Chapter 2
Skyler Lacson's POV;
"Nawawala kasi ako sama na ako sayo." Pangungulit ni Kupal habang parang batang hinihila hila ang suot kong jacket.
"No." Bored na sagot ko.
"Sige na pumayag kan---."
"Tangna ang kulit mo sabi kong hindi pwede diba!" Bulyaw ko bago harapin yung lalaki na kinatigil ko sandali ng pag tinginan na kami dito ng mga tao pucha.
"Pumayag kana hindi ko alam pasikot sikot dito sa manila tapos nagugutom na din ako." Pagpapaawa nito na kinapoker face ko kala niya ba makukuha niya ako sa paganyan ganyan niya.
"No." Sagot ko at tatalikod ako ng---.
"Maglilinis naman ako tapos tutulong ako sa gawaing pala---bahay, tapos magluluto din ako." Ani ni Kupal na kinatingin ko.
"Pasalamat ka working students ako at wala na akong time sa paglilinis ng nirerentahan kong paupahan, ayusin mo kung hindi ipapatapon kita sa kalsada." walang buhay na sagot ko na kinaliwag ng mukha niya.
"Gagalingan ko!"
---
*blaaag*
Napapoker face ako ng mabagsakan siya ng mga box na nasa taas ng drawer ko dahil sa kalampahan niya.
"Aray ko ang sakit!" Daing niya habang hawak ang ulo niya at nakasalampak sa sahig na mukhang tumama sa ulo niya yung ilang figurine na nasa taas.
"Marunong ka ba talaga sa gawaing bahay ha?" Nakapokerface na tanong ko na kinalingon niya sa pwesto ko na kinatigil ko sandali. Dahil nangingilid ang luha nito habang pula pula ang buong mukha mukhang nasaktan talaga siya dun.
Napabuga na lang ako ng hangin bago pumasok sa kusina at kumuha ng cold compress incase na may bukol siya.
"Akin na yang ulo mo napakalampa kasi." Ani ko bago lumapit dun sa lalaki at lumuhod sa harapan niya habang kinakapa kapa ang ulo niya.
"Ano palang pangalan mo?" Tanong ko ng---.
"Aray masakit." Gusot ang mukhang daing ni Kupal na kinapokerface ko ang arte arte para bukol lang.
Pinatong ko dun ang cold compress at pinahawak sakanya.
"Lazarus yun ang pangalan ko." Kumikinang ang matang sagot ni Kupal na kinapokerface ko.
"Kung anong kinaistig ng pangalan mo yun naman ang kinaengot mo." Walang pasintabing sagot ko na kinahaba ng nguso niya bago umiwas ng tingin.
"Ako si Skyler you can call me Sk---."
"Langit!" Sigaw niya na kinabuga ko ng hangin.
'Relax Sky.'
"Sky Kupal hindi langit." Naggigitgit na sagot ko."
"Lazarus langit hindi Kupal." Panggagaya niya sa sinabi ko na kinagusot ng mukha ko.
'Tangna barilin ko na lang kaya ang kupal na ito.'
---
"Anong ginawa mo a hotdog?" Naggigitgit na tanong ko ng makitang kulay itim na yun at ng tusukin ko nagkadurog durog na.
"Ahm niluto ko?" Inosenteng sagot niya ng pinagluto ko siya ng dinner namin na kinakulo ng sobra ng dugo ko dahil sinayang niya ang pagkain.
"Putangina pwede ba lumayas kana sa pamamahay ko!" Bulyaw ko na kinapitlag niya dahil sa pagsigaw ko.
Nang hindi siya gumalae hinila ko siya palabas at tinulak palabas ng pinto.
"Umalis kana!nakakapang init ka ng ulo alis!" Sigaw ko bago malakas na sinara ang pinto.
Nakakagigil siya putangna wala pa siyang isang araw dito ilan ng nabasag niya hindi pa siya nakakalinis nan, sinunog niya pa yung hotdog na dapat dinner namin bwisit ang hirap hirap kaya kumita ng pera tapos---.
Napabuga ako ng hangin bago pumikit ng madiin at naglakad ulit palapit sa pinto at buksan yun.
Hindi na ako nagulat ng makita ko siyang nakatayo pa din dun at nakayuko.
"Pasok na...mag cup noodles na lang tayo." Medyo kalmadong sambit ko na kinaangat niya ng tingin.
Yung bagsak na mukha nito kanina agad namang lumiwanag at dali daling pumasok sa loob hanggang sa napansin ko yung mga katabing apartment namin na nakatingin sa pwesto ko na mukhang si Kupal ang tinitingnan nila kani kanina lang.
"Langit sorry kanina." Ani ni Kupal pagsara ko ng pinto.
"Ano pang magagawa ng sorry mo nakabasag kana at nasunog mo na yung hotdog." Pagsusungit ko bago siya lampasan na nakatayo sa likuran ko kani kanina lang.
"Wala talaga akong alam sa mga gawaing bahay kahit pagluluto kaya ahm kailangan mo ako turuan." Pag amin niya na kinibit balikat ko.
"Meron pa ba akong choice?" Walang buhay na sagot ko.
"Tuturuan kita sa mga kailangan mo malaman pero wala ka ding choice kung hindi pag tiyagaan ang ugali ko kung gusto mong tumagal dito." Ani ko bago pumasok sa kusina.
Madali kasing uminit ang ulo ko at pag galit ako may nagagawa akong hindi tama, maikli din ang pasensya ko kaya walang gustong makipag kaibigan sakin.
"Basta bibilhan mo ako ng candies." Hirit ni Kupal na kinalingon ko sa pwesto niya na nakasampa sa upuan at tinutusok tusok ang ginawa niyang hotdog.
"Ang kapal din ng mukha mo noh may gana ka pang magrequest nakikitira kana lang." Nakataas ang kilay na sambit ko.
"Wala naman kasi akong pera." Sagot niya bago ngumiti ng parang bata na kinailing ko na lang.
'Mukhang nakapulot ako ng baliw na kulang sa aruga sa kalsada, kung minamalas ka nga naman.'