Chapter 4

2689 Words
Krystal's POV Continuation of flashback.... "So! Anong meron sa inyo ni Attorney? At may pakindat kindat pa sayo?!" tanong ni Dani habang pauwi kami ng apartment kung saan ako nakabed space. Kakatapos lang namin ihatid si Nicole na namumula mula pa din dahil dun sa pagkakasamid n'ya. Pagkatapos kasi naming kumain, nagkaroon pa kami ng kwentuhan tapos si Danica na ung nagsabing sya ang mag hahatid sa'min. "Wala! Sira 'to!" singhal ko sa kan'ya sabay pigil ng ngiti dahil naalala ko na naman ung sinabi ni Harold at ung pakindat n'ya. "Wala daw pero yang ngiti mo halos mapunit ung labi mo! Wag ako, Krystal!" sabi n'ya kaya napabalik ung tingin ko sa kan'ya. "Hoy! Danica! Kung makaintriga ka sa'kin akala mo, wala s'yang ginagawa!" singhal ko din sa kan'ya pero parang pang aasar. Bigla namang nag iba ung ihip ng hangin at tumahimik s'ya. "Kayo?! Anong meron sa inyo ni Theo? Nakita ko kayong magkahawak ng kamay kanina. Kung hindi kayo tinapik ni Sir Miggy, hindi kayo magbibitaw," sabi ko at turn ko naman ngayon. Nakita ko kasi sila kanina ni Theo na magkahawak kamay. "Wala," maikling sabi n'ya pero may iba kaya pinaningkitan ko s'ya ng mata. "Bakit parang sa tono mo, gusto mong meron?! Patay tayo d'yan! Playboy 'yon!" saad ko pero di na s'ya nagsalita. "Tinamaan ka na?" tanong ko sa kan'ya. "Hindi ah! Sabi ko diba, ayoko kay Theo!" puno ng depensang sabi n'ya kaya napataas lang ung kilay ko. "Talaga lang ha? Hindi kasi 'yon ung lumalabas na tono sa sinasabi mo," pang aasar ko sa kan'ya pero hindi na s'ya nagsalita pa. Mukhang type n'ya si Theo. Nakarating kami ng apartment kaya nagpaalam na ko at nagpasalamat. Lumipas ang mga araw at eto na nga kami. Pinapanuod naming ikinakasal si Kim sa mahal n'yang si Sir Henry. Kami naman ni Harold gano'n pa din ang set up, ngitian at kindatan! Napakaharot pala ng Attorney na 'to! May kalandian din talagang taglay sa katawan, akala ko puro kasungitan lang alam n'ya. "You may now kiss the bride," announce ng minister na nag kasal kila Kim at naglapat na nga ang mga labi nila kaya sabay sabay kaming pumalakpak. The wedding is so intimate, kami lang ata ang hindi kamag anak dito pati sila Sir Miggy. At mabuti nga kaibigan din ni Sir Henry si Sir Miggy! Napadali ang aming pagpapaleave! Si Sir Keith na kasi ang umasikaso. Syempre nakakahiya man, grab the opportunity na! "Biruin mo! May kinasal na sa'tin," rinig kong sabi ni Danica sabay tingin sa'min. "Sino nga kaya ang susunod?" dagdga n'ya pa. "Pwede mo namang sundan na kung gusto mo," sabi ko kaya tinignan ako ng masama ng bruha pero binigyan ko lang s'ya ng nakakalokong ngiti. "Si Cams ang sunod, s'ya ang may active na jowa eh," seryosong sabat ni Nicole habang nakatingin do'n kila Sir Henry na nagpipicture. "Pwede kayang si Tala din, 'di ba?" tanong sa'kin ni Danica at ngumisi. Inirapan ko lang s'ya pero nakangiti din. Hindi naman sadya na napatingin ako do'n sa kabilang side na nando'n ung mga lalaki na lagi naming kasama. Naging kaibigan na din namin sila eh. Dahil nga napatingin ako do'n nahuli kong nakatingin si Sir Miggy kay Nicole na tahimik na nakatingin pa din kila Kim, may gusto ba s'ya dito? Sabagay bagay sila. Tapos si Theo na nakatingin kay Danica na pagtingin ko magkatitigan silang dalawa. Kaya tinampal ko ang bruha. "Hoy! Baka magkatunawan kayo ah," bulong ko sa kan'ya kaya umayos ng tingin at pinukol na lang sa harap. "Ikaw! Baka matunaw ka din, he's staring at you," bulong n'ya habang nakangisi pero hindi nakatingin sa'kin. Dahil naman sa sinabi n'ya, napalingon ako dun sa side ng boys ulit at hindi naman ako nabigo na hindi mahanap ang mata ni Harold dahil tama nga si Danica at nakatitig sa'kin ang loko, kumindat na naman. Sh*t! Bakit parang lalo s'yang gumagwapo sa ginagawa n'ya?! "Kinindatan ka ni Harold?" biglang bulong ni Cams sa'kin kaya napatingin ako sa kan'ya. "Hindi ah! Baka sumakit lang yung mata kaya kumurap," saad ko tapos sumunod kila Nicole at Danica na lumabas sa linya namin dahil tinawag kami ni Kim para magpicture. "Hindi! Kindat talaga yun! I feel it! May something kayo?" tanong n'ya kaya mabilis akong umiling. "Wala! Promise!" saad ko kaya tumango s'ya. Wala naman talaga eh.... Wala pa... Pumwesto na lang kami sa sinasabing picture katabi ng bagong kasal. Pero bago yun naglaitan muna kami ng mga suot namin. Laitan pero ang totoo purian naman, hindi na ata mawawala yun sa'min. Kung ako ang suot ko ay off shoulder color cream na dress, si Danica naman nakababy pink tube dress na flowy flowy, si Camille katerno ng jowa n'ya na gray kaya may touch ng gray ung dress n'ya, si Nicole naka baby blue dress. Kung kami naka heels at doll shoes, s'ya naman white na sneakers. Bagay naman sa kan'ya kaya gandang ganda pa din kami. We do the picture taking, pero nga lang ang ginawa sa'min nung photographer.. ay pinag partner partner kami! Ang galing ng photographer na 'to! "Sapakin ko kaya sa atay 'to, wala namang ibang couple dito! Bakit kailangan partner partner?" bulong ni Nicole kaya mahina s'yang tinampal ni Danica habang natatawa sa kan'ya. "Sumunod ka na lang, wag mo nang kontrahin," bulong din nung isa. Kami lang ang nakakarinig dahil magkakatabi naman kami. "Ahm! Sorry po ah, para po mas maganda po kasi ung dating," saad n'ya. Nagtatawanan lang naman ung sa paligid dahil wala naman magjowa jowa sa'min. Si Cams lang at Keith. "Mas maganda po ung dating kung wa-" naputol ung sasabihin ni Nicole nang takpan ni Kim ung bibig n'ya pero kami ni Danica, natatawa lang. "Sige hanap na kayo ng partner," sabi n'ya tapos humarap kay Nicole. "Wag ka nang umangal! Kasal ko 'to! Sasapakin kita!" bulong lang 'yon pero madiin. Kaya walang nagawa si Nicole kundi mag antay ng ipapartner sa kan'ya. "Oh! Partner daw! Meron na ko," sabi ni Sir Keith at umakbay kay Cams. Dahil naman sa ginawa n'ya sinundan na s'ya ni Theo. "Partner na kami ni Danica," sabi ni Theo at lumapit kay Danica na nakataas ang kilay. "Dito na din ako kay Tal," rinig kong sabi ni Harold kaya ako naman ang nagulat pero mas okay na kesa kay Sir Miggy! Baka hindi ako makangiti kaso nga lang si Nicole. "Ah! Sir! Dito na lang po kayo sa tabi ni Ms. Ganda," sabi nung photographer kay Sir Miggy na sinunod naman ni Sir at lumapit kay Nicole na hinila ni Kim para makatabi sa kan'ya. Wala naman silang magawa kaya nag partner na din sila pero hindi nakaligtas sa'min ung mahihinang tawa ni Sir Keith na kulang na lang ipagtulakan ung dalawa na magtabi. Nakakatawa lang talaga ung itsura nung dalawang ipinagtulakan lang sa isa't isa dahil pareho silang seryoso at mahahalata mong nagkakahiyaan. "Sa'kin ka na tingin, hayaan mo na yung dalawang 'yon," bulong ni Harold sa'kin na katabi ko na. "Baliw! Nababahala lang ako kay Nicole baka hindi makangiti," saad ko kaya sabay kaming tumingin ulit do'n. "Mukha naman makakangiti s'ya, magaling magcompose si Nicole ng sarili n'ya," saad n'ya sabay baba ng tingin sa'kin. "Ikaw? Makakangiti ka ba?" tanong n'ya kaya kusa akong ngumiti at tumango ng dalawang beses. "You're so beautiful," puri n'ya sa'kin kaya napakagat ako sa labi ko. "Game na! Tama na bolahan n'yo," rinig kong sabi ni Theo kaya napatingin s'ya sa'kin na nakakaloko sabay tingin kay Harold na umiiling. "G*go!" mahina pero madiing sabi n'ya. Ngayon ko lang s'ya narinig magmura kaya napalaki ung mata ko sa gulat. Di na namin pinansin 'yon tapos nagpicture na. Nakahawak s'ya sa bewang ko, sabi n'ya para daw magmukhang couple kami. S'ya bumulong no'n. Hindi pa naman kami couple! Ni hindi pa nga s'ya nanliligaw. Pero kanina habang hawak n'ya ung bewang ko may kung anong kiliti na dumaloy sa'kin, parang milyong milyong boltahe ng kuryente ang napunta sa'kin. Iba ung feeling! Natapos ang picture at pumunta na kami sa table kung saan kami sama sama din. Sobrang simple lang talaga nitong kasal nila. Gusto ko gan'to lang din, ayokong maraming kineme. Kasama namin sa table ung mag asawa at napagtripan na naman si Nicole, s'ya kasi ang pinag lilihian pala nito ni Kim. Natapos ang katuwaan at kainan, naunang umalis si Nicole dahil may event daw s'yang pupuntahan kasama mga kabanda n'ya, medyo inusisa pa namin bago s'ya tuluyang umalis, kaya din pala nakasneakers, may ibang errands. "Bye sa inyo!" paalam sa'min ni Cams dahil syempre uuwi na sila ng jowa n'ya, kaya nagpaalam na lang din kami sa kanila. "Hindi kita masasabay dahil, may lakad ako! Pupunta ako ng school!" sabi ni Danica kaya sumimangot ako bigla. "Edi sana sumabay na ko kay Nicole pareho kami ng way!" saad ko habang nanlalaki ang mata, pareho kasi kami ng way ni Nicole ngayon dahil dun sa event na sinasabi n'ya. "Sorry! I didn't know!" sabi n'ya tapos ngumiti ng matamis. "Uy! Attorney! Pwede pahatid na lang si Tala, may gagawin kasi ako. Hindi ko s'ya maihahatid, if okay lang naman," dere-deretsong sabi n'ya kaya bigla ko s'yang sinabunutan. "Anong problema mo?! Sira ulo ka!" bulong lang 'yon pero nang gigil ako lalo na at tinawanan lang ako! "Para sayo 'to!" sabi n'ya tapos tumingin kila Harold, Theo at Sir Miggy na nakangisi kay Harold. "Yeah! Hatid mo na si Krystal, wala ka naman ng gagawin 'di ba?" sabi ni Sir Miggy kaya nahiya ako bigla. "Hala! Hin-" naputol ung sasabihin ko dahil nagsalita si Harold. "Okay lang naman. Pwede din bang wag ko muna s'ya iuwi?" tanong n'ya kaya natawa sila Danica! "No problemo! Basta ingatan n'yo po ito! At wag n'yong kukuhaan ng isang daliri kasi ung kaibigan po naming matandang dalaga na bitter ang puputol ng kinabukasan n'yo," saad n'ya habang matamis na nakangiti do'n sa mga lalaki kaya nagtawanan sila. "Hindi biro lang po. Basta ibalik n'yo po s'ya nang maayos at wala po kayong kukunin sa kan'ya nang walang pahintulot! Okay po kayo kay Nics," sabi n'ya at ngumiti. "Sure! Pero about sa pahintulot, did you give him the permission?" tanong n'ya habang nakatingin kay Theo na nawala ang ngiti nung binanggit 'yon ni Harold, napakunoot ang noo ko dahil biglang tumahimik si Danica at napamura naman si Sir Miggy. "Sh*t! Don't tell me?!" agad namang nilingon nito si Theo na tahimik na minumura si Harold. "You f*cker!" sabi n'ya at biglang nagtagis ang mga bagang natakot naman kami dahil do'n at gustong suntukin si Theo. "Kalma, Migs! Natatakot si Tal," sabi ni Harold na inakbayan ako bigla. "I'll take care of Krystal, Danica, you can go now" nakangiting sabi nito kay Dani na parang ayaw umalis dahil sa dalawang lalaking magkakabanggaan pero nung nagsalita na si Theo at nginitian s'ya, wala s'yang nagawa bukod doon mukhang need n'ya talagang pumunta ng school. Mabilis na nakaalis si Danica sa lugar namin kaya naman ipinagpatuloy nung dalawa ung diskusyon nila. "Kapatid ni Caleb ung kinuha mo! G*go ka ba?!" pasigaw na sabi ni Sir Miggy at kitang kita ung ugat n'ya sa noo. "I will explain it to him," sagot naman ni Theo sabay iwas ng tingin sa'kin. "Anong ieexplain mo? Na you just devirginized her then left her?! G*go!" sabi ni Sir Miggy kaya napatingin ako kay Theo. "Kinuha mo yung hindi para sa'yo?!" inis na tanong ko sa kan'ya do'n lang sila natauhan ulit na nandoon pa kami ni Harold. "Humanda ka kay Nicole! Wag kang magpapahuli kasi hindi mo magugustuhan ung gagawin n'ya sa'yo! Lagot ka! Hindi kita tinatakot pero matakot ka!" sabi ko na may paturo turo pa sa kan'ya. Naiinis ako pero anong magagawa ko. What if Danica also want that to happened? Pero hindi naman gano'n si Danica baka may rason naman.. "Both of us are drunk that night!" sabi n'ya kaya tinignan ko lang s'ya mula ulo hanggang paa tapos hinila na si Harold. "Save your explanation! Bahala ho kayo d'yan! Wag kang magpapahuli kay Nicole, babalatan ka ng buhay nun bukod dun mag isip ka ng bagong palusot mo, hindi bebenta 'yan sa kan'ya," sabi ko habang nakatalikod at hinihila si Harold na natatawa dahil sa mga sinabi ko. Pagkadating namin ng kotse n'ya, natawa pa din s'ya habang pinagbubuksan ako ng pinto. Pagsakay n'ya ng driver seats do'n ko s'ya biglang pinalo, nagulat naman s'ya dahil do'n. "Kelan mo pa alam? Bakit binunyag mo?" tanong ko sa kan'ya habang pinanlalakihan s'ya ng mata. "Nung araw na niyaya kita makipagdate, galing ako no'n sa company ni Theo tas nakita ko s'ya do'n, there's a lot of hickey on her neck. Tapos pag akyat ko sa office ni Theo nakita ko s'ya na nagbibihis pa lang ng polo nya. So alam na!" sabi n'ya 'ska nagdrive. Sa pagkakasabi n'ya no'n natawa ako bigla. "Eh bakit binunyag mo?" tanong ko sa kan'ya. "Kasi akala ko alam mo na, kasi lagi kayong magkasama ni Danica, so I thought she already told you the story," turan n'ya kaya napatango tango ako. "Eh? Bakit gano'n magreact si Sir Miggy? Type n'ya si Danica? Akala ko pa naman ang type n'ya si Nicole," sabi ko ulit at tumingin sa bintana. "Hindi n'ya type si Danica. Caleb is his best friend, since mga bata sila magkasama na sila kaya syempre ung mahalaga kay Caleb, mahalaga na din sa kan'ya, bukod do'n kilala namin lahat si Theo, once na magsawa s'ya, iiwan na n'ya at wala ng balikan do'n, kaya natatakot ako para kay Danica. Maganda na din na nalaman ni Miggy, since top 1 yun sa pagiging loyal si Miggy," salaysay n'ya. Ang haba n'ya magsalita ah! Impernes naman sa kan'ya! "Lagot talaga si Theo kay Nicole! Akala n'ya niloloko ko sya. Matindi magalit si Nicole pagkami na ang naargabyado. Kaya kung seryoso ka sa'kin, ayusin mo buhay mo" seryosong sabi ko kaya natawa s'ya sa'kin. "You're in good hands, Tal. Trust me," saad n'ya habang nakangiti pero hindi nakatingin sa'kin. Di na ko nagsalita at hinayaan na lang. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta dahil hindi to ung way ko pauwi. Dahil hinayaan ko lang s'ya sa pagdadrive n'ya, mukhang inabuso ako ng loko at napunta na naman kami sa pinuntahan namin nung nakaraan. "Andito na naman tayo," marahang saad ko habang nababa sa kotse n'ya. "Gusto mo dito diba? Kaya dito ulit kita dinala. Kahit naman nakatawa ka alam kong may dinadamdam ka. Halata sa mata mo," sabi n'ya kaya napatawa ako. "Ganyan din kasi ung mata mo nung nagpunta tayo dito eh," habol ny'a. "Bakit? Lagi mo ko tinititigan nuh?" biro ko dahil alam ko naman na totoo 'yon. "Oo, napapamahal ka na sa'kin eh," seryosong sagot n'ya na ikinalingon ko. "Prangka ka talaga 'no? Walang sugat coat sugar coat! Dere-deretso!!" sabi ko at inilingan pa s'ya sabay iwas ng tingin nang tumingin s'ya sa'kin. "Ahm.. sorry, nasanay kasi ako na dapat hindi nagpapaligoy ligoy sa pagsasalita, pawang katotoohanan lamang ang dapat sinasabi," saad n'ya kaya napakagat labi ako. Kinikilig? Medyo lang... Pero pigil kasi naman... "Okay lang 'yan, mas gusto ko 'yan pero wag lagi.. magpakilig ka din minsan," saad ko sa kan'ya at naglakad na. Nakakapagtaka lang na nakakapasok kami dito nang hindi kami sinasaway at nagbabayad ng entrance. Matanong nga! Bigla akong humarap kay Harold na nakatingin pala sa'kin kaya natawa ako nang magulat s'ya! Ung itsura n'ya akala mo may gagawin akong masama! "Sh*t! Don't do that again! Ghad!" gulat na sabi n'ya na napahawak pa sa dibdib n'ya. "Ang bakla ko naman! Anyway! Bakit hindi tayo sinasaway dito pagnapasok tayo?" deretsong tanong ko sa kan'ya. Umayos muna s'ya ng tayo bago sumagot. "Kila Miggy to, pagdito ang daan ng mga guest o katulad namin na kaibigan ni Miggy, ibig sabihin nun, libre!" sabi n'ya at kumindat sa'kin. "Taking advantage of your friends property is not bad, sometimes! Atsaka nagsabi ako kay Miggy kanina," habol n'ya pa. "And I'm not bakla! Nagulat lang talaga ako," habol n'ya pa ulit. Natawa ako sa tono n'ya dahil ang arte ng pagkakasabi n'ya dun. Cute lang! -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD