Chapter 16

1786 Words
Krystal's POV "K-Krystal.." rinig kong saad ng lalaki sa likod ng babaeng pakiramdam kong sumigaw kanina. Hindi maipagkakailang kamukha ko s'ya. Ung hugis ng mukha ko at mukha n'ya ay malaking sampal sa akin na s'ya ang tatay ko. "Kayo ho ba si Karlo de Guzman?" magalang na tanong ko habang nakatitig sa kanila. "Sino 'to? Babae mo na naman?! Aba ang bata ata nito! Parang kasing edad lang nung anak mo sa malanding babaeng taga Maynila!" singhal nung babae na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw?! Humanap ka ng iba! Matanda na 'tong lalaki na 'to! Tatay mo nang maituturing 'to kaya wala ka ng mapapala! Bukod doon mahina sa kama ang lalaking 'to!" habol n'ya tapos inayos ang bag. "Shut up, Sonia!" saway nung lalaki. "I'm sorry, Krystal. Matabil talaga ang dila nitong Tita Sonia mo. Why are you here? May kasama ka ba?" tanong nito sabay hawi doon sa Sonia ang pangalan. "Don't tell me, sya ung anak mo sa labas?" tanong nito na muli akong tinignan. "Kahawaig mo! S'ya nga 'yon!" saad nito at umirap irap pa. "Bahala ka na d'yan, Karlo! Kung gusto mo patirahin dito yan, hala sige! Aalis naman ako," saad nito at lumabas na ng bahay at mabilis na nag lakad sa kotseng nakaparada sa halos harap lang ng bahay. "Pasensya ka na. Ganoon lang talaga yang si Sonia. Bakit ka nga pala napunta dito? Magaling ka na ba? Sabi ng nag aalaga sa'yo naospital ka daw dahil may sakit ka.. halika at pumasok ka muna," saad nito kaya naman dahan dahan akong pumasok bago lumingon sa kotse nung Sonia. "Saan ho s'ya pupunta?" tanong ko kahit alam ko naman talaga kung saan s'ya pupunta. "Ah.. sa bago n'yang kinakasama, pag nag hiwalay sila, uuwi naman iyon dito," tugon nito kaya napakunot ang noo ko. "Mag asawa po kayo, tama? Bakit may kinakasama s'ya?" maang maangan kong tanong. Kahit alam ko naman na ung sagot nagpakatanga akong tanungin. "Hiwalay na kami.. simula nung nabuo ka, nagkaroon na kami ng problema," saad nito kaya naman hindi ko naiwasang hindi matawa ng sarkastiko. 'what a life!' "Ako ho pala ang may kasalanan ng pag hihiwalay n'yo," saad ko na may tunog sarkastiko. Hindi s'ya nagsalita pero natigilan s'ya ng unti tapos lumakad ulit. Nagkanda letche letche pala ang lahat dahil sa akin but still, deserve ko ba na mangyari sa akin 'to? Hindi ko naman ginusto na mabuo ako sa pagkakamaling sila ang may gawa! "Maupo ka muna," saad nito sabay turo sa sofa na nandoon sa sala nila. Umupo ako at pinagmasdan ang buong bahay. Maganda naman, malaki at maayos pero malungkot kasi parang walang tao. Naalala ko tuloy ung unit ni Harold, ganto din 'yon halos nung hindi pa ako nakatira doon pero nung tumira ako doon, nag karoon kahit paano ng kulay, hindi na boring.. may mga nakasabit ng paintings, pictures at iba pa. I know he will be broke if he finds out na umalis ako. Kalmado lang iyon sa labas pero paniguradong tuliro na iyon. 'I'm sorry, Hon.. hindi pa ako handang harapin ka at sabihin sa'yo' "Bakit ka pala napunta dito? Sabi ng mga nag alaga sa'yo, nasa ospital ka kaya nagpadala ako ng pera sa kanila," Nabaling ang tingin ko sa tatay kong kilalang kilala ako pero wala man lang akong alam tungkol sa kan'ya. Napansin kong galing s'yang kusina dahil may inilapag s'yang tray na may juice at pagkain. Bakit parang ang dali dali lang sa kan'yang kausapin ako? Walang pag sisisi na iniwan ako at hindi inalagaan. "Bakit kilala n'yo ako?" tanong ko dito na hindi sinasagot ung mga tanong n'ya sa akin. Kunoot noo itong tumingin sa akin na parang may mali sa sinabi ko. "Anak kita kaya kilala kita," saad nito na parang nag tataka. "Binibigyan ako ng mga litrato mo ng mga nag aalaga sa'yo," habol n'ya. "Hindi kita kilala bilang ama," pag amin ko kaya naman mas kumunot ang noo n'ya. "Nagpunta ako dito dahil gusto kitang makilala dahil nalaman kong hindi ko totoong magulang ang mga nagpalaki sa akin," dagdag ko "Paanong hindi mo ako kilalang ama at sila ang kilala mong magulang? Nagpapadala sila sa akin ng video na tinatawag mo kong papa?" tanong nito. Napangisi ako dahil sa sinabi n'ya, mukhang hindi lang ako ang naloko ng mga iyon pati pala ang sarili kong tatay. "Kung kilala kita, matagal na kitang pinuntahan dahil noon pa man gusto kong umalis sa puder ng kinikilala kong magulang. Hindi n'yo ho alam ang dinanas ko sa pamilya ng mga taong pinagkatiwalaan n'yong alagaan ako," saad ko sabay iwas ng tingin dahil naramdaman kong may luhang tumulo sa mata ko. Naalala ko na naman ung nangyari sa akin nitong nakaraan. Panandalian kaming nahintong dalawa dahil sa mga nalaman namin pareho. Bago ako muling tumingin sa kan'ya. "Ano ho bang nangyari? Bakit ako napunta mga kinikilala kong magulang? Gusto hong malaman," saad ko na ikinataas ng tingin n'ya sa akin. Bahagya s'yang huminga nang malalim bago nag salita. "Ako at ang nanay mo ay hindi talaga mag kakilala. Nag kita lang kami nang madestino ako sa Maynila. Nag kataon na nag kayayaan kami ng mga kasama ko sa trabaho kaya napunta kami sa isang bahay aliwan at doon kami nag kita ng totoo mong nanay. Dalawang gabi kaming nagsama at itinuring ang isa't isa na mag asawa dahil nasa ibang bansa ang asawa n'ya at ako naman ay nandito pero nung kailangan ko nang bumalik dito, doon na naputol ung meron kami. Akala ko hindi na kami mag kikita pa pero isang araw nakita ko s'ya dito sa tapat ng bahay at sinabi sa aking buntis s'ya at ikaw nga iyon. Naniniwala naman ako na ako ang ama pero dahil may asawa kami pareho, hindi ko pwedeng angkinin kaya pinaalis ko s'ya pero nalaman ng asawa ko kaya nagkaroon kami ng pagkakalabuan at nag umpisa s'yang mag loko," Hindi ako umiimik at hinahayaan lang s'yang mag kwento pero habang ginagawa ko iyon. Isa pala talaga akong hindi plinanong bata. Sa dalawang araw nilang nag sama hindi nila inaasahan na mabubuo ako at magiging dahilan ng kaguluhan ng mga buhay nila. "Simula nung tinaboy kita, kinain ako ng konsensya ko kaya hinanap ko ang nanay mo pero hindi ko na nakita kaya nag bakasakali akong tinanggap ka ng asawa ng nanay mo kaya pilit kong inayos ang relasyon namin ng asawa ko pero after nang halos isang taon, may nag punta dito at sinabing ipinaalaga ka ng nanay mo at hindi na binalikan, muli kitang itinaboy dahil maayos na kaming nagsasama ulit ng asawa ko, pero nung nalaman kong ayaw n'ya palang mag buntis kaya pala matagal na kaming walang anak, sinubukan kong kausapin s'ya na kukunin na lang kita pero hindi s'ya pumayag, sinabi n'yang pag kinuha kita, hindi magiging maganda ang buhay mo dahil sa kan'ya kaya kinausap ko ang kaibigan ng nanay mo na alagaan ka at mag bibigy na lang ng sustento, sinabi ko din na ipakilala nila ako sa iyo.. nabalitaan ko na mahina ang katawan mo at lagi kang nasa ospital kaya lagi akong nagpapadala ng pera sa kanila, sinubukan kong makipag kita sa'yo noon pero hindi sila pumayag