04

1098 Words
Chapter 4 3rd Person's POV; "Hindi pwedeng magparagala gala si Master L sa manila dahil wala pa itong alam sa pasikot sikot dito." Nag aalalang sambit ng binatang si Claud habang nasa loob ng control room kung nasaan ang binatang si Hector na nasa harap ng computer katabi ang binatang si Killua na kung anong tinitipa sa harap ng laptop. "Ano bang klaseng tao si L?" Tanong ng dalagang si Madison na nakaupo sa isang sofa katabi ang kasintahang si Daimos o mas kilalang Aidan kaharap ang isang laptop. "Oo nga pala Claud ano na ngayon si Kuya L?" Tanong ni Daimos na kinatigil din ng dalawang kapatid na kaharap ang dalawang kaharap ang laptop. "Hindi pala namin ang tyura niya kahit mahack namin ang nga CCTV camera kung hindi namin alam ang tyura niya hindi namin siya mahahanap." Ani ni Killua bago iikot ang swilve chair at harapin ang binatang si Claud. "Wala akong picture niya." Straight to the point na sagot ng binata na kinasapo sa noo ni Hector at kinabagsak ng balikat ng dalawang lalaki. "Mahaba pa naman ang panahon natin chill lang kayo isa isahin niyo na lang yung mga taong dumaan ng same time at same day sa lugar na malapit kung saan iniwan ni Claud yung kuya niyo." Suhesyon ng dalaga na kinangiwi ng binata. "Aabutin tayo ng siyam siyam." Sagot ni Hector. "Hindi din pwedeng magtagal sa labas si Master L dahil baka kung anong maisipan niyang gawin ng wala ako." Walang buhay na sagot ng lalaki na kinatingin ng mga tao sa loob "What do you mean Claud?" Tanong ni Daimos na kinabuga ng hangin ni binata bago magsalita at yumuko. "Katulad ng dati pa din si Master L may mga past time pa din siyang paglaruan ang kahit na sino kaya mas mabuting maibalik natin siya agad dito." Nag aalalang sagot ng binatang si Claud. --- *hachu* kinusot kusot ng dalaga ang ilong niya ng hilahin ng dalaga ang bedsheet ng dating kwarto at mapuno sakanya ang mga alikabok. "Hachu?" Napatingin ang dalaga kay Lazarus ng gayahin nito ang pagbahing ng dalaga. "What are you doing?" Nakapokerface na tanong ng dalaga pagkatapos nitong salubungin ang tingin ng binata na may hawak na tambo. "Ano yung Hachu?" Inosenteng tanong ng binata na kinapokerface ng dalaga. "Napabahing lang ako gawa nung alikabok tsk." Sagot ng dalaga bago lumapit sa binata at kuhanin ang hawak nitong walis. "Kumuha ka ng basahan na basa linisan mo yung drawer at lamesa dito." Utos ng dalaga bago lumapit sa papag na kahoy at walisin yun ganun din ang mga agiw sa pader. Amber Lacson's POV; "Ayos na itong kwarto mo malinis na din." Ani ko pagkatapos ng kalahiting araw namin na paglilinis. "Kupal dito ka lang aalis ako." Ani ko bago lumabas ng kwarto ni Kupal dala yung mga gamit na panglinis. "Pwede ko gamitin yung kahon?" Kumikinang ang matang tanong ni Kupal na kinapoker face ko. "Pag tumaas talaga ang kuryente dahil sayo ikaw ang ibabayad ko." Ani ko bago tumuloy sa sala at damputin yung remote. "Dun ulit sa spongebob." Request ni Kupal na kinailing ko ng parang bata nanaman itong sumampa sa sofa at humarap sa t.v "T.v ang tawag diyan Kupal hindi kahon." Ani ko bago buksan yun na saktong palabas ulit yung spongebob. Paulit ulit lang naman yan -__- at para sa mga bata ang palabas na yan. Napailing na lang ako ng makitan tutok na tutok nanaman siya dun pero imbis pansinin siya naglakad na ako papasok ng kwarto para maligo. Kailangan kong makausap sina Madison para itanong kung anong nangyari sa isla. --- "Ate!" Salubong sakin nina Madison ng makapasok ako sa restaurant na napag usapan at salubungin ako ng yakap. "Buti naman at nakapunt---Aki." Ani ko ng makita si Aki na nakaupo sa table na agad akong sinalubong din ng yakap. "Buti naman pinayagan kayo ng mga boyfriend niyo na lumabas." Ani ko bago umupo kasunod sina Allison,Madison,Mesiree at Aki. Matapos ang ilang buwan at taon ngayon na lang din ulit kami nagkasama ng ganito pagkatapos ang trahedyang nangyari. "Kami ang batas haha." Ani ni Madison bago sumandal sa kinauupuan na kinailing ko na lang dahil sa mga presensyang nararamdaman ko sa labas at loob ng restaurant. "Hanggang ngayon hindi pa din akong makapaniwalang pumapayag kayong may bumubuntot buntot sainyong mga aso." Ani ko bago damputin ang basong binaba ng waiter at sumimsim ng konti sa tea na nilapag. "Gwapo naman bebeloves ko kaya ayos lang." Sagot ni Mesiree na kinangiwi ng tatlo dahil sa endearment na sinabi ng kapatid namin. Pag inlove ba nagiging corny? -__- "Hihi sarap ng cake dito yayain ko nga minsan dito si Racer." Ani ni Aki na kinatingin ko. "Magkakasama na ba kayo palagi?" Tanong ko na kinaangat ng tingin ni Aki at kinatingin nina Mesiree sakin. "Hindi ate si Dark kasi masyadong mataas ang pride." Nakangusong sambit ni Mesiree. "As well si Derek din sarap din minsan ibaon sa lupa ng gagong yun." Sabat ni Allison. "Pero hindi naman nila kami pinagbabawalan magkita kita kahit minsan sinasabihan ako ni Racer na baka daw ipashoot to kill daw ako nina Kuya King dahil sa pagpunta punta ko kina ate Mesiree hihi." Parang batang sambit ni Aki na kinapokerface ko. Katulad pa din sila ng dati hindi pa din talaga nagkasundo sundo ang tatlong yun. "Pero once a month sinabihan sila nina Kuya Hector na magkita kita specially pagkailangan ang tatlo nung una mga hindi pumayag pero dahil kahit naman papano nakikinig sila samin kaya mga pumayag." Malapad ang ngiting kwento ni Mesiree. Hindi ko maiwasang titigan ang mga kapatid ko habang mga nagkukwento. Bakas sa mukha nila ang inis at kung ano anong reklamo sa mga kinakasamang mga Aragon pero iba yun sa nakikita ko sa kislap ng mga mata nila. Kita dun ang saya at contentment na hindi ko nakita matapos mawala nina mama. "Ikaw naman Aki balita ko yung Racer Griffin literal daw na halimaw lagi kong nakikita ang pangalan niya sa Diyaryo at magazine hindi ka ba niya sinasaktan o ano." Nag aalalang tanong ni Allison. "Kamakailan ko din lang nalaman na isa siya sa mga Aragon nung pumunta kayo matapos mawala yung mga bata muntikan pa namin siyang maging target dati dahil sa pagpatay niya ng libo libong tao nun sa France." Ani ni Madison na kinailing ni Aki bago ngumiti. "Hindi niya ako sinasaktan ate actually nagpromise na siyang iiwasan na niyang pumatay sa mababaw na dahilan." Sagot ni Aki habang nakangiti. "Ate." Napatingin ako kay Madison ng tawagan ako nito. "Ikaw ate...kailan ka magiging masaya?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD