15

1166 Words
Chapter 15 3rd Person's POV; "Hindi ko maintindihan bakit kailangan gawin yun ng Master mo Claud ginagawa niyang komplikado ang lahat. Pwede niyang ipagawa lahat yun kay Laxus kayang kaya niyang ubusin ang nasa High Society pati na din tapusin ang kademonyohan ng ama nila pero bakit." Nanggagalaiting tanong ni Vio habang nasa pinakarooftop ng hotel building na inaakupahan nila sa pilipinas. "Maimpluwensya si Laxus mas malaking grupo ang hawak niya ngayon iba pa yung organization na pinamana sakanya ng pamilyang kumupkop kay Mylord. Hindi ko maintindihan." "Kung titingnan mo siya bilang Aragon maguguluhan ka talaga Vio." Sagot ni Claud na kinatingin ni Vio. "Pero kung titingnan mo siya bilang nakakatandang kapatid ng labing limang Aragon maiintindihan mo kung bakit mas pinipili niya ang mas komplikadong desisyon para sakanya kaysa sa madaling desisyon na tatapos sa lahat ng bagay." Dagdag ni Claud bago bumuntong hininga at tumingin sa madilim na langit. "Kung buburahin ni Laxus ang High Society tatapusin niya ang ama nila ng wala sa tamang proseso. Hindi lang ang gobyerno ang huhunting sa kapatid niya kung hindi ang buong mundo kasama na dun ang mga kapatid niya." Sagot ng binata. "Pinag isipan ni L ang lahat ng bagay na ilalapag niya specially para sa mga kapatid niya ayaw niyang magame over siya sa larong sinimulan niya at ang mga kapatid niya ang mag silbing sacrifice card para sa prize na gusto niya... kung may pinakamahirap mang laban sa mundong ito yun ay ang kalabanin ang sarili dahil sa ayaw mong mamili." "Sa nakikita ko ngayon kay L mukhang nakapili na siya." Ani ng pa ng binata. --- "Tangna!" Mura ng dalaga pagkababa ng motor at ibato ang hawak nitong helmet ng halos dalawang araw na siyang naghahanap at hanggang ngayon wala pa din nagbibigay ng info. "Bwisit kang kupal nasan kana ba?" Naiinis na sambit ng dalaga bago nanghihinang umupo sa damuhan at isubsob ang ulo sa mga tuhod. "Bumalik kana." Bulong ng dalaga ng---. "Langit gusto mo ng ice cream?" Napaangat ng tingin ang dalaga ng--. "L-Lazarous?" Hindi makapaniwalang sambit ng dalaga bago tumayo at pasadahan ito ng tingin habang may hawak ng cone ng ice cream. "Seriously?bibigyan mo ako ng apa?" Pinipigilang matawa ng dalaga ng makita yung inaabot ng binata. "Hindi ko naman kasi iniexpect na makikita kita dito sana tinirhan kita. Mag dadalawang araw na kasi akong nag iikot dito hindi ko makita yung bahay m---." Naputol ang sasabihin ng binata at bahagya nawala ang malapad na ngiti ng yakapin siya ng dalaga dahilan para mahulog ang hawak nitong cone ng ice cream. "Welcome back...kupal." --- "Lazarous!" Unuusok ang ilong na sigaw ng dalaga ng makitang naglalaba ang binata sa ilalim ng shower at yun ang ginawang gripo. "Hahaha sorry na langit para tuloy ligo na rin ako habang naglala---." "Engot kang kupal ka!sayang ka sa tubig! Bumalik ka dito para maihagis kita palabas ng penthouse!" Bulyaw ng dalaga habang nagpapaikot ikot sila sa loob ng C.R at tumatawang lumabas ang binatang si Lazarous dala ang mga nilalambahan. --- "What?!si Ate?" Hindi makapaniwalang tanong ni Madison habang nakatingin kay Claud. "Pano napunta sa ganung sitwasyon si Kuya kung ganun?" Tanong ni Khairo kay Claud. Nang tapikin siya ni Jedal nagsalita si Killua. "Ang mahalaga alam nating wala kung saan si Kuya." Sagot ni Killua. "Hindi ba alam ni ate na isang Aragon ang kasama niya?" Tanong ni Allison na kinailing ni Claud. "Malakas ang kutob kong hindi pa dahil sa huling sinabi ni Master L." Sagot ng binatang si Claud. "May malaki tayong problema guys." Napatingin ang lahat ng pumasok ang binatang si Hector na may dalang laptop kasunod ang binatang si Aidan/Daimos. "Kasalukuyan tayong hinahanap ng Astral lalong lalo na si kuya." Sagot ng binata bago ibaba ang laptop at iharap yun sa mga binatang nagkalat sa sala. "Ano yan?" Tanong ng binatang si Racer tatayo ito ng hawakan ito ni Aki sa balikat na kinailing ng dalaga. "Baka magdugo ang sugat mo." Bulong ni Aki sa binata na kinabuga nito ng hangin. "Nagkalat ang Silver card na ito sa ibat ibang site ng org. Sa buong mundo." Sagot ni Hector bago tingnan ang mga kapatid. "At siguradong si papa ang may gawa nito mukhang mapapaaga ang pagharap natin sakanila." Dagdag ng binatang si Daimos na nakasandal sa gilid ng lamesa. "Wala kaming choice kung hindi bumalik sa Society." Bulong ni Mesiree. "Pinagusapan na natin ito Mesiree hindi ka babalik." Walang emosyong sagot ni Dark. "Lumalala na ang sitwasyon Dark at mas lala pa ito pag hindi kami gumawa ng paraan bilang mga Embre." May diing sambit ni Mesiree. "Walang babalik sainyo problema namin ito." Walang emosyong sabat ng binatang si Derek habang ang ibang Aragon namin ay nanahimik. Alam nilang yun na lang ang last choice para humaba pa ang oras nila at makapag handa pero mas naiintindihan nila ang mga kapatid na ayaw pumayag dahil para na din nilang hinuhukay ang sariling libingan ng mga kasintahan. "Embre kami at responsibilidad namin ito." Ani ni Allison bago tumayo kasunod si Harmony,Madison, Mesiree at---. "Aki." "Mga Embre niyo kami at responsibility din naming protektahan kayo bilang mga tagapag mana at....Aragon." sagot ng dalagang si Aki habang nakayuko. "Kung yung bond natin ang dahilan kung bakit ayaw niyo gawin namin ang tungkulin namin bilang Lacson ngayon palang itigil na natin ito. Lacson kami Aragon kayo at sa High Society safety niyo ang pinakamahalaga." May diing sabat ni Mesiree bago tingnan si Dark na nagdidilim ang anyo. "Kayang kaya namin ubusin ang High Society kung gugustuhin namin." Nanggagalaiting sagot ni Luther. "May rules na sinusunod tayo oras na ginawa niyo yan buong mundo na ang kalaban niyo." Sagot ni Harmony bago bumuntong hininga. "Ginagalit lang kayo ng papa niyo at posibleng pain lang ito para lumabas kami at kayo." Dagdag ng binata. "Tangna alam mo naman pala pero bakit niyo pa gagawin!" Bulyaw ni Luther na kinapitlag ng mga dalaga dahilan para mapatayo na din ang mga kapatid. "Stop shouting her Luther wala kang karapatan." Walang emosyong sabat ng binatang si Phantom. "Putangna huminahon nga kayo!" Bulyaw ni Trigger bago paglayu layuin ang apat. "Bakit ba kasi hindi niyo kami maintindihan." Naiiyak na tanong ni Harmony na kinalambot ng expression ni Luther. "Posibleng pain yun oo pero yun lang ang pagpipilian natin dahil pag hindi kami lumabas maating huntingn na kayo ng mga taga high society at hindi namin malinis ang pangalan niyo." Nangingilid ng luhang sagot ni Harmony. "Pagpapatong patungin ni Mr.Aragon ang kaso niyoat nagsisimula na yun ngayon Dark sana naman maintindihan niyo kami." Ani ni Mesiree. "Kayang kaya namin sila Mesiree at hindi niyo kailangan lumabas." Sagot ni Dark. "Wala kaming pakialam sa mga mangyayari." May diing sambit ni Derek. "Walang lalabas and thats final." Dag dag pa ni Luther. "Kaya namin sila." Sabat pa ni Racer na sa unang pagkakataon nagkasundo ang tatlo sa magkakapatid na Aragon pero---. "Gusto namin ng maayos at tahimik na buhay kasama niyo." Bulong ni Aki na kinatigil ng lahat ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD