Chapter 20
3rd Person's POV;
Hating gabi na ng makauwi ang dalaga ng makababa ito sa kotseng pinarada sa labas ng penthouse na tinitirhan napatigil siya ng makarinig siya ng kakaibang musika na umeecho sa buong paligid.
"Lazarous." Bulong ng dalaga habang nakatingin sa binatang nakaupo sa railing ng veranda sa ikalawang palapag.
Nakapikit ang binata habang nakasiliklop ang isa nitong kamay sa bibig habang pinatutunog ang isang pirasong dahon.
"Sa ganitong distansya at sa ganyan niyang expression hindi ang kupal na si Lazarous ang nakikita ko." Bulong ng dalaga habang nakapako ang paningin sa napakagwapong nilalang at may inosenteng mukha na nakaupo sa veranda.
Nang tumigil ang musika napako sa kinatatayuan ang dalaga ng tumama ang kulay abong mata ng binata na mas tumingkad ang kulay dahil sa liwanag ng buwan na tumatama sa maamong mukha ng binata.
"Sky."
Bulong ng binata na kinaskip ng paghinga ng dalaga ng mabasa ang pagbuka ng bibig ng binata. Kasunod ng paglakas ng t***k ng puso ng dalaga ang pagsandal nito sa kotse dahil sa lakas ng impact na ginawa ng binata sakanya na kahit siya nagtataka din kung anong nangyari dahil ang layo ng binata parang narinig niya ang bulong nito na nakapagpantig sa tenga niya.
Skyler Lacson's POV;
"Tapos na ako." Ani ko bago tumayo at aalis na ako sa harap ng hapag kainan ng may humawak sa braso ko at matabig yun na kinagulat ko.
"Lazarous." Ani ko habang hawak ang braso ko dahil pakiramdam ko may bultabultaheng kuryente ang pumasok sa katawan ko dahil lang sa paghawak sakin ni Lazarous.
Lalayo ako ng hawakan niya ulit ako papalag aki ng---.
"M-May nagawa ba ako?" Tanong niya habang hawak ang braso ko.
"Bitawan mo nga ako w-wala okay?" Ani ko bago tabigin ang kamay niya at humakbang paatras.
'Ano bang nangyayari sakin?'
"Wala?pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako?hindi ka makatingin sakin at pag darating ka parang hindi mo ako nakikita." Ani ni Lazarous.
"May nagawa ba ako langit?sabihin mo." Ani ni Lazarous na kinahawak ko ng mahigpit sa braso ko.
"Ayoko lang nakikita ka at ayokong hinahawakan mo ako." Walang buhay na sagot ko bago tumalikod at naglakad pataas ng hagdan.
'Dahil hindi ko maintindihan ang katawan at puso ko pag nasa paligid kita. Ginugulo mo ang buong sistema ko na kahit ako hindi ko makontrol.'
---
"s**t!!" Mura ko habang habol ang hiningang pumasok ako sa gate ng penthouse ko at bumaba ng kotse.
"Tangna hindi ko alam na ganun pala kahirap malapitan ang babaeng yun wala pa akong limang kilometro mula sa target pinauulanan na ako ng bala." Bulong ko bago ayusin ang sarili ko at hubarin ang suot kong hood.
"Lazarous." Ani ko ng pagbukas ko ng pinto walang ilaw.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong kahit na ano pang oras ako dumating inaantay ako ni Lazarous.
Kung hindi siya nanonood ng spongebob dito sa sala nakaupo siya sa hagdan at inaantay ako.
"Lazarous." Ulit ko bago buksan ang ilaw at dali daling tumaas ng hagdan.
Sana tama akong natutulong lang siya.
'Tama natutulog siya nagtatampo lang siguro siya sakin dahil sa hindi ko sa nangyari at hindi ko siya pinapansin nitong mga nakaraang araw.'
"Lazarous hindi ako aalis buk---."
Naputol ang sasabihin ko ng pagbukas ko ng pinto ng kwarto ni Lazarous kusa ng tumulo ang mga luha ko ng makitang walang tao dun at ang damit na sinuot niya kaninang umaga nakapatong sa ibabaw ng kama.
'Hindi!tama baka may pinuntahan lang siya sanda---li.'
Napahawak ako sa pisngi ko ng maramdaman ko ang mga luhang walang tigil sa pagtulo galing sa mga mata ko kahit paulit ulit ko itong punasan.
"Kailangan kong mahanap si Lazarous hindi niya ako pwedeng iwan nangako siya."
*riiiinggg*
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa na agad sinagot ko ng mabasa ko ang caller.
["Ate bumalik na si L nandito na siya!"] Tuwang tuwa na balita ni Allison.
"S-Sige pupunta na lang ako diyan bukas." Walang ganang sagot ko.
["Ate ayos ka lang umiiyak ka ba?"] Tanong ng dalaga imbis sumagot pinatay ito ni Skyler at naglakad papunta sa sariling kwarto.
---
"L-Lazarous." Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalagang si Skyler ng pagpasok niya ng mansyon nakita dun ang binatang si Lazarous ba nakaupo at pinalilibutan ng mga kapatid na Aragon.
"Ate." Ani ni Allison ng mapansin ang mapansin ang panginginig ng dalagang si Skyler.
"Panong i-ikaw si L?" Hindi makapaniwalang tanong ng dalaga na kinangiti ng binata.
"Ganyan ka ba makipag usap sa mas nakakataas sayo?" Tanong ng binata habang nakangisi ng---.
"Ate!" Sigaw ng apat na dalaga ng madilim ang anyong malakas na suntukin ang binatang nakaupo sa sofa na ngayon ay nagdurugo ang labi habang nakahilig ang ulo.
"Hayop ka!alam mo ba kung gaano ako nag alala sayo tangna ka!" Galit na galit na sigaw ng dalaga bago hablutin ang kwelyo ng binata na ngayon ay bakas pa din ang pagkagulat.
"Ate tama na hindi mo siya pwedeng saktan!" Pigil ni Madison habang hawak ang braso ng kapatid na kinatigil ng dalagang si Skyler ng tumama ang mata ng binata sa mata ng dalaga.
"Ate ayos ka lang?" Tanong ni Mesiree habang hawak sa braso ang kapatid ng kusa nitong bitawan ang lalaki na may hindi maintindihang ekspresyon.
"Whoa hindi ko iniexpect ang little scene na yun ah." Natatawang komento ng binatang si Hellion na may hawak na marshmallow.
Habang ang mga kapatid naman ng binata hindi man lang sila tinapunan ng tingin at busy sakani kanilang ginagawa.
"Pasensya na sa ginawa ko mylord." Walang buhay na sagot ng dalaga bago yumuko bilang pag galang.
"Ate." Bulong ni Madison ng maramdaman ang bigat ng atmosphere na nanggagaling sa dalaga na kinaagaw ng pansin ng mga binatang walang ka reak-reaksyon ng suntukin kani kanina lang ang nakakatandang kapatid nila.