Chapter 23

2146 Words
Krystal's POV "So una na ako at baka magtampo ung jowa ko sa akin dahil nandito na naman ako, isipin pa e, nagkabalikan kami ng tatay mong may pagkag*go," paalam ni Tita sa amin matapos nitong makipagkwentuhan sa amin ni Harold. After kasi naming mag usap, pinakalma muna namin ung maga ng mata ng isa't isa 'ska pumasok dito na maghawak ng kamay at ayon nga nakipagkwentuhan kay Tita. "Sige po, Tita. Thank you po, itetext ko na lang din po s- ay! Wala nga pala kaong sim card.. tawagan ko na lang po si Papa ito sa landline," "Sige sige. Ingat kayo dito, enjoy!" makahulugang saad nito na may pangisi pa. Napailing na lang ako sa sinabi n'ya 'ska kumaway para magpaalam. Tuluyan s'yang umalis at kami naman ni Harold ang naiwan dito. "Ahm.. anong gusto mong dinner?" tanong ko dito sabay harap sa kan'ya. Nakatitig lang s'ya sa akin at hindi nag sasalita pero hindi ko gusto ung nakikita ko sa mata n'ya kaya malakas ko s'yang hinampas na ikinatawa n'ya. "Why?!" natatawa pero nanlalaki n'yang mata. Tumayo ako at naglakad papuntang kusina. "Alam ko 'yang mga tinginan mo, Harold! Isang bwan tayong hindi nag sama laya alam kong may nabubuhay!" singhal ko sa kan'ya na ikinatawa lang naman n'ya. Nagluto lang ako ng ulam namin at sabay kaming kumain. After no'n tumawag ako kay Papa pero hindi sinasagot, pagring lang ang laging nangyayari. "Ahm.. alam ko pagod ka, tara! Tulog na tayo. Hindi naman kasi sinasagot ni Papa ung tawag," yaya ko sa kan'ya. Tumango naman s'ya at umakbay sa akin. "Saan kwarto natin?" tanong n'ya na ikinatingin ko sa kan'ya. "Hindi tayo pwedeng magsama sa kwarto. Baka magalit si Papa! Sira ka!" singhal ko sa kan'ya pero parang wala lang sa kan'ya dahil naglakad na s'ya. Wala akong nagawa kun'di pumunta sa kwarto ko. Nakalock naman na ung gate namin. "I miss you so much.." Nagulat ako nang yakapin n'ya ako paglatapos n'yang sabihin ang mga katagang iyon. Niyakap ko na lang din s'ya at hindi na nag alangan na higpitan iyon. Magkayakap kaming bumagsak sa kama ko na ikinatawa namin pareho pero agad ding tumigil dahil may pareho kaming naramdamang dalawa. Nakatitig lang s'ya sa mga mata ko habang dahan dahang inilalapit ung mukha n'ya sa mukha ko. Kusang pumikit ang mga mata ko, tangging dampi ng mga labi n'ya ang inaantay ko. Hindi naman nagtagal at naramdaman ko na ang mga labi n'ya na nakadikit sa labi ko na kusa kong isinunod sa galaw ng mga labi n'ya. Pinaibabawan na n'ya ako habang ibinababa ung halik n'ya sa panga ko papunta sa leeg ko. "I really missed you so much, Hon.." bulong nito sa punong tenga ko at binigyan ng munting halik na s'yang nag paungol sa akin. Bumalik ung mga labi n'ya sa labi ko bago ko naramdaman na pumapasok na ung kamay n'ya sa loob ng damit ko. Ungol ang naisasagot ko sa bawat haplos at lamas n'ya sa dibdib ko, pakiramdam ko kinumuryente ako sa tuwing ginagawa n'ya 'yon. Nakataas na ung damit ko, nakakatanggal na ung bra ko at marahang ipinapa ikot ni Harold ang dila n'ya sa dulo ng dibdib ki nang makarinig kami pareho ng mga katok sa pinto ng kwarto ko. Pareho kaming natigilan at bahagya n'ya akong inangat ng tingin kahit nakasubo pa din ung u***g ko sa kan'ya. Sa pagbabakasakaling guniguni lamang iyon, muli n'ya pinagpatuloy ung ginagawa n'ya. Sabay kaming napalayo sa isa't isa nang umulit ang pagkatok na s'yang mas malakas na ngayon. "Krystal, Anak? Tulog ka na?" Nabalikwas ako at biglang hindi napakali nang marinig ko ang boses ni Papa! "Sh*t!" mariing mura ni Harold at tinulungan akong ikabit ung bra ko at ayusin na din ung sarili ko. Pumunta ako ng pinto kasunod si Harold at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang itsura ni Papa na nakaayos pa at halatang galing sa kasal. "Pa! Akala ko po bukas pa kayo uuwi," pilit kong itinuwid ang mga salita ko kahit na abot hanggang universe ung kaba ko. Hindi ako sinagot ni Papa bagkus tumingin lang s'ya sa akin at kay Harold na nasa likod ko. "Ahm! Pa, si Harold pala. Harold, si Papa" formal na pag papakilala ko sa kanilang dalawa. "Magandang gabi po," bati ni Harold dito na tinanguan lang ni Papa. "Magandang gabi rin, ijo pero mas magiging maganda ang gabi natin kung sa kabilang kwarto ka matutulog, ayos lang ba sa iyo?" deretsong tanong ni Papa na ikinakagat ko ng ibabang labi ko. "Opo, wala pong problema" saad nito tapos tumingin sa akin. "Malinis ang kwarto doon kaya hindi ka naman aalikabukin," saad ni Papa na tumalikod na at mukhang pinapasunod na si Harold. Wala kaming nagawang dalawa kun'di ang sunod kay Papa. Katapat ng kwarto ni Papa ung sinasabi n'yang kwarto ni Harold ngayon gabi kaya naman nang mabuksan na iyon, lumapit na din si Papa sa pinto ng kwarto n'ya. "Pahinga ka na, Pa. Alam ko naman pong pagod kayo," saad ko dito. "Si Harold din pagod dahil sa byahe at panigurado akong ikaw din. Get some rest now," balik n'yang usal sa akin kaya tumango ako at humarap kay Harold. "Good night, pahinga ka na din. I love you," paalam ko dito at humalik sa pisngi n'ta kahit nandoon si Papa. "Good night din. I love you too," tugon n'ya tapos humarap kay Papa na nakataas ang kilay. "Good night din po, Sir." paalam n'ya dito na ikinatango ni Papa. "Good night sa inyong dalawa and call me Tito Karlo," pahayag ni Papa 'ska tumingin sa akin at nag papahiwatig na pumasok na ko sa kwarto ko. Nagpahuling paalam na lang ako sa kanilang dalawa at pumasok na ng kwarto ko. Isang malalim na hinga ang pinakawalan ko nang makapasok ako at mahiga sa kama ko. Ang rupok natin, Krystal! Bigay agad tayo ano?! Kung hindi dumating ang Papa, paniguradong umuungol ka na naman! Singhal ko sa sarili ko habang iniisip ung nangyari kanina pero wala namna akong pag sisisi, malay natin. Pag may nangyari ulit sa amin, bumalik si Baby. Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda ng agahan namin at alam ko din mahihiya iyon si Harold pag nauna s'yang magising kesa sa akin. Matapos akong mag handa, sabay kong kinatok sina Papa at Harold. Naunang lumabas si Harold na pakiramdam ko ay kanina pa gising dahil bago na ang damit at mukhang nakaligo na. Mabuti na nga lang at may gamit s'yang dala. "Good morning," bati ko dito at mabilis na yumakap natinugon naman n'ya at akmang hahalik sa akin pero naudlot dahil sabay kaming napabitaw nang marinig naming magbubukas ang pinto ng kwarto ni Papa. "Good morning, Pa!" bati ko dito na ikinangiti n'ya lang. Bumati s'ya sa amin at s'ya na mismo ang nag yaya sa amin kumain. "Kailan ang balik n'yo sa Maynila?" tanong ni Papa habang kumakain na kami sa hapagkainan. "Matatapos na po ung leave ko in 4 days kaya po baka bukas or sa susunod na susunod na araw," tugon ko sabay kuha ng saging. "Okay, sa ikalawa na kayo umuwi. Gusto n'yo sumama sa akin?" tanong nito kaya napangiti ako. "Hiking? Sama!" masiglang saad ko sabay tingin kay Harold na nakangiti sa akin. "You want to come with us?" "Sure," tigin n'ya sabay tumango sa akin. Masigla akong tumingin kay Papa at sinabing sasama kami. Sabay kaming nag punta ni Harold sa likod bahay para mag lagay ng bulaklak sa baby namin. Nung araw din na iyon, umalis din ulit si Papa dahil may meeting daw sila ng mga kasama n'ya. Kami naman, nagpunta ng mall para bumili ng damit ni Harold para sa hiking namin. Harold's POV I wake up early para mag prepare para sa hiking namin. Hindi ko naman first time na umakyat ng bundok dahil minsan na akong niyaya ni Theo. Ganoon lang 'yung si Theo pero mabangis iyon pag dating sa akyata sa bundok. Anyway! Naligo na lang ako 'ska nag asikaso para sa pag alis namin. Maganda 'to para sa amin ni Tal. Fresh air, tahimik na kapaligiran at magkasama. Hindi madaling tanggapin ung mga nangyari lalo na doon sa part na nawalan kami ng anak, isama pa na she diagnosed as infertile.. bad news iyon na maituturing but for me, it's actually a good news! Ibig sabihin kasi pwede! Pwede s'yang mabuntis kaya naman hindi ko mamadaliin lahat, may oras para sa bagay na iyon. Maybe hindi pa ito ang oras dahil marami pa kaming issues na dapat ayusin at hindi sila pwedeng mastress na dalawa kaya hindi muna pwede. Bigla naman nag init ang ulo ko nang maalala ko ung mga peke n'yang magulang! Kung sila Nicole, maihahalintulad ko sa anghel na ibinaba para asarin kami, sila para silang sinipa paalis sa impyerno dahil hindi na sila kinaya sa sobrang kasamaan ng ugali nilang mga hayop sila! At mukha ngang tama ako sa naiisip ko sa pekeng tatay ni Krystal! I have this feeling na hindi lang anak ang turing n'ya kay Krystal, may hidden agenda din iyong g*go na iyon! Lalaki ako kaya alam ko! Subukan n'ya lang na galawin si Krystal, mata n'ya lang ang walang dugo. Isang katok ang nagpabalik sa akin sa reyalidad 'ska ko narinig ang boses ng mahal ko. "Hon.. gising ka na?" mababang tawag nito sa akin. Kusa naman sumilay ang ngiti sa mga labi mo nang marinig kong tinawag n'ya ako sa endearment naming dalawa. Naglakad ako papuntang pinto, bitbit ang bag ko at marahang binuksan iyon. "Good morning," bungad kong bati sa kan'ya nang makita kong nakangiti s'ya sa akin. "Giod morning din. Nasa baba na ata si Papa, tara na!" masiglang bati n'ya. Ibang iba nung mga nakaraan na halos hindi s'ya makangiti ng maayos at makatingin sa akin ng deretso. Nakatulong ang pag punta n'ya dito sa tunay n'yang ama. At ngayon ko lang napagtanto kung sinong kamukha nung bisita ni Papa noon, si Krystal! May side na kamukha n'ya ito lalo na sa unang sulyap. Kamukhang kamukha kasi ni Krystal ung Papa n'ya kaya naalala ko lang. Lumakad ako palapit sa kan'ya and immediately lean to kiss her lips. "Tara na!" masigla ding yaya ko at malawak ang ngiti pagkatapos ko s'yang halikan. Hinampas n'ya lang naman ako sa braso at sabay na kaming bumaba. Sa Zambales lang naman ang bundok na aakyatan namin kaya hindi gaano malayo. Sa kotse kami ng papa n'ya sumakay at nasa unanhan ako. "Gaano na kayo katagal ng anak ko?" biglang tanong ng papa n'ya nang mapansin nitong nakatulog si Tal. "Mag iisang taon na din po," tugon ko. Sa totoo lang kinakabahan ako, mas matindi pa ito pag humaharap ako sa trial. Totoong ama ito ni Tal kaya mas strict ito kesa sa nauna dahil iyon may hidden agenda lang kaya ayaw palapitan si Tal. "I heard from Krystal that you helped her para maalis sa puder ng mga kinilala n'yang magulang. I want to know why?" tanong nito. "I love her and the moment I heard her problem, una hong pumasok sa isip ko agad ang ilayo s'ya sa mga taong nanamantala sa kan'ya. Tumango tango ito 'ska bahagyang tumingin sa akin. "May tiwala ako sa'yo, ngayon pa lang kita nakita at nakilala. Alam kong mabuting tao ka lalo na at tinanggap mo ang anak ko pagkatapos ng mga nangyari. Paki ingatan s'ya pag nasa Maynila na kayo, wag mo s'yang pababayaan at iiwan," bilin nito na sumulyap kay Tal na tulog pa din. "No worries po, nasaktan man po ako sa ginawa n'ya pero hindi po mababago no'n ang pagmamahal ko sa kan'ya," paninigurado ko at binigyan pa s'ya ng isang senserong ngiti. Nagkaroon lang kami ng kwentuhan habang bumabyahe. Doon ko lang din nalaman na kilala pala n'ya si Papa. "I know but not totally, acquaintance to be exact dahil na din pareho kaming pulis kaya gano'n," saad n'ya na ikinatango ko lang. Banggitin ko nga pangalan ni Tito Karlo kay Papa sa susunod. Nakarating kami sa bundok na pupuntahan namin at madami kaming kasama, nakita ko naman ung kislap ng mga mata ni Krystal dahil sa mga camera na dala ng mga kasama namin. "Do you want a camera like that?" tanong ko sa kan'ya. "Oo, pero 'ska na, wala na akong pera!" tugon nito kaya naman naisip kong biruin. "Tama! Balik ka muna ng office baka wala ka nang balikan na trabaho pag lumagpas ka sa 1 month leave mo," biro ko kaya naman nakatikim ako ng malakas na hampas at pinong kurot na ikinangiwi ko lang. "Bwisit 'to! Pinaalala pa na matatanggalan ako ng trabaho," nakangusong saad n'ya tapos ay naunang maglakad sa akin kasunod ng mga kasama namin. Tumabi s'ya sa papa n'ya na ikinailing ko lang habang natatawa sa kan'ya. Tss.. as if naman matanggal s'ya, malakas ang kapit n'ya e, boss ng boss ung kaibigan n'ya. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD