Chapter 24

1086 Words
Krystal's POV "Pa, alis na po kami. Babalik po ako dito sama ung mga kaibigan namin! Promise!" masiglang paalam ko kay Papa habang palabas na kami ng gate ng bahay. Ngumiti lang naman s'ya sa akin. "Mag ingat kayo, aantayin ko pagbabalik n'yo," saad nito at yumakap sa akin. "Tumawag ka lang kung may kailangan ka," "Opo, thank you, Pa" pasalamat ko dito at yumakap na din. Mabilis s'yang humiwalay sa akin at tumingin kay Harold. "Paki ingatan itong anak ko, Attorney. Malaki ang tiwala ko sa'yo," saad nito. "Don't worry, Tito. Ako na pong bahala sa kan'ya. Sa susunod po na pupunta s'ya dito. Kasama na kaming lahat," biro ni Harold na ikinatawa ni Papa na tumatango tango pa. Muli na nga kaming nag paalam at sumakay na ng kotse ni Harold, pero bago iyon dumating si Tita Sonia na kunwaring naiiyak sa pag alis namin. Natawa na lang kami ni Harold sa kan'ya habang nagpapaalam. "Balik kayo dito or ako ang bibisota sa inyo doon," saad nito at yumakap sa akin. Tuluyan na nga kaming umalis ni Harold at bumyahe na pauwing Manila. Magaan ang pakiramdam kong umuwi ng Manila dahil alam kong okay na ko at wala ng itinatagong kahit na ano. Nagpas'ya din kami ni Harold na hindi na sasabihin ang pagkawala ng baby namin. We want that to be private as much as possible, ayaw ko na din na baka pagnalaman nila Kim ang nangyari, may maging kakampi si Harold na ipakulong sila Lance. Mahaba ang byahe kaya naman nakatulog ako buong byahe. Gabi na nang magising ako, wala pa naman kami sa condo pero medyo malapit na din kami. "You're awake?" rinig kong tanong ni Harold nang sumulyap s'ya sa akin. "Yes, anong oras na?" tanong ko dito na ako naman mismo ang tumingin. Lagpas dinner na din pala. Kaya tumingin ako sa labas at naghanap ng pwedeng kainan, saktong huminto ung kotse dahil red light kaya tumingin ako kay Harold na tumingin din sa akin. "Drive thru?" sabay naming banggit na pareho naming ikinatawa. Napailing pa kami pareho dahil doon. "Pinagtagpo talaga tayong dalawa!" saad nito na may pailing iling pa. "What do you want to eat?" "Drive thru! KFC!" masiglang tugon ko na ikinatango n'ya. Since may malapit na KFC sa unit n'ya doon kami nag drive thru para dere-deretso na lang kami. Pagdating ng unit n'ya, ako na ang naghanda ng pagkain naming dalawa dahil alam kong pagod s'ya. Habang naghahanda, naramdaman kong sumandal sa lamesa si Harold kaya naman napatingin ako dito. "Bakit?" tanong ko sa kan'ya na may ngiti sa labi ko. Nakita kong ngumiti s'ya at hinila ako palapit sa kan'ya. Agad s'yang yumakap at sumiksik sa leeg ko. "Miss na miss kita.. namiss ko ung presensya mo dito sa loob ng unit natin.. namiss ko ung amoy mo.. namiss kitang makitang nandito.." paos na saad n'ya matapos ng mahabang minutong nakabaon ung mukha n'ya sa leeg ko. "Namiss din kita.. sorry ah," saad ko na ikinatango n'ya lang at mas humigpit ang yakap. "Dito ka lang sa tabi ko.. pag may problema.. kausapin mo ko agad." Umangat ung ulo n'ya at tinitigan ako sa mata. "Mahal na mahal kita" "Mahal na mahal din kita" Lumapit ako at humalik sa mga labi n'ya na malugod n'yang tinanggap. Tumagal lang iyon ng ilang minuto bago ko pinutol agad at ngumiti. -------------- "Tala!" Agad akong napatingin sa pinto ng office namin nang sumulpot si Nicole na kasunod sila Miggy. Wala pa si Kim dahil nakaleave pa daw pero pupunta kami sa kanila sa susunod na linggo. And yes! Nasa office na ako ulit, kakapasok ko lang kanina at dumeretso ako sa HR at kay Ms. Divine pati sa office ni Miggy. Tinawanan pa nga ako ni Miggy dahil daw hindi n'ya napansin na pinirmahan n'ya ung 1 month leave ko, naaway pa daw s'ya ni Harold, kaya napasorry naman ako. Narinig kong tumawa si Camille na kanina lang e, pinagalitan na ko dahil hindi ako nagsabi pero nung nalaman n'yang okay naman ako, yumakap na lang sa akin. "Hi," nakangiwi kong bati sa kan'ya. "Tama na trabaho! Kain na tayo," yaya nito na pumasok pa sa office namin kaya gano'n din ang ginawa nung mga kasama n'ya. Mukha tuloy s'ya ang boss, sabagay! Boss s'ya ng boss. "Lilibre mo ba ako?" tanong ko sa kan'ya kaya nahinto s'ya at tumalikod. "Ay! Wag na pala tayo kumain, hindi naman ako gutom," saad n'ya kaya natawa kaming mga tao dito sa loob. "Kuripot!" singhal ko habang natatawa, natawa lang din naman s'ya tapos humarap ulit sa akin. "I miss you.." nakayakap na saad nito. Ganto ata talaga pag buntis, lumalabas ang sweet side. "I miss you too," malambing kong saad bago bumitaw sa kan'ya. Tuluyan na nga kaming lumabas ng office at bumaba sa kainan, hawak kamay kaming bumaba doon ni Harold at napapansin kong nakatingin samin si Nicole at Camille, na ngingiti ngiti. Nakakatuwa lang na parang walang nangyari at balik kami sa dati naming routine na sabay sabay pa ding kumain. Siguro kung may nag bago man, ayon iyong