18

1030 Words
Chapter 18 3rd Person's POV; "Kahit kailan problema ka sakin." Pokerface na sambit ng babaeng nasa 23years old habang nakatingin sa batang nasa walong taong gulang habang may hawak na isang sanggol. "Pasok kayo." Ani ng babae bago buksan ang pinto ng---. "Kuhanin niyo po ang kapatid ko."walang emosyong sambit ng batang lalaki bago iabot ang sanggol na nabanalutan ng pulang balabal na agad kinuha ng babae. "Saan ka pupunt---." "Hindi nila pwedeng makita ang kapatid ko." Bulong ng batang lalaki bago nanakbo kung saan. "Bata!" Sigaw ng babae na kinamura nito dahil hindi ito makatakbo dahil sa dalang sanggol na ngayon ay umiiyak. "Ayoko talaga sa bata." Nakasimangot na bulong ng binata habang nakasampa sa nagtataasang pader at isubo nito ang may kagat ng slice ng cake. "Ano kayang sunod kung papasukin?" Bulong ng lalaki bago iangat ang tingin para tumingin sa langit na punong puno ng bituin. "Mga hindi sila nag iisip." --- "A-Anong sinasabi mo?!panong nabura?!" Bulyaw ng isa sa mga babaeng nakatakip ang kalahating mukha habang nakatingin sa isang monitor. "Hindi basta bastang kaso ang binagsak ni Lord Aragon sa mga anak niya." Ani ng matanda bago tingnan ang limang dalaga na nasa likod ng glasswall kung saan nakikita ang buong computer room. "So?tama ang balibalitang walang rules ang mga Aragon?" Ani ng dalaga na kinatingin ng matanda. "Labas ang High Society sa hidwaan ng anak at ama pero iba na ang usapan pag may nasa posisyon na ang nadamay." Ani ng matanda bago magsindi ng sigarilyo. "Sa ngayon wala pang interes ang council sa mga tagapagmana dahil unang una buhay pa ang matandang Aragon,pangalawa walang nilalabag na batas ang mga tagapagmana pangatlo...wala pa sa tamang gulang ang bagong Argo." Ani ng matanda na kinahinga ng maluwang ng mga babae. "Labas pa kami sa sa batas ng High Society yun ba ang ibig niyong sabihin?" Tanong ng dalaga na kinatango ng matanda. "Pero sa darating na blood moon kailangan bumalik ng mga tagapag mana ng Argo para sa pagpapalit ng pwesto." Ani ng matanda. "Then bakit may nilabas na silver card ang council?" Tanong ng dalaga. "Kung totoong tumiwalag ang mga batang tagapag mana sa Argo which si Lord Aragon malamang si Lord Aragon ang nag utos nun at kinasabwat ang ilang council." Ani ng matanda na kinamura ng nga babae. "Wtf!bakit naman ganun?!bakit kailangan mangialam ng mga nasa itaas?" Tanong ng dalagang si Madison na kinailing ng matanda. "Marami ng nagbabago sa High Society at mas gumulo pa ito ng mapasa pwesto si Lord Aragon dahil halos kalahati sa miyembro ng council napapaikot niya." Ani ng matanda habang nakahawak ng madiin sa pinakaedge ng lamesa. "Nagsisimula na din magkasiraan ang mga Council dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Silverius at Erco." Ani ng matanda na kinayukom ng kamao ng dalagang si Skyler. "Mukhang mas malala pa ito sa inaakala ko." Ani ng dalaga. --- "f**k!" Mura ng binatang si Trigger ng mapaupo ito sa pinakasulok ng kwarto habang dumudugo ang gilid ng labi at hawak ang kaliwang bahagi ng tiyan. "Sumama kana pahirap ka pa eh." Nakangising sambit ng binata bago hilahin sa buhok ang binatang si Trigger habang nakapalibot sakanya ang napakaraming humanoids. "Nasan ang mga putang inang kapatid mo?" Walang emosyong sambit ng lalaki. "Kahit gutay gutayin mo ang katawan ko dito hinding hindi ko sasabihin kung nasan ang mga kapatid ko gago." Nakangising sambit ng lalaki ng----. "Aaah!" Sigaw ng lalaki ng untugin siya ni Trigger at mabilis na tumalon ng automatic na nagpaputok ang mga humanoids hanggang sa sika sila na magkatamaan dahil sa pakikipag habulan ng binata sa bala at sa liit ng espasyo ng kwarto. "Isang utak ipis sama mo pa ang mga mga taong puro turnilyo ang nasa ulo." Bulong ng binatang si Trigger habang nakangiwing nakahawak sa tagiliran. "Patay ako nito kay Levi damn it." Mura ng binata bagi hubarin ang suot nitong tshirt na puro dugo at naglakad palabas ng pent house habang pinipigilan ang pagdurugo ng sugat. "Anong---." Napatigil ang binata ng paglabas niya ng penthouse nagmukhang sementeryo ang labas ng bahay niya dahil sa mga walang buhay ng mga taong nagkalat sa bakuran. ---- "Ayos ka lang langit?" Ani ng binata ng makita ang dalaga sa veranda at nakatingin sa napakalaking buwan na nasa kalangitan. "Natatakot ako Lazarous." Bulong ng dalaga ng maramdaman niya ang binatang papalapit sa pwesto niya. "Bakit kasi hindi mo buksan ang ilaw dito?" Nakasimangot na tanong ng binata na kinatawa ng mahina ng dalaga sa katotohanang magkaiba sila ng iniisip. "Kupal papipiliin kita sa candy at cupcake pag pinili mo ang candy hindi ka na pwedeng kumain ng cupcake. Pag pinili mo ang cupcake hindi kana pwedeng kumain ng candy anong pipiliin mo sa dalawang yun kung pareho mo silang gusto?" Tanong ng dalaga na kinanguso ng binata bago sumandal sa veranda at nanahimik ng ilang minuto. "Yung candy kasi gusto ko siya kasi sweet siya at maganda yung mga kulay." Ani ng binata na kinatingin ng dalaga. "Pero yung cupcake gusto ko yun kasi mabubusog ako at pag kumakain ako nun naalala ko mama ko." Sagot pa ng binata bago ngumiti. "Mas pipiliin ko siyempre yung may sentimental value para sakin hindi yung gusto ko lang." Dagdag ng binatang si Lazarous na kinatigil sandali ng dalaga. Skyler Lacson's POV; "Mas pipiliin ko siyempre yung may mas sentimental value para sakin hindi dahil sa gusto ko lang." Hindi ko maiwasang matawa ng marinig ko ang simpleng sagot niya sa pambatang tanong ko. Pero yung tanong na yun yung pinakamalapit sa problema ko. Ayokong magsakripisyo ng kahit na sino para lang magawa at matapos namin ang responsibilad namin pero kung wala akong gagawin at wala akong isasakripisyo ng kahit na ano. Walang mangyayari baka dahil sa kahihintay ko hindi ko mapansing nawala na pala ang dalawang bagay na gusto kong protektahan. Napahawak ako ng mahigpit sa railing ng may isa pang idea na pumasok sa isip ko. "Kailangan kong mahanap si L." Bulong ko na hindi ko napansing napalakas pala. "L?sino yun?" Napatingin ako kay Lazarous ng nagtataka itong tumingin sakin. "Ano wala matulog kana." Ani ko bago tumalikod at maglakad papasok. Kailangan ko siyang mahanap sa kahit na anong paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD