09

1342 Words
Chapter 9 Skyler Lacson's POV; Halos mag aapat na buwan na pala since ng makasama ko si Kupal masasabi ko namang naging magaan ng konti ang buhay ko ng dumating siya. Hindi ko na kasi kailangan magluto since nung tinuruan ko siya at fast learner talaga siya na hindi ako makapaniwala. Siya na din naglilinis ng bahay at naglalaba siyempre maliban sa.mga damit ko pinatigil ko na din siya sa tinatrabahuhan niya dahil nalaman kong dinumog pala nun si Kupal at yung mga nakita kong kalmot sa braso niya gawa nung mga mahaharot na babae -__-. Nagkaroon pa ng sunburn at kung ano ano sa katawan palibhasa mukhang mayaman ang wierd nga kasi parang wala man lang naghahanap sa kupal na yun. Madalas nag aaway din kami imean inaaway siya pag may hindi siya nagagawang maganda o nabubwisit ako napapalayas ko pa din siya pero as usual hindi umaalis lagi lang siyang nakatayo sa pintuan at inaantay na buksan ko ulit ang pinto katulad nung una. 'Flash news! Katatanggap ko lang ng balita mula kay ***** Sunod sunod ang nangyaring pagsabog sa ilang palapag ng Griffin Enterprise sa hindi alam na kadahilanan at nangyari ito kaninang umaga lang. Ayon sa Report isa sa mga nakulong sa loob ang college student na minsan ng naissue na kasintahan ng nagmamay ari ng pinakamayamang bachelor sa buong Russia na ngayon ay nasa ***** hospital.' "A-Aki." Bulong ko na agad mapatayo sa kinauupuan kong sofa bago nanlalamig na pinatay ang t.v "Langit saan ka pupunt---." "Kupal dito ka lang sandali lang ako." Putol ko kay kupal ng lumabas ito sa kusina habang may subo subong cupcake. Hindi ko na lamg ito pinansin ng sunod sunod ako nitong tawagin at dali daling bumaba. "Aki." Nag aalalang bulong ko habang nanginginig na kinuha ang phone ko at dinial ang number ni Madison. 'Sana okay ka lang.' 3rd Person's POV; "Hindi siya safe." Bulong ng binata habang nakatingin sa veranda ng apartment kung saan kitang kita ang taxi na pinara ng dalaga at dalawang kotse na pasunod dito. "Pero hindi ko pa ubos itong cupcake ko, pano ko mananamnam ang tamis nitong cupcake kung isusubo ko na agad." Nanghihinayamg na sambit ng binata habang pabalik balik ang tingin sa cupcake na may kagat at dun sa mga kotse na pasunod sa sasakyan ng dalaga. "Haist wala pa ding mas hahalaga sa buhay ng langit ko kaya cupcake dito ka muna babalikan kita." Ani ng binata bago dahan dahang ipatong yung cupcake sa maliit na lamesa ng veranda at walang kaano anong sumampa sa railing. Nang makita ng binatang umandar na ang taxi at padaan sa harap ng apartment ang dalawang kotse. Wala sa pagdadalawamg isip na tumalon dun ang binata na kinalaki ng mata ng mga tao sa loob ng dalawang kotse dahil sa pagtalon ni Lazarous sa hood at parang batang kumaway sa mga tao sa loob ng kotse. Skyler Lacson's POV; "Ms. Bawal pumasok sa loob mahigpit na binilin ni Mr.Harford na wala muna kaming papasukin." Ani ng isa sa walong black in men na hinarangan ako pagkatapos ko makalusot sa mga reporter na nagkakagulo sa labas ng hospital. "Kailangan ko pumasok nasa loob ang mga kapatid ko." May diing sambit ko sa mga gwardya. "Pasensya na talaga sumusunod lang kami sa ut---." "Third papasukin mo yan." Napatingin ako sa dalawang lalaking lumapit sa pinaka entrance at may pinakita na kung ano. "Under kami ni Mr.Winston at kilala namin ang babaeng yan." Yung kambal na laging buntot ni Mesiree. "Sumusunod lang kami sa utos." Magalang na sagot ng isa sa mga black in men. 'Tangna wala akong panahon sa mga ganito gusto ko makita ang mga kapatid ko.' "Ganun ba okay tatawagan ko na lang si Lady Allison at pababain ko dito para malintikan kayo kay Mr.Harford dahil kailangan pang bumaba ni Lady Allison para lang papasukin niyo ang ate nila." Balewalang sagot ng isa sa kambal habang hawak ang phone nito at winagayway. "Jackson paki kausapan mo nga itong tauhan mo papasukin yung babae." Sabat ng isa sa kambal. "Third pinababa ako ni boss dito para kunin yung babae." Ani nung isa sa apat na lalaki. 'Ang Dark beat, -__- vocalist nga pala ng Dark beat ang Aragon na kasama ni Allison.' Walang imik na pinapasok ako ng mga black in men pero ang iba sakanila sumunod. Grabe ang higpit ng security dito at masasabi kong lahat ng nandito hindi basta mga normal na tauhan lang. Masyado silang kalmado na mas lalong nakakapag pataas ng mga balahibo ko. "Wag kang mag alala hindi ka nila gagalawin kung wala kang ginagawa." Ani nung isa sa kambal na sumalubong sakin. "Nandito ba lahat ng Aragon?" Tanong ko ng makitang halos lahat ng bantay ng mga kapatid ko tuwing lumalabas kami nandito. "Hindi lang ang mga Aragon ang nandito." Sagot ng isa sakanila. "Pag nasa pang apat na palapag na tayo wag kang titig sa mga mata sa kahit na sinong lalaki na nandun kahit mga tauhan." Bulong ng isa sa mga sumusunod sakin. 'Mukhang alam ko na kung bakit.' --- "Ate Sky!" Salubong ni Aki bago ako yakapin kasunod ang mga kapatid ko na punong puno ng pag aalala. "Aki ano bang nangyari nakita ko sa t.v yung nangyari akala k---." "Ate*sob* tulungan mo ako ate gusto kong patayin yung mga nanakit kay Racer*huk*ate." Umiiyak na sambit ni Aki na kinatingin ko kina Harmony. Kitang kita ang galit sa mga mata ni Aki habang umiiyak at panginginig nito habang nakahawak sa damit ko. "Shh calm down Aki." Ani ko bago yakapin si Aki na iyak ng iyak. Saaming magkakapatid si Aki ang masasabi mong pinakamalambot ang puso makakita lang ito ng patay na pusa o aso sa daan iniiyakan na nito. Pagnakasakit o may nasabi itong hindi maganda nagsosorry agad ito kaya nagulat ako ng tulungan ko siyang pumatay. Ayaw na ayaw nito ang idea na yun kaya ni minsan hindi namin yun pinamulat kay Aki sama mo pa ng sobrang bata pa nito mawala samin. "Ate si Racer*sob*ate." Humahagulhol na sambit ni Aki na kinayukom ng kamao ko. --- "Karamihan sa mga bantay ni Aki nasa ICU dahil sa pagsabog at kasama na dun si Mr.Griffin. Walang naging galos si Aki at mukhang pinotrektahan talaga ni Mr.Griffin gamit ang katawan niya dahil halos kalahati sa katawan ni Mr.Griffin nasunog." Ani ni Madison. "Literal na halimaw talaga ang lalaking yun nagawa niya pa ngang dalhin sa ospital si Aki bago bumagsak." Komento pa ni Allison habang nakatingin kay Aki na nasa glasswall kung saan kitang kita ang loob ng ICU. "Naiinitindihan ko si Aki bakit niya nasabi yun na gusto niyang patayin kung sino mang gumawa nun dahil kahit ako makakapatay talaga pag may nangyari kay Dark as in." Ani ni Mesiree na kinabuga ko ng hangin. "Dapat iexpect niyo na ang mga ganitong bagay at mga mangyayari pa." Ani ko na kinatingin ng mga kapatid ko sakin. "Hindi mga anghel at normal na lalaki lang sa kanto ang mga pinili niyong tao para maging parte ng buhay niyo. Hindi din paraiso ang pinili niyong mundo para maging bago pa kayo sa patakarang ganito." Dadag ko bago sumandal sa pader ng kinauupuan kong bench. "Para mabuhay kailangan nating pumatay kung wala kang isusugal hindi ka mabubuhay." Ani ko bago tingnan ang mga kapatid ko. "Anong ibig mong sabihin ate layuan namin ang mga Aragon ganun ba?" Nagdidilim ang anyong tanong ni Madison na kinataas ng gilid ng labi ko. "Ang pagmamahal nakakapanghina." Ani ko na kinadilim din ng anyo nina Mesiree at Allison. "Tinaraining tayo para protektahan sila hindi mahalin." Dagdag ko pa na kinatayo ni Madison. "Wala kang karapatang sabihin yan ate dahil wala ka sa sitwasyon namin ngayon." Nakatalikod na sambit ni Madison bago naglakad paalis. "Ate Sky." Napatingin ako kay Allison ng magsalita ito habang nakayuko. "Pasensya na ate kung mas pinili namin ang taong sasamahan kaysa puntahan ang daan na matagal ng inakupahan nina Mama at papa satin." Ani ni Allison bago mag angat ng tingin at ngitian ako. "Nagmahal lang naman kami ate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD