Chapter 14

2126 Words
Krystal's POV "I'm sorry for your lost, mahina din talaga ang kapit ng bata, dagdagan pa ng malakas na pagkabagsak mo ng dalawang beses," saad ng doctor na tumingin sa akin. Para akong nabingi sa lahat ng sinabi n'ya sa akin. Para akong napako sa kinahihigaan ko habang iniisip kong buntis ako pero hindi ko naramdaman, may nabuo sa bahay-bata ko kahit pa sinabing imposible akong magkaanak! Pero nasaan na?! Wala na! Sinayang ko ung pagkakataon?! Umalis ang doctor na nagtingin sa akin kaya naiwan kami nila Mama at Papa dito. Sila pala ang magdala sa akin dito. "Uuwi na ko," saad ko, kahit hirap ako sa pag upo dahil masakit pa din talaga ang balakang ko pinilit ko. "Hindi ka pa pwedeng umuwi, mahina ka pa," pigil ni Papa sa akin pero tinignan ko lang s'ya na puno ng galit at pagkamuhi. "Dahil sa inyo, nawala ung anak ko?! Dahil sa anak n'yong demonyo! Pilit n'yo na nga akong tinatanggalan ng karapatan na makita ung totoo kong tatay, pati ung anak ko kinuha n'yo sa akin! Alam n'yo ba ung pinag dadaanan ko?! Hindi 'di ba?! Kasi wala kayong paki alam! Puro lang pera ang habol n'yo?! Ung anak na kinuha n'yo sa akin?! Hindi ko na alan kung kailan ulit ako mag kakaroon no'n?!" puno ng galit kong sigaw sa kan'ya habang may mga tumutulong luha sa mata ko. "Magpabuntis ka na lang ulit kay Harold, anak lang naman pala! Kung sigawan mo kami! Marami nga d'yan na nagpapalaglag ng anak dahil ayaw nila! Ikaw, gusto mo? Edi mags*x kayo nang mags*x ni Harold!" sigaw din ni Mama sa akin kaya s'ya naman ang hinarap ko. "Madali lang makipags*x! Ang mahirap ang mabuntis, Ma. Nadiagnosed akong infertile pero biniyayaan ako! Milagro na iyon, 'di ba?! Pero anong nangyari?! Nawala dahil sa inyo!" umiiyak na saad ko sabay takip sa mukha ko. Ano na lang ang sasabihin ko kay Harold! Wala na kong mukhang maihaharap! Napakapabaya ko! Napaka iresponsable ko! Hinayaan ko lang na lumabas ung mga luha ko dahil sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon.. bakit ba ganto?! Ako ata ang nagbabayad sa mga kasalanan ng mga magulang ko. Mabilis akong nagpunas ng luha at tumayo ng tuluyan, saktong may pumasok na nurse kaya nakapag sabi ako. Kahit hindi pa talaga pwedeng lumabas, pumirma na lang ako ng waiver para makalabas. Binayaran ko lahat ng bill namin at lumabas na ng ospital. Agad kong hinarap ang mga kinilala kong mga magulang at taas noong tinignan. "Sabihin n'yo sa akin, sinong tatay ko at saan ko s'ya matatagpuan?" mahinahon pero may diing tanong ko sa kanila. "Wala kang mapapala kung pupuntahan mo s'ya," tinatamad na tugon ni Mama. "Wala akong paki alam! Ang gusto ko sabihin n'yo sa akin! Kung hindi n'yo sasabihin kakasuhan ko si Lance! Child abuse at pananakit sa asawa! Baka nakakalimutan n'yo, lawyer si Harold! Kayang kaya kong isumbong sa kan'ya ung ginawa ng anak n'yo sa akin kaya namatay ung anak namin," matapang kong saad sa kanila na mukhang hindi naman nila inaasahan iyon. "Karlo! Karlo de Guzman!" halos pasigaw ba sagot ni Mama sa akin. Sinabi n'ya ang lugar kung nasaan ang tatay ko. Ibinigay n'ya lahat ng info ng ama ko pati contact number nito at buong address. Agad akong tumalikod at naglakad ng paika-ika at hindi na muli silang nilingon! Gusto kong hilingin na hindi na sila makita pero alam kong malabong mangyari iyon dahil kahit galit ako at nasaktan nila, pamilya pa din ang turing ko sa ilan sa kanila. Muli kong sinulyapan ang papel na ibinigay ni Mama habang nakasakay ako sa taxi. Gusto kong makita at makilala ang taong ito. Ang isa sa may kasalanan kung bakit ganto ang buhay ko. Kung bakit pati ang kaisa isang hinihiling ko na mag karoon ako, nawala pa. Sandali ko munang kinalma ung sarili ko sa labas ng unit bago ako pumasok. Alam kong nandito na si Harold dahil may nabasa akong message kanina na galing sa kan'ya. Inilagay ko ung mga ngiti kong hindi pag aakalain na may dinadamdam. Kakabukas ko lang ng pinto agad na bumungad sa akin ang mukha ni Harold na babakasan mo ng pag aalala. "Okay ka lang? You look pale? Masama ba pakiramdam mo?" sunod sunod na tanong n'ya sa akin. Umiling lang ako at sinalubong s'ya. Mabilis akong yumakap sa kan'ya, ibinaon ko lang mukha kong gusto nang umiyak at magsumbong ng lahat ng nangyayari sa akin katulad ng plano ko pero naiba iyon dahil sa nangyari ngayon gabi. Hindi ko kayang sabihin sa kan'ya. Hindi ko kayang makitang malungkot s'ya dahil sa pagiging iresponsable ko! "Okay lang ako, pagod lang ako at walang lipstick kaya mukha akong maputla," tugon ko habang nakasubsob pa din ung mukha ko sa dibdib n'ya. Mabuti na lang din at may inabot sa maong pants si Mama dahil tinapon na nila ung damit kong may dugo. Niyaya lang ako ni Harold na mag dinner, kaya kahit wala akong gana kumain pa din ako. Tahimik kami pareho at hindi nag sasalita pero ramdam kong tumitingin s'ya sa akin. Nauna akong matapos sa kan'ya na hindi ko man lang nagawang maubos ang pag kain ko. "Pwede bang maligo na ko?" tanong ko sa kan'ya. "Go, ako na bahala dito" saad nito kaya naman ngumiti lang ako at tumayo na, akmang ililigpit ko ung kinainan ko nang pigilan n'ya ako. "Ako na, Hon. Baka hindi ako ikasal sa'yo pag iniligpit mo 'yan," Alam kong biro lang iyon pero sa pakiramdam ko hindi.. bakit parang totoong mangyayari? Bakit pakiramdam ko, hindi ko talaga s'ya mapapakasalan? Pinilit kong tumawa kahit sa loob loob ko, umiiyak na talaga ako. "Bawal daw maniwala sa gano'n baka magkatotoo," biro ko at muling pinagpatuloy ung nililigpit ko at naglakad papuntang sink. Nagpunta na ako sa kwarto namin at deretsong pumasok ng bathroom. Nilock ko ung pinto. Habang patuloy na tumutulo ung tubig sa katawan at mukha ko, ramdam kong tumutulo din ang mga luha ko. "I'm sorry, baby.. naging pabaya si mommy.. hindi alam na nandito ka na pala.. naging abala si mommy sa ibang bagay at hindi ko nalaman agad.. I'm sorry..." mahinang hingi ko ng tawad sa anak kong hindi ko manlang naramdaman na nandito at nabuo sa tyan ko. Akala ko kasi normal lang, sana pala pinansin ko pa din ung pag susuka ko kahit halos araw araw ko naman na iyong nararamdaman.. Tinapos ko ang paliligo ko na alam kong matagal dahil paglabas ko, nakita ko na si Harold na nakaupo sa kama habang nakatingin sa taas. "Maligo ka na," saad ko dito na mariringan mo ng pagkapaos sa boses. Tumingin s'ya sa akin bago tumayo at lumakad papalapit sa akin. Yumakap s'ya sa akin at bahagya akong inamoy sa leeg ko. Agad akong napaungol nang maramdaman ung init ng mga halik n'ya pero agad ko s'yang hininto dahil binilinan ako ng doctor na hindi muna pwedeng makipagsiping sa loob ng dalawang linggo at bukod doon nakakaguilty. "Maligo ka na muna.." saad ko at tipid na ngumiti. Bumitaw naman s'ya sa akin at ngumiti pero alam kong pilit iyon. "Okay, higa ka na.. mukha kang pagod na pagod. I love you.." saad nito at nagpahuling halik sa noo ko 'ska naglakad na papuntang bathroom. Tinignan ko lang ung likod n'yang papalayo sa akin at may luhang tumulo sa akin. Wala pa man pero ang sakit na sa pakiramdam na tinatalikuran n'ya ako kahit wala naman talagang meaning 'tong pagtalikod n'ya sa akin. Naupo muna ako habang hindi alam ang gagawin. Naguguluhan na ko.. hindi ko na alam ung gagawin kong hakbang ngayon. Napunta ang mga mata ko sa bag na dala ko kanina kaya napatayo ako at pinuntahan ito. Agad kong pinunasan ng alcohol ung dugong nakita ko dito pagkatapos ay kinuha ung papel na ibinigay sa akin ni Mama kanina. Tinitigan ko ito bago naisipang dalhin kung nasaan ung phone ko. Mabilis akong naglakad papuntang side table at umupo sa kama. "San Manuel, Tarlac" bulong ko habang tinititigan pa din ung papel. I need to know him.. I need to find him.. Eto muna siguro ang dapat kong unang gawin.. ang alamin kung sino sila.. sigaw ko sa isip ko. Itinago ko sa likod ng phone ko ung papel nang makarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nagkunwari akong tulog at tahimik na nahiga. 'ska ko na siguro sasabihin kay Harold pag handa na ako at nahanap ko na ung mga taong dahilan ng pag hihirap ko. Sasarilinin ko muna ang sakit at lungkot. Naramdaman ko munang lumubog ung kabilang side ng kama bago ko naramdaman ang pag hila sa akin palapit sa matipunong katawan ni Harold. Isang mahigpit at mainit na yakap ang ibinigay nito sa akin kaya wala akong nagawa kun'di ang pumikit at damhin ang init ng yakap n'ya. "Sabihin mo sa akin kung may problema yayo ah.. I'm always here for you.. kakampi mo ko sa lahat, Hon.." rinig kong sambit n'ya pero hindi ako nagsalita. Matagal akong nag intay para lang masigurong tulog na si Harold. Kaya nung narinig kong may hilik na s'ya at kahit paano lumuwag na iyong yakap n'ya. Dahan dahan ko itong inalis at pinalitan ng unan. Mabilis akong kumilos at kumuha ng ilan sa mga damit ko. Inilagay ko ito sa isang backpack ko. Matagal ko ng plano ito, kahit magkausap kami ni Harold, sasabihin kong aalis ako. I'm already file my leave sa office and naapproved iyon agad. Mas gusto ko lang munang umalis ngayon at lumayo.. gusto kong mag isang harapin ung tatay ko.. may takot sa akin na baka kamuhian ako ni Harold pag nalaman n'yang naging pabaya ako sa anak namin. Alam kong mali pero masama bang mag doubt ako dahil alam kong may kulang ako at may kasalanan ako. Bago ako umalis, I wrote a letter for Harold. 'Harold, I'm sorry.. I'm sorry but I have to do this.. I'm want to find myself, I want to think what my real purpose in my life. I have many things comes into my mind and I don't know where to start every time I wanted to share.. I need to think something alone, I want to breathe like a normal people do. I love you and again, I'm sorry.. -Krystal' While writing the letter, hindi magkanda mayaw ung luha kong lumabas at tumulo papunta sa papel ng pinag susulatan ko. Pinunasan ko ung mga luha ko at huminga nang malalim. Tinupi ko ung ginawa kong letter at ipinatong sa phone n'ya, na nasa study table n'ya. Kinuha ko ung phone ko at sinukbit ko ung bag ko kaninang gamit ko. Hindi na ko lumingon at pinilit kong hindi umiyak ulit dahil walang kwenta iyon. Papagurin ko lang ang sarili ko na hindi dapat dahil choice ko ito! Gusto ko ito kaya paninindigan ko at gagawin ko ang dapat kong gawin. Hindi dapat ako mag drama! Gagawin ko ito para sa sarili ko, para sa anak kong hindi ko man lang nakita at para sa pamilyang gusto. 1 months! Just give me 1 months! Bahala na kung mag loko si Haorld kasalanan ko naman, bahala na kung may magustuhan s'yang iba habang wala ako o kung may mabuntis s'yang iba. Kasalanan ko naman, katulad ng pagkakawala ng anak namin. Kasalanan ko. Sumakay ako ng taxi papuntang sakayan ng bus papuntang Tarlac. Habang nasa bus, hindi ko sinasadyang masulyapan ung tattoo na pinagawa namin ni Harold. It was a small smiley tattoo, pareho kaming may ganitong tattoo at pareho smiley. Pinagawa namin 'to nung new year, dahil mag kasama kaming dalawa nu'n na nag celebrate. Pinilit kong pasayahin ung sarili ko nung araw na iyon at habang nagpuputukan sa kalangitan isa lang iyong panalangin ko nu'n na sana mali ang diagnosed sa akin.. na sana mali lang ako ng rinig kila Mama at Papa, na sana hindi ako iwan ni Harold pag nalaman n'ya ung nangyayari sa akin.. Agad akong napapunas sa pisngi ko nang maramdaman ko ung luha ko. That moment for me is a bitter sweet. Kinuha ko ung phone ko para sana mag patugtog but I saw my lock screen. It's Harold who was smiling at me while holding a baby shoes. Eto ung nagpunta kami ng department store para bumili ng rgalo kay Nicole at Miggy nung kasal nila at hindi sinasadyang napunta kami doon tapos kinuha n'ya. sinabi ko picturan ko s'ya kaya naman ganoon ang ginawa n'ya. He really wants to have a baby but I can't give it to him. I let out a deep breath para maalis ung mga luhang gustong lumabas. I just copy all their numbers then tinanggal ko ung sim ko at binali sabay tapon sa kung saan. 'it's me for now.. babalik din ako..' --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD