Chapter 8

1785 Words
Still flashback.. Harold's POV "Hon! Wait! Kinakabahan ako" Krystal said. We're here outside of their house.. kanina pa kami dito pero nakailang 'wait lang' na din s'ya kaya this time hindi ko napigilang hindi s'ya tawanan. "That was the 5th times, Hon! Let's go! Ako bahala! Ayoko sa lahat nilalamangan ka" I said while reaching her hand. "Ikaw bahala, ako kawawa, ganoon?" tanong n'ya na parang naiinis. "Exactly!" malakas na tugon ko kaya hinampas naman n'ya ako nang hindi naman malakas. "Harold! Parang tanga!" inis na bulyaw n'ya sa akin na ikinatawa ko lang. "It's was a joke, hon. Of course, ako ang bahala at hindi ka magiging kawawa. Trust me!" saad ko sabay halik sa kamay n'ya. "Let's go na.." Ako na ang naunang bumaba para bumaba na din s'ya dahil hindi kami matatapos pag hindi ko inunahan. Kinakabahan din naman ako pero desidido ako! Desidido akong ibahay na si Krystal.. Lumabas si Tal na nakabusangot kaya naman natawa ako ng bahagya pero sumeryoso din dahil kailangan kong ipanatili 'yon. Kay Krystal ko lang naman ipapakita ung pagiging maloko at masayahin ko. Pumasok kami ng bahay nila at bumungad agad sa amin ung away nung kapatid n'yang lalaki pati na ung partner nito. "Lalabas na yung anak mo, kung sino sino pang babaeng kinakalantaryo mo!" "Ikaw lang ang nag iisip na may kinakalantaryo ako!" balik ng kapatid ni Tal. Nakita ko naman na napahawak agad s'ya sa ulo n'ya at umiling. "Lance, Shanine.. wag naman kayong magsigawan na halos iparinig n'yo na sa buong barangay ung pinag aawayan n'yo.." saway ni Tal doon sa dalawa kaya naagaw namin ung atensyon nila. Yumuko lang yung babae pero ung kapatid n'yang lalaki. Nagliwanag ang mga mata.. akala mo nakakita ng ginto nung nakita si Tal. At hindi nga ako nagkamali.. he ask Krystal for money, at ang mabait kong mahal naman nagbigay. "Ibili mo ng gamit at kailangan ni Shanine 'yan.." saad nito habang binibigyan ng pera ung kapatid n'ya. Wala namang sinabi ung lalaki basta umalis na lang.. "Pasensya na, Ate.. medyo makalat pa po.. sumakit kasi ung t'yan ko," saad nito sabay dampot ng broom na hawak n'ya kanina. "Okay lang. Magpahinga ka na doon, ako na d'yan baka biglang lumabas ung bata at galaw ka nang galaw. Sila Mama pala?" tanong nito sabay kuha ng hawak na walis doon sa babae. "Ung tatlo po nasa kwarto nila, si Mama po bumili ng ulam, si Papa po pauwi pa lang," saad nito habang nauupo. Tumango lang naman si Tal sabay harap sa akin. "Hintayin na lang natin sila Mama ah," "Sure," Tinulungan ko na lang s'yang iligpit ung kung anong pwede kong iligpit. Saktong tapos namin, magkasabay na dumating ung parents n'ya. Wala pa man, nakangiti na yung Mama n'ya salungat sa itsura ng Papa n'ya. "Aba! Bakit parang nagmamadali kayong dalawa?! Buntis ka?!" ayan ang sagot ng Papa n'ya nang sabihin namin ung balak namin. Agad naman umiling si Krystal bilang sagot.. bakit lagi na lang nilang tinatanong 'yan? Porket gustong magsama buntis agad? Why people always thinking that way? Hindi ba pwedeng gusto lang makatipid? Though pupunta din naman kami doon pero hindi pa ngayon. For now, all I want is to secure Krystal's safety and emotions.. ayokong hanggang pag tulog nas-stress s'ya. "No, sir. Though we're going there too pero hindi pa ho ngayon. Mas makakatipid po kung doon ho s'ya sa unit ko titira, at least ho ung nirerent n'ya sa bed space n'ya maibibigay n'ya ho rito," paliwanag ko sabay tingin kay Tal na nakayuko. Gisto ko s'yang kurutin sa tagiliran dahil sa ginagawa n'ya. Hindi 'yan umuiiyak! Nagpipigil ng tawa 'yan! Sinabi ko na kasi sa kan'ya ung idadahilan ko. Tinawanan lang naman n'ya ako! Panigurado daw na makukumbinsi ko ang Mama n'ya. Hindi naman kami nagkamali.. dahil pumayag nga ang Mama n'ya. Ung Papa naman n'ya. Pag iisipan nito.. "Paano pag iisipan daw.." saad ko sa kan'ya nang makarating kami ng bed space n'ya. "Pag iisipan n'ya, e handa na ung gamit ko," tugon n'ya tas humalakhak kaya nahawa ako. "You are so bad! Paano kung hindi sila pumayag?! Edi mag liligpit ka ulit?" usal ko habang natawa. "Hindi! Payag ka naman, 'di ba? So doon na ko sa'yo," buong tapang n'yang saad kaya hindi ko talaga napigilang hindi tumawa ng malakas sabay hampas sa manibela ko sabay napatingala. "Napapadalas na 'yang tawa mo ah! Ginagawa mo kong clown!" nakangiting saad n'ya. "Sobrang saya ko lang talaga.. kasi nand'yan ka," nakangiting tugon ko. "Go, get your things.. need mo ba ng tulong?" tanong ko. Umiling lang s'ya bago lumabas at kinuha ung gamit n'ya. End of Flashback Sutil kami pareho ni Krystal nung gabi na 'yon kaya kahit ang sabi pag iisipan.. nagsama kaming dalawa. Para sa akin nung gabi na 'yon wala na kong paki kung awayin ako ng tatay n'ya basta malayo ko lang s'ya doon sa lugar kung saan pakiramdam n'ya hawak pa din s'ya ng parents n'ya. Simula no'n mas naging matapang si Tal na kinagusto ko dahil hindi na s'ya ung Krystal na laging takot. Nagkaroon na s'ya ng lakas ng loob na ipagtanggol ung sarili n'ya at alam kong dahil alam n'yang may kakampi na s'ya. Well! I'm always her ally, kakampi n'ya ko sa lahat ng bagay.. Hindi rin madali na tago kaming dalawa habang magkasama kami sa iisang bahay kasi nandoon ung mga kaibigan n'yang ihahatid s'ya. Ako naman susunduin ko s'ya kung saan s'ya ihahatid. Minsan kaming nagtalo dahil doon.. gusto ko nang sabihin pero hindi pa s'ya handa.. akala ko kaya kong tumagal ng isang gabing hindi kami nag uusap no'n pero hindi pala kaya ako mismo ang nakipag bati at doon ang unang beses na halos mawala ako sa sarili ko dahil unang beses namin nagmake out ni Tal. Flashback "We should tell them our relationship.. hindi sa ayokong sunduin ka kung saan ka nila hinahatid pero napapalayo ka, paano kung late na ko makarating tapos napahamak ka," saad ko sa kanya habang nabyahe kami pauwi ng unit ko. It's been a month since Krystal and I decided to live together.. okay naman kami but the struggle is eto! Pagmagkakasama kami at ihahatid s'ya nila Dani o ni Nicole. Napapalayo s'ya. "Wag na muna.. please.. nahihiya pa ko.. pag okay na.. sasabihin na natin.. promise.. atska pwede naman akong magtaxi pauwi tas antayin mo na lang ako doon," saad n'ya habang nakatingin sa labas ng bintana. "Bakit kita aantayin kung pwede naman kitang sunduin?! Krystal naman!" hindi ko mapigilan hindi mainis dahil sa sinabi n'ya. Hindi naman ako mapapagod, gusto ko lang safe s'ya agad.. Hindi na s'ya sumagot hanggang makauwi kami hindi kami nag usap. Naglinis s'ya at ako ng katawan, nahiga na pero wala pa din kaming usap. Magkatalikuran kami dahil nga hindi kami okay.. pero hindi ako mapakali kaya humarap ako sa gawi n'ya at nakatalikod pa din s'ya sa akin.. Hindi n'ya ba ako namimiss? Ako miss ko na s'ya yakapin.. namimiss ko ung pag unan n'ya sa braso ko kahit nakakangalay 'yon, gusto ko naman.. Hindi ako nakapagpigil kaya hinapit ko s'ya at inilapit sa akin sabay isiniksik sa likod n'ya ung mukha ko.. "Are you mad at me?" bulong ko dahil alam ko naman na hindi pa s'ya tulog. "Hindi.. mali din naman ako." Humarap s'ya sa akin kaya ngayon kita kong may luha na lumalabas sa mata n'ya. "I'm sorry if I slightly raise my voice earlier.. frustrated lang ako," saad ko habang pinupunasan ung luha n'ya. Lumapit naman s'ya sa akin at isinisik ung mukha n'ya sa leeg ko.. comfort zone n'ya ung leeg ko. Sa tuwing nakakaramdam s'ya ng pagkainis, lungkot at sakit.. isinisiksik n'ya ung mukha n'ya d'yan.. "Sorry.. 2 weeks! Bigyan mo ko ng 2 weeks.. tapos aminin na natin sa kanila.. please.." bulong n'ya sabay tingin sa akin. "Sure.. kahit kailan basta ready ka na, sorry kanina.." usal ko 'ska inilapit ung mukha ko sa mukha n'ya para halikan s'ya sa labi na minsan lang namin ginagawa. Krystal lips is so intoxicated.. nakakalasing.. lumalim ung halik na meron kami at hindi na ko nagpatpiktumpik pa! Agad ko s'yang inibabawan at ibinaba ung halik papunta sa panga, leeg at balikat n'ya. Bahagya kong sinipsip ung leeg n'ya kaya nakarinig ako ng impit at mahinang ungol galing sa kan'ya. Inangat ko ung halik ko papunta sa tenga n'ya sabay bumulong.. "Next time na ung kasunod.. magtitimpi muna ako.. i love you" Sabay halik sa tenga n'ya, bahagya akong nakarinig ng tawa 'ska ako nakaramdam ng hampas sa sa braso ko. "After you started the fire in me, bigla mong ihihinto?! Bwisit!" mahina pero rinig ko kaya natatawa akong bumalik sa pagkakahiga ko sabay hapit sa kan'ya palapit sa akin. "Promise! Next time! Hindi na ko mag titimpi.. I love you so much.." "I love you too so much, Harold.. thank you for everything.." malambing na saad n'ya 'ska sumiksik sa leeg ko. End Of Flashback Kinabukasan nung araw na 'yon doon din namin na laman na mag asawa pala si Nicole at Miggy.. para kaming tangang lahat no'n dahil inirereto namin silang dalawa sa isa't isa tapos may connection naman pala talaga sila but Miggy is really in love to Nicole matagal na.. Hanggang sa ilang araw din ang lumipas no'n doon na nalaman nila Kim ung relasyon namin hindi ko sad'ya natawag ko s'ya dahil akala ko hindi n'ya kasama sila Kim. Wala na kaming nagawa at inamin na namin. I thought she will be mad at me but no! She was happy and because she was happy.. masaya din ako.. Hanggang sa nalaman na ng lahat na may relasyon kami at hindi na kami naging tago sa mga kaibigan namin.. Masaya kasi nagagawa ko na s'yang mayaya sa ibang lugar na hindi kami nagtatago. "Tol!" Napabalik ako sa reyalidad nang pumasok si Miggy. "Oh?" sagot ko naman at hinintay ung sasabihin n'ya. "Pupunta kami nila Caleb ng Batangas bukas. Gusto mo sumama?" tanong n'ya na nagpakunot ng noo ko pero natawa din 'di kalaunan. "At bakit pupunta kayo ng Batangas? Akala ko para lang sa mga babae 'yon?" nakangiting tanong ko. "Hindi ko kaya.." sagot n'ya na nakangisi. Napailing na lang ako dahil doon.. wala pang isang araw na nalalayo ung asawa n'ya sa kan'ya kung maghabol.. ako din naman pero gusto ko kasing bigyan ng space si Krystal pero namimiss ko na s'ya agad kaya naman.. "Sige 'tol" sagot ko lang kaya nag usap kami kung anong oras ang alis. May meeting daw s'ya ng 7am kaya naman mga 9am daw kami aalis. I hope Tal is doing good there.. ayun lang naman ang gusto ko lagi ang okay s'ya at masaya.. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD