Chapter 18

2158 Words
Krystal's POV Apat na araw na ang nakalipas, nandito pa din ako sa bahay ng tatay ko. Habang nandito ako, napatunayan ko ang lukso ng dugo. Mabilis akong naging komportable sa presensya n'ya. Maalaga s'ya at talagang laging nagtatanong kung okay lang ako o may gusto ako, minsan din ay nagpapakwento s'ya kung anong nangyari sa akin. Nung nakaraan sinabi n'ya na magpa 2nd opinion ako about sa kalagayan ko pero tumanggi ako dahil natatakot akong malaman ang totoo sa pangalawang pagkakataon. "Anak, handa ang tanghalian. Halika na dito," agad akong napalingon sa tumawag sa akin. "Saglit lang po," saad ko dito at mabilis na inayos ang mga bulaklak na hawak ko sa kamay ko. Inilagay ko ito sa ilalim ng puno na nilagyan ko din ng mga bato. Ang tatay ko ang nagsuggest no'n para daw kahit papaano maalala namin ang anak kong hindi ko nakita. Nahaplos ng unti ang puso ko dahil sa sinabi n'ya kaya naman sumang ayon ako. Mabilis akong nang lakad papuntang loob ng bahay dahil kakain na daw. "Hindi ko alam na uuwi ka agad kaya pang dalawang tao lang ang naluto ko," rinig kong saad ng tatay ko. "Edi mag luto tayo ulit! Napakadaling sulosyon naman no'n, Karlo!" malakas na singhal ng babae na panigurado ay ung Sonia. Dahan dahan akong pumasok sa dining room at doon ko nakita ung asawa ng tatay kong nakaupo sa upuang tapat ng tatay ko. Agad din naman nilang naramdaman ung presensya ko kaya lumingon sila sa akin. "Hi! Kumain ka na," masiglang saad nung babae. Feeling ko nasa 40+ na s'ya, hindi na bata pero maganda s'ya. Umupo ako sa tabi ng tatay ko na s'yang nag lagay sa akin ng plato at kanin. "Salamat po," saad ko dito at ako na ang kumuha ng ulam. "Kain ka lang ah! Pasensya na at umuwi ako nang biglaan. Umalis kasi ung lalaki ko pero wag kang mag alala, aalis din ako agad! Feel at home," nakangiting saad nito na hindi ko man lang mababakasan ng pagkasarkastiko. "Ang ganda mo 'no! Kamukha mo 'tong g*go mong tatay," habol n'ya kaya mabilis naman s'yang sinaway ng tatay ko. "Sonia! We're eating! Have some respect!" madiing saad nito na ikinairap lang nung Sonia sabay ngiti sa akin. Akala ko ba mamaltratuhin n'ya ako kung nandito ako sa puder ng tatay ko, mukha naman s'yang mabait. Mabilis lang din kaming natapos at nag paalam saglit ang tatay ko na maliligo kaya naiwan kami ni Ms. Sonia sa sala. "Ilang taon ka na?" tanong n'ya habang nanunuod kami ng palabas sa TV "25 na po," mabilis na sagot ko. "Hm.. alam mo bang 27 years old nang lumandi sa iba ang tatay mo. Kakasal lang namin nu'n at doon s'ya nadestino sa Maynila! Biruin mo! Tatlong araw lang s'ya doon at lumandi na! Nakabuo pa," kwento n'ya na nag payuko sa akin. "Pero wag lang mag alala, hindi naman ako galit sa'yo ngayon! Kung alam ko lang na ganyan ka kaganda ay naku! Kinuha kita! Medyo chaka kasi ang nanay mo tapos medyo maitim, kaya sabi ko ayokong mag alaga ng chakang bata tapos galit pa ako no'n kasi niloko ako pero hindi ko naman talaga mahal yang tatay mo! Pride ko lang kaya nagalit ako," kwento n'ya sabay ngumiti. Medyo madaldal s'ya para s'yang si Kim, mapanlait pa! Kaya hindi ko rin napigilang hindi ngumiti. "Ayan! Ngumiti ka na! Mas maganda ka pag ngumiti! Naku! Kung alam ko lang talaga! Ay naku! Inampon kita! Tapos ipagmamalaki kong anak kita!" masiglang saad n'ya kaya kahit ayokong tumawa, natawa ako sa sinabi n'ya. "Hindi n'yo po ako pagmamalupitan?" wala sa sarili kong tanong sa kan'ya na ikinalaki ng mata n'ya. "Ay no! Nasabi ko nga lang iyon dahil masama ang loob ko, pero hindi kita sasaktan 'no! Alam mo kasi, 19 lang ako nung kinasal kami ng tatay mo! Alam mo na! Nasa probins'ya, once na nahuli ng magulang na may ginawa kayong dalawa, edi ipapakasal kahit wala kayong pagmamahal sa isa't isa. Ganoon ang nangyari sa amin ng tatay mo! Aminin ko maharot kasi ang Tita Sonia mo kaya ayon nag paararo sa tatay mo kahit bata pa kaya ayon! Ikinasal ang loka!" magiliw na kwento nito sabay tawa. Nakikita ko talaga sa kan'ya si Kim kaya hindi ko mapigilang tumawa na din sa kwento n'ya. "Pero ah! Minahal ko naman iyong tatay mo pero hindi naglast kasi wala naman talaga! Pinilit lang kami dahil nga maharot ang Tita mo!" saad nito kaya napatango tango ako. "Pero mabuti naman kaming magkaibigan ngayon ng tatay mo kaya kahit paano nakakauwi uwi ako dito," "Pero nung dumating po ako dito para po kayong nag aaway," tanong ko pero tumawa s'ya nang malakas. "Hindi kami nag aaway! Ganoon lang talaga kami mag usap!" natatawang saad n'ya kaya tumangi tango ako. "Ano na namang kinukwento mo sa anak ko? Impluwensyahan mo pa iyan, Sonia!" rinig kong singhal ng tatay ko sa kan'ya. "Ay oy! Hindi ah! Ikaw nga itong sinabi na pagmamalupitan ko s'ya! Saksakin kaya kita d'yan!" saad nito na ikinalaki naman mata ko pero nawala din agad dahil tumawa din agad si Ms. Sonia. "Joke lang, ganda! Anyway! Pwede mo akong tawaging Tita Ganda, joke! Pwede mo kong tawaging Tita Sonia, I don't mind," nakangiti n'yang saad tapos kumindat. Sandali pang nakipagkwentuhan sa amin si Tita Sonia bago s'ya nagpaalam na uuwi na. Nalaman ko na hindi na pala sila nag sasama ng tatay ko at inuunti unti lang ung mga gamit n'ya na ialis dito sa bahay na pag mamay ari ng tatay ko. Nalaman ko din na nagpapaannul na pala silang dalawa. Inusisa pa nga ako dahil nagtataka s'ya ta hindi ko tinatawag ang tatay ko na papa. Hindi pa kasi ako sanay pero malay natin pag nagtagal pa ko dito, masasanay din ako at matatawag ko s'yang papa. "Paano, Tala Ganda! Uuwi na ako! Kung gusto mong mag gala dito sa Tarlac ay tawagan mo lang ako at humingi ka ng pera dyan sa tatay mong panget!" natatawang paalam n'ya na ikinairap ng tatay ko pero ako natawa nang unti. Isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa tawanan namin bago kami makalabas sa gate. "Jane! Lumabas ka dyan! Alam kong mandyan kang bata ka!" Si Mama! Ay mali! Ung peke kong nanay! Paano s'ya napunta dito! "Ay! Sino ang walang hiyang iyan?!" tanong ni Tita Sonia. Mabuti na lang at malayo ang mga bahay bahay dito kaya hindi gaano naririnig pero nakakahiya pa din. Agad humarang ang tatay ko sa harap namin at s'ya ang ngabukas ng pinto. "Anong kailangan mo dito?!" madiing tanong ng tatay ko. "Asan si Jane?! Ibalik mo sa amin ung bata!" saad nito at malakas na itinulak ang tatay ko, pero parang wala lang iyon dahil sa laki at kisig ng katawan nito. "Krystal is not a kid anymore at bukod doon, she's not your child! She is my daughter na pinag kaitan ninyong ipakilala sa akin," seryosong saad nito. "Pumasok ka muna sa loob, Tala Ganda. Seryoso ang tatay mo, baka kung anong mangyari," saad ni Tita Sonia sa seryoso ding paraan pero hindi ko pinakinggan at nagstay lang doon. "Sa akin iniwan ang batang iyan kaya ako ang may karapatan sa kan'ya! Hindi ba itinaboy mo lang naman s'ya!" rinig kong sigaw ni Mama. "Kahit iniwan sa'yo, walang nag papatunay na ikaw ang guardian n'ya. Kahit ang pekeng birth certificate na ginawa n'yo ay kaya kong patunayan na peke! Dahil ako ang pumirma ng change of surname n'ya," buong pagmamalaki ng tatay ko sa kan'ya. "Pero sa akin mo s'ya ipinaalaga dahil ayaw tanggapin ng malandi mong asawa, hindi ba?" sigaw ni Mama kaya naman biglang lumabas sa eksena si Tita Sonia. "Excuse me! Eto lang ako kung makapag salita ka akala mo ang layo ko! Ano bang gusto mo? Si Tala Ganda? Bakit obsesses na obsesses ka sa kan'ya? Kasi wala ng pera pag hindi na umuwi sa inyo? Hay naku! Nagiging kamukha ka na tuloy ni Jose Rizal! Mukha ka kasing pera!" panlalait nito habang naka cross arm. "Ikaw din naman mukhang pera!" sigaw sa kan'ya nito pero tumawa lang ng malakas si Tita Sonia. "Ay Manang! Hindi ko ho kailangan ng pera nitong g*go na ito! I have my own!" saad nito kaya naman parang nangngitngit sa galit si Mama. Bago pa sila magkasabunutan, lumabas na din ako sa likod ng tatay ko. "Umalis na ho kayo, nakakagulo na ho kayo ng ibang tao. Hindi na ho ako uuwi sa inyo," mabilis kong saad. "Anong hindi uuwi! Wala kang utang na loob na bata ka!" sigaw nito sa akin at akmang lalapitan ako pero humarang ang tatay ko pati na si Tita Sonia. "Ayaw na sa'yo, Manang. Wag mo nang ipilit!" saad nito sabay irap. "Marami na kayong ginawang anumalya sa anak ko kaya hindi na ako papayag na bumalik s'ya sa inyo. Magkita na lang tayo sa korte!" saad ng tatay ko na ikinalaki ng mata ni Mama "Anong korte?! Ipapakulong mo kami?! Pagkatapos kong alagaan ang anak mo! Dapat pala hinayaan na lang namin iyan!" histerikal nito. "Wala akong utang na loob sa inyo dahil bayad lahat ng araw, bwan at taon na inalagaan n'yo si Krystal! Sobra pa nga dahil ginawa n'yong sakitin ung anak ko para lang makakuha ng pera! Hindi n'yo ako ipinakilala, pineke n'yo ang documents n'ya, ginatasan n'yo ung anak ko! Pinatay n'yo pa ung apo ko!" madidiing usal ng tatay ko habang dinuduro si Mama. Parang may kung ano naman na sumapi kay Tita Sonia nang bigla n'yang hablutin ang buhok ni Mama! "Walang hiya kayo! Sana pala hinayaan ko na lang na itira si Tala Ganda dito! Mamamatay bata kayo!! Mga walang hiya! Lumayas kayo dito! Lumayas ka dito!" gigil na sinabunutan nito si Mama na walang palag. Ohgosh! Parang nakikita ko na si Kim pag tumanda! Hindi sila blood related pero magkaugali sila! war freak! Pagkatapos iwasiwas ang buhok ng peke kong nanay, itinulak n'ya ito at nagpagpag ng kamay. "Nagkalat ka pa dito, Sonia!" singhal ng tatay ko sa kan'ya. Ngumiti lang naman si Tita Sonia tapos kumindat sa akin. "Nang gigil kasi ako! Ako naman din ay may kasalanan pero hindi naman ako mamamatay bata!" saad n'ya tapos tumingin sa tatay ko. "Hoy! Karlo! Ipakulong mo itong mga to ha! Pambawi man lang sa ginawa mo sa anak mo," habol nito sabay tumingin sa peke kong nanay na iika ikang tumayo. "Babalikan ko kayo! Hindi pa tayo tapos, Jane! Tandaan mo iyan!" saad nito sabay umalis at bahagyang lumingon sa amin na masama ang tingin. Nakahinga naman ako nang maluwag nung tuluyan s'yang nakaalis. "Wala na ang manang! Paano?! Alis na ako! Tala Ganda! Ung bilin ko pag gusto mong gumala! Tawagan mo ko," saad nito at pakendeng kendeng na umalis. She's already 44 pero maganda pa din ang katawan at malakas na babae, mabait din s'ya atska, sabi nga nila life's begin at 40 kaya ganyan siguro si Tita Sonia. Muli kaming pumasok ng tatay ko sa bahay at parang naging seryoso s'ya. "We need your medico legal about your miscarriage, your medical records sa hospital na pinagdalhan sa iyo nung dinugo ka, we need at least two witness sa nangyari, pati ung doctor na gumawa ng procedure mo," saad nito sa seryosong paraan. "Wag na po siguro.. kawawa naman po ung maiiwan nila. Panigurado po na hindi sila makakapagbayad ng danyos pag kinasuhan natin sila," nag aalalang saad ko dahil totoo naman. May anak si Lance, kahit sabihin kong sinasaktan n'ya si Sha, kawawa naman ung bata pag laki, sasabihan ng ex-convict ung tatay n'ya. Sila Kaye! Pag nakita nila na ikinukulong ung Mama nila, tapos aasarin sila sa school na anak ng kriminal o ng preso.. "But what they did to you is not acceptable.." saad nito na parang nangungumbinsi na kasuhan sila. "P-Pa.. hayaan na lang po natin, hindi naman na po ako ulit babalik sa kanila. Hindi ko na din po kayang bumalik doon," saad ko dito na medyo ikinatigil n'ya dahil sa pag tawag ko sa kan'ya ng 'papa' Medyo hindi pa ako sanay pero sa gunawa n'ya kanina para may karapatan naman s'yang tawagin kong 'papa'. "You call me 'Pa'? tama ba narinig ko?" tanong nito na nahihiya ko namang tinanguan. "Tatay ko po kayo kaya pwede ko naman po kayo tawaging papa," saad ko sabay tingin sa kan'ya. Kitang kita ko na parang may luhang lumabas sa mata n'ya na agad din pinahid. "I'm really sorry for what I've done to you.. and thank you for calling and accepting me as your father, Krystal" saad nito sabay niyakap ako. "Okay.. hindi na natin sila kakasuhan and I promise to you, they will never touch you again," saad n'ya na ikinatango ko lang. Iba talaga ang yakap ng isang totoong ama kesa sa pekeng ama! Kaya kahit ngayon lang kami halos nag kita! Komportableng komportable ako sa Papa ko. ------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD