal at mabilis na umupo sa sofa katulad ng pwesto niya kanina. 'Tangna seryoso?' Napapokerface na lang ako habang nakatingin kay Kupal na seryosong seryoso na nananonood. Napailing na lang ako bago ibaba ang remote sa maliit na lamesa at humakbang papasok ng kwarto. "Oy langit." Tawag ni kupal ng pipihitin ko na ang pinto at kinalingon ko sa pwesto niya. "Mas bagay sayo ang hairstyle mong yan." Malapad ang ngiting sambit niya na kinapokerface ko. "Nakalugay lang ang buhok ko kupal at hindi ito style." Sagot ko bago tuluyang pumasok sa kwarto ko at isara yun. "Tsk stupid." Pailing iling na sambit ko bago tumingin sa full size mirror na nasa gilid ng kama at tingnan ang kabuuan ko. " -__- Pangit ng taste niya." Komento ko ng makita ang tyura ko sa reflection ng salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD