Chapter 14
3rd Person's POV;
"Anong sinasabi mong hindi ka aasama?!" Galit na galit na sambit ng binatang si Laxus sa lalaking nakayuko at nakatayo sa labas ng rehas bg prisinto.
"L! Ilalayo kita dito aalis tayo dadalhin kita sa Spain kahit saan basta malayo kay papa! Sumama kana L." Nagtitimping sambit ng binata na kinaangat ng tingin ni Lazarous.
"Andito sina Khairo kuya at may misyon pa kaming kaila---."
"Damn it! Hindi pa ba sapat yang pag sasakripisyo mo ng ilang taon ha?!" Bulyaw ng binata na kinatahimik ng lalaki.
"Akala mo ba hindi ko alam since ng ipatapon mo ako ikaw na umako ng lahat?" Nanggagalaiting sambit ng binata.
"Kuya." Bulong ni Lazarous ng---.
"Kung patayin ko ang mga putang inang yun sasama ka ba sakin kasama si tanda? Wala kana bang aalahanin ha?" Nakangising sambit ng binata.
"Mylord!"
"Master L!" Sabay na sigaw ni Vio at Claud ng walang kaano anong ibalya sa pader ng binatang si Lazarous ang kapatid sa pader dahilan para magkaroon ito ng c***k na kinawala ng ngisi ng binatang si Laxus.
"Galawin mo ni isa sa mga kapatid natin Laxus hinding hindi kita mapapatawad." Ang maamong mukha ng binata napalitan ng nakakatakot na expression na kinapako ng dalawang binata na nasa magkabilang gilid ng pinagsisilbihan.
"Yan ang gusto ko sayo Lazarous ang matang yan ang gustong gusto ko sayo." Ani ng binata makalipas ang isang minuto habang nakataas ang gilid ng labi na kinalambot ng expression ng binatang si Lazarous bago bitawan ang kapatid at tingnan ang dalawang kamay.
"Pwede ba kuya wag mo na ulit gagawin yun pano pag napatay kita." Bulong ng binata na kinangisi ng lalaki bago tumayo ng ayos at pagpagan ang sarili.
"Seryoso ako sa sinabi ko Lazarous at sinimulan ko na yun." Ani ng binata na kinakibit balikat ni Lazarous.
"Mas matagal kong nakasama ang mga kapatid ko kaysa sayo kuya at 100% sure akong hindi mo sila mapapatay." Ani ng binata na kinadilim ng anyo ni Laxus.
"What do you mean by that?minamaliit mo ba ang kaya kong gawin L?" Walang emosyong tanong ng binata na kinatingin ng lalaki.
"Hindi mo sila mapapatay lalo na kung nagdadalawang isip ka din." Ani ng binata na kinatigil ng lalaki.
"Stop pretending Kuya iisa tayo." Dagdag ng binata na kinayukom ng kamao ng lalaki.
"At kasalanan mong lahat ng yun." Madilim ang anyong sambit ng binata.
"Eh bakit naman ako?hindi ba pwedeng kapatid lang natin sila kaya hindi mo mapatay." Sagot ng binata ng---.
"Boss may mga pulis pa na paparating." Ani ng isa sa mga armadong sa labas.
"Mamili ka L sasama ka sakin o gusto mong mas dumami pa ang mga civillian na mamatay." Walang emosyong sambit ng binata.
"Hindi ako sasam---."
Naputol ang sasabihin ng binata ng may kung anong iturok si Claud sa gilid ng leeg ng binata dahilan para mawalan ito ng malay at masalo ni Vio.
"Pag nagdesisyon si Master L wala ng makakabago dun kaya umalis na tayo dahil marami pang maaring maging posibleng mangyari pag iniwan natin dito si Master." Ani ni Claud bago ipangko sa balikat ang natutulog na si Lazarous at naglakad palabas ng presinto habang ang mga tauhan naman ay nakikipag palitan ng bala sa sa mga pulis na dumating.
Amber Lacson's POV;
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makatanggap ako ng tawag at makarating ako sa dating presinto na ngayon ay giba na.
"Officer naiwan sa loob nan yung binatilyong kasama namin nung may mga armadong dumating at kamukhang kamukha niya yung mga pumatay sa mga pulis!" Sigaw ng mukhang isa sa mga preso na kasama ni Lazarous kahapon.
"Skyle---."
"Kailangan kong mahanap si Lazarous." Putol ko kay Nicolas.
"Sira na ba ang ulo mo Skyler!narinig mo ba ang mga sinabi ng mga pulis?nakita mo ba ang nangyari dito?! Hindi lang sila mga ordinaryong adik sa kanto." May diing sambit ni Nicolas na kinatingin ko.
"Wala akong pakialam sakanila Nicolas si Lazarous ang kailangan kong mahanap." Walang emosyong sagot ko.
"Kung kinakailangan kong bumalik sa underground para malaman kung sinong demonyong kumuha kay Lazarous gagawin ko." Nanggagalaiting sambit ko ng---.
"Hindi mo ba naiintindihan Skyler? Kinukuha na yung alaga mo ng tunay niyang pamilya may possibility na kakambal niya yung kumuha sakanya. Skyler napulot mo lang kung saan ang lalaking yun ni hindi mo nga alam ang apilyido niya o kung saan siya pamilya galing." Nanggagalaiting sambit ni Nicolas.
'Hindi sa wala akong alam kung hindi natatakot ako sa maaring isagot niya. Natatakot ako sa hinalang nabubuo sa utak ko at kumpirmahin yun ng sagot na makukuha ko mula kay Lazarous.'
"Aalis na ako." Ani ko bago humakbang paalis dun at lumapit sa motor ko na nakaparada.
"Nangako ako kay Lazarous at aantayin niya ako."
3rd Person's POV;
"Master L kailangan mong makinig samin kung ayaw mo dito dadalhin na kita kina young maste---."
"No babalik ako dun hahanapin ako ni Langit." May diing sambit ng binata bago tumayo ng mapaupo ulit ito ng makaramdam ito ng hilo dahil sa gamot na tinurok ng lalaki.
"Paalala mo sakin na parusahan ka Claud dahil sa ginawa mo." Nagigitgit na sambit ng binata habang hawak ang ulo niya ng---.
"Ang babaeng kinakasama mo ngayon may idea ka ba kung sino siya ha? L?" Walang emosyong tanong ng binatang nakasandal sa railing ng veranda habang matamang nakatingin sa binatang nakaupo sa gilid ng kama na tila nabato sa kinauupuan.
"Kung hindi ka man niya kamuhian bilang Aragon dahil sa magkaibang ranggo niyo sa society kamumuhian ka niya bilang tao at ikaw L." Walang emosyong dagdag ng binata na kinatahimik ng binatang si Lazarous.
"I dont mind kung galit siya sakin kuya... hangga't wala siyang alam at nasa labas kami wala akong pakialam." Sagot ng binata kalaunan bago tumayo at maglakad palabas ng pinto.
"Master L---."
"Sabihan mo mga tauhan mo kuya na paalisin ako kung hindi paglabas na paglabas mo ng pintong ito magkakalat ang ulo ng mga tauhan mo." Ani ng binata habang hawak ang doorknob at bahagyang humilig para tapunan ng tingin ang binatang si Claud.
"Babalik ako Claud at bantayan mo ang mga kapatid ko."
"L." Ani ng binata ng hilahin ni Lazarous ang pinto para lumabas.
"Wag mong iexpect na mananahimik ako pag may nangyari sayong masama. Itatak mo ito sa utak mo L oras na may mangyari sayo dahil sa babaeng yan mabubura ang buong angkan ng Aragon sa mundong ito kasama ang babaeng yan at ang buong High Society." Walang emosyong sambit ng binata ng tumigil ang kakambal.
"Bumalik kana kung saan ka nanggaling Laxus dahil hindi ako nagsakripisyo para lang ihulog mo nanaman ang sa sarili mo sa impyernong tinatapakan ko." Walang emosyong sagot ng binata.
"Bumalik kana kung saan kita iniwan and thats an order." Dagdag pa ng binata bago lumabas ng kwarto na kinadilim ng anyo ng binatang si Laxus.
"Vio ihanda mo na ang helicopter bukas na bukas aalis na tayo." Walang emosyong sambit ng lalaki bago tumalikod.
"Masusunod mylord." Nakayukong sambit ng binatang si Vio.