Chapter 19

1771 Words
Krystal's POV Isang linggo na ang nakalipas simula nung umalis ako sa Maynila. Nagiging komportable na ko dito sa Tarlac pati kila Papa at Tita Sonia na minsan ay ako ang dinadalaw at hindi si Papa. Nung nakaraang araw s'ya ang magyaya sa akin na mag mall kami, sinama n'ya ako at gumala kami, binilhan n'ya pa ako ng sapatos at damit. Wala daw kasi s'yang anak dahil nung naisipan n'ya na maganda pala na may anak, matanda na s'ya masyado at hindi na ata kakayanin kung mag bununtis s'ya kaya naman pag nakakakilala s'ya ng bata sa kan'ya. Gusto n'ya makipag close. Pero kahit ganoon na naging komportable ako dito, iba pa din ang paligid ko pag nasa tabi ko ang mga kaibigan ko. Susulitin ko na lang muna ang 1 bwan ko dito para mas makilala ko si Papa. Ngayon pa lang talaga ako tunay na nakaramdam ng pagmamahal at pagpapahalaga galing sa magulang. "Anak, gusto mo bang sumama sa akin? May photoshoot akong gagawin pero sa taas ng bundok," biglang saad nito habang nakaupo kami dito sa ilalim ng puno. Naglagay kasi kami ulit ng bulaklak para kay baby kaya naupo muna kami dito dahil masarap sa pakiramdam ang hangin. "Ayos lang po sa akin pero wala namna po akong damit na pang hiking," saad ko at napangiwi ng unti. "Ako na bahala doon, gusto mo bang sumama? Tulungan mo kong kumuha ng litrato," saad nito. Alam na ni Papa na minsan akong nagpart time as a event photographer kaya naman nasabi n'ya iyan. "Sige po! Sama po ako," masiglang tugon ko sa kan'ya na ikinangiti n'ya. Kinabukasan maagang nag paalam si Papa na pupunta sa city dahil may mga bibilhin para daw sa akin, sinabi din nito na hindi daw s'ya sa bahay mag tatanghalian kaya naman ako lang muna ang kakain mag isa. Hindi naman na ako kumotra dahil alam kong gusto lang naman nito bumawi. Kinahapunan, pumunta ulit si Tita Sonia sa bahay at doon nakipag kwentuha sa akin. Madami s'yang kwento at talagang nakikita ko sa kan'ya si Kim. "Alam n'yo po, kaugali n'yo po ung kaibigan kong talkative din, tapos may mga salita po kayo na halos magkakatulad," nakangiti kong saad pero mahihimigan ng lungkot. Namimiss ko na ung mga talak ni Kim, ung away nila ni Nicole, ung matabil na dila ni Nics pag inaaway sila Keith.. si Theo na laging nakadikit kay Danica kaya laging naiinis si Kuya Daniel. "Namimiss mo na mga kaibigan at jowa mo?" tanong ni Tita sa akin na ikinatango ko lang. "It's okay, give time to yourself to heal.. hindi madali ang mga pinagdaanan mo nitong mga nakaraan kaya alam kong maiintindihan ka nila kung sasabihin mo bakit ka umalis.. pero alam mo, sorry ah.. pero hindi tama ang ginawa mong hindi alam ng jowa mo ung nangyari sa baby n'yo pero hindi kita masisisi dahil natatakot ka sa negative kaya nga dapat prepare yourself sa darating pa na mga araw," saad nito at tinapik pa ang mga pisngi ko. "Ang bait n'yo po.. magiging mabuti po kayong magulang.." saad ko dito tapos kagat sa labi nang may maalala. "Bakit po pala hindi n'yo gusto mag kaanak no'n?" tanong ko dito. Mukha naman s'yang nag isip. "Hindi naman sa ayaw ko, that time kasi hindi pa ako handa, gusto ko lang mag enjoy at liwaliw lalo na nalaman kong niloko ako ng papa mo, but when the time come na medyo nabobored na ko tapos nag kanda labo labo na ung relasyon namin na kahit anong ayos, hindi talaga. Biglang gusto ko na ng anak para at least may kasama ako sa pagtanda kaya nagpacheck up ako, tinignan ko kung okay pa ba ung matres ko, kung kakayanin ko pa then lumabas na I have PCOS, hirap mag buntis.. kaya hinayaan ko na, bahala na kung mabuntis ako nang kinakasama ko, kung hindi! E inisip ko na baka iyon ang kapalaran. Baka ito na talaga ang kapalaran ko, ang maging Tita Sonia ng bayan!" masiglang saad n'ya at ngumiti pa sa akin. Napangiti na lang din ako sa sigla n'ya pero nagtano g pa din. "Hindi n'yo po ba inisip na may kulang sa inyo?" tanong ko dito. Kumunot naman ung noo n'ya kahit nakangiti. "Wala naman kulang sa akin.. kumpleto naman ako kaya hindi ko naisip iyon," Medyo napatanga naman ako doon sa sagot n'ya, may pagkapilosopo pero may point naman! "Pero hindi po kayo mag kakaanak," pahayag ko dito "Yes, pero hindi naman kakulangan iyon. I mean, pwede naman akong mag ampon at ituring na sa akin ang batang kailangan ng magulang," seryosong saad n'ya. "Hirap lang tayong magbuntis pero kumpleto tayo, Ganda. Walang kulang sa atin! Sabihin mo sa akin pagmay nagsabi sa'yo na kulang ka, kakalmutin at kakalbuhin ko," habol n'ya napatawa ako pero unti unti kong nare-realize ung sinabi n'ya. May point s'ya sa lahat ng sinabi n'ya bukod doon, miracles do happen at saksi ako do'n dahil nagbuntis nga ako. Kusang lumipat ang tingin ko doon sa mga bulaklak na nasa ilalim ng puno.. 'I don't know, but your death is my blessing in disguise, Anak.. I hope your papa will accept me kahit malaman n'yang napabayaan kita' kausap ko dito sa akin isip Napabalik ang tingin ko kay Tita Sonia nang tapikin n'ya ang balikat ko. "Kaya ikaw! Wag mong iisiping may kulang sa'yo lalo na kung mahal na mahal ka ng kasintahan mo. Wag kang mangamba! Magtiwala ka! Walang masama kung sasabihin mo! Pero hindi kita pinangungunahan ha. Ang akin lang e, dapat alam n'ya din kaya sa ngayon, mag ipon ka ng lakas ng loob at iready mo ang sarili ko sa mga mangyayari! Pag inayawan ka after mong masabi, iiyak mo lang ng mga 3 days and half! Tapos bangon! Makakahanap ka din ng lalaking tatanggap sa iyo, pero ayon ay kung iiwan ka ng boyfriend mo pero kung hindi at tanggap ka naman. Maging masaya kayo at wag nang pakawalan si jowa! Dadating din ang inaantay n'yo sa tang panahon" saad n'ya habang nakangiti. Ipinatong pa sa ulo ko ung kamay n'ya sabay himas doon. Ngumiti na lang ulit ako sa kan'ya at tumango tango. Mag iipon muna ako ng lakas ng loob at kailangan ko din patatagin ung loob ko para kung hindi ako matanggap ni Harold, kakayanin ko. Nagkwentuhan pa kami doon ng madaming bagay at kumain ng meryenda bago s'ya nag paalam na uuwi na at bibisita na lang ulit. Gabi na ngunit wala pa si Papa, nag luto ako ng pag kain para sa aming dalawa pero mukhang s'ya ang magsasara ng mall kaya wala pa s'ya. Kumain ako mag isa at nagpahinga na sa kwartong nakalaan sa akin dahil alas dyis na din ng gabi. Uuwi naman siguro si Papa baka may iba pang pinuntahan kaya gabi na kung uuwi. Ilang ikot ang ginawa ko dahil hinahanap ko ung antok ko nang tuluyan na ako makatulog. --------------- Harold's POV One week! It's already one week at halos mabaliw na ko kakaisip how's Krystal. Puro na lang pag papalipas ng oras ang ginagawa ko sa bahay ng mga kaibigan ko, sa bahay namin at sa laundry shop namin. Ngayon nandito ako sa bahay namin para lang dito muna matulog dahil na-so-suffocate ako sa unit ko. Nauubos ko na ung light beer na nasa ref dahil para makatulog mag lalasing na lang ako. "Papa, may nag hahanap sa'yo sa labas," bungad ni Mama na kakapasok lang galing sa labas. "Sino daw iyon?" Tumatayong tanong ni Papa bago nag lakad papunta sa pintuang nilisan ni Mama. Wala naman kaming ginagawa, nanunuod lang ng basketball sa TV. Medyo nakakatamad nga. Wala din kasi akong inaaral na mga documents dahil pinakuha ni Miggy lahat ng documents na hawak ko, magpahinga daw muna ako dahil paniguradong tuliro ako dahil sa kakaisip. Hindi naman ako tumangi dahil talaga namang wala akong ganangag trabaho, hindi nga din ako masyadong pumapasok ng office, malaki na lang din talaga ang pasasalamat ko na kaibigan ko si Miggy kaya nakakakuha ako paminsan minsan ng special treatment. "Ikaw lang pala iyan! Halika't pumasok," Napalingon naman ako kila Papa nang pumasok s'ya kasama ung bisita n'ya. Nang makita ko na paupo sila dito sa sala, mabilis akong tumayo at pinatay ang TV. Dahan dahan ako umalis sa sala at hindi tinignan sila Papa at ung bisita n'ya pero narinig kong magpapatulong ung bisita n'ya, hindi ko alam kung para saan dahil hindi ko na narinig ung iba, siguro kasama ni Papa dati iyon. Umakyat na lang ako sa kwarto ko para doon mag kulong. May iba pa naman akong kapatid na nandito pero katulad ko pag may bisita, nasa kwarto lang kami, maliban na lang kung need namin bumaba. Kinuha ko ung phone ko at sakto naman na tumunog iyon. Nagmadali akong tignan sa pagbabakasakaling si Krystal iyon pero hindi kaya tamad ko itong sinagot. "Bakit?" bungad ko sa kabilang linya. [Labas tayo, para naman mawala ng unti ung bagot mo] yaya ni Theo na ikinatawa ko lang. "Sige na, hindi ka naman papatalo e," saad ko dito. Sinabi n'ya lang kung saan kami mag kikita kita bago ko binaba ung phone ko. Kila Kim lang naman kami dahil hindi na pwedeng bumyahe si Kim. Naligo at nagbihis lang muna ako bago kinuha ung susi ng kotse, wallet ko at phone ko tapos nag de-deretso na sa baba. Bahagya akong natigilan nang makita ung kausap ni Papa, hindi ko sinasadyang mapatitig dito pero agad ko ding iniwas ang tingin ko nang mapunta sa akin ung tingin nila. Pumunta muna ako ng kusina dahil panigurado nandoon si Mama at nag hahanda ng hapunan. "Ma, I have to go. Magkikita po kami nila Theo," paalam ko dito kaya hinarap n'ya ako. "Sige, wag mag inum masyado! Lagot ka sa papa mo," pananakot ni Mama na iminangiti ko. "Opo, kila Henry lang naman po kami. Alis na po ako." Humalik lang ako sa ulo n'ya 'ska lumabas at nagpaalam kila Papa. "Pa, alis lang po ako saglit" paalam ko dito 'ska tumingin sa kausap n'ya. "Good Evening po," bati ko dito na tinanguan lang naman ako. "Mag iingat ka, wag mag iinum ng madami. Kung lasing ka na magstay ka na lang sa bahay ng isa sa mga kaibigan mo," paalala nito sa akin. "Opo, alis na po ako." Tumango lang ako at lumabas na ng bahay. Hindi mawala sa isip ko ung itsura ng kausap ni Papa. May familiar na mukha kaong nakikita sa kan'ya. Hindi ko lang mawari kung sino. Hayaan mo na nga! Dami ko na ngang iniisip, sasama ko pa iyon. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD