Chapter 19
Skyler Lacson's POV;
Pagkatapos ng pag punta namin sa High Society mas lumala pa ang nangyari lalo na ng malaman naming mas nagwala si Lord Aragon dahil sa nalamang hindi pa din kami sakop ng High Society dahil sa dalawang tagapag mana ng Argo at Embre.
Mas dumami ang kaguluhang nangyari saan mang panig ng bansa lalo na dito sa kamaynilaan dahil sa pangingialam ng Astrals at paglapag ng shoot to kill order sa mga tagapag mana na utos na din ng kasalukuyang Argo.
"Hindi na nakakapagtakang nakokontrol ni papa ang council." Ani ni Phantom na kinatingin namin.
"What do you mean kuya?" Tanong ni Khairo.
"May nakuha akong info na nagkakagulo din ang mga nasa itaas dahil sa pagkamatay ng isa sa limang Supreme at malakas ang kutob ko na may kinalaman si papa dun." Ani ni Phantom na kinamura ng ilan sa magkakapatid.
"Kung nandito lang si Kuya L sigurado akong alam niya ang gagawin." Rinig kong sambit ng isa sa magkakapatid na hindi ko na inabalang tingnan.
Dahil sa totoo lang yun din ang naiisip ko.
"Hindi ko na alam kung saan tayo magsisimula at kung anong gagawin natin. Aayusin ba ang gulo sa high society at hahayaang habul habulin tayo ng mga Astrals o Uunahin nating linisin ang pangalan natin at kumuha ng tig isang miyembro galing sa silverius at Erco habang nagkakagulo ang buong high society." Sabat ni Hector na kinabuga ko ng hangin.
Kahit anong piliin namin gulo pa din at sobrang kapos na kami sa oras. Pagdating ng blood moon at hindi pa namin naayos ang mga Aragon katapusan na namin.
"Hindi tayo pwedeng basta basta maglapag ng baraha lalo na sa sitwasyon natin ngayon hanggat maari iwasan niyong may mangyari sainyong masama specially sa putang inang kuya niyo na kung saang impyerno sumuot at hindi natin mahanap." Ani ko bago tumayo at naglakad palapit sa veranda.
"May sinusunod na tradisyon ang high society at maari nating magamit yun pansamantala." Ani ko bago lingunin sina Allison na nakatingin sakin.
"Kailangan natin sumubukan lahat ng paraan na makikita natin." Ani ko habang nakayukom ang kamao.
"Pupunta na tayo sa phase 2." Ani ko na kinalaki ng mata nina Aki.
"No!ate Sky! Sira na ba ang ulo mo?!" Bulyaw ni Madison na kinatayo nito mula sa kinauupuan.
"Ate palalain mo lang ang sitwasyon para kana ding magpapakamatay sa gagawin mo." Ani ni Aki.
"Ate sasama kami kailanga---."
"No." Ani ko bago walang emosyong tingnan si Madison na kinaupo nito pabalik.
"Pag nahuli ako sinong magtutuloy sa misyon natin?hindi pwedeng lumabas ng ganun ganun na lang ang mga Aragon kailangan nila ang grupo natin." Sagot ko.
"Pagpapakamatay yang gagawin mo." Sabat ni Killua.
"Bakit may naiisip pa ba kayong ibang paraan para maayos ito?" Ani ko na kinatahimik nila.
"Pero ate madali mo ngang mahahanap ang mga taga pagmana ng Silverius pero ate hindi ganun kadaling malapitan sila." Nag aalalang sambit ni Allison.
"Mga skillied killer ang mga Domino ng Silverius at hindi mo din alam kung mapagkakatiwalaan kung sino mang madadampot mo dahil sa galing nilang magpretend at magmanipulate ate ang daming what if. Walang kasiguraduhan lahat ng planong gusto mong gawin." Dagdag ni Mesiree na kinadilim ng anyo ko.
"Anong gusto mong gawin Mesiree tumuanganga tayo dito? Magtago hanggang sa dumating ang blood moon at husgahan ang mga yan? O hintaying ubusin tayo n putanginang matandang Aragon ns yun?" Nanggagalaiting sagot ko.
Kung wala kaming gagawin walang mangyayari wala na kaming oras.
"Pag tuluyang bumagsak ang High society ng Asia katapusan na nating lahat at wala na tayong pagpipilian kung hindi antayin ang kamatayan natin. Kailangan nating mag sakripisyo at hindi maiiwasan yun kung gusto natin maibalik natin ang lahat." Ani ko bago tingnan sina Phantom.
"Linisan ang daan para sa mga Aragon at panatilihan silang ligtas habang wala pa ang blood moon. Yun ang trabaho nating mga Embre at kailangan nating gawin." Bulong ko.
"Kung alam ko lang kung sinong kaaway at kakampi ako na ang uubos sakanila." Nagdidilim ang anyong sambit ng isa sa mga Aragon na kinatahimik.
Sa ilang buwan nilang pananatili dito masasabi kong nagpipigil lang sila. Kitang kita yun sa expression at aura nila lalo na ng malamang pati sa gitna ng mall naghahabulan ng bala ang mga grupo sa High society.
Pagtangkang pagpatay kay Trigger kamakailan lang na kung hindi iniactivate ni Mesiree ang sleeping gas dito sa main lab para nanamang mga halimaw na nagwala ang mga Aragon.
---
"Ate ano ng gagawin natin?"tanong ni Aki ng umalis sandali ang mga lalaki na mukhang nasa training room nanaman.
Kung anong ginagawa nila dun wala kaming alam.
"Nakausap ko kagabi si Dark naiinis na daw siya sa ginagawa natin." Ani ni Mesiree na kinailing lang niya ng mag angat ako ng tingin.
"Ano pa bang iniexpect mo sa mga aragon." Ani ko na kinatawa niya ng mahina.
"Claud." Ani ko bago tingnan si Claud na nakatayo sa hindi kalayuan samin at nakayuko.
Nung mga bata kami isa sa mga kalaro ko nun si Claud sa palasyo bago kami itrain para maging tagapag bantay ng mga Aragon.
At nung nasa tamang edad na kami sa iisang tao kami binaba at yun yung pangalawang beses na nagkita kami ulit.
"Ano yun mylady?" Tanong ni Claud bago humakbang at lumapit sa pwesto namin.
"Wala bang sinasabi sayo L nung magkasama pa kayo?" Tanong ko na kinatingin nina Allison.
"Wait? Isa ba satin si Claud?" Tanong ni Madison.
"Isa din ang pamilya ni Claud sa may pagkakautang sa mga Aragon pero hindi katulad natin wala silang kahit na anong posisyon sa High Society." Ani ko bago tingnan si Claud.
"Walang sinasabi si Master L sa plano niya." Ani ni Claud habang nakayuko.
"Basta ang alam ko lang pinaalis niya sina Young masters sa palasyo para lang pigilan ang mga ito." Ani ni Claud na kinatingin naming lima.
"Teka?anong pinaalis?hindi ba tumakas sina Khairo?" Tanong ko na kinatingin ni Claud.
"Pinaalis sila ni Master L hindi sila tumakas." Ani ni Claud.
'Pinaalis wag mong sabihin na---.'
"Hindi naman tama ang iiisip ko diba?" Tanong ko na kinangiti ni Claud.
"Kung ano pong gusto niyong paniwalaan yun na po yun Mylady." Magalang na sagot ni Claud bago yumuko na kinamura ko.