08

1024 Words
Chapter 8 3rd Person's POV; "Ang ganda naman nito." Bulong ng binata habang nakatingin sa hair pin na may design na kalahating buwan at may kumikislap na disenyo sa paligid ng buwan "Iho para ba sa kasintahan mo?150 pesos yan iho may kamahalan pero maganda iyan." Ani ng tinder na kinatingin ng binata. "Wala po kasi akong pera." Bagsak ang balikat na sambit ng binata. "Ayun iho nakikita ko yung lalaking nakatayo sa labas ng restaurant na yun manager yun. Ang alam ko hiring sila para mamigay ng mga flyer 350 ang araw tanungin mo makakakuha ka ng pera dun." Ani ng matanda na kinakinang ng mata ng lalaki. "Salamat po Ale. Bibilhin ko po yan ah antayin niyo po ako." Kumikinang ang matang sambit ng lalaki bago nanakbo sa restaurant na tinuro ng matanda muntikan pa itong masagasaan dahil sa bigla nitong pagtakbo. Skyler Lacson's POV; Matapos ang klase at makalabas ako ng gate nagulat ako ng makita ko dun si Kupal nakaupo ito sa bench katulad ng dati niyang pwesto nung una ko siyang nakita. "Langit!" Sigaw ni Kupal matapos kong tanggalin ang headset ko at tumawid kasabay ang ilang estudyanteng titig na titig kay Kupal na mabilis tumayo at sinalubong ako habang may dalang paper bag. "Anong oras na mag gagabi na bakit ka pa andito?" Tanong ko bago siya pasadahan ng tingin. Mukha kasing pagod na pagod ito sama mo pa ang namumulang pisngi niya na kitang kita sa liwanag ng poste ng ilaw. "Alam kong gabi na kaya inantay kita tara uwi na tayo." Yaya niya na kinakunot ng noo ko. Tatalikod siya ng hilahin ko ang braso niya na kinatigil ko dahil pati yun namumula. "Nagbabad ka ba sa sikat ng araw?bakit may mga sun burn ka? Diba sabi ko umuwi ka?" Naggigitgit na tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nainis dahil hindi niya ako sinunod kitang kita ko din na nahahapdian siya dahil sa expression niya. "Nag work kasi ako para bilhin yung ipit." Sagot ni kupal na kinakunot noo ko. "Ipit para saan?" Tanong ko pagkaharap niya na kinapokerface ko ng mabilis siyang yumuko. "Para sayo ito oh." Ani ni kupal bago kapain ang bulsa niya at iabot sakin kung ano man yun. Nang ilahad ko ang kamay ko nagulat ako ng may ilapag siya dung Hair pin ang ganda. Kalahating buwan yun at may kung anong kumikislap sa mga paligid nito. "Nakita ko kasi yung tattoo mo sa likod ng upper shoulder mo tapos nung nakita ko yan naalala kita wala naman akong pera para bilhin kaya ahm nag work ako sa sinabi nung Al---." Hindi ko alam pero sa lumipas ng ilang minuto nawalan ako ng pake sa paligid ko ng sunggaban ko ng yakap si Kupal. "S-Salamat" nahihiyang bulong ko bago humiwalay at tingnan ulit yung hair pin. Ito kasi yung unang pagkakataon na nakatanggap ako ng regalo galing sa ibang tao. 'At sobrang saya sa pakiramdam.' 3rd Person's POV; "Mylord ayos lang po kayo?" Tanong ng binatang si Vio ng makita ang bahagyang paglambot ng expression ng lalaki habang hawak ang dibdib at nakatukod ang isang kamay sa sink. "Lord L alam kong hindi niyo gusto ang ginawang desisyon ni Master L pero kung gagawin niyo yan---." "Wala akong pakialam Claud dahil sakanila naging impyerno ang buhay ng kakambal ko." Nagdidilim ang anyong sambit ng binata bago harapin ang dalawang binata sa pinto. "Hindi ako papayag na hindi nila pagbabayaran yun." Dagdag ng binata habang nakayukom ang kamao. "Habang sila nagpapakasaya ng ilang taon sa labas ginagawang impyerno ni tanda ang buhay ni L." "Mylord kapatid niyo pa din sina Master Khairo hindi niyo sil---ack!" Napadaing ang binata ng walang kaano anong sakalin siya ng lalaki at halos umangat sa lupa dahil sa higpit ng pagkakasal at lakas ng binata. "Wala kang karapatan na utusan ako sa dapat kong gagawin Claud, subukan mo pa ulit mangialam buburahin ko ang buong angkan mo sa mundong ito kasama ka." Nagdidilim ang anyong sambit ng lalaki na kinaubo ng binata na halos kapusin ang hininga ng bumagsak siya sa sahig habang hawak ang leeg. "Magkaiba kami ng kakambal ko at yung bagay na hindi niya kayang magawa ako ang gagawa at...tatapos." bulong ng binata. "Hindi kailangan ng labing tatlong tagapag mana ang mga Aragon." Nakangising sambit ng lalaki bago lampasan ang binatang nakaluhod na ilang minutong hinaahabol ang hininga. "Kailangan natin pigilan si Laxus Vio. Hindi pwede ang gagawin niya dahil sigurado---." "Tama si Mylord Claud isang Aragon lang ang kailangan natin at sa lakas at talino ng kambal kayang kaya nilang pabagsakin ang High Society katulad ng nasa plano." Putol ni Vio bago iabot ang kamay kay Claud na agad namang hinawakan ang binata at tinayo. "May plano na si Master L Vio at hindi nagsakripisyo si Master L para lang sa wala. Naiintindihan ko kung bakit galit na galit si Laxus sa mga Aragon pero kilala mo si Master L hindi yun matutuwa pag may nangyari ni isa sa mga kapatid niya." May diing sambit ng binatang sa Claud. "Claud wala tayong magagawa labas na ito sa trabaho natin." Bulong ni Vio na kinayukom ng kamao ng binata. "Iisa pa din ang dugo at laman ng mga Aragon Claud at sigurado akong hindi pa din magiging madali yun kay Lord Laxus na pabagsakin ang mga kapatid niya. May oras pa tayo para hanapin ang ang hari sa ngayon yun muna ang ipapriotize natin dahil pare pareho tayong mabubura sa mundong ito pag pinakialaman natin si Lord Laxus." Ani ni Vio habang hawak ang ulo niya. "At sigurado namang si Lord L lang ang makakapigil sa kakambal niya at the first place sakanya lang naman sumusunod si Lord Laxus." Dagdag ni Vio na kinamura ni Claud. "Sa nakikita kong buhay ngayon ng magkakapatid na Aragon kung sa bulkan in active na dahil sa mga pamilya nila. Pero wag naman sana magdamay ng inosente si Lord Laxus dahil para na ding nagtanim ng granada si Lord Laxus sa mga planong binuo natin ng ilang taon." Ani ni Claud na kinasapo ng binata sa noo. "Damn it." "Para silang mga bombang sasabog."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD