Chapter 21
3rd person's POV;
Walang imik ang dalaga habang nagsasalita ang binatang si Lazarous at sinasabi ang planong balak niya para pabagsakin ang high society at matigil ang kaguluhan.
"Ang sinasabi mo ba mylord magsakripisyo tayo ng daan daang mamayan para lang makakuha ng isang Silverius?" Walang buhay na tanong ng dalaga habang nakacross arm na nakasandal sa pader.
"Kailangan nating magsakripisyo para sa mga nakakarami." Bored na sagot ng binata habang nakapatong sa swilve chair at may kung anong isinusulat sa table.
"Ang balak mong isakripisyo isa din sa libo libong mamayang kailangan nating protektahan MYLORD." Nanggigil na sambit ng dalaga na kinalingon ng binata.
"Wala na tayong ibang pagkakataon EMBRE. May pagkakataon lang tayong makuha siya tuwing lalabas ang target at ang pagkakataon na yun ay bukas na." Walang emosyong sagot ng binata bago salubungin ang tingin ng dalaga.
"Libo libong civillian ang pupunta dun mylord hindi mo na naisip na ilang bata,buntis at matanda ang mamatay pag tumambang tayo bukas dun?" May diing sambit ng dalaga na kinayukom ng kamao ng binata.
"Kung ano ang plano yun ang susundin wala akong pakialam kung ilan pang tao ang mamatay dun ang mahalaga makuha natin ang target at magamit." Walang emosyong sagot ng binata na kinayukom ng kamao ng dalaga.
Skyler Lacson's POV;
"Nasan si Lazarous?" Tanong ko ng maiwan kaming dalawa dito ng hinayupak na ito.
"Nagdududa ka ba dahil lang sa ganito ang pakikitungo ko sayo?" Balik na tanong niya ng hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Nasabi ko na bang halimaw talaga ang mga Aragon? Pwes uulit ko halimaw talaga sila kaya din pala nilang mag manipulate hindi lang lakas nila ang nakakatakot pati na din ang katotohanang wala silang kayang hindi gawin.
"Alam kong wala kang alam sa nangyari samin ni Lazarous ang tinatanong ko kung nasan siya." May diing sambit ko ba kinatigil niya sa pagpapatong patong cupcakes sa lamesa na hindi ko alam kung pano niya nagagawa.
"Hindi mo na kailangan magpanggap sakin kung sina Claud naloko mo ako hindi...hindi kumakain ng kahit na ano si Lazarous na bago sa panlasa niya specially yung mga pagkaing may sibuyas na kinain mo kani kanina lang...hindi din kumakain ng chocolates si Lazarous na paboritong paborito mo naman. Mahilig sa cupcakes si Lazarous pero ayaw niya ng may icing." Ani ko na kinabagsak ng mga cupcakes sa sahig na hindi ko alam kung pano dahil hindi niya naman ito hinawakan.
"Kahit alam mo na wala ka pa ding magagawa kung umalis na siya." Walang buhay na sagot ng kung sino mang kakambal na ito ni Lazarous.
"Ito ang gusto mo diba layuan ka niya?" Dagdag ng kakambal ni Lazarous na kinalamig ko sa kinatatayuan ko.
"Nasasaktan si L at hindi ko gusto yun." Ani pa nito na kinayukom ng kamao ko.
"Wala kang alam pano mo nasab---."
"Dahil may koneksyon kaming hindi alam ng mga tulad mo." Putol niya bago tumayo at lampasan ako.
"Wag mo na siyang subukang hanapin dahil pag hindi niya ginusto magpakita walang sino mang makakahanap sakanya." Dagdag ng kakambal ni Lazarous hanggang sa makarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.
'Y-Yun ba talaga ang gusto ko?i-iwan niya ako?'
3rd Person's POV;
"Position."
"Position."
Napapikit ng madiin ang dalaga ng makitang sunod sunod ang pagdating ng mga tao sa isang conference hall kung saan lalabas ang isa sa tagapagmanan ng Silverius para sa isang interview.
"Katulad ng inaasahan maraming bantay ang target." Komento ni Jackson na isa sa mga nasa loob ng Hall.
"Mama mama darating po ba siya." Ani ng batang babae habang hinihila hila ang kanang kamay ng ina na may dala dala pang sanggol.
"Oo naman baby diba sabi ko sayo pag nakapag ipon na si mama dadalhin kita dito para makita ang idol mo." Ani ng ginang na kinabuga ng hangin ng dalaga bago marahang iuntog ang ulo sa likod ng poste.
"Ate ayos ka lang ba?" Tanong ng dalagang si Allison mula sa mini speaker na nakakabit sa tenga ng dalaga.
"Ayos lang ako." Walang buhay na sagot ng dalaga habang pilit na tinatago ang pag aalala at pagdadalawang isip.
"Lets Welcome Venus." Ani ng nagsisilbing MC ng conference na mangyayari.
'Ang ganda ni Venus.'
'Ohmygosh!'
"Alam kong napaghintay ko kayo pasensya na ngayon lang ako dumating." Nakangiting sambit ng dalaga na may malaanghel na mukha.
Nagpatuloy ang program hanggang sa---.
"Ano yun?!" Sigaw ng binatang si Crios ng may mga nagpasukan at nagpaulan ng bala.
"Putangna!" Mura ni Jackson bago tumakbo kung saan ng may mga black in men na pumasok.
"Ang mga Erco!" Sigaw nina Mesiree sa kabilang linya para maging alerto ang buong grupo.
"Palabasin niyo ang mga tao!" Sigaw ng dalagang si Venus habang pinoprotektahan ng mga tauhan.
"Ilayo niyo dito si Venus bilisan niyo." Walang emosyong utos ng gwapong binata habang hawak ang dalawang katana.
"Damn it!." Mura ng dalaga bago nanakbo sa gitna at paulanan ng bala ang mga Erco man o Silverius para protektahan ang mga civillian.
"Yung target!" Sigaw ng binatang si Lazarous mula sa kabilang linya.
Pero hindi yun pinansin ng dalaga at patuloy na nagpaulan ng bala habang ang kambal na si Chaos nakikipaglaban sa Domino ng dalagang si Venus at si Crios na pinapatay lahat ng nagbabantay sa dalagang hindi alam ang gagawin.
"Mama!mama!"
Napahinto ang Embre at tagapagmanan ng Silverius ng may batang umiiyak sa gitna ng nagliliparang bala ng---.
"Mylady!"
"Mylady!"
Niyakap ng dalagang si Venus ang batang babae habang si Skyler naman ay pilit na pinababagsak ang mga taong nasa paligid ng batang babae.
Nang may lalapit sa dalagang si Venus mabilis yung binalya ng dalagang si Skyler at---.
"Sa likod mo!" Sigaw ng dalagang si Venus sa dalaga ng isa sa mga tauhan ng Erco mula sa likuran.
"s**t!"
Nanlaki ang mata ng dalaga ng may lalaking bigla na lang sumulpot at sinipa ang lalaki na kinatigil ng lahat mapa Silverius,Erco at tauhan ng mga Aragon ng makita nilang parang laruang tumalsik kung saan ang kalaban.
"Masyado kayong mainit." Casual na sambit ng binata na walang pang iataas at nakabalot ang mukha sa damit na tanging mata lang ang nakikita.
Tila nabato ang lahat sa kinatatayuan ng makita ang tatak ng dragon sa likuran at ang number 1 na nakamarka sa kaliwang dibdib ng binata.
'A-Argo.'
Mapa Silversius at Erco napaatras habang nakatingin sa binatang nasa gitna. Ni walang sino man ang gustong gumalaw o gumawa ng ingay dahil sa takot.
Skyler Lacson's POV;
Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko nanaman ang nakakabinging ingay na yun na ilang araw ko ding hindi narinig at naramdaman.
Nakakatakot na masarap sa pakiramdam.
"Mylady." Napalingon ako ng may lumapit na lalaki at hinawakan yung nangangalang Venus kasama ang batang umiiyak.
"T-Teka lang Hellion." Ani ng tagapag mana ng Silverius habang nakatingin sakin at sa lalaking nakatalikod samin.
"Marami na akong narinig tungkol sainyo at alam kong ako ang pinunta niyo dito." Ani ng dalaga magsasalita ang mukhang Domino ng tagapag mana ng pigilan niya ito at tumingin sakin.
"Tutulong ako kabayaran sa pagligtas niyo sa buhay ko at sa tulong na ginawa ng lalaking nasa likuran mo." Dagdag ni Venus.
"Kayo na bahala kung pano niyo ako kokontakin paalam."
"Tara na bata ihahatid na kita."
Nung araw na din yun natapos ang misyon hindi man namin siya naisama pero pumayag siyang tulungan kami.