Krystal's POV
"Why you want to be here in seaside? May bumabagabag ba sayo?" tanong sakin ni Harold habang naglalakad kami papunta sa dalampasigan.
Tinanggal ko ung heels ko at nagpaa habang naglalakad sa buhanginan, hawak hawak ko sa magkabila kong kamay yung heels ko. Nakasunod lang naman sya sakin.
"Pagsinabi ko bang meron, papawiin mo?" tanong ko sa kanya pero hindi sya nililingon.
"If I can then I will. Try me!" hamon nya kaya natatawa akong humarap sa kanya pero seryoso yung mukha nya na nakatingin sakin.
Katulad ko nakatanggal din ung leather shoes nya, iniwan nya sa kotse kanina tapos ung slacks nya nakataas hanggang gitna ng binti tapos ung gray long sleeve nya nakatupi hanggang siko. Ang gwapo!
"Bakit ang gwapo mo kahit hindi ka pala ngiti? Bagay sayo ung pagiging mysterious and serious type," deretsong sabi ko habang nakatingin sa mata nya na may shade ng gray. "Ang ganda ng mata mo!" puri ko ulit.
"Thank you for the compliment but... Don't change the topic, what is bothering you?" sabi nya at ngumiti kaya mas gumwapo sya sa paningin ko.
Tumalikod ako at naglakad ulit papunta seashore. May dala akong sapin at nilatag ko na lang yun tapos naupo. Ganun din naman sya at tumabi sakin.
"Napapagod lang ako, gusto ko lang magrelax katulad nang ganto, ung malayo sa mga tao. Malayo sa nagbibigay ng stress sakin," sabi ko at huminga nang malalim.
"Then we should do this often," sabi nya kaya napatingin ako bigla sa kanya at tumawa nang mahina.
"Anong we?! Ako lang! Mukha ka namang walang stress sa katawan," saad ko sa kanya kaya sya naman ang napatingin sakin, nagtama ung mga mata namin. Kaya naman may kung anong kuryente sa katawan ko ang nabuhay, kanina pa to!
"Hey! Don't judge the book by it's cover, I'm a person too, kaya may problema din ako," sabi nya tapos tumingin ulit sa dagat.
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan nya ko dinala. Basta alam ko malayo kami sa Manila.
"So may problema ka din?" tanong ko sa kanya. Umiling naman sya kaya nahampas ko sya bigla. "May pa don't judge, don't judge ka pa, eh wala ka naman pala talagang problema!" singhal ko sa kanya kaya natawa sya bigla pero parang nainis.
"Why hitting me? I thought you're nice! Let's go! Iuuwi na kita sa mga kaibigan mo," sabi nya at akmang tatayo pero pinigilan ko sya.
"Hoy! Joke lang naman. Sorry na! Hindi na kita hahampasin," sabi ko at tinignan sya pero nagulat ako nang ngumiti sya.
"I'm just messing with you, hindi naman kita iuuwi sa mga kaibigan mo. Sige lang! Hampasin mo lang ako kung dun ka magiging komportable sakin. I'm fine with it," nakangiting sabi nya.
"Sira ulo!" singhal ko sa kanya pero nakangiti din. "Lagi ka na lang ngumiti para mas gwapo ka," sabi ko at tumingin sa harap ko sabay pikit at dinama ung hangin na tumatama sa balat ko.
Hindi kami pareho nagsasalita at nakatingin lang sa harapan namin hanggang sa unti unti nang nagcocombine ang liwanag at dilim... Nakikita din namin na lumulubog na yung araw..
"Sarap pagmasdan," sabi ko habang nakatingin sa lumulubog na araw.
"Ang sarap nga pagmasdan," rinig kong sabi ni Harold kaya naman nilingon ko sya dahil pakiramdam ko kanina sakin sya nakatingin pero hindi naman pala kundi dun sa araw din.
"Attorney, may naging girlfriend ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Just call me Harold, no need to be formal. But to answer your question, none," saad nya kaya tumango tango ako.
"Ano lang fling?" tanong ko ulit.
"Yes! L*bog lang," sabi nya kaya natawa ako nang malakas at parang gusto ko syang ihagis sa dagat.
"Bulgar ah! Edi madami ka nang nagalaw na babae," tanong ko tumingin naman sya sakin tapos ginalaw ung kamay ko na nasa tuhod ko.
"Oo, ayan nga oh! Ginalaw kita," saad nya kaya napairap ako bigla pero napangiti din.
"Ang korny mo! Sagutin mo yung tanong ko!" singhal ko sa kanya. Natawa lang naman sya nang mahina tapos tumingin sa dagat.
"Hindi naman, mas madami pa din si Theo, pero nahinto na yun. Simula nung nag abugado ako. Dahil malaking kasalanan sa integridad namin yun," saad nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Edi ibig sabihin, wala ka nang ginagalaw na babae ngayon," turan ko sa kanya pero tinignan nya ko ulit at ginalaw ulit ung kamay ko.
"Meron nga! Ikaw!" saad nya kaya hinampas ko ung kamay nya.
"Apaka korny mo! May ganto ka palang side! Bat hindi mo ipakita pag magkakasama tayo nila Kim? Madaming maiin love sayo pag nagkataon," sabi ko at ngumuso.
"Kasama ka ba sa maiin love sakin pag nagkataon?" marahanang tanong nya kaya naintindihan ko lahat ng sinabi nya kaya hinarap ko ung katawan ko sa kanya.
"Bakit hindi mo itry?" hamon ko kaya ngumisi sya. Kakaibang ngisi! Hindi creepy pero mararamdaman mong hindi gagawa ng maganda eh.
"Are you sure about that? Because if yes! Walang atrasan to," sabi nya habang nakangisi pa din. Tumango naman ako. "Okay, then allow me to court you, and I'll make sure that you will fall for me like how I fell for you," mahabang litanya nya kaya halos lumuwa ung mata ko sa gulat dahil sa sinabi nya.
"Hoy! Anong fell fell ka dyan?! Ngayon lang tayo nag usap tapos may pafell fell ka dyan! Tigilan mo ko, Attorney!" saad ko sabay iwas ng tingin sa kanya dahil pakiramdam ko mukha na kong kamatis sa pagkapula ng mukha ko!
Nakarinig lang ako ng mahinang tawa sa kanya bago nag salita. "Ngayon lang naman tayo nag usap nang tayong dalawa lang but we're always with our friends and wala naman mali kung mahulog ako sayo nang hindi ka nakakausap. I know someone na hindi alam ng taong mahal nya na nageexist sya pero mahal nya, paano pa kaya ako na, alam ng babaeng kinahulugan ko na nag eexist ako. May chance diba?" saad nya kaya napabalik ako ng tingin sa kanya.
Seryoso sya sa sinasabi nya! Takte! Totoo ba talaga?! Hindi ko alam kung anong kaya kong ibigay sa kanya? bukod dun, mahihirapan kami kila Mama.
"Seryoso ka ba?! Harold! Mahirap akong mahalin. Hanggang ngayon sakal sakal pa din ako ng nanay ko kahit nasa ibang bahay na ko, tatanggapin mo ka din ba ko? Kung malalaman mong magulo ang pamilyang meron ako?" natatawang sabi ko pero parang sarkastiko yon.
"I don't care, if loving you is the most difficult cases I'll encounter, lalaban ako! Tatanggapin ka at walang bibitaw," sabi nya sabay kuha ng kamay ko. "Katulad ng sabi ko sayo kanina, I won't let go now, Tal. I won't!" madamdaming turan nya at mas hinigpitan pa ung kapit nya sa kamay ko.
"Spacing out si Tala..." kanta ng kung sino kaya napa kurapkurap ako at nabalik sa reyalidad.
"Ha? Wala may inaalala lang," sabi ko sa kanila tapos tumawa nang mahina.
"Grabe! Miss mo na agad si Harold? Saglit pa lang tayong nahihiwalay sa kanila," pang aasar ni Kim sakin.
"Baliw! Hindi naman. May naalala lang ako! Grabe kayo sakin ah," pagtataray ko kuno pero natawa. Gising na pala ung dalawang buntis kaya may mambubwisit na samin.
"Kunwari pa kayong inaasar si Tala, eh! Yang cellphone mo, Dani, kanina pa natunog!" saad ni Nicole na hawak din yung phone nya. "At ikaw, ung phone mo natunog din," sabi nya kay Camille na natatawa samin.
Napatingin naman din ako sa phone ko at may message si Harold kaya napangiti ako. Puro 'I love you' lang naman ung message nya at namimiss na nya ko. Pero sa message nyang namimiss na nya ko, alam kong may iba dun. Madaming ibig sabihin nung namimiss na nya ko. Ganun din naman ako pero... Hindi ko alam kung worthy pa ba kong mahalin, samahan at paglaanan ng oras kung hindi ko naman kayang ibigay ung mga bagay na gusto nya.
Napabalik na naman ako galing sa pag iisip nang huminto kami at magpalit si Nicole at Danica ng pwesto dahil si Nicole naman ang magdadrive.
Natawa naman ako nang mahina nung may naalala na naman ako! Hindi na ata mawawala sa sistema ko si Harold. Dahil sya ung naalala ko bigla.
"Wala naman masama kung sasabihin mong namimiss mo si Harold," rinig kong sabi ni Nicole habang minamaniobra ung manibela. Napangiti naman ako. Namimiss ko naman sya sobra pero nakokosensya ako.
Wala syang alam sa nangyayari sakin. Nagkapatong patong kasi... Na sa sobrang nagkapatong patong gusto kong umalis at lumayo na lang habang buhay...
----------