Chapter 10

2259 Words
Krystal's POV "What happen? Why are you crying?" tanong ni Nicole sa akin habang nakayakap pa din. Umiiyak lang ako at hindi pa nagsasalita. Masakit! Ang sakit sakit! "Hindi ako mag kakaanak," mahina pero buo kong sagot sa kanila. "Hindi ko alam kung sinong totoong magulang ko," dagdag ko pa na humahagulgol na. Ramdam kong natigilan sila pero sabay sabay ulit na yumakap. Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap. Ang sakit pa ding balikan 'yon. Flashback Ilang araw na din akong nakakaramdam ng kakaiba sa aking katawan pakiramdam ko. May kakaiba talaga! Katulad ngayon na nagising ako dahil sa pagduduwal ko at ngayon medyo na hihilo na din ako, bukod doon. Dalawang linggo na ata akong delayed. Hindi naman ako tanga para hindi malaman 'tong nararamdaman ko. Ilang b'wan nang may nangyayari sa amin ni Harold at hindi naman ako uminum ng pills, bukod doon hindi rin naman s'ya gumagamit ng proteksyon kaya may posibilidad na meron. Mabuti na lang din at wala akong pasok ngayon at alam ko merong pasok si Harold. Magtatry ako ng pt mamaya para masure ko. "Good morning, hon" Agad akong napabalik sa reyalidad nang yakapin ako ni Harold mula sa likod. Humimas himas pa s'ya sa t'yan ko na parang sinasabing ang tagal magkalaman. 'don't worry.. mukhang meron ng laman 'yan' Saad ko sa isip ko dahil nga pakiramdam ko meron na. Humarap na lang ako kay Harold at binigyan ng mabilis na halik sa labi. "Good morning din, hon" Napangiti lang s'ya at sumiksik sa balikat ko. Ang hirap ng pwesto n'ya dahil matangkad tong lalaking 'to. Nagulat naman ako nang bigla n'ya akong buhatin at s'ya mismo ang nagpulupot ng mga binti ko sa bewang n'ya kaya ako naman ipinulupot ko din ung mga braso ko sa leeg n'ya. "Nauna na sa'tin si Miggy at Nicole, gusto ko na din magkababy, para dalawa na kaming baby mo," bulong n'ya kaya natawa ako bahagya. "Magkakaroon din tayo, malay mo bukas makalawa meron na!" Masiglang tugon ko habang hinihimas ung buhok n'ya. Nakasubsob pa din ung mukha n'ya sa balikat ko. "Sana nga." Nag aangat ng mukha n'yang tugon. "Oh! Pakasalan na kaya kita, para habang mag aantay tayo. Legal na tayong nagsasama. What do your think?" Nagtataas baba pa ang mga kilay n'ya sa akin. Natawa na lang ako at nahampas s'ya sa balikat. "Sige! Para mas lalo tayong kontrahin ni Papa!" biro ko kaya napanguso naman s'ya. "Oo nga pala! Dapat 25 ka muna bago kita mapakasalan para advice na lang at hindi parental consent ang kukunin natin," marahang usal n'ya na ikinatawa ko ng malakas. Hindi kasi s'ya pwedeng gumamit ng kapangyarihan para dito sa kasal na gusto n'ya. Marangal na abogado ang boyfriend ko at ayaw madungisan ang kan'yang pangalan. "Willing to wait naman tayong dalawa e," sambit ko lang naikinatango n'ya. "Kain na tayo at baka mahuli ka sa trabaho mo," yaya ko kaya naman dahan dahan n'ya akong ibinaba at humalik sa akin ng mabilis. Agad naman nag asikaso si Harold matapos naming kumain dalawa. Ako naman naghugas ng pinggan na ginamit. Saktong pag tapos ko maglinis ng kusina, s'yang labas ni Harold sa kwarto na nakakurbata at may bitbit na ung sling bag n'ya kung saan nakalagay ung laptop at ibang files na inaaral n'ya sa ME. Harold is not a wealthy man katulad ng iniisip ni Mama, may kaya sila. Malaki ang bahay at mahahalata mong nakakaangat din pero hindi sila katulad nila Theo, Henry, Miggy pati na din nila Danica na may sariling kompanya. They have 4 family laundry businesses na Mama n'ya ang nag aasikaso. His father is a Police Officer na dapat daw ay susundan ni Harold but he choose another path kaya nasa Law s'ya. May apat s'yang kapatid, nameet ko na din sila last time. Tatlong lalaki at dalawang babae silang mag kakapatid. He's the middle child, kaya daw may pagkasutil kung minsan pero napakabait daw nitong lalaking 'to at maasahan kaya nga daw bagay ang pagiging abogado sa kan'ya. Tatlo sa kapatid n'ya ay may asawa na. Yes! Nauna pa sa kan'ya ung lalaking sumunod sa kan'ya. Kaya din medyo atat na 'yan. "Ingat ka sa pagdadrive. I love you," malambing na paalam ko nang makalapit ako sa kan'ya. "I will, bye! I love you, ingat ka dito. Call me if aalis ka ha," paalala n'ya kaya tumango na lang ako at kumaway sa kan'ya na papalabas na ng pintuan. Naglinis muna ako ng unit namin bago ko naisipang maligo. Hindi rin naman kasi gaanong kakalat kaya hindi nakakapagod lalo na ang laman lang nitong unit. Puro mga papel namin ni Harold. Nadagdagan lang ng mga painting, drawings at photos namin ni Harold. Since mahilig nga ako sa art, Harold give me more space pagdating sa kwarto namin. May isang space s'yang nilaan para sa mga maliliit na painting na ginagawa ko pag nabobored o inaatake ako ng insomia ko. Natapos akong maligo at nagbihis na. Pupunta muna ako ng pharmacy para bumili ng pt tapos dadaan ako ng mall para mag uwi ng pasalubong sa bahay. Sa bahay ko na lang din itatry mag test. Katulad ng plano ko, nagpunta ako ng pharmacy at bumili ng tatlong pt kit. Tapos pumunta ako ng mall para bumili ng donuts, take out food at unting grocery. Sa totoo lang simula nung nag sama kami ni Harold naging mas matipid ako. I mean, hati pa din naman kami sa bills at grocery dahil hindi ko din hinahayaan na s'ya lang pero mas nakakatipid ako kasi ung pamasahe! Atska mas malaki ung naabot ko kay Mama. Nakababa ako sa labas ng bahay namin naririnig ko ng nag uusap si Mama at Papa. Nagsisigawan na nga sila e. "Sinasabi ko kasi sa'yo! Hinayaan mong mapunta doon sa puder ng boyfriend n'ya! Ayan! Edi na hihirapan kang hingan!" saad ni Papa kaya napakunot ang noo ko. Hindi naman ako nahihirapang hingian ni Mama ah. Nag aabot naman ako ng kusa. Papasok na sana ako kaya lang may isang bagay akong narinig kaya nahinto ang mga paa ko papasok. Halos hindi ako makahinga sa narinig ko! Hindi! Bakit naman?! Kaya ba gan'to sa akin sila Mama? Dahil lang sa pera?! "Hihingan ko pa din ung tatay ni Jane! Aba! Hindi pwedeng hindi s'ya magbigay! Manganganak na si Shanine kailangan ng pera ng anak natin. Sila lang ang makakatulong doon! Bukod doon tatakutin ko s'ya na pagmamalupitan ko si Krystal pag hindi s'ya nagbigay," rinig kong usal ni Mama. "Sige! Basta wag na wag mo ding ibabalik si Krystal sa totoong ama n'ya dito lang s'ya sa atin! Dito lang s'ya sa akin!" madiin at puno ng pagbabanta ni Papa. Bakit?! Sinong totoo kong tatay?! Sinong totoong magulang ko?! Bakit nila ako pinamigay?! Alam ba nila kung gaano kag*go ang kumupkop sa anak nila?! Umiiyak akong tumalikod sa bahay at naglakad papuntang sakayan pauwi sa unit ni Harold. Ayokong umuwi! Ayokong umuwi sa bahay na puro kasinungalingan lang pala! So totoo nga?! Hindi talaga ako tunay na anak nila Mama. Sinong magulang ko?! Sinong nag luwal sa akin! Nakarating ako ng unit na. Medyo lutang ang isip ko. Hindi ako palagay! Gusto ko malaman ang lahat. Maghapon lang akong nakahiga sa kwarto at hindi ko namalayang nakatulog na ko, nagising na lang ako nang dumating na din si Harold. "Hon, okay ka lang?" tanong nito sa akin nang makapasok s'ya sa kwarto. Ngumiti ako at inayos ang sarili, pinilit kong tumayo kahit nahihilo ang pakiramdam ko. "Oo. Masama lang ang pakiramdam ko," tugon ko kaya mukha naman s'yang mag alala. Inangat n'ya ung kamay n'ya at inilapat sa noo ko. Mukha naman s'yang nagulat at mas nag alala. "You are burning like hell, Tal! What happen? Umalis ka ba ng bahay?" sunod sunod na tanong n'ya. Mabilis n'yang hinubad ung mga suot n'ya at kumuha ng bagong damit para sa aming dalawa dahil hindi pa nga pala ako nakakapagpalit. Nagsuot muna s'ya ng damit bago s'ya pumunta ng bathroom. Pag labas n'ya meron na s'yang hawak na palanggana at may bimpo doon. "I'll take off you clothes, okay?" nag aalalang turan n'ya. May pagmamadali sa bawat kilos n'ya. Nahubad na n'ya ang lahat ng damit ko maliban sa panty ko. Hindi naman na ako nahihiya dahil ilang beses na n'yang nakita 'to. Sa ginagawa n'ya ngayon ko naramdaman ang init ng pakiramdam ko at ang lagnat ko. Stress ata ako dahil sa mga narinig ko. Bigla namang nag flashback lahat ng narinig ko sa bahay at para akong isang batang bigla na lang umiyak habang pinupunasan ng kuya n'ya. "Hey! What happen? Masakit ba?" tanong agad ni Harold nang makita n'yang umiiyak na ko. Umiling lang ako at pinunasan ung luha ko. "Why are cying? Tell me, hon.. may umaway ba sa'yo nung lumabas ka?" tanong n'ya ulit pero umiling lang ako at yumakap sa kan'ya kahit hindi pa ako nakadamit. Hanggang sa nakatulog na lang akong umiiyak na nakayakap sa kan'ya. Ilang araw akong hindi nakapasok dahil sa sakit ko. 'yung nangyari kay Nicole na ginawa n'ya kay Kim? Gano'n ang ginagawa ni Harold sa akin. Sa ilang araw din na 'yon mas lalo akong nakukumbinsi na buntis ako dahil nagsusuka din ako. Katulad ng nangyari kay Kim. Bumisita din samin ung mga kaibigan namin dahil nga nag aalala sila. Wala si Harold ngayon dahil may pasok. Hindi muna n'ya ako ulit pinapasok dahil baka mabinat daw ako. Agree naman doon sila Nicole at simabing gagamit daw s'ya ng koneks'yon. Asawa nga pala s'ya! Dahil din wala si Harold, ngayon ko na itatry ung test at kung positive man. Dederetso ako sa hospital, hindi naman kasi uuwi si Harold ngayon dahil sabi ko wag na s'yang umuwi dahil kaya ko naman. Hindi ko din sinabi sa kan'ya ung nangyari at mga narinig ko. Ayoko muna! Sa'kin na muna 'yon hangga't hindi ko pa kakausap sila Mama. I tried 3 kits para mas sure. Ginawa ko lang ung nasa instructions at iniwan muna ito saglit. Pag kalipas ng limang minuto, dahan dahan akong tumingin sa test and I saw the 3 kits are negative. Lahat negative kaya naman medyo nabahala ako, if I'm not pregnant, bakit ako delayed at magsusuka? Hanggang ngayon kasi.. So I decided to take a shower and go to the hospital nearby. Baka may mali lang akong nagawa sa test kaya nag negative. When I got to the hospital. Pumunta lang ako doon at magsabi na magpapacheck up ako. They assist me sa ob-gyne then doon ako nag antay. End of Flashback "She ask me if kailan ung huling menstruation ko, she ask me kung kailan ung huling contact namin ni Harold, she also ask me to take another test and I did! But it's also negative kaya naman. Nagpasya ung doctor na iblood test ako dahil baka hindi lang madedetect.." umiiyak na kwento ko sa kanila. And I saw them crying but they all silent. Walang magsasalita sa kanila kahit si Kim na talakera, tikom ang bibig at inaantay ang sunod kong sasabihin. "Then after few days binalikan ko 'yon and it's still negative. So meaning hindi ako buntis kaya laglag ang balikat ko.. then the doctor suggest me to take another test pero hindi na pang pregnancy.. she ask me to take a laboratory test.." pagpapatuloy ko at doon na ko umiyak nang todo. Hindi ko kasi matanggap! All we want is to have a child.. gusto kong magkaroon ng anak para maparamdam ko sa kan'ya kung paano mag karoon ng magulang na nagmamahal. Ung mga hindi ko naranasan sa mga kinilala kong magulang at mga totoo kong magulang, ipaparamdam ko sa kan'ya. Pero bakit hindi ako hayaan.. "Na diagnosed akong infertile and I can't produced healthy egg cell.." umiiyak na saad ko sabay subsub ng mukha ko sa mga tuhod ko. "I can't give Harold a baby.. hindi ko maibibigay ung isa sa mga pangarap n'ya," "We're sorry, hindi namin alam ung pinagdadaan mo," umiiyak na yumakap sa'kin si Cams. It's supposed to be her happy moments but I ruined it! Hinayaan nila akong umiyak at ibuhos lahat "Krystal, talk to us if you needed.. pati ung kinalakihan mong parents! Dapat kausapin mo sila. If you want us to come, sasama kami sa'yo," saad ni Kim. "Dapat sasabihin ko nung pasko pero hindi natuloy kaya hindi na ko nag karoon ulit ng pagkakataon dahil excited tayong lahat sa wedding ni Camille, ayokong masira 'yon. Kahit nga ngayon dapat hindi kaso hindi ko na kaya," naluluhang sambit ko. "Ano ka ba?! It's okay.. wala sa akin 'to. Aanhin ko maging masaya kung isa naman sa atin malungkot at may dinadamdam," umiiyak na saad ni Camille sabay yakap ulit sa'kin. Madami pa silang sinabi doon lalo na ung about kay Harold. "Simula nung nalaman ko 'yon, nanlamig ako sa relasyon namin, even sa time namin.. hindi na namin, hindi na madalas. Wala akong gana dahil kahit anong gawin ko, wala namang mabubuo, kahit anong love-making namin, hindi ako magkaka anak! Hindi ko s'ya mabibigyan," humagulgol akong muli dahil doon. "But you should tell him," maikling saad ni Danica "Ayoko muna.. 'ska na pag nagsawa na s'ya sa akin, 'sya na pag s'ya na ung kusang bumitaw, I don't deserve him," malungkot na saad ko. Natatakot at nasasaktan ako. Iniisip ko pa lang, sobrang sakit na pero siguro hayaan ko na. Dahil hindi ko deserve ang pagmamahal ni Harold. Hindi n'ya deserve ang hindi magkaroon ng anak. Deserve n'yang maging masaya at magkaroon ng pamilyang hindi ko maibibigay sa kan'ya. ------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD