Chapter 15

2179 Words
Harold's POV "I'm sorry.." pahuli kong basa sa sulat ni Krystal na mahigpit kong hawak. Where is she?! Saan s'ya nag punta?! Bakit hindi ako kasama?! Why she needs to find herself?! Hindi ba n'ya mahahanap ung sarili n'ya pag kasama n'ya ako?! Hindi n'ya man lang sinagot lahat ng tanong ko kung anong problema! "Tal.. where are you?" saad ko sa sarili ko. Sumasakit ang ulo ko kakaisip kung nasaan s'ya. Ayokong pumunta sa bahay nila dahil paniguradong hindi ako sasagutin ng mga tao doon nang matino at sasabihin pang baka iniwan ako though yes! Iniwan naman talaga ako pero hindi na madadagdagan ung sakit. Matagal akong nakatunganga at hindi alam ang gagawin bago ko naisipan kuhain ung phone ko at tawagan si Krystal.. that's actually my last option.. ayoko muna sana s'yang tawagan dahil baka mas lalong lumayo.. but I don't have a choice, I'm f*cking worried about her. Bago ko pa makuha ung phone ko, tumunog na ito kaya naman nag madali akong kinuha iyon sa pagbabaka sakaling, si Krystal ung tumatawag but no.. it's Caith. "Hi, Caith, is there any problem?" bungad ko dito. [Hi Atty. Harold, I just want to remind you. Sir Miggy will have a meeting today with contract signing] saad nito kaya naman napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto namin. I was so shocked when I saw the time! It's already 8:25am! Gano'n ako katagal tumunganga at inisip kung nasaan si Krystal! F*ck! "Ah! Yeah.. May I know what time is that meeting?" tanong ko dito habang nag lalakad papunta bathroom. [9am po, Atty] tugon nito. "Okay! I'll be there. Thank you," sagot ko na lang at binaba na ung tawag. Mabilis akong naligo at nag bihis. Inayos ko ung gamit ko at saktong nakita ko ulit ung letter ni Krystal. "I'll be back! I have to finish this, babalikan kita at hahanapin, Krystal!" kausap ko doon sa papel 'ska naglakad palabas ng unit ko. Habang nasa byahe, I tried to call her many times but it seems she turn off her phone or much worse. Krystal is a smart girl alam n'yang tatawagan ko s'ya at aalamin kung nasaan s'ya at hindi ko rin s'ya titigilan kaya paniguradong pinatay n'ya iyon. Nakarating ako sa ME na limang minuto na lang at alas-nuebe na! Kaya naman nag madali akong lumabas at umakyat sa conference room para sa meeting. Hindi naman ako ang Head ng Legal Department, pangalawa lang ako pero pag ganitong may contract signing, Miggy requested na ako ang sasama sa kan'ya. Pumasok ako at pilit pinakalma ung sarli ko. Saktong pagkaupo ko, bumukas muli ung pinto at pumasok ung kaibigan ko. Nasisigurado kong alam n'yang late ako dahil nakatingin s'ya sa akin, na parang magtataka. Naupo s'ya sa pwesto n'ya malapit sa akin at kinuha ung phone n'ya 'ska binaba, bigla naman nag chimed ung phone ko. From: Migs 'Attorney, kindly fix your hair' Basa ko sa message sabay tingin sa kan'ya na seryosong nakatingin sa akin tapos tinignan ung buhok ko then mouthed 'fix yourself' kaya naman nag madali akong ayusin ung buhok ko na mukhang kanina pa ata magulo. --------------- "What happened to you? You look so mess earlier!" singhal sa akin ni Miggy habang nakaupo kami dito sa conference room. Dalawa na lang naman kami dahil tapos na silang mag signing na muntikan pang maudlot dahil may nakita akong pag kakamali na ako pala ang mali. I really messed up ealier! Para kasing lumulutang ang utak ko! I'm thinking of Krystal! Nandito man ako but my mind is not here! Napatingin ako kay Miggy nang katukin n'ya ng dalawang beses ang lamesa. "Earth to Harold? Sanay ako sa malalalim mag isip dahil sa asawa ko pero madali akong mainis kung hindi s'ya ang kaharap ko," saad nito na mababakasan mo ng pag kairita. "Nothing.. something came up tapos late na ko nagising kaya hindi ko napansin n-" "You look like a mess?" putol nito sa akin na ikinatango ko ng dalawang beses. "Wow! That's not you, but fine! I let that slide. If you can't work today, just go home and rest kesa nakikita kitang mukhang ewan," saad nito at tumayo. Hindi naman nakakaoffend para sa akin ung mga salita ni Miggy, bukod sa boss ko s'ya dito sa ME, alam ko din na concern s'ya sa akin. Tinanguan ko lang naman s'ya at nakita kong nag lakad na s'ya paalis pero panandaliang tumigil nung medyo nakalampas na sa akin. "You and Zie are almost the same, itatago ang problema hangga't kaya, ang nilamang lang sa'yo ng asawa ko, magaling mag tago ng emosyon si Zie but you.. you're not. Kaya kung may problema ka at hindi mo na kaya, you can call us. May asawa at karelasyon lang kami nila Theo pero handa pa din kaming tumulong at damayan ka," saad nito 'ska nagtuloy sa paglalakad n'ya palabas ng conference room. Naiwan ako doon na nag iisip kung anong gagawain ko, should I tell them that Krystal left me? Pero anong sasabihin kong rason ng pag alis n'ya? Hindi ko naman talaga alam! Marahas kong ginulo ulit ung buhok ko at tinanggal ung neck tie ko. "Krystal.. what happened?!" bulong ko sabay tayo at kuha ng bag ko. Bago pa ko makasakay ng elevator, someone approach me, "Atty. Vasquez! Is there something wrong? Why you look like a mess.." saad ni Atty. Tine Rutollo. Anak s'ya ng isa sa mga head dito sa ME and naging classmate ko s'ya sa isang subject ko sa Law School. "Nothing. Sorry, Atty. Rutollo, I need to do something, I have to go," saad ko dito at akmang lalakad but she immediately grab my arm kaya naman hinarap ko s'ya na nakataas ang kilay. "Do you need something?" I ask. "Ahm.. maybe you want to have a coffee with me?" she ask but I immediately shook my head and remove her hand on my arm. "I'm sorry, I have important thing to do, much more important than having a coffee. Now if you'll excuse me, I have to go." I frankly said to her then walk away. Mabait naman ako, kinakausap ko naman s'ya but I don't like girl who do the first move or like flirting.. kaya nga nakapalagayan ko sila Krystal ng loob unang beses namin magkita kita dahil hindi sila nanlalandi. May goal sa buhay! Hindi puro harot! And hindi ibig sabihin na wala si Krystal sa paligid, I'll do the flirting thing, no! A big NO! Wala s'ya paano ako haharot! S'ya lang naman ang gusto kong harutin at landiin. Nakababa ako ng parking lot at pasakay na ng kotse ko nang maisipan kong mag message kay Miggy. To: Migs 'off to work, I'll report you tomorrow. Thanks' Then I hit the send button. I immediately hop in to my car then drive straight to one of our laundry branch. I need some mom's advise, kaya naman as soon as I got there, bumaba ako agad at pumasok ng laundry shop namin. Tinanguan ko lang ung mga worker na nandoon at agad na tinanong kung nasaan si Mama. "Ma," mahinahon na bati ko dito nang makapasok ako sa opisina n'ya dito. "Oh! Attorney! Anong ginagawa mo dito at bakit ganyan ang itsura mo? Wag mong sabihing nakipag hiwalay si Krystal sa'yo at hindi mo hinabol?! Bakit anong ginawa mo at nakipag hiwalay?! I like her for you.. she's a s-" "Ma, wala pa kong sinasabi, masama bang dumalaw?" tanong ko dito at malungkot na umupo sa couch dito. "E bakit ganyan ang itsura mo?" tanong nito at itinigil ang ginagawa n'ya. "Ma, umalis si Krystal," pag amin ko at malungkot na tumingin sa kan'ya. Hindi ako nahihiyang magsabi sa mama ko dahil noon pa man, s'ya na ang sinasabihan ko ng mga hinaing ko. Hindi ko man masabi kila Theo pero kay Mama nasasabi ko dahil isa iyon sa turo nila sa aming mag kakapatid. Mag lihim ka na sa iba wag lang sa magulang mo. "Why? Anong nangyari?" tanong nito at lumapit sa akin. "I don't know.. she said sa sulat na iniwan n'ya, she want to find herself alone, she want to breathe, she want to know what's her real purpose in life.." kwento ko at ngumiti ng mapait. "Hindi ba pwedeng mahanap n'ya ung sarili n'ya nang kasama ako? Is being with me is not one of her purpose? May tendency bang nasasakal s'ya sa akin? Bakit hindi n'ya sinasabing may problema?" tanong ko sa kan'ya. Nakita kong huminga nang malalim si Mama at dahan dahang umuo sa tabi ko. "Alam mo kasi, anak. May dalawang uri ng taong naglilihim. Ang isa, nag lilihim para hindi maramdaman ng mga tao sa paligid n'ya ung sakit na naramdaman, nararamdaman at mararamdaman n'ya. While the other one, natatakot s'yang magsabi dahil natatakot s'ya sa magiging response ng pagsasabihan n'ya, nagkakaroon ng doubt na baka negative ang maging response, natatakot s'yang mareject, natatakot na hindi madamayan at masisisi sa lahat, kaya imbes na mag sabi pipiliin nilang itago at sarilinin," "Both of that thing is not good, alam mo naman 'yan dahil bata pa lang kayo, sinabi na namin na wag kayong mag lilihim sa amin ng papa n'yo dahil walang magandang maidudulot ang pag lilihim, mahihirapan lang kayo pero hindi naman natin hawak ang isip ng isang tao kaya sa tingin mo? Ikaw ang mas nakakakilala sa atin kay Krystal, nasaan s'ya sa dalawa na iyon?" salaysay ni Mama kaya napaisip naman ako. Maybe Krystal is the other one, she's too scared to tell what on her mind because of the rejection and negative.. but does it mean she's doubting my love for her? Does it mean she's questioning my support to her? After naming mag usap ni Mama, umuwi ako ng unit to rest pero alam ko namang hindi mangyayari iyon dahil bawat sulok ng unit ko may parte na si Krystal dito. Kahit saan may mga gamit na s'ya, kahit saan naaalala ko na ung mga ginagawa at ginawa namin. Nagpunta ako ng kwarto at mas nanlumo ako. Dahil nakita ko ung mga art work ni Krystal, photos pati ung paint n'yang kaming dalawa. It's a charcoal art, we are both smiling. Bahagya naman akong tumingin sa daliri ko na may smiley tattoo.. "I hope you're smiling like our tattoo, Hon.." malungkot kong bulong.. Ang kaninang pagiging kalmado ko unti unting napapalitan ng pag aalala at pangamba.. unti unting napapalitan ng lungkot at takot.. ung kaninang malakas na Harold sa labas ng unit ko.. unti unting nawawala at napapalitan ng isang Harold na mahina. Naramdaman ko na lang ung mga balikat ko na yumuyugyog at may mga tumutulong luha sa mata ko. Ang sakit lang kasi.. hindi ko alam kung anong problema naming dalawa.. maayos naman kami pero bigla parang ang layo n'ya. Biglang parang hindi ko na s'ya maabot kahit katabi ko lang s'ya at nayayakap.. ang sakit sa kaisipan na she's doubting me without even trying.. but hindi ko naman s'ya masisi dahil sa evironment na meron s'ya noon but maybe her friends know why she left, maybe sila Nicole ang nakakaalam. Mag iintay muna ako.. baka bukas o mamaya tumawag s'ya.. but I hope she's doing well.. I hope she also miss me like I miss her. 3rd Person POV Bahagyang napaigtad si Krystal nang huminto ang sinasakyan n'yang bus sa terminal kung saan s'ya baba. Mabilis s'yang kumilos upang kunin ang mga gamit n'ya. Sinigurado n'yang wala s'yang maiiwan lalo na ang address kung saan n'ya makikita ang tatay n'ya. Mula sa bus station na pinaglapagan n'ya ay sasakay pa s'ya ng jeep papuntang San Manuel, hindi n'ya alam ang ruta papunta doon kaya naman nagtanong na lamang s'ya at ayon ang tinuro sa kan'ya. Hindi man alam ng dalaga kung ano ang makikita n'ya doon nagpatuloy pa din s'ya sa byahe papunta sa tunay n'yang ama. Mula sa babaan ng jeep, sumakay s'ya ng tricycle papuntang Brgy. Colubot. Isang mataas at magandang bahay bumungad sa kan'ya nang tuntunin n'ya ang nasa papel. Bago pa s'ya makakatok sa malaking bahay, agad na s'yang napapikit dahil sa sigawan ng mga tao sa loob. "Ay naku! Ikaw ang nauna sa ating mag loko kaya wag mo akong pag salitaan ng ganyan! Umuwi lang naman ako dito para kumuha ng mga damit at aalis na din!" eskandalosang sigaw ng babae na mababakasan n'yang palabas ng malaking bahay. "Hala sige at umalis ka! Mag pabuntis ka sa ibang lalaki! Ayon naman ang gusto mo," malakas din na sigaw ng lalaki. Sa hindi n'ya malamang dahilan, biglang kumabog ung puso n'ya at parang kinabahan. She want to turn around and run pero parang nakaglue ang mga paa n'ya huli na dahil bumungad sa kan'ya ang isang babaeng tingin n'yang sumigaw kanina. "Sino ka?" tanong nito na hindi n'ya agad nasagot. "Sino na naman ang kausap mo, Sonia?!" tanong nung lalaki na nasa likod at tinignan s'ya nito. Agad na nanlaki ang mata ng lalaki nung nakita s'ya at mukhang hindi inaasahan na mapupunta s'ya sa lugar na kinalalagyan nito. "K-Krystal!" ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD