06

1005 Words
Chapter 6 3rd Person's POV; Bago magtanghali pagkatapos mamili ng dalagang si Sky umuwi na ito sa tinitirhang apartment. "May kailangan po ba kayo?" Magalang na tanong ng dalaga sa matandang mukhang nasa 50s ng makita itong nakatayo sa harap ng pintuan kasama ang ilan pang katabing kwarto. "Iha may kasama ka ba sa kwarto?" Tanong ng landlady na kinatingin ng dalaga sa nakasaradong pinto habang may mga dalagang plastic bag kasunod ang taxi driver na pinakiusapan niyang tulungan sa pagtaas ng mga pinapili niya. "Meron po ano pong problema?" Tanong ng dalaga bago pihitin ang pinto ng makitang nakalock yun kinatok niya yun ng tatlong beses. "Kupal buksan mo itong pinto!" Sigaw ng dalaga mula sa labas ng walang nagbukas ng pinto kinuha nito ang susi sa bulsa at agad na binuksan ang pinto. "Kupal bakit---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng mag iba ang mga pwesto ng gamit at mas luminis pa ito kaysa sa dati kahit ang mga agiw sa kisame nawala. "Nakarinig kasi kami ng galabugan akala namin kung ano ng nangyari sayo hindi ka naman kasi dating nag iingay." Komento ng land lady habang nakapako ang tingin nilang lahat sa lalaking nakadapa sa sahig at parang batang natutulog. "Pasensya na po mukhang nilinis ng kasama ko yung Apartment." Ani ng dalaga bago konting yumuko sa mga matatanda na pangiti ngiting nakatingin sa binatang nakahiga sa sahig. Amber Lacson's POV; Ngayon ko lang nakitang ganito kalinis ang apartment ko. Pagkatapos ko bayaran ang Taxi Driver sinara ko na yung pinto at isa isang pinasok sa kusina ang mga pinamili ko para ayusin. Habang yung mga pinamili kong mga damit ni Kupal na nasa apat na paper bag nilagay ko sa sofa kung saan natutulog si Kupal. Maya ko na lang siguro gigisingin si gago mukhang napagod. Nang mailagay ko na yung mga stock sa ref kinuha ko yung isang plastic bag na puro candy at nilagay ang ilan sa mga yun sa garapon habang ang iba naman ay tinago ko. "Langit." Napatingin ako sa pinto ng makita kong kinukusot kusot ni Kupal ang mata niya habang parang zombie na naglakad palapit sakin. "Kanina pa ako nagugutom." Nakasimangot na reklamo niya ng---. "Candy!" Napapoker face ako ng dadamputin niya yung jar ng tampalin ko yun at tingnan siya ng masama. "Pagkatapos mong kumain ang pagkain ng candy maligo ka din muna puro agiw yang buhok mo." Utos ko kay Kupal na kinasimangot nito bago dali daling lumabas ng kusina. "Nasa paper bag yung mga damit mo binilhan kita!" Sigaw ko mula sa kusina. 'Tsk ano bang ginagawa ko,pinatira ko siya sa apartment ko,binilhan ko ng damit tapos ito binilhan ko ng isang plastic bag na candies tss.' "Pero nilinis niya ang buong bahay kahit yung loob ng ref nilinisan niya." Ani ko bago umiling iling at nilagay ang mga yun sa taas ng ref at box ng cupcakes sa loob ng ref. Hindi ko alam kung bakit ako bumili ng cupcakes hindi naman ako mahilig sa sweeets. 'Cupcakes!' Napailing iling ako ng maalala ko ang mukha ni Kupal na takam na takam sa mga cupcakes na nakita sa t.v --- "Langit!aray!" Naibaba ko ng wala sa oras ang hawak kong sandok ng marinig ko ang boses ni Kupal sa labas ng kusina. 'Anak ng tokwa---.' "Ano bang pinaggagawa mo kupal." Naiinis na tanong ko bago mabibigat ang paang lumapit kay Kupal na hindi alam kung saan ilalabas ang ulo dahil sa hindi marunong magsuot ng tshirt. "Akin na ang tanda tanda mo na hindi ka pa marunong magsuot ng damit." Naiinis na sambit ko bago tanggalin yun sa pagkakasuot niya. "Si Claud naman kasi ang gumagawa ng lahat para sak---oww." Ani niya ng bigla ko na lamg isuot sa ulo niya yung damit. "Pwes mahal na hari wala ka sa palasyo niyo kaya matuto kang magdamit mag isa." Pokerface na sambit ko na kinatigil ko sandali at matamang tinitigan si Kupal na hinahanap yung butas ng damit para sa braso niya. "Wala ka bang pamilya dito at nasan yung Claud na sinasabi mo?" Tanong ko na kinaangat ng tingin ni Kupal pagkatapos niyang maisuot ang isang kamay niya. "Si Claud baka kasama ng mga kapatid ko na hindi ko alam kung nasan ito kasi yung unang beses na nakarating ak---candy!" Napabuga ako ng hangin ng manakbo ito papasok ng kusina. "Kupal yang damit mo!" Sigaw ko habang hinihilot hilot ang sintido ko. "Anong problema?" Tanong ko ng makita ko siyang nakatingin sa niluto kong sinigang na nasa lamesa. "Anong klaseng pagkain yan?" Nagtatakang tanong ni Kupal bago kumuha ng kutsara at---. Napapokerface ako ng maubo siya at agad uminom ng tubig. "Ang asim ayoko ng---." "Masustansya yan Kupal hindi pwedeng puro matatamis ang kinakain mo." Nakapokerface na sagot ko bago umupo sa kaharap niyang upuan. "Wag kang bastos nagluto pa ako nan." Dagdag ko na kinanguso niya bago sumandok ng kanin at pinili yung baboy at mga gulay. "Isa Lazarous." May pagbabanta sa boses ko na kinatigil niya at kinaangat ng tingin sakin. "Tawagin mo nga ulit ako sa pangalan ko." kumikinang ang matang sambit niya na kinaismid ko. "Kupal kumain kana diyan dami mong alam." Nanggigil na sagot ko na kinabagsak ng balikat niya bago kumuha ng sabaw at ilagay sa kanin katulad ng ginawa ko. Halata namang hindi siya marunong kumain ng ganitong pagkain at ginagaya niya lang ako. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung nasan ang pamilya ng kupal na ito at bakit mukhang walang kaalam alam ito sa mundo. Kahit naman yung mga normal na tao o mga walang pinag aralan alam ang t.v at lasa ng sinigang. Nagdududa na din ako sa katauhan ng taong nasa harap ko dahil sa nalaman kong andito siya. Kahit ganun may bahagi pa din sakin ang hindi naniniwala dahil ibang iba siya sa taong kaharap ko ngayon masyadong maliwanag ang nakikita ko sa taong ito kaysa sa walang pusong nilalang na yun. Kung nandito man siya sa syudad at makita ako siguradong hindi siya mag aaksaya ng panahong tapusin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD