16

962 Words
Chapter 16 3rd Person's POV; "May pangarap din kami para sainyo... kung kayo wala kami...meron." may diing sambit pa ng dalagang si Allison. "Gusto namin ng pamilyang buo, may mga anak at normal." Dagdag pa ni Harmony bago ngumiti. "Hindi niyo kami pwedeng itago habang buhay at gawin ang gusto niyo." Dagdag pa ni Harmony bago tingnan ang lahat ng Aragon na lalaki. "Kung gusto niyo kami protektahan linisin niyo ang daan at gumawa ng tahimik na future kasama kami." Ani pa ni Harmony bago tingnan sina Allison na natatawa. "Ang sarap isipin yung future natin na may mga little Aragon." Dagdag ng dalaga na kinayuko at kinaiwas ng tingin ng ibang lalaki dahil sa kahit minsan hindi nila yun naisip. Mas nagfocus silang protektahan at angkinin ang dapat kanila. "Ganyan bang mundo ang gusto niyong imulat sa magiging anak niyo?at mindset na ganyan? Pag hindi masulusyunan burahin?" Tanong ni Madison. "Yung walang pagpipilian ang mga anak niyo kung hindi ituloy ang mga laban niyo hindi yung bagay na pinaglalaban niyo." dagdag pa ng dalaga bago ngumiti at tumingin kay Aidan. "Hindi naman kasi kami natatakot sa mangyayari dahil andiyan kayo. Hindi niyo kami pababayaan malaki ang tiwala namin sainyo pero sana kayo din." Bulong ni Mesiree. "Dark." Ani ni Mesiree na kinatingin ng binata. "Gusto ko ng anak na lalaki." Bulong ni Mesiree bago ngumiti. "Yung kamukha mo." Dagdag ng dalaga bago salubungin ang tingin ng binata at ngumiti. "Tapos pag malaki na siya itatanong ko sakanya. Baby anong gusto mo paglaki mo yung maging normal na business man katulad ng papa mo o magi Argovios na ginagalang ng lahat na katulad ng papa mo." Ani ng dalaga na kinalambot ng expression ng binata. "Hanggat maari ayokong sabihin sa magiging anak natin na. Anak kailangan mong lumaban para maging Argovios para sa kapayapaan ng High Society at makabalik satin ng buhay ang papa mo...Dark ayoko nun." Nangingilid ang luha ng dalagang si Mesiree na agad pinunasan ng binata bago pa yun tumulo. "Ayusin natin ito." Bulong ng binatang si Dark bago tingnan ang mga kapatid. "Mananahimik muna tayo ngayon katulad ng plano sina Mesiree ang gagalaw." Bulong ng binata na kinangiti ng apat na babae. "Tutulong ako kina Hector na pasukin ang sites ng High society may connection ako sa loob." Walang emosyong sabat ni Racer. "Ako na bahala sa mga tauhang kakailanganin nina Mesiree." Ani ni Dark. "Papasama ko sayo sina Jackson Allison, maasahan ko sila sa kahit na anong bagay at info na kakailanganin niyo sa loob at labas ng org." Ani ng binatang si Derek na kinangiti ni Allison. "Ako na bahala sa mga kakailanganin niyong gamit sa pag alis." Dagdag ni Luther. "Kami na bahala sa fake documents niyo at fake identity, ganun din sa mga props na kakailangan niyo." Natatawang sambit ni Khairo habang nakaakbay kay Killua. "Kausapin ko na din si Lucky incase na kailangan niyo ng passport galing sa ibang bansa para mapaasikaso na natin agad bago kaya lumantad." Walang buhay na sabat ni Killua na kinangiti ng apat na babae. "Walang mangyayari saaming masama kung magtutulungan kayong lahat dito." Ani ni Madison bago yakapin si Mesiree ganun din ang ibang kapatid. "Babalik na tayo girls." Nakangiting sambit ni Mesiree na kinatango ng tatlong babae. --- "Ang cute naman." Nakangiting sambit ng binatang si Lazarous habang hinihimas himas ang kulay puting tuta na naligaw sa bakuran. 'Aw!aw!' "Astro anong ginagawa mo dito?" Bulong ng lalaki bago iangat ang tingin sa pader na hindi kalayuan sa kinauupuan ng binata na tinatakpan ng mga dahon at sanga ng puno. "Nothing i just checking you." Walang buhay na tanong ng batang lalaki na bahagyang humakbang at lumabas sa mga dahon at sanga ng puno habang nasa taas pa din ng pader. "Pinaghahanap kana ng Astral alam mo ba yun?" Ani ng batang nasa anim na taong gulang at walang emosyong nakatingin sa lalaki na nakasimangot. "Kung hindi ako nangialam papatayin kayo ni papa." Sagot ng lalaki bago buhatin yung aso at nakangiting tingnan yung aso. "Magiging pinuno ka ng Aragovios kuya at sa High Society wala ng mas hahalaga pa sa impluwensya at posisyon." Walang buhay na sambit ng batang lalaki bago magpatihulog sa kabilang pader. "Astro." Bulong ng binatang si Lazarous ng may makapa siya sa pinakatiyan ng aso na biglang nanahimik. "Kupal aalis ako baka madaling araw na ako makauwi." Ani ng dalaga na kinatingin ng binata. "Bilhan mo ako ng mga candy ah." Nakangiting sambit ng binata na kinataas ng kilay ng dalaga. "Hindi ba nasisira ipin mo at kain ka ng kain ng candy?" Pokerface na tanong ng dalaga habang iniipitan ang buhok. "Nagtotoothbrush naman ako at mouthwash katulad ng sinabi mo look." Ani ng binata pagkatapos lumapit sa dalaga at pinakita ang mga buo at mapuputing ngipin dahilan para pasadahan ng palad ng dalaga ang mukha ni Lazarous at bahagyang itulak. "Kahit na mag kakadiabetis ka iwas iwasan mo ang matatamis." Ani ng dalaga hanggang sa mapakunot ang noo nito ng mapansing nakatitig sakanya ang binata. "Pangit talaga ng hairstyle mo sabi sayo mas maganda ka pag nakalugay ang buhok." Malapad ang ngiting sambit ng binata ng ibaba ang hawak nitong aso at tanggalin ang pagkakatali sa buhok ni Sky. Papalag ang dalaga ng mapatigil ito ng ayusin yun ng binata at haplusin. "Babalik ka ah aantayin kita." Bulong ng binata na kinalunok ng dalaga bago namumulang tabigin ang kamay ng binata at tumalikod. "M-Magluto kana lang ng kakainin mo diyan sa loob." Mabilis na sambit ng dalaga habang walang tingin tinging naglakad papasok sa loob ng penthouse para umalis. "Ang cute niya." Nakangisting sambit ng binata bago umupo ulit at tingnan ang asong kumakahol. "Papakainin muna din kita bago ako umalis." Nakangiting sambit ng binata habang kinakamot ang ulo ng tuta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD