Chapter 20

2266 Words
Krystal's POV Maaga akong magising at naghanda ng mga gamit na dadalhin ko paakyat ng bundok. Isang linggo muli ang lumipas at ngayon ang nasabing photoshoot ni Papa at kasama nga ako. Hindi naman n'ya nirerequired na tumulong ako pero s'yempre dahil nandoon ako at may alam ako kahit paano sa mga photoshoot. Nakakatuwa lang na lagpas singkwenta na si Papa pero nandoon pa din ung pagiging makisig at masigla n'ya. Malakas ang pangangatawan na meron s'ya dahil na din siguro isa s'yang pulis at alaga sa katawan, parang si Tito Hance. Pumasok na ako sa banyo at naligo, after kong maligo nag bihis lang ako nung binili ni Papa na pang hiking. Isang makapal na leggings at dry fit na kulay maroon iyon tapos isang rubber shoes na branded at alam kong matibay. Isang cap na kulay neon pink at sunglass, binigyan din n'ya ako ng sunscreen para daw hindi ako mangitim. Matapos kong mag ayos, kinuha ko ung phone kong walang sim card pero magagamit naman. Dadalhin ko 'to, para pag uuwi na ako, ipapakita ko kila Nicole na nag punta ako ng bundok. Kung papalarin at magsasama pa din kami ni Harold, ipapakita ko din sa kan'ya at ikukwento ko lahat lahat. Malungkot akong napangiti dahil sa mga naiisip ko. Kung hindi pa nawala ung anak ko, hindi ko pa makikilala ung Papa ko. Siguro sobrang lungkot ko ngayon, siguro nagpapakalunod na ko sa dagat at hinahayaang alunin ng tubig papunta sa kung saan. Siguro wal- "Krystal? Gising ka na ba?" Naputol ang pag iisip ko nang marinig ko ung boses ni Papa. "Opo! Nag aayos na lang po," balik na sigaw ko at muling pinagpatuloy ang pag lalagay ng extrang damit at ung iba pa. Muli kong tinignan ung sarili ko sa salamin at ngumiti. Smile, Krystal. You deserve that smile.. Kausap ko sa sarili ko 'ska huminga nang malalim at nag lakad na palabas. Naabutan ko si Papa sa sala na chinicheck ung mga git n'ya halos lumuwa ung mga mata ko nang makita ko ung camera n'ya. Isang camerang pang professional at minsan kong pinangarap na mag kaganyan kaso nga lang, natakot ako kasi masyadong sensitive ang mga ganyan at'ska hindi ko naman kailangan talaga dahil hindi naman ako pro pagdating sa photography. Mga brush, poster paint, oil paster, charcoal powder at pencil lang talaga ang pinag kakagastusan ko. "I can see it in your eyes that you like my camera?" rinig kong saad ni Papa kaya nabaling ung tingin ko sa kan'ya. "Ahm.. opo," tugon ko at muling naglakad. "Pero hindi naman po ako marunong n'yan gumakit talaga, meron po ako. Wala papo sa kalingkingan ng camera n'yo," dugtong ko at umupo muna sa pang osahang upuan. Mapait naman s'yang ngumiti bago nag yaya na umalis na. May iba pa kaming mga kasama na nakatingin lang sa akin, siguro ay nag tataka dahil biglang may kasama si Papa na iba. -------------- Buong pag akyat namin ng bundok, nasa tabi lang ako ni Papa at hindi humihiwalay sa kan'ya pero nung nasa tuktok na kami kung saan gaganapit ung photohoot, lumayo ako nang unti at naupo sa hindi gaano kadelikadong clif at doon pinagmasdan ang paligid. Kumuha din ako ng mga litrato na pang sa akin lang. Gusto ko mang tumulong hindi ko na ginawa dahil madami sila at baka makagulo ako. Muli kong binuksan ung bag ko at kinuha ung sketch pad at lapis ko sa loob. Naisip ko din talagang mag dala ng ganito. Nung umalis ako sa unit ni Harold, naisip ko kung hindi ako tatanggapin ng tatay ko. Pupunta ako ng isang dagat, doon mag pipinta at kukuha ng litrato pero naiba iyon dahil tinanggap ako ng tatay ako handa akong ipagtanggol. Pinag masdan ko ang paligid at ilang ulit na tinignan ito bago ako tumingin sa sketch pad. Nag umpisa akong gumuhit ng mga puno at bundok na tanawin din dito. Panatag ang loob ko ngayon, habang gumuguhit. Ilang minuto kong ginawa at ginuhit bago itinapat ko sa tinitignan kong tanawin ung sketch pad ko. Napangiti ako, payapang paligid, tahimik at napakasarap sa pakiramdam. Ibinabako ulit at muling tinignan ung drawing ko, payapa nga pero may hinahanap, may kulang napakalaki ng kulang. "Pwede kong hiramin?" Napalingon ako nung narinig ko iyon at nakita ko si Papa na nakangiti sa akin. Tumingin ako sa likod n'ya at mukhang pahinga nila. Ngumiti muna ako, bago ko inabot sa kan'ya. Nauupo s'yang kinuha iyon at pinag masdan. "Hindi ko alam na magaling ka din palang mag gumuhit. Ang buong akala ko, pag kuha lang litrato ang hilig mo," saad n'ya habang tinitignan ang ginawa ko. "Mahilig po akong mag pinta at gumuhit, sa unit po ng boyfriend ko, ginawan n'ya po ako ng sarili kong work place para po pag hindi ako makatulog or nasstress ako sa trabaho, pwede akong pumunta doon para mapatanag ako," kwento ko na bahagya pang nalungkot dahil naalala ko ung araw na ginawa ni Harold iyon. Ngumiti naman si Papa 'ska hiniram ung lapis ko. Malugod ko naman itong ibinigay sa kan'ya. Nakatingin lang ako habang ginagalaw n'ya ang ginuhit ko. May mga ginagawa s'ya at hindi ko alam kung ano iyon. Ilang minuto lang, ibinalik n'ya sa akin ung sketch pad ko at ngumiti. "Madami pa akong hindi alam sa iyo, Krystal pero nagpapasalamat ako na tinutulungan mo akong kilalanin ka. I'm happy that I spend more time with you but I know you miss your life in Manila. Paghanda ka na at nakapag pahinga ka na, mag sabi ka sa akin, ihahatid kita sa Manila at tutulong magpaliwanag," saad nito at hinimas ang ulo ko. "Hayaan n'yo po, habang hindi pa po ako gaano handa para harapin ung buhay na iniwan ko doon, pwede pa po tayo magkakilala ng lubusan," saad ko sabay tingin sa sketch pad ko na ikinabigla ko. Ang kaninang puro bundok at puno lang, ngayon ay may dalawang taong magkayakap at may mga dandelion na hinahangin sa paligid ng dalawang taong mag kayakap. Parang niyayakap ng dandelion ung dalawang iyon. Naluluha akong tumingin sa tatay ko na malungkot na nakangiti sa akin. "Napapansin ko kasing ung tanim kong dandelion ang lagi mong inilalagay sa ginawa nating place para sa baby mo. You symbolize your baby as dandelion, right?" tanong nito na ikinatango ko naman. "Alam mo ba na ang dandelion, pagnababasa ay nagiging intact sa isa't isa, baka ung mga luha na nabuhos n'yo o mo sa dandelion mo is a way para mas mapalapit kayo sa isa't isa ng kasintahan mo, mas maging open sa isa't isa.. Hahanginin man ng hangin kaya naghihiwa-hiwalay, pero pag nagsama sama at nag damayan, magiging malapit pa din sa isa't-isa," pahayag nito kaya hindi ko naman naiwasang hindi tumulo. Marahan namang pinunasan iyon ni Papa at hinimas ang pisngi ko. "Take your time to think and always keep to your mind na hindi ka kulang," saad pa nito tapos tumayo. Huminga ako nang malalim at muling tinignan ung larawang pinagtulungan naming iguhit ni Papa. "Harold..." tawag ko sa pangalan nito na sinamahan pa ng tulong luha. ----------------- "Pa! Kain na tayo," tawag ko kay Papa na nanunuod ng balita sa TV. Tanghali man pero mainit na balita pa din ang pinapanuod n'ya. Napapatanong tuloy ako kung ganoon ba talata ang mga pulis o alagad ng batas, si Harold din kasi minsan ganoon e. "Iniisip na naman ang boyfriend n'ya," rinig kong biro ni Papa kaya napairap ako bigla. Sanay na din ako sa ganyan ni Papa. Tatlong linggo na kaming magkasama at komportable na ko sa kan'ya. Lugso talaga ng dugong matuturing. Madami na ding kaming napagkwentuhan, nakapasok na din ako sa art room n'ya kung saan nandoon lahat ng mga paintings n'ya. Doon din nakadisplay ung ginuhit ko na larawan nung umakyat kami ng bundok. Ginawa ko na kasing painting kaya mas gumanda kasi nakulayan na at hindi na purong lapis lang. 'di ko na pinansin ung sinabi n'ya at naupo na lang sa upuan ko kaya naman nakarinig ako kay Papa ng mahinang pagtawa na mahahalataan mong nang aasar. "Magsabi ka lang pag gusto mo na umuwu sa kan'ya ah, hindi naman kita pipigila pero dapat makilala ko s'ya at malaman ko kung maganda ang intensyon n'ya sa'yo," pahayag nito habang nagsasandok ng kanin n'ya. "Mabuting tao po iyon, parang kayo" saad ko na naunang kumuha ng ulam. Natigilan naman s'ya sa sinabi ko kaya tumingin ako sa kan'ya. "Sa kabila ng ginawa ko sa'yo, mabuti pa din ako?" tanong n'ya. Hindi naman ako nag alangan na tumango bilang tugon sa tanong n'ya. "Pare-pareho ho tayong biktima ng mga nangyari. Opo nag kasala dahil sa panloloko n'yo sa mga asawa ninyo at pinagbayaran n'yo na ho iyon, ginusto n'yo akong alagaan pero pinag kaitan din kayo ng mga tao sa paligid n'yo, niloko, pinag kakitaan. Kaya naninigurado akong tama na po iyon," sambit ko at ngumiti. 'Hindi ba, Nics? Ganoon din ang sasabihin mo sa akin kung saka-sakaling lumapit ako sa'yo at itatanong kung papatawarin si Papa..' Kausap ko sa sarili ko, habang iniisip ang sasabihin ng isa kong kaibigang laging handang mag payo. "Hindi ka man pinalad sa mga magulang mo, naninigurado akong pinalad ka sa mga kaibigan mong handang tulungan ang mga suliranin mo," saad ni Papa kaya napangiti ako. "Totoo po. Kung hindi ko sila nakilala, naninigurado po akong, galit na galit ako sa inyo at hindi ko kayo mapapatawad agad at bukod po doon, baka po isa na akong battered wofe ng hindi ko manlang nakilalang lalaki," seryoso kong pahayag. Umiling naman s'ya at naging seryoso din. "At wala man lang akong kaalam alam na gano'n ang mangyayari. Hay!" "At mabuti po na hindi nangyari!" masigla kong tugon. "And will never happen! Itaga mo sa bato, anak!" madiing usal n'ya na ikinatango ko naman. "At nagugutom na po ako kaya kain na tayo!" balik ko sa kan'ya na sabay naming ikinatawa. Habang kumakain, wala kaming ginawa ni Papa kun'di mag kwentuhan at mag asaran. Ilang beses n'ya ding tinanong sa akin kung saan, kailan at paano kami nag kakilala ni Harold, kaya magiliw naman akong nag kwento nang about sa amin ni Harold. ---------------- Harold's POV Sabay sabay na napatingin sa akin sila Caith, Dustin at Miggy nang bigla akong dumaing dahil bigla kong nakagat ung dila ko. Nagsasalita lang ako sa kanila about sa contract na need isettle down pero bigla kong nakagat ung dila ko. "Mukhang namimiss ka na ni Krystal ah," birong banat ni Justin na napatingin din pala sa akin. Umirap lang ako dahil sa sinasabi n'ya. May part na sa akin na gusto kong mag tampo pero parang hindi bagay dahil napakaliit na bagay lang naman. She wants to find herself, go.. I will not stop her to do it. Kung doon s'ya masaya? I will let her do that.. basta pagbalik n'ya hindi na s'ya pwedeng umalis! Naluwagan ko kasi ung pagkakahawak ko sa kan'ya kaya tumakas.. ngayon, medyo hihigpitan ko na para hindi na s'ya makawala pa ulit. "If she miss me, dapat nandito na iyon," bulong ko na narinig naman ni Dust kaya tumawa lang ng mahina sabay iling. It's been 3 weeks since she left pero iba pa din talaga yung pakiramdam. Ang laki ng kulang sa akin pero umuusad naman ako lalo na naiirita na ako sa pang aasar sa akin ni Nicole at Kim na kung makapang asar akala mo, isinilang sila para pasakitan ang puso namin nila Caleb. Mas nakakaasar pa pag sumasali sila Camille at Danica pero mabuti ung dalawa nakikiramdam, hindi katulad nung nila Kim na, hindi sila titigil hangga't hindi nila kami napapairap. But don't get me wrong, hindi ako galit sa kanila. Normal lang naman mairita ang taong inaasar, right? Kaya kung papipiliin ako ng mga mang aasar sa akin, mas pipiliin ko na sila dahil alam kong ginagawa nila ung pang aasar sa akin para paga-anin ang nararamdaman ko. "Baka po may nakaalala sa iyo, Atty. Vasquez," saad ni Caith. "Sabi po noon ng mga estudyante ko, pag nakakagat daw po ng isang tao ung dila nila may nakakaalala daw po dito, tapos magbibigay sila ng number tapos bibilangin nila pero letter, basta ganoon po," kwento nito na pinakinggan naman naming lahat. "But there's no such thing like that I guess, lagi naman kitang naiisip, hindi ko naman nakikitang nakakagat mo ung dila mo," panlalading turan ni Justin kay Caith na napangiwi lang. "Hindi po kasi ubra sa akin ang gano'n, may agimat po akong suot. Simula po nung bata ako, suot ko na po iyon" seryosong usal nito. Mukha namang naniwala si Justin sa kan'ya kaya naman natatawa kaming umiiling dito. Bumalik kami ulit sa pag uusap namin hanggang sa matapos. Nakauwi na ako ng bahay namin at saktong naghahanda na si Mama ng pagkain. Dito muna kasi ako tumutuloy at hinahayaan lang naman ako nila Papa. Habang kumakain, agad akong napadaing ulit dahil nakagat ko na naman ung dila ko. "11!" sabay sabay na sigaw nung mga kapatid kong kasabay namin. Agad napakunot ang noo ko sa sinabi nila pero bigla kong naalala ung sinabi ni Caith kaya naman wala sa sarili kong nagrecite ng alphabet na sinasabayan ng kamay para sa pagbibilang. "K!" malakas na sigaw ko sa kanila dahilan para mapatawa sila. "Si Kuya Attorney, alam ung mga gano'n galawan!" saad nung bunso naming kapatid tapos tumayo para iligpit ung pinag kainan n'ya. Wala namang masama kung itatry ko, right?! Tama! -------------- A/N: gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat lalo doon sa mga nag rerecommend ng story ko.. such a big help!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD