Krystal's POV
Ilang araw na din simula nung natapos ung kasal ni Camille.
Paalis na sila ngayong araw pero pumasok pa din si Camille para sa mga ihahabilin n'ya.
"LWOP ka na ha!" biro ko sa kan'ya habang nagkakabiruan kami nila Basty.
"Ay bwisit! Di ba pwedeng half LWOP, half LWP? Sige na, TL!" balik na biro n'ya sa akin na ikinatawa naman nila Josh.
"Papayag daw si Ate Tal basta pasalubungan mo daw po kami ng mga Japanese Girls!" Nagtataas babang kilay na usal ni Basty.
Sira ulong batang 'to!
"Ayoko! Baka lingkisan ung asawa ko! Dalhan na lang kita ng magazine na puro chikas!" bawi naman ni Cams.
"Ay! Bet!" pag sang ayon ni Josh sabay palakpak pa! "Dapat Ate kita ung ano ah!"
Agad ko naman s'yang binato ng ball pen dahil sa sinabi n'ya! Ang halay ng isip ng batang 'to!
"Umayos ka nga, Josh! Hindi bagay sa'yo!" saad ko na ikinatawa naman nilang tatlo.
Apat pa din kasi kami at nitong nakaraan nagkaroon ng presentation para sa magiging bagong TL namin at isang napakagandang balita noon sa akin dahil ako ang napili na maging bagong TL namin.
Pero baka mawala din sa akin dahil magulo ang isip ko ngayon. Lalo na nakarinig na naman ako kila Mama.
"Tala! Rest room lang ako," tawag ni Camille sa akin na may pag aalala sa mga mata n'ya dahil siguro bigla na naman akong tumulala.
Tumango lang ako at ngumiti sa kan'ya.
Pinagpatuloy na lang namin ulit ung ginagawa namin nila Basty na pag eencode at pagchecheck ng mga Marketing promotion ng Hotel na hawak namin.
Dumating lang si Jan Keith doon para sunduin si Camille at bahagya pa kong inasar.
Pang aasar na nila sa akin ung 'ayokong makulong' dahil nga si Harold. Hindi naman s'ya criminal lawyer! Business lawyer s'ya! Mga buang 'tong mga 'to pero kasi si Tito Hance naman Police kaya pinasok pa din nila ung asar na 'yon sa akin.
"Babye. Una na kami. Ingat kayo dito," paalam ni Camille at yumakap pa sa akin ng matagal. "Tawag la lang kung kailangan mo ng kausap ah," bulong n'ya pa kaya napangiti akog humiwalay sa kan'ya.
"Ingat kayo and enjoy," paalam ko lang din.
Bumalik kami nila Basty sa ginagawa namin nang makaalis na ung mag asawa.
"Ate Tal.. sasabay ka po kila Ate Nicole mag lunch?" tanong ni Josh.
Tumingin muna ako sa relo ko at doon ko lang napagtanto na lunch time na pala.
"Oo, kasabay din namin ung jowa ko!" saad ko sa kanila na ikinangiti nilang dalawa.
"Ikaw, kaya Ate Tal, kailan ang kasal n'yo ni Attorney?" usal ni Basty.
Apektado man sa tanong n'ya hindi na lang ako nagpahalata. Kailan nga ba? Ikakasal nga ba ako?
"Yaan mo! Baka next year kami naman! Hay naku! Tara nga at bumaba," saad ko sa kanila at mag umpisang mag ligpit.
"Tala! Let's go!" masiglang tawag sa akin ni Nicole at Kim.
Umangat ung ulo ko at nakita ko silang dalawa kasama si Miggy at Harold na nakangiti sa akin.
"Magandang tanghali po," bati nitong dalawa kong kasama.
"Maganda ako sa tanghali!" balik na bati ni Kim sa kanila na ikinangiwi namin ni Nicole pero sila Josh natawa lang.
"Hindi na maganda ang tanghali ko," saad ko habang kinukuha ung tumbler ko.
"Same!" mabilis na sagot ni Nicole kaya naman akmang sasabunutan s'ya ni Kim pero humarang ung kamay ni Miggy na natatawa lang kaya naman dinilaan s'ya ni Nicole.
Natatawa akong lumapit kay Harold habang busy pa na nag aasaran ung dalawa.
"Ate, una na kami sa baba," bulong ni Josh na tinanguan ko lang at nag paalam na.
"You two, stop na nga.. kain na tayo," saway ni Miggy doon sa dalawang mag tatalo pa din.
Hindi naman na umangal ung dalawa pero nagkakaroon pa din ng kakaibang tinginan tapos sabay na tatawa! Abnormal talaga itong dalawang buntis na ito eh!
"Maging ganyan ka din kaya kakulit pag nagbuntis ka?" biglang tanong ni Harold sa akin habang naglalakad kami.
Kaya hindi lang ako ang natigilan pati ung dalawa, pero agad ding mag bawi si Nicole.
"Malay mo mas makulit pa si Tala sa amin! Lika na nga, Tala!" yaya nito sa akin sabay hila ng unti.
Ngumiti lang ako ng tipid kay Harold at hindi sinagot ung tanong n'ya. Hinayaan ko na din na hilahin ako ni Nicole para makatabi sa kanila.
Etong mga simpleng bagay na 'to ang nag papaalala sa akin na may deperensya at hindi normal.
Nakakatawa lang na hindi na nga ako normal, hindi ko pa alam kung sinong magulang ko! Ang galing ng buhay ko! Bakit ba ako pa?! Pwedeng iba na lang..
----------------
"Hon, uwi ako ng bahay bukas. Wala naman akong pasok," saad ko dito nang makauwi kami ng unit n'ya.
"Hm.. sige, sunduin kita bukas sa inyo," pahayag n'ya.
"Hindi naman na kailangan pero sige, dahil alam ko naman na hindi ka magpapatalo at ipipilit mo 'yan," saad ko habang naglalakad papasok ng kwarto.
"Of course!" tugon n'ya at bahagya akong napatili nang bigla n'ya akong buhatin habang nakayakap sa akin sa likod ko.
S'ya na ang nagdala sa akin sa loob ng kwarto at isinama ako pahiga sa kama.
"Ano problema mo?" natatawa kong tanong sa kan'ya.
"Wala.. I miss you.." saad nito sabay higpit ng yakap sa akin.
"Kasama naman kita lagi ah.. lung maka 'i miss you' ka naman.." natatawamg turan ko.
"Lagi nga kitang kasama pero.. I feel like you are far from me," malumanay na saad nito at mas hinigpitan ung yakap n'ya sabay baon ng mukha n'ya sa likod ko.
Hindi ako nag salita, hinawakan na lang ung kamay n'ya at pumikit at dinama ung yakap n'ya.
Naiintindihan ko ung sinasabi n'ya kaya ayokong magsalita dahil guilty ako doon.
"Mahal kita.. I'm always and forever be here for you, hm.." rinig kong saad n'ya 'ska humiwalay sa akin.
Naramdaman kong tumayo s'ya at maglakad. Hindi ko alam kung paounta saan basta alam ko naglakad s'ya.
Humiga na lang muna ako at hindi kumilos. Pinakiramdaman ko muna ung sarili ko dahil alam ko sa sarili kong paghumarap ako kay Harold.. iiyak lang ako pero hindi ko pa kayang sabihin. Natatakot ako..
Kinabukasan, pag alis ni Harold papasok ng trabaho, agad din akong kumilos para umuwi ng bahay.
Gusto ko malaman kila Mama kung sino ung totoo kong magulang. I need that para kahit paano maramdaman kong buo ako pag nakita ko na ung mga totoong nag luwal sa akin.
Bumyahe ako pauwi at kahit kinakabahan, pumasok ako ng bahay namin na kunwari ay walang alam o narinig ma kung ano sa kanila.
Agad na bumungad sa paningin ko si Shanine na buhat ung anak nila ni Lance.
"Si Mama, Sha?" tanong ko sa kan'ya. "Akin na nga muna 'yan at mag suklay ka muna ng buhok mo, kung gusto mo maligo gawin mo na din," habol ko at kinuha ung baby nila.
Mukha kasi s'yang sinabunutan ng madaming tao tapos medyo madumi na din ung damit n'ya.
"Nagpunta po ng palengke si Mama," tugon n'ya sa una kong tanong. "Okay lang ba, Ate? Wala pa kasi akong ligo simula nung nakaraang araw," saad nito at bahagyang inamoy ang sarili.
Hindi na ko mag tataka doon dahil alam ko naman na hindi s'ya tinutulungan nang mga tao dito.
"Sige na. Aantayin ko din si Mama, akin na muna itong cute na 'to," saad ko at binigyan s'ya ng isang ngiti.
Nagpasalamat lang s'ya at nag bilin ng mga gatas tapos umakyat na sa kwarto nila para maligo.
Wala naman akong ginawang iba kun'di ang ihele ung baby n'ya na 'di kalaunan ay nakatulog na din.
"Salamat, Ate Jane. Kanina ko pa yan pinapatulog, ayaw matulog. Salamat po talaga," saad ni Sha nung nakita n'yang nakahiga na sa kuna ung anak n'ya.
"Baka naiinitan din iyan sa iyo kaya hindi makatulog," saad ko habang nakatingin lang bata.
"Panigurado, Ate, pag nagka anak kayo ng boyfriend mo. Magiging magaling kay nanay kasi nakakapagpatulog ka kaagad e," saad nito.
Napatingin naman ako sa kan'ya at ngumiti ng mapait.
"Sana nga," saad ko dito.
Habang tulog ung bata, pareho kaming naglinis ng bahay ni Sha. Wala din kasi sila Kaye dahil may pasok si Lance naman daw may pasok sa trabaho. Doon ko lang din nalaman na nawalan pala ng trabaho si Lance nitong nakaraan at bagong trabaho na naman itong pinapasukan n'ya.
Halos hapon na nung dumating si Mama at malaki ang pasasalamat ni Sha na nandito ako kung hindi daw ay baka hindi pa s'ya nakakain agad ng tanghalian.
"Mabuti at naisipan mong umuwi!" agad na bungad ni Mama nung nakita n'ya ako.
"Opo, may itatanung din ho sana ako," saad ko dito at pinilit na wag magtunog kinakabahan.
Napakamot naman s'ya sa batok n'ya na parang iritang irita. "Ay naku! Kung tungkol yan sa pag papakasal, ay tigilan mo iyan, Jane! Hindi pa pwede!" pasinghal na sagot n'ya sa akin.
"Bakit ho, ayaw n'yo pa kaming magpakasal ni Harold? Maganda naman po ang buhay ko sa kan'ya, ayaw n'yo ho ba na nasa maayos akong kalagayan? Nanay ko ho kayo dapat mas-"
"P*nyeta naman, Jane oh! Ngayon mo talaga ako sinagot sagot nang ganyan kung kailan mainit ang ulo ko?! Ano?! Maganda nga ang buhay mo, samantalang kami dito e, hindi?! Oras na nawala ka sa puder ko lahat ng nakukuha ko sa tatay mo, ihihinto kaya hindi pwede!" galit na sigaw nito sa akin
Nakatingin lang ako sa kan'ya at nag hahanap ng pwedeng isagot! Sinabi na n'ya pero may kulang!
"Tatay ko? Ano ho ba ang nakukuha n'yo kay Papa? O baka naman ibang tatay ang sinasabi n'yo?" saad ko na may mga luhang pumatak sa mata ko.
Dahil naman sa tanong ko biglang hindi s'ya mapalagay at parang may mali sa mga sinabi n'ya. Biglang naglikot ung mga mata n'ya, hindi makayang tumingin sa mga mata ko.
"Sinong tatay ko?" deretsong tanong ko sa kan'ya.
"Anong sinasabi mo, nasa trabaho ang t-"
"SINONG TATAY KO?! SINONG MAGULANG KO?! AT SINO KAYO?!" malakas na sigaw ko sa kan'ya habang nanlalaki ang mga mata. "Anak n'yo ho ba talaga ako?" umiiyak na habol kong tanong.
Tumingin s'ya sa akin pero agad din umiwas.
"Hindi ka namin anak,"