Chapter 7
3rd Person's POV;
"Kailangan ko siyang mahanap." Walang emosyong sambit ng binatang nakaupo sa railing na bato malapit sa tulay at nakatingin sa napakalaking buwan.
"Kailangan na natin bumalik L delikado para satin ang magparagala gala sa ganitong lugar." Nag aalalang sambit ng binatang nakaluhod at nakayuko.
"Hindi mo ba ako narinig Vio? Hindi ako babalik hanggat hindi ko siya nahahanap." Walang emosyong sagot ng binata bago lingunin ang tauhang agad nanlamig ng mapako ang mata ng lalaki sa pwesto niya.
"Patawad...Mylord." bulong ng lalaki habang nakayuko.
"Ayun sila!" Napatingin ang dalawang lalaki ng may makita silang mga black in men na nanggaling sa kagubatan.
"Umalis na tayo mylord!" Sigaw ng binata bago tumakbo paalis dun habang nasa likuran ng lalaking nagawa pang kumain ng cupcakes habang nanakbo at pinauulanan ng ng bala.
---
"Aray!" Napatingin ang dalagang si Sky sa binatang nakaupo sa isang sofa ng makitang hawak nito ang kabilang braso.
"Anong drama yan Kupal?" Tanong ng dalaga bago tumayo at lumapit sa binata na---.
"Wth!anong nangyari sa braso mo?!" Sigaw ng dalaga ng makitang dumudugo yun na agad tiningnan ang paligid at tumakbo sa bintana na katabi ng sofang kinauupuan ng binata.
"Lazarous!!" Sigaw ng dalaga ng makitang bumagsak ang lalaki sa sahig na agad dinaluhan ng dalaga.
"Damn it!"
Amber Lacson's POV;
Napaupo ako sa sahig matapos kong linisan ang sugat ni Kupal na hindi ko alam kung saan nakuha.
"Damn it." Mura ko bago tumayo at tiningnan ang paligid specially yung bintana na sarado.
Imposibleng may bumaril dahil wala akong nakikitang kahit na ano na may bakas ng bala o tunog ng pag putok ng baril.
"L-Langit." Napatingin ako kay Kupal na nakahiga sa sofa ng bumangon ito habang hawak ang braso niya.
"Anong nangyari sa braso mo?" Walang emosyong tanong ko na kinataka niya bago tumingin sa braso na nakabenda.
"Hindi ko alam hindi ba sumabit?" Hindi siguradong tanong ni kupal na kinapokerface ko.
'Seriously?siya nga hindi alam kung pano siya nagkasugat tapos tatanungin niya ako?'
Matama kong tiningnan si kupal at tinitingnan kung nagsasabi ba ito ng totoo. Pero base sa tingin at expression nito mukhang wala talaga siyang alam.
3rd Person's POV;
"Mylord may problema ba?" Tanong ng binata habang binibendahan ang braso ng lalaking nakahawak sa dibdib nito na may hindi maipaliwanag na expression.
"Mamaya puntahan mo si Claud kailangan ko siya dito." Walang emosyong utos ng binata bago iikot ikot ang brasong may benda.
"Mukhang mahihirapan ako nan Mylord kung maari bigyan niyo ako ng isang araw para kontakin si Claud dahil hindi pwedeng basta basta ko na lang siyang puntahan lalo na't nasa teritoryo siya ng magkakapatid na Aragon." Nakayukong sambit ng binata.
"Tss." Ani ng lalaki bago iwagay way ng konti ang kamay at tumayo para lumapit sa railing ng inaakupahang hotel room.
"Mylord may gusto akong itanong kung hindi niyo mamasamain." Ani ng binata.
Nang ilang minutong hindi umimik ang lalaki bumuga muna ng hangin ang binata bago umayos ng tayo.
"Umalis kayo sa puder ng Verhati para lang pumunta sa lugar na ito at hanapin ang kakambal niyo diba? Pagkatapos nun ano ng gagawin niyo kukunin niyo ang kakambal niyo?" Tanong ng binata na kinayukom ng kamao ng lalaki habang nakahawak sa Railing.
"Malaking pagkakamali ang pag alis ko sa impyernong yun ng hindi kasama ang kakambal ko Vio. Buong buhay ko pinoprotektahan ang kakambal ko mula sa matandang yun." Nagdidilim ang anyong sambit ng binata.
"Naiisip ko pa lang na pinaranas ng demonyong yun ang ginawa niya sakin gustong gusto ko ng tanggalin ang lamang loob niya sa katawang lupa niya at sunugin siya ng buhay habang humihiyaw sa sakit." Walang emosyong sambit ng binata ng---.
"Pero yun ang pinili ng kakambal niyo Mylord para mailigtas ka din. Kung hindi siya nakipag palit sayo sa loob mamatay ka at pati na din ang labing isang tagapagman---."
"Thats a bullshit to him!" Galit na galit na sigaw ng binata.
"Masyado siyang malambot! Pano niya hahawakan ang Organization ganyan ang patakaran niya." May diing sambit ng binata na kinatahimik ng lalaki.
'Andiyan ka naman palagi kuya. Alam kong hindi mo ako pababayaan.'
'Kuya tanggapin mo na mas matalino ako sayo malakas ka man physically perp hindi mo mapapantayan ang talino ko hihi.'
'Kahit na anong mangyari kuya kahit saan ka man bahagi ng mundo. Mahahanap at mahahanap kita.'
'Kuya gusto ko din makita ang labas ng malalaking pader na yan katulad mo.'
"Sabi mo hahanapin mo ako. Nasan kana hindi kita mahanap masyadong malawak ang mundong ito para saating dalawa hindi kita makita."
Amber Lacson's POV;
"Cupcakes!" Kumikinang ang matang sambit ni Kupal ng mag abot ako sakanya ng dalawang cupcakes na agad niyang kinuha.
"May mga niluto na ako nakalagay na dun sa lamesa,umagahan at tanghalian mo papasok na ako sa eskwelahan wag ka ding lalabas ng bahay kung hindi mo alam kung saan ka pupunta." Bilin ko bago kuhanin ang bag ko at naglakad palapit sa pinto.
Pero bago ko buksan yun nilingon ko si Kupal na nakasampa sa sofa habang kumakain ng cupcakes at nakatingin sakin.
"Dito ka lang kupal." Bilin ko pero hindi siya sumagot na kinailing ko bago isara ang pinto.
Pagkatapos kong bumaba ng hagdan at lumabas gate naglakad na ako papunta sa daan kung saan papunta ang school ko.
'Alam kong sumusunod siya dahil sa amoy niya pero hindi ko siya maramdaman. Ang mga taong walang tunog ang yabag at hindi ramdam ang presensya para sakin yun ang mga taong dapat katakutan at hindi dapat pinagkakatiwalaan pero---.'
"Kupal alam kong kanina mo pa ako sinusundan." Ani ko bago tumigil at umikot para harapin si Kupal na pilit na pinagkakasya ang katawan sa likod ng poste.
"Sorry Langit." Nakasimangot na sambit niya bago lumabas at nakayukong pinagdidikit ang daliri niya.
"Gusto lang naman kita ihatid promise uuwi din ako mamaya pa kasi yung spongebob na pinanonood ko." Parang batang sambit niya habang patingin tingin sakin.
'Hindi siya goodliar. Alam ko sa oras na ito nagsisimula na ang spongebob.' Pinigilan kong mapangiti dahil alam kong favorite niya ang palabas na yun hindi nga yan kumakain para lang matapos ang palabas na yun.
'Tss shut up Sky bakit ka ngingiti may sapak lang talaga yan sa utak kaya ganyan.'
"Fine pero uuwi ka din pagnakapasok na ako ng gate." Ani ko na kinaliwanag ng mukha niya bago lumapit sakin at sunod sunod na tumango.
Habang naglalakad pinagtitinginan kami ng mga kasabayan naming estudyante unang una dahil sa tyura ng kasama ko, pangalawa ang daming kwento ni kupal na about naman lahat kay Spongebob at ang ingay niya. Ang wierd lang dahil hindi umiinit ang ulo ko kahit ang ingay niya actually nakikinig pa nga ako.
"Ang dito na tayo." Napatigil ako at agad napatingin sa gate ng school na pinapasukan ko hindi ko napansin.
"Umuwi kana wag kang lalabas dun pag uwi mo." Bilin ko bago walang tingin tingin na tumawid para pumasok sa gate pero bago pa ako makalapit sa gate at pumasok.
"Langit!" Napatingin ako kay kupal ng sumigaw ito mula sa kabilang kalsada at kumaway habang nakangiti ng malapad.
"Mas bagay sayo ang nakalugay ang ganda mo!" Sigaw ni kupal na kinalaki ng mata ko.
'Tangna.'
Feeling ko lahat ng dugo ko napunta sa mukha dahil sa sobrang init at pag ayiee ni manong guard at ilang tindera.
'Ohmy ang swerte ni gurl ang gwapo.'
Dahil sa kahihiyan mabilis akong pumasok ng gate.
'Kahiya!ang lakas talaga ng sapak ng kupal na yun.'