Chapter 9

1991 Words
Krystal's POV Present.. Nagising ako sa mahihinang katok na nagmumula sa pinto ng kwarto kung saan ako namamalagi.. Nag unat muna ako bago tumayo papuntang pinto.. pagbukas ko nakita ko si Danica na nakangiti sa akin. "Let's eat! Nakaluto na si Buntis #2," masiglang saad n'ya kaya natawa ako. Si Nicole ung tinutukoy n'ya dahil number 1 si Kim dahil unang nagbuntis. "Sige, hilamos lang ako tapos baba na ko," nakangiti ding tugon ko kaya tumango na lang s'ya at umalis na. Himinga ako ng malalim bago naglakad ako pabalik ng kama para kunin ung phone ko. May message si Harold. From: Atty. H 'currently eating, hope you're doing well there, wag mag palipas ng gutom. I love you..' Napangiti na lang ako. Harold is still the Harold mula umpisa hanggang ngayon. To: Atty. H 'Kakain na din. I love you more..' Reply ko tapos ibinaba muna saglit at naghilamos na para makababa. Pagbaba ko, nakaluto na nga si Nicoel at ang sarap ng pagkain mukhang pinalagyan nila ng stock dito before kami pumunta. "'di ba dito kayo nagnew year ni Miggy?" tanong ni Kim na ikinatango naman ni Nicole habang sumusubo ng pagkain n'ya. "Anong ginawa n'yo dito?" habol n'yang tanong kaya sabay sabay kaming nasamid dahil sa kapilyahan na naman n'ya. "Kimberly! We're eating! 'yang kahalayan mo na naman.." saad ni Danica na parang nastress sa kan'ya. "Tinatanong ko lang naman.." usal n'ya sabay higop ng sabaw n'ya. "Kayo, Camille? Saan kayo gagawa ng baby?" Mukha naman nag isip si Camille at seryosong sinagot si Kim. "Gusto ko ung unang alis ko ng Pilipinas is Japan ang punta ko.. pupunta ako doon sa Akihabara ata 'yon! Tas bibili ako ng mga legit na gamit ng mga favorite characters ko sa Anime," masiglang saad n'ya na parang sayang saya na nag i-imagine. "Akala ko pa naman gagawa kayo ng baby doon, hindi pala.." pairap na saad ni Kim. "Puro ka pag gawa ng baby, kaya ayan. nagkababy," biro ni Nicole "Wow! nag salita ang may baby sa t'yan," bwelta ni Kim. Hindi naman na sumagot si Nicole pero natawa na lang sa mga sinabi ni Kim.. Natapos kaming kumain nagpahinga lang ng unti at nanuod ng mga movies since mainit pa sa labas.. "Kumusta naman ung father ni Keith?" tanong ni Nicole kay Camille na nagkwento about sa pagkikita nila ng papa ni Keith. "Mabait naman.. tapos ung tangkad ni Keith nakuha n'ya sa papa n'ya.. hawig sila pero mas hawig ni Tita Joan, I mean ni Mama Joan si Keith.. nakakatuwa lang na kahit may pamilyang iba na ung papa nila close naman sila doon.. casual na usap," "Akala ko talaga nung una wala na ung dad n'ya but hindi pala.." sabi naman ni Danica na biglang natawa si Cams. "Actually, ako din.. kasi ang sabi n'ya sa akin nung una, wala na daw! So akala ko wala na as in.. you know.." saad n'ya na natawa. Di naman din namin naiwasang hindi matawa sa sinabi n'ya bakit kasi ayon ang sinabi pwede namang sumakabilang bahay! Nagkwentuhan pa kami doon at nang usisa ng mga kung ano ano sa love life ng bawat isa bago naming naisip na mag palit ng damit at mag punta ng resort para mag picture at lumangoy. I wear my pink 2 piece swimsuit na bigay ni Dani.. tinignan ko ung sarili ko sa salamin.. ang ganda ng katawan ko.. apple size na dibdib, bilugang pwet, medyo malaking balakang at impis na t'yan. Hinawakan ko 'yon at hinimas himas.. napapikit pa ko at parang nag iimagine.. naramdaman kong may basang tumulo sa pisngi ko kaya napadilat ako.. I should enjoying this vacation.. hindi ko dapat iniisip ung mga bagay bagay na magpapalungkot sa akin.. Pinunasan ko ung luha ko at naghilamos, kinuha ko ung see through dress ko tapos sinuot. I let out a deep sight and put my smile.. tapos bumaba na. Dala ko din ung camera ko dahil magpipicture taking kami. Pagbaba ko nandoon na ung dalawa. I took my camera and give them a stolen shoots. Napangiti naman ako dahil normal na normal ung ganda ng mga kaibigan ko. Nagpunta kami sa resort at hindi naman maiwasan na may mga tumitingin sa amin pero meron ding mga nakabantay.. di na mawawala 'yon basta nasa puder kami ng Monticlaro at kasama namin ang asawa, lagi na kaming may bantay.. "Game! Picture!" sigaw ko. Kaya naman ang mga nangunguna sa awrahan nagsipag pose! Ako naman dahil hilig ko talaga ang pagkuha ng litrato, click lang ng click. Hilig ko talaga 'to, this is my dream course.. Fine Arts and Photography but sabi ni Mama aksaya lang daw sa pera kaya naman napunta ako sa Marketing dahil doon daw madaling makakuha ng trabaho lalo na maraming kompanya ang nag hahanap ng Marketing Staff. Hindi din talaga ako dapat sa AHC mag aaral para syempre tipid. Kahit naman may kaya ang pamilya namin, gusto ko pa din magtipid dahil sila Mama ay parang takaw na takaw sa pera. Pero ipinilit ni Mama na AHC dahil kaya naman daw nila akong sustentuhan. During entrance exam, sinubukan ko na ding kumuha ng scholarship para kahit paano kung makapasa ako, tipid pa din. Sa awa naman ng Diyos, nakatipid kami ng kalahati dahil nakapasa ako as half scholar ng AHC. At doon ko nga nakilala sila Kim na unang kumausap sa akin at doon ko sila naging close.. matatalino, magaganda at mababait.. napaka down to earth ng tatlo na 'yan. During college era ko din, nagtry ako na mag commission sa mga drawings at mga calligraphy ko. Doon sa kwarto ko sa bahay, madaming mga drawing doon, mga qoutes na isinusulat ko thru calligraphy, mga drawing ng anime na ako mismo ang gumawa. Kaya nga din nakaipon ako at nakabili ng camera na gusto ko. Dahil may camera ako, nagtry ako na magsubmit ng portfolio ko sa isang event organizer at doon sa mga event photographer, nakuha din ako doon kaya naman naging madali din sa akin ung college ko dahil may extra income ako. Naging madalang na lang nung malapit na kong grumaduate dahil papasok na ko sa totoong laban ng buhay pero hindi ibig sabihin no'n na hindi na ko kukuha ulit ng litrato o guguhit ng mga larawan. Hindi ko na nga lang madalas magagawa. Nung grumaduate kami at nasabi ni Nicole na mag aapply s'ya agad ng trabaho, hindi kami nagpahuli ni Kim. Agad din kaming sumabay at doon naman namin nakilala si Camille na akala namin nung una mataray o mahiyain. Akala ni Kim hindi s'ya papansinin ni Camille pero laking tuwa namin nung pinansin n'ya kami at naging matalik na kaibigan. Mapalad kami na agad kaming natanggap sa Monticlaro Enterprise kaya napadali lahat sa amin. Though nung una mahirap dahil nandoon ung kailangan mong makisama sa mga katrabaho mo, hahanap ka talaga dapat ng mapagkakatiwalaan mo. Lalo na sa aming hiwahiwalay ng category. Mabuti na lang din na naging magkateam kami ni Camille kaya kahit paano may close ako. Ako kasi ung tao na hindi ako ang unang makikipag usap. Pag kinausap mo ko at nakuha mo ang loob ko. Ilalabas ko kung ano ung mga kakulitan ko at totoong ugali ko, at 'yon ang mangyari sa amin nila Nicole. Kaya din siguro kami nagclick ni Harold dahil parehas kami ng ugali. Mahirap din sa parte ko na hindi ako pinayagan magboarding house o kumuha ng apartment na malapit sa ME dahil ayaw nga ako bitawan nila mama pero dahil sinabi ko na napapamahal ako sa pamasahe at mahirap ang byahe. Pinayagan ako pero bed space at sa kaibigan ni mama.. mahal din ng singil sa akin doon at bukod doon, ako din ang sumasagot ng pagkain ko, hahati din ako sa utilities.. para akong umupa ng sarili kong apartment.. Pero hinayaan ko na lang 'yon dahil kahit paano hindi naman na ko uuwi kila mama, nakalaya ako kahit paano.. "Dali! Sunod lima tayo! Pakuha tayo doon sa babaeng nakamasid sa atin," saad ni Kim na todo pose.. Tinawag namin ung sinasabi ni Kim para picturan kami. Tinuruan ko pa sya ng angle na gusto ko para sa amin. After kong maturo sa kan'ya agad akong tumakbo papunta sa mga kaibigan ko na kumukuha ng angulo.. si Kim at Dani lang naman talaga ang kumukuha ng angulo nila. Si Camille, Nicole at ako, kung saan lang abutan ung angulo namin. After naming mag take ng mga pictures namin, we decided to eat here at the resto.. some of us eat seafood but our buntis #1 can't eat seafood dahil allergic s'ya doon, nagpa grill kami ng chicken inasal and liempo.. May mga inilapag din silang mga prutas at mga salad. Napapailing na lang si Nicole dahil sa treatment sa'min dito.. "Gusto ko tanggihan ung fruits but since I love fruits this days.. hindi na lang! Awayin ko na lang si Kalen," biro n'ya kaya nagtawanan kami. "Independent is life but fruits is lifer.." biro ko na kinagiliwan n'ya. "True!" malakas na bulaslas n'ya sabay tusok ng watermelon na nakasama sa fruit salad na ibinigay sa amin.. bahagya kaming natawa ni Camille dahil napapikit pa s'ya sa pagdamdam ng kinakain n'ya. Nung dumating ung pagkain namin. Magana naming pinagsaluhan ang mga 'yon dahil bukod sa pagkain na nandoon, may kasama din freshly blend na fruit shake.. nagkaroon pa kami ng sagutan dahil ang Kimberly gustong kumain ng buttered shrimp, buttered seafoods with corn, inihaw na pusit pero hindi naman namin pinapayagan dahil allegic s'ya sa seafood. "I'm so full! Sayang ang figure!" saad ni Danica na uminum ng watermelon shake n'ya. "Ako din.. tignan mo malaki na ung t'yan ko," saad ni Kim. "Kimbeng! Malaki talaga ang t'yan mo dahil buntis ka! Buang lang?" tugon ni Danica na inirapan pa si Kim. Umirap lang din naman ung isa kaya napailing na lang kami nila Nicole. Tinapos namin ang pagkain doon at nagbayad ng order namin kahit may mga pilitang nangyari. Naisipan na din naming maglakad pabalik ng rest house nila Nicole, para na din pampababa ng kinain.. Hindi naman madilim sa dinadaanan namin dahil bukod sa liwanag ng b'wan may mga puno din na nakatanim na may mga christmas lights pang nakakabit kaya maliwanag talaga. "Pagbalik natin sa rest house, tambay tayo sa seashore tas Nics.. gitara mo ah.." saad ni Camille na tinanguan ni Nicole. "Mag cap lang muna ako tas kunin ko din ung gitara ko," sagot nito. Pagdating nga namin sa rest house, nagkan'ya kan'ya kami ng kuha ng sapin at cap.. tinignan ko ung phone ko at may message doon si Harold. He just asking if kumain na ako, nag eenjoy ba ako and he hope I'm doing great. Hindi na muna ako nagreply dahil na din naririnig ko na sila Kim ba papunta na sa shore. Naglakad na din ako papunta doon at naupo sa tabi nila. Kan'ya kan'ya ng tingin sa malayo.. Nagkaroon ng kwentuhan about sa pagbubuntis nung dalawa.. hindi ko maiwasang hindi mainggit.. hindi ko maiwasang malungkot.. kwestinin.. bakit sa akin? bakit sa akin na gustong magka anak? bakit ung ibang mga babae na ayaw, binibigyan, bakit ako na gustong gusto, tinadhana na hindi bigyan.. "Tala.." rinig kong tawag sa akin ni Nicole kaya naman hindi ako nag alangang lumingon kahit alam kong punong puno ng hinanakit at luha ung mukha ko. Nakita ko naman sa mata nila ang pag aalala at lungkot.. sila lang ang kaya kong kausapin sa mga gan'tong bagay.. nahihiya ako kay Harold dahil he ask for it.. he's waiting for it.. Hindi ko na namalayan na nakalapit na pala sa akin si Nicole.. naramdaman ko na lang ung mainit at mahigpit n'yang yakap kaya mas naiyak ako. Ngayon may tunog na at hindi na ko nag pipigil.. hanggang sa pati mga yakap nila Kim ay naramdaman ko na.. It was suppose to be a happy and good night but I ruined it! Like how I ruin my love's dream.. ---------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD