Krystal's POV
"Hindi ka namin anak," saad n'ya.
Alam ko naman na pero bakit mas masakit na sa mismong kinikilala kong nanay mang galing na hindi nila ako anak.
Hindi ko nagawang magsalita dahil gusto kong ituloy n'ya lahat ng alam n'ya. Mukha namang napansin n'ya ung gusto ko kaya tumingin s'ya sa akin at marahas na nagkamot ng pisngi n'ya.
"Pnyeta talaga! Kaibigan ko ung nanay mo! Anak ka sa pagkakasala ng mga magulang mo! Kung baga, pareho silang may pamilya pero dahil malandi iyong nanay mo, ayon at nagpabuntis sa ibang lalaki, OFW kasi ang asawa n'ya! Kaya nung nanganak, sinabi alagaan ko muna pero ang p*tang*na! Lumandi lang tapos hindi na bumalik! Pilit kong inaalam kung nasaan pero nianino ng pnyetang iyon ay hindi na makita! Kaya lumapit ako sa tatay mo, pero tinaboy ka din nung una at susustentuhan ka pero 'di kalaunan, gusto n'yang kunin ka pero hindi naman gusto ng asawa n'ya kaya walang nagawa ang tatay mo kun'di ang ipaalaga ka sa akin at panatiliin sa puder ko," pahayag n'ya at umiwas ng tingin muli.
"At habang nasa puder n'yo ako, magbibigya s'ya ng pera? At kaya ayaw n'yo akong pakawalan dahil pag nalaman n'yang wala na ako sa puder n'yo, hindi na rin s'ya magbibigay sa inyo kun'di direct na sa akin?! Tama ba?!" tugon ko na may diin sa bawat salita.
Hindi s'ya sumagot kaya alam kong tama ako. Marahas akong napailing at pinunasan ang luha ko.
"Nasaan ang tatay ko?" madiing tanong ko.
Agad naman s'yang humarap sa akin at nakikita kong may galit s'ya sa mga mata n'ya.
"Wag mong subukang pumunta sa ama mo at sabihing lahat ng nangyayari! Wala kang utang na loob! Magpasalamat ka at binuhay kita kahit para ka lang tutang iniwan ng p*ta mong nanay sa akin!" sigaw n'ya.
"Matagal ko nang pinagbayaran ang utang na loob na iyon, Ma! Simula nung natuto akong kumayod, binabayaran ko na iyon?! Hanggang kailan ko ba dapat pag bayaran iyon?!" sigaw ko din sa kan'ya at para naman s'yang kidlat na mabilis na kumilos at malakas akong sinampal.
"Kulang pa lahat ng binigay mo sa pag aalaga ko sa iyo?! Pati iyong tatay mo nung nalaman na nagtatrabaho ka na, kalahati na lang sa napag usapan naming sustento ang binibigay n'ya. Kaya wag mong sabihin na matagal ka ng bayad dahil wala pa sa kalahati ang nakukuha ko sa inyo!" sigaw n'ya sa akin na dinuduro duro pa ko at sa huling panduduro n'ya inilapat n'ya iyon sa ulo ko at ginamit na pantulak sa akin.
Dahan dahan ko s'yang hinarap at tinignan ng seryoso sa mata. Pinunasan ko ung luhang tumulo sa pisngi ko dahil gusto kong maging matapang sa harap n'ya lalo na sa mga sasabihin ko.
"Kulang pa? Kaya ba halos ibenta mo ko sa mga lalaking nakikilala mo? Kulang pa ba na halos lahat ng sahod ko ibinibigay ko sa inyo?! Kulang pa ba na lahat ng gastusin ng mga batugan mong anak, sa akin mo inaasa?! Kulang pa ba?! Anong kailangan mo?! Kailangan mo ibenta ung kaluluwa ko para lang mabayaran ko ang pt*nginang utang na loob na 'yan?! Kasi kung ayon lang ang sagot?! Sige! Ibenta n'yo na! Para naman makawala na ko sa pnyetang puder n'yo!" madidiing saad ko at galit na kinuha ung bag ko para makaalis sa bahay.
Bago ako makalabas, nakita kong nandoon na si Kaye kasama si Lara na nakatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin at nagtuloy tuloy lang.
Mabilis akong naglakad paalis ng bahay kung saan wala naman pala talaga akong lugar!
Habang maglalakad ako, naramdaman ko na lang na may mga patak ng tubig sa aking mga braso. Napatingin ako sa kalangitan, doon ko lang napansin na sobrang dilim pala at mukhang malakas ang ulan na babagsak.
"Nakikiramay ka ba sa misirable kong buhay?" tanong ko dito habang naghahalo ang patak ng ulan sa patak ng luha sa mata ko.
Sumilong ako saglit para matawagan si Harold na wag na akong sunduin.
"Hon, wag mo na ko sunduin. Dito muna ako matutulog sa bahay," bungad ko dito.
Hindi muna ako uuwi ng unit n'ya dahil ramdam kong namaga ung sampal sa akin ni Mama sa akin. Mag tataka iyon at baka biglang sumugod sa bahay. Ayoko na ulit makita iyon sa mga mata n'ya, ung galit dahil nasaktan ako.
Huli ko s'yang nakitang naging ganoon nung kay Sanya na sinampal ako.
[You sure? Okay. Ingat ka, lock your door. Okay? I love you] saad nito.
"Opo, bye"
Mabilis kong pinatay ung tawag, isinilid ko ung phone ko sa bag at muling naglakad sa malakas na ulan.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa. Pero sa ngayon hindi muna ako uuwi at babalikan ko sila Mama para alamin kung nasaan at sinong tatay ko?
Parang gusto ko mawala sa mundong ibabaw dahil mismong mga magulang ko, ayaw sa akin. Ayaw na nga ako bigyan ng anak na pwede kong makasama at pag alayan ng pagmamahal na niminsan ay hindi ko natikman, pati mga totoong magulang ko ayaw din sa akin.
Aayawan din ba ako ni Harold pag nalaman n'yang hindi ko maibibigay ung pamilyang gusto n'ya? Natatakot akong marinig sa mismong bibig n'yang ayaw n'ya sa akin. Natatakot ako!
---------------
"Tala!" masiglang bati sa akin ni Nicole nang magpunta ako sa bahay nila.
It's been 3 weeks since magkaroon kami nang confrontation ni Mama, sa ngayon hindi muna ako umuuwi pero babalikan ko sila dahil kailangan kong malaman ang totoo.
"Nics.. off ko ngayon kaya nagpunta ako dito, kumusta ka?" tanong ko sa kan'ya dahil kahapon hindi s'ya pumasok dahil nanakit daw ang t'yan. Napatingin ako sa likod n'ya at nakita ko doon si Sir Miggy na nakangiti lang sa amin. "Hi Sir!" bati ko dito.
Bumati lang din ito sa akin at nagpaalam na iiwan muna kami dahil may gagawin daw.
"Okay lang ako, hindi naman na sumasakit ung tyan ko pero bedrest muna ako," nakangiwi n'yang saad kaya napatango ako at hinawakan ung t'yan n'ya.
"Excited akong makita 'to," saad ko na may unting nagiging emosyonal.
Hinawakan ni Nicole ung kamay kong nasa tyan n'ya at pinisil iyon.
"Kumusta ka?" tanong nito sa akin.
"Hindi ako okay, Nics.. inamin na nila Mama na hindi nila ako tunay na anak, hindi nila sinabi kung sino pero babalikan ko sila dahil gusto kong malaman. May mga kwento si Mama about sa pag iiwan ng mga tunay kong magulang sa akin pero hindi ko alam kung totoo," pag amin ko sa kan'ya habang nakayuko.
"Nasubukan mo na bang tanungin?" tanong nito sa akin.
Tumango ako at tinignan s'ya. "Hindi nila sinabi, ayaw nilang makilala ko dahil baka dawag sumbong ako," saad ko.
Nakita kong nabahala din s'ya, simula nung nagbuntis si Nicole, minsan hindi na n'ya nakocontrol ung feelings n'ya at kusa iyong lumalabas sa mata n'ya.
"Anong balak mo?" 'di kalaunang tanong nito sa akin.
Yumuko ako at pinaglaruan ko ung mga daliri ko.
"Gusto kong lumayo at hanapin ung magulang ko pag sinabi na nila sa akin.. gusto kong mag isip.. gusto kong kamuhian ako ni Harold dahil sa gagawin ko," pag amin ko.
"Paano naman kami kung lalayo ka? Bakit hindi mo muna kausapin si Harold? Tell him about this, mahal ka no'n kaya papakinggan ka nu'n.." saad nito na ikinangiti ko ng mapait.
"Mamahalin n'ya pa din kaya ako kung malaman n'yang hindi ako magkakaanak?" sarkastiko kong tanong.
"Nag-da-doubt ka na ba sa feelings n'ya? Nasubukan mo na bang sabihin? Why not talk to him first bago ka mag desisyon ng pag alis, hindi naman sa pinipigilan kita but try to talk to him first.. malay mo maging mapayapa ang isip at puso mo kung makikipag usap ka sa kan'ya," saad ni Nicole.
Nag-da-doubt nga ba ako? Baka nga mag maging mapayapa ung isip ko kung makikipag usap ako.
"Natatakot ako. Natatakot ako na baka pag sinabi ko sa kan'ya, ayawan n'ya din ako," saad ko dito at bahagyang naluha.
"Walang masama kung susubukan mo 'di ba?" nakangiting saad nito.
Eto na naman ung ngiti n'ya na nagsasabi na magiging okay lang ang lahat.
"Nics.. natatakot ako," umiiyak na sumbong ko sa kan'ya.
"Nandito lang kami.. maiintindihan ka ni Harold kung kakausapin mo s'ya about sa nangyayari sa'yo at sasabihin mong hihingi ka muna ng space. I know hindi kita mapipigilang umalis dahil matagal na kitang pinipigil pero please... Talk to him and tell him your plans," saad nito.
Hindi ko na napigilang yumakap sa kan'ya nang maingat at bahagyang umiyal doon.
This is why I love to talk to Nicole sa mga gantong problema. Hindi n'ya lami pipigilan kung alam n'yang buo na ung desosyon namin.
Maybe tama na mag usap kami ni Harold bago ako umalis para lahut paano alam n'ya ung nanyayari.
Madami pa akong nirant kay Nicole na nakikinig at minsan natatawa dahil minsan walang kwenta ung nirarant ko. Gusto ko lang s'ynag kausapin at habaan ang oras ko dahil uuwi ako ng bahay.
"Ingat ka pauwi ha.. balitaan mo ako, dito lang ako, Tala" paalam n'ya habang palabas ako ng gate nila.
"Opo. Tawag ako mamaya, balitaan kita, bye! See you, when I see you!" saad ko at nagpaalam na sa kan'ya.
Sumakay ako ng taxi at nagpunta kila mama.
Sana maganda ang kahinatnan nito dahil hindi ko na talaga ang gagawin ko kung hindi nila ako sasagutin nang maayos.
Mukhang wala naman dito si Mama at Papa. Dahil si Sha na naman ang nakita ko.
"Sila Mama?" tanong ko dito.
"Wala, Ate. Umalis sila ni Papa makikipagkita daw sila kay Karlo? Ewan ko kung sino iyon, kanina pa iyon. Baka pabalik na din," saad n'ya.
"Saan daw sila magkikita nung Karlo? Baka tatay ko 'yon!" aligaga kong tugon sa kan'ya.
"Hindi ko alam, Ate. Wala namang sinabing l-"
"Wow! Bakit bumalik ka pang ampon ka?" rinig kong bati ni Lara sa akin pero tunog nanghahamak iyon.
"Hindi naman ikaw ang kailangan ko, kaya wala akong paki sa'yo," saad ko dito at humarap kay Shanine. "Pwede mo ba akong itext kung makakauwi agad sila Mama?" tanong ko sa kan'ya na ikinatango n'ya sabay hele sa baby n'ya dahil umiyak.
"Wow! Nagkasundo ang parehong sampid sa bahay na ito," sarkastikong singhal sa amin ni Lance pero hindi ko na lang pinansin.
"Patahimikin mo mga iyang batang iyan! Napaka ingay!" saad ni Liza na biglang sumulpot sa kung saan.
Mga wala atang pasok itong mga 'to.
"Alis na ko, Sha. Text mo na lang ako," bilin ko sa kan'ya at bahagyang ngumiti.
Tumango lang s'ya at pilit pinatahan ung bata dahil nag aalburoto ung mga kakapatid doon. Si Lance naman parang tanga din na pinapatahimik ung anak n'ya gamit ang mga sigaw sigaw.
Palabas na ako nang marinig kong sumigaw si Sha kaya binalikan ko sila ng tingin. Nanlaki naman ung mata ko nung makita ko ung scenario nila.
Hawak ni Lance ung anak n'ya sa kili kili habang niyuyugyog iyon. Pilit namang inaagaw ni Sha pero malakas si Lance kaya hindi n'ya makuha, ung bata iyak lang nang iyak dahil sa nangyayari. Wala din namang paki si Liza at Lara.
Agad akong lumapit para tulungan si Sha na kunin ung bata pero agad akong tinulak ni Lance palayo at sa sobrang lakas no'n tumama ako sa sofa at malakas na bumagsak sa sahig.
Kahit parang dinaanan ng bulldozer sa sakit ung pang upo at balakang ko. Tumayo ako para muling tumulong, this time mas nilakasan ko at mas binigyan ng pwersa kaya nabitawan n'ya at agad na ikinuha ni Sha.
"Anong problema mo?! Anak mo yan tapos sasaktan mo?! Wala kang kwenta!" bulyaw ko sa kan'ya. Humarap ako kay Sha na yakap yakap ung anak n'ya. "Mag impake ka! Iuuwi kita sa inyo! Walang kwenta ang mga tao dito!" madiin kong saad ko sa kan'ya.
"Ang kapal ng mukha mo ah! Sino ka ba?! Sampid ka lang naman dito kung makaasta ka akala mo kung sino ka," nakangising saad ni Lance tapos humarap kay Sha. "Subukan mong umalis! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," saad nito at naglakad na. "Tabi nga!" sigaw nito sabay tulak sa akin na ikinatumba ko na naman ng malakas.
Mas malakas ang impact na nangyari kaya mas masakit sa balakang ko at pwetan ko. Halos hindi ako makatayo dahil sa sakit nang ginawa n'ya.
"A-Ate.. may dugo.."
Napatingin ako kay Shanine nung narinig ko ung sinabi n'ya pero agad din lumipat sa akin nung nakita kong nakaturo s'ya sa akin.
"T*ngina! Jane!" sigaw nang kung sino.
Agad nanlabo ang paningin ko dahil sa luhang lumalabas galing sa mata ko. habang naramdaman kong may bumuhat sa akin.
'no.. please...'
------------