dahil baka daw mabigla ka at may mangyaring masama sa'yo kaya nagkasya ako sa video at picture mo," Paliwanag n'ya pero umiiling iling ako sa mga sinabi n'ya. Mga Hayop iyon ah! pinag kakitaan ako! "Uulitin ko ho, hindi kita kilala bilang tatay ko at hindi ho naging maganda ang naging buhay ko sa kanila. Nagpapasalamat ho ako na inalagaan nila ako pero hindi ho nila ako itinuring na anak, kun'di isang bagay na pag kukuhaan nila ng mga luho nila. Hindi ho ako sakitin pero ung mga anak nila nagiging sakitin pag hindi nakukuha ang gusto. Hindi ho ako maluho at nag kakasya na sa kung anong ibibigay nila dahil ganoon nila ako inalagaan," saad ko at hindi na napigilang tumulo ang luha ko. "Gusto ko hong malaman n'yo na galit na galit ako sa inyo dahil nagpakasarap kayong dalawa ng nanay ko pero hindi n'yo inisip ang batang mabubuo sa ginawa n'yo.. ako ho ang nagbabayad sa lahat ng kasalanang ginawa n'yo, ako ho ang nag-sa-suffer sa panloloko n'yo sa mga asawa n'yo.. ung dinanas ko sa puder nung nag aalaga sa akin na kinikilala kong mga magulang ko, para ho akong isang batabaing baboy na anytime pwede akong ibenta sa lahat ng mga nakikilalang lalaki ng tinuring kong ina. Simula nung natuto akong magbanat ng buto, binabayaran ko na ung pnyetang utang na loob ko sa kanila na hindi naman dapat dahil binabayaran mo sila para alagaan ako, naging gatasan ako ng mga akala ko pamilya ko!" puno ng galit at umiiyak kong panunumbat sa kan'ya habang pilit pinupunasahan ang mga luha ko. "Hindi ko alam na ganoon ang dinadanas mo sa kanila dahil lagi lang nilang sinasabi na, nasa maayos kang kalagayan," saad nito sa mababang boses. "Nasa maayos ho akong kalagayan ngayon dahil.." panandalian akong tumigil at huminga nang malalim sabay iwas ng tingin. "Dahil I'm living with my boyfriend," mahina kong tugon sa kan'ya. Napabalik naman ang tingin ko sa kan'ya nang makarinig ako ng pagsinghap. Nakita kong nagulat s'ya at parang nag isip. "You're living with you boyfriend?! Ibig sabihin, wala ka na sa puder nila?!" tanong nito. "Matagal na ho akong wala sa puder nila. Almost 3 years.. simula ho nang magtrabaho ako sa Monticlaro Enterprise, umalis na ho ako sa kanila pero hawak pa din nila ako sa leeg but when I met my boyfriend, he's the one who help me to cut those strings to them.. tinulungan n'ya akong maalis sa napakahirap nilang puder!" untag ko habang naiyak dahil naalala ko si Harold. "And yes! Kakalabas ko lang ng ospital kahapon, bakit? I had a miscarriage because of them, because of their son! Actually dahil sa inyong lahat!" Nakita ko sa mga mata n'ya na mas nagulat s'ya at may halong pag aalala. "I'm sorry to hear that.. anong nangyari?" nag aalalang tanong nito at hindi ko na nagawang mag salita dahil umiyak ako nang umiyak. Hanggang sa nakaramdam ako ng isang mahigpit na yakap.. isang yakap na matagal ko nang gustong maramdaman.. yakap ng isang magulang na handang damayan ang anak nila sa oras ng kahirapan.. walang malisya at walang halong kakaibang pakiramdam.. purong yakap ng isang ama sa anak. Naging komportable ako sa yakap n'ya. Hindi katulad nung yakap ng kinikilala kong ama, na simula nung nag kaisip ako itinigil ko na ang pag yakap sa kan'ya dahil sa dahilang naiilang ako pero dito sa lalaking kamukha ko na nakayakap sa akin.. komportable akong sumandal sa balikat n'ya at umiyak. ---------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD