Chapter 3

3232 Words
Krystal's POV Habang magdadrive si Nicole nakakarinig ako ng mahihinang humming na may kasamang pagkanta galing sa kanya. Napapikit na lang sa lamig ng boses ni Nicole. Napakagaan at napakaganda! Natahimik na kaming lahat at walang nagsalita. Di naman nagtagal, nakikita na namin ung resort na pagbabakasyunan namin, I really love seashore, seaside, sea ambiance! Pareho kami ni Kim, nakakarelax at parang nakakawala ng stress sa mangyayari. Imbes na dumaan kami sa main gate ng resort, may ibang dinaanan si Nicole na mas mabilis makarating sa rest house nila. Pagdating nga namin dun may mga nakaabang na samin na mga staff at hindi naman kami nagulat dun baka si Nicole yung kasama namin ano? Baka asawa to ni Miggy Monticlaro at buntis to kaya hindi papabayaan to basta ng asawa nya atska bukod dun may pagka possessive si Miggy! Tinuro samin ni Nicole isa isa ung mga kwarto na pwede naming pag stay'an kaya pumasok muna kami dun at nagpahinga. Kinuha ko ung phone ko para tignan kung may nagmessage at meron naman. Si Harold at si Mama, pero hindi ko pinansin ung kay Mama, ayokong maspoil 'tong bakasyon namin. I dial Harold's number and hindi naman ako nabigo dahil mabilis nya ding sinagot. Nag aantay din to panigurado. "Hi! Busy ka, Atty?" masiglang bati ko sa kanya. [Nope, I'm actually waiting for your call, Hon,] saad nya sa kabilang linya kaya napangiti ako. "I love you, Harold, you are one of the best thing happened to me," nakangiting sabi ko na kahit hindi nya kita yun gusto kong maramdaman nya na masaya ako na nasa buhay ko sya. [I love you too, Tal!] sagot nya sakin at alam kong seryoso ung boses nya. [Anoman nangyayari sayo, andito lang ako para sayo, hm?] malambing na sabi nya. Hindi ako umimik at binaba na yung tawag dahil bigla akong naluha. Memories of our past, flashing on my mind... Mula nung pumayag akong manligaw sya hanggang sa patuloy sya sa panliligaw nya. Flashback "Uwi na tayo, may pasok pa tayo bukas." Tumatayong yaya ko kay Harold. Tumayo din sya at tinignan ako sa mata. "You didn't answer my question earlier," seryosong sabi nya. "Anong tanong?" saad ko pero nagmamaang maangan lang ako dahil alam ko naman yung tinutukoy nya. After kasi nung sinabi nya na about sa ipaglalaban nya ko kahit anong mangyari, tumahimik na ko at hindi nagsalita. Tumingin na lang sa dagat kung saan makikita ung liwanag na galing sa bwan. Nakita kong umiba ung expression ng mukha nya tapos bumuntong hininga. "Wala, let's go," sabi nya at nauna pang maglakad sakin papunta kotse nya. Hindi ko kasi sure kung seryoso sya kanina, hindi nga ako pwedeng mag jowa dahil sa nanay ko. Mali! Hindi ako pwedeng mag jowa kung hindi nanay ko ang mag bibigay nun dahil ayun ung isa sa mga kondisyon nya sakin kaya ngayon lang ako nakarinig ng lalaki na manliligaw. Napabuga na lang din ako ng hangin bago sya sinundan. Pagdating namin sa kotse, pumasok kami agad at tahimik na tinahak ang daan pauwi. "San kita ihahatid?" tanong ko nya sakin na hindi tumitingin. "Ahm, sa apartment na lang, turo ko na lang sayo," saad ko kaya nakita kong tumango sya. At tumahimik na naman kaming dalawa. "Harold, seryoso ka ba dun sa sinabi mong ligaw ligaw?" tanong ko sa kanya dahil napapanis na ung laway ko. "It depends on you, pero para sakin seryoso ako dun," sabi nya. "If you will take it seriously, then yes! I'm f*cking serious about courting you," sabi nya pa. Nagmura sya so seryoso nga sya. Tumahimik ako ulit at hindi nagsalita. Kailangan kong pag isipan ung isasagot ko. Magagalit si Mama, pag nalaman nyang nagpaligaw ako sa hindi nya kilala. Pero bakit ung mga kapatid ko nakadami na ng jowa, hindi naman sya nagagalit. Nakabuntis pa nga yung isa pero wala lang sa kanya. Wala naman masama kung magbo boyfriend ako, nasa tamang edad na ko at pwede na ngang gumawa ng pamilya diba? So walang masama! Pwede na! Tama! Pwede na! "San ang apartment mo, Tal?" biglang tanong ni Harold kaya nagulat pa ko at halos mapatalon sa upuan ko. "Okay ka lang?" tanong nya pa. "Oo, may iniisip lang ako kaya nagulat ako sayo," sabi ko at umayos ng upo. "Asan na ba tayo?" tanong ko sa kanya habang nagpapalinga linga. "Papasok pa lang naman ng Manila pero gusto ko lang kausapin ka," saad nya kaya napatawa ako nang hindi sadya. "Kaya naisipan mo na lang itanong kung saan ang apartment ko?" tanong ko sa kanya at hinarap pa sya. Nakita ko naman na sumulyap sya sakin bago tumango. "Oo, wala akong ibang matanong eh," sabi nya pa kaya natawa ako na nakahampas pa sa hita ko at umiiling. "You're unbelievable! Pwede naman kung nagka boyfriend na ko? Ilan taon na ko? Type ba kita? Kung papayag na ba ko manligaw ka? Mga ganun! Napag hahalataan ka tuloy na walang experience makipagdate!" singhal ko sa kanya matapos kong tumawa nang malakas. "Fine! Oo na! Wala na! Now answer all the questions you said, ayun na lang ung tanong ko," saad nya at nakita ko pang ngumuso sya. "Sige sige! Wala pa kong nagiging boyfriend dahil ayaw nila Mama, pag nakikipagdate ako sa hindi sya ang nagreto, madami syang sinasabi na naooffend ung lalaki pag pinakilala ko na kaya hindi na natutuloy dahil pinapatigil ko na din, 23 na ko kasing edad ko sila Kim. Tapos type ko ung pagiging mysterious mo, lakas ng dating! Crush ka kaya namin dahil dun pero ako na lang nagyon kasi wala na atang balak si Danica, gusto kita pero hindi ko gustong mag iba ang tingin mo sakin pag pinakilala kita sa parents ko, I'm happy that we're already friends. I mean yung eto na nakakausap kita nang iba. Kaya sorry if hindi ako makasagot ng Oo sayo," mahabang litanya ko sabay tingin sa kanya na nakatingin sakin. Napatingin naman ako sa paligid at dun ko lang napansin na nakahinto na pala kami. Daldal ko kasi ngayon eh. Kila Nicole ko lang nilalabas tong pagiging madaldal ko! "Ayun yung inaalala mo kaya ayaw mong pumayag na manligaw ako sayo?" tanong nya kaya tumango ako ng dalawang beses. Nakita kong tumingin sya sa labas sabay suklay sa sarili nyang buhok tapos tumingin sakin ulit. "Okay, now I understand." Tatango tango nyang sabi. "What's your mother's name?" tanong nya pa kaya napakunoot ang noo ko. "Lydia de Guzman, why?" saad ko na naging tanong din. "Noted!" sabi nya ulit tapos umayos ng upo tapos nagdadrive ulit. "Saan kayo nakatira? I mean ung family mo," tanong nya habang nagdadrive na. Nagtataka man sinagot ko lahat ng tanong nya kahit gulong gulo na ko, kasi may iba mga personal na eh. Tinuro ko na din ung apartment na tinutuluyan ko ngayon hanggang sa makarating kami dun. Pababa na ko pero nacurious pa din ako kaya tinanong ko na sya. "Bakit mo tinanong lahat ng info ng family ko?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Nothing, I just want to know you more. Sige na at pumasok ka na," saad nya kaya napatango na lang ako. "Okay.. bye! Ingat sa pag dadrive. Thank you for today, Harold!" nakangiting saad ko sa kanya. Nakita kong ngumiti din sya at nagpaalam na. "Bye, Krystal! Thank you too for today! Next time ulit!" nakangiting sabi nya tapos nagdrive na paalis. Lumipas ang mga linggo at nagkakangitian lang kami ni Harold paminsan minsan. Pero nagka kakwentuhan pag nagyayaya sila na mag bar. Isang araw nagyaya si Sir Henry at Kim na magdinner sa condo ni Sir Henry. Dahil sabado at may pasok sumabay na kami ni Nicole kay Sir Keith kung saan andun din si Cams. Nakarating kami sa building nila kasabay din sila Sir Miggy, Harold, Danica at Theo. Buti nga nakasabay ung dalawa dahil pareho silang galing sa mga kanya kanya nilang kompanya. Pagpasok namin ng elevator, di sinasadya na magkatabi kami ni Harold at nahiwalay ako kay Nicole na kasabay kong maglakad kanina. Nasa unahan ko sya ngayon tapos katabi ko si Danica na katabi ni Theo na katabi si Sir Miggy. Ang katabi ni Nicole si Camille at Keith. "Ay!" gulat ko nang biglang hawakan ni Harold yung kamay ko. Agad akong nilingon ni Nicole. "Okay ka lang?" tanong nya sakin. Ngumiti naman ako at tumango. "Oo naman! Okay lang ako, nagulat lang ako sa pag akyat," saad ko pero bruha pinagtaasan ako kilay. "Mukha kang..." saad nya pero pinutol. "Ano?!" pinanlalakihan ko sya ng mata habang tinatanong yun. Nagkibit balikat ang gaga bago nagsalita. "Wala," saad nya at tumingin ulit sa harap. Dahil tapos na ko kay Nicole kinurot ko naman ung kamay ng lalaking humawak sa kamay ko. Sya naman ang napadaing! "Aww.." daing nya dahil nasa harap namin si Nicole tinignan din sya tapos lumipat sakin ung tingin, nagkibit balikat lang ako sa nakataas na kilay ng kaibigan ko, bigla nya kaming tinignan lahat dahil nakarinig sya ng mahihinang tawanan. "Baliw na kayo?" Inosenteng tanong nya samin kaya ung kaninang mahinang tawa naging malakas. "Hala! Nabaliw na nga!" "Kalmahan mo lang kasi, girl! Sa sobrang tahimik mo, napapansin mo lahat," sabi ni Danica. Napakamot naman si Nicole sa kilay nya. "Malakas lang pandinig ko!" sabi nya at umayos na ulit ng tayo nya. "Oo! Sa sobrang lakas pati kuliglig naririnig," rebat naman ni Dani. Humarap naman si Nicole sa gawi namin ni Danica na katabi ko tapos ngumisi! Sh*t! Nakakatomboy! "Sorry not my fault," nakangising sabi nya kaya natawa kami. "Mic drop!" sabi ni Camille na nagpahagikhik dun sa mga lalaki kasama na ung nakahawak sa kamay ko. Sasagot sana ung isa kaso saktong bumukas ung elevator kaya hindi na nya nagawa. Pilit ko namang inaagaw kay Harold ung kamay ko pero ang loko! Ayaw ibigay! Saktan ko kaya atay nito! Isang tapik sa balikat ang nagpabitaw sa kanya sa kamay ko. Si Sir Miggy! "Bitaw na. Ska mo na hawakan pag nanliligaw ka na, hindi pa naman eh," mahinahong saad nya at nilagpasan kami. Dahil nga nakabitaw na sya sakin, tinago ko yun sa likod ko tapos dinilaan sya at mabilis na tumakbo sa tabi ni Nicole na nauuna pa samin. Alam nya pala to? Nakarinig lang ako ng mahinang tawa kay Harold pero di ko na pinansin. Nakarating kami sa unit nila Sir at winelcome nila kami nang maayos at pinaupo sa couch na andun. "Buti walang ung mga nanggugulo ngayon dito," sabi ni Kim habang nakanguso at nakayakap sa iritableng si Nicole. "Lumayo ka nga muna saglit! Madumi kaya ako!" inis nitong sabi na ikinatawa lang namin dahil mas sumiksik pa si Kim sa kanya. "Bango bango mo kaya!" sabi nito at tinampal ung kamay ni Nicole na tumutulak sa kanya. Nakakabahala lang na baka mahulog si Nicole dahil urong sya ng urong dahil sinisiksik sya ni Kim! At hindi nga kami nagkamali! Isang malakas na kalabog ang magpatayo saming lahat dahil nahulog si Nicole na nadaganan ni Kim! Mukhang nasaktan talaga si Nicole dahil nakangiwi sya tapos si Kim nasa tyan nya nakadagan. "Sweetie! Careful!" sabi ni Sir Henry ska itinayo si Kim sa tyan nang nakahiga na Nicole, mabuti na lang at nakatrouser sya ngayon. "Ihh! Okay lang ako, si Nicole!" pag aalala naman ni Kim dahil okay lang naman talaga sya, etong isa ang kawawa kaya nilapitan ko na lang sya at itinayo. "Buhay ka pa?" tanong ko pero hindi sya nagsalita at iniinda pa din ung tyan nya. "Hoy!" sita ko at hinampas sya. Kaya binatukan ako ni Danica. "Nahulog at nadaganan na nga hinampas mo pa! Baliw lang, Tala!" sabi nya pero binawian ko dahil bigla nyang tinusok sa tyan si Nicole. "Sakit?" natatawang tanong nya habang iniinda ung pagkakabatok ko sa kanya. "Pinagalitan ako tapos sya naman gumawa din!" pairap na sabi ko. "Tigilan nyo nga! Nasaktan na nga si Nicole, kayo talaga. Okay ka lang?" Malambing na saway samin ni Cams sabay tanong kay Nicole. "Ang hirap maging battered friend!" singhal samin ni Nicole na nakaindian seat na pero nakahawak pa din sa tyan nya. "Eh! Sorry na! Masakit balakang mo! Hilutin kita! Magaling ako maghilot!" sabi ni Kim na umupo din sa lapag. "Ayoko! Baka mabali pa buto ko dyan sa hilot mo!" pagtataray nya kaya natawa kami. Nakalimutan namin na may mga kasama pala kami. Kaya naman napatingin kami nang magsalita si Sir Keith. "Okay ka lang ba, Nicole? Hindi mo ba need pumunta ng hospital?" tanong nya. Nagulat naman kami nang tumayo bigla si Nicole nang maayos at parang walang nangyari pero napangiwi din dahil sa tyan nya. "No need na po ng hospital! Okay lang po ako! Whoo!" saad nya sabay buga ng hangin sa bibig. Ayaw nya sa hospital dahil sa nangyari kay Tita Ja. "Okay lang po sya!" saad ko at tumayo na din ska tumingin kay Nicole na nakatingin sakin tapos ngumiti. "Sure ka? Sabihin mo pag may masakit ah!" sabi naman ni Sir Henry bigla naman umarte si Nicole at humawak sa puso nya. Kaya nag alala naman sila pero ang Kimberly! Binatukan sya ng malakas! "Kalokohan mo na naman!" inis na sabi nito. "Mapanakit ka! Ang sarap mong ihulog sa terrace nyo!" pagtataray ni Nicole tapos humarap dun sa mga nag aalala sa nangyari sa kanya. "Okay lang po ako, masakit lang po ung tyan ko kasi ang taba ni Kim tapo- Awww!" daing nya dahil kinagat sya ni Kim sa balikat nya. "Magsasakitan na naman kayong dalawa," saway ni Sir Henry sa kanila. Hinayaan na namin sila dahil sanay na kami sa kanilang dalawa. "Ganyan talaga sila?" tanong ni Harold na nasa tabi ko pala. "Oo! Kulang pa yan kasi hindi lumalaban si Nicole ngayon," sabi ko at tumingin kay Kim at Nicole na pinipigil ni Sir Henry. "Ah! Alam ko na kung bakit," sabi nya at tumango tango sabay tingin kay Nicole. "Sure kang sakin ka talaga nahulog? Hindi ba kay Nicole?" bulong ko at sigurado akong dalawa lang kaming nakakarinig. "Yes! Nicole is beautiful like goddess but your beauty captivates me the most," bulong nya din at hindi ko naman alam kung kikiligin ako o hindi basta kinagat ko na lang ung ibabang labi ko para pigilang ngumiti. "Ay ayoko! Ano ka chiks?! Pagkatapos mo kong daganan magpapagawa ka sakin ng brownies!" nabaling ung tingin namin kay Nicole na nagmamaktol na naman. Tahimik si Nicole basta hindi sya makikipagsagutan kay Kim! Basta walang Kim na gagambala sa kanya! Tahimik lang talaga sya! Pero pag ganyan na iniinis sya ni Kim! Asahan mo talaga ung bibig nya pangkalye! Pagtinamaan ng kalokohan talaga naman! "Sige na! Minsan lang eh!" sigaw naman ni Kim na sinusundan si Nicole paupo. Natatawa na may kasamang iling na lang si Sir Henry sa dalawa. "Gaano kadalas ang minsan?! Pakiexplain! 10 pages of manila paper! 12 font size, Calibri standard ang font style with header and margin! Standard lahat!" maktol nung isa kaya hindi namin napigilang matawa. "Ano ka? Nagpapagroup project?!" natatawang saad ko na napahawak pa sa tyan ko! "Hindi naman group project yun! Reporting ang gusto mong mangyari!" maktol ni Kim. "Ah! Walang explaination, walang brownies!" saad ni Nicole tapos ngumiti nang matamis. Ang lakas talaga ng trip! Pero napawi yun nang nakarinig kami ng hikbi kay Kim. "Takteng yan! Oo na!" suko nitong isa kaya natawa kami nila Danica. Pero mag nakakapagtaka bakit ang arte ni Kim ngayon?! "Hoy! Kim! Bat ang arte mo ngayon?!" tanong ni Danica. "Kasi buntis sya," nakasimangot na sabi ni Nicole pero napangiwi na natatawa din nang sabunutan sya ni Kim. "Ay! Sorry! Nadulas! Nabwisit kasi ako eh!" sabi nya kaya natawa sila Theo sa kanya. Napaigik din sya nang pitikin sya ni Sir Henry sa tenga. "Dapat kami magsasabi, bakit ikaw?!" natatawang sabi ni Sir Henry habang pinanggigigilan ung tenga ni Nicole na pinitik nya. "Sorry na! Masakit!" sigaw nya at napuno lang ng tawanan ung paligid dahil sa kakulitan nila. "WAIT!!" napatingin kaming lahat kay Danica nang maglakad sya papalapit kay Kim. "Buntis ka?" tanong nya dito na nakataas ang kilay at dun lang din nagsink in sakin pati kay Camille. "Oo nga?!" nanlalaking matang saad ko. Kaya sila Kim naman ang kinulit namin at tumahimik na si Nicole na panigurado iniinda pa din ung balakang nya. "Tara na muna sa table at kumain. Dapat kasi dun sasabihin sa hapag. Eto kasi si Nicole eh," yaya samin ni Sir Henry. Natawa lang si Nicole nung tinuro sya ni Sir Henry nag peace sign pa. At nagpunta na nga kami sa hapag para kumain. Madaming pagkain na nahanda mukhang pinaghandaan nila pero inispoil ni Nicole. Naupo na kami sa dining nila at nag umpisa nang kumain, nagkakaroon ng kwentuhan, kung kanina si Nicole ang nauuna sa kadaldalan. Ngayon sya na ang nangunguna sa katahimikan. Tahimik syang kumakain ng pork adobo na may boiled egg at kanin. Kami kasi nila Dani at Camille, pesto lang ang kinain. Mukhang sinadya ni Kim na magkaroon ng kanin para kay Nicole dahil hindi to nakakain pag walang kanin. Tumikim si Sir Henry habang nakain na kami ng dessert na cake. "So since inunahan naman na kami ni Nicole, tuloy ko na. Kim is pregnant, 5 weeks na. And next week will be the wedding," sabi ni Sir Henry kaya napangiti naman kaming lahat maliban sa katabi ko dahil busy sya sa pagkain nya ng cake, chocolate kasi. Mukhang hindi rin sya nasurprise na ikakasal ung dalawa. "Congrats sa inyong dalawa! Akala ko next month pa, pero mukhang hindi na nakapaghintay si Henry," sabi ni Keith kaya nagkaasaran sila dun. Binati lang namin ung dalawa bago nagsalita si Theo. "Sino naman kaya ang susunod na ikakasal sa inyo, ung susunod ang mahirap hulaan kasi ung mahuhuli madali lang," sabi nya kaya napatingin kami sa kanya. "Bakit madali lang yung mahuhuli?" tanong ko sabay tingin kay Nicole na busy na kumuha ulit ng cake. Nakakatawa kasi wala na syang paki sa pinag uusapan namin. "Madali kasi si Nicole lang naman ung huli ikaka-" naputol ung sasabihin nya nang bigla kaming nakarinig ng nabilaukan. Agad kong inabutan ng tubig si Nicole dahil namumula na ang loka kakaubo! "Anong nangyayari sayo?!" inis na sabi ni Kim pero bakas ang pag aalala. "Habulin ka ng disgrasya ngayon, pashnea ka!" dagdag nya pa. Sinamaan lang sya ng tingin ni Nicole dahil patuloy pa din sa pag ubo. Pulang pula talaga sya! "Okay ka na?" tanong ko dahil ako ang malapit sa kanya. Tumango lang sya dahil sa pag uubo nya tapos uminum ulit ng tubig. "Si Theo kasi eh! Binibigla mo si Nicole, malay mauna pa si Nicole sa-" hindi na naman na tuloy ung sasabihin ni Sir Keith dahil nabilaukan na naman si Nicole! Natawa lang si Sir Keith pero nawala yun nung nagsalita si Sir Miggy. "Enough, Keith! Both of you, enough talking about marriage, unless kila Henry ung pag uusapan," sabi nya tapos tumingin kay Nicole na nagpupunas ng bibig pero hindi pa din nawawala ung pag ubo nya. Kawawa naman to. Napatingin ako kay Harold nang mapansin kong nagpapalipat lipat ung tingin nya kay Nicole at Sir Miggy. Pero nalipat sakin ung tingin nya at ngumiti tapos kumindat. Napangiti din ako dahil sa ginawa nya. Sira ulo! "Ang landi natin ngayon, Tala ah..." bulong ng katabi ko na si Danica kaya nabaling ang tingin ko sa kanya na nakangisi at nagtataas baba ung kilay. Patay! --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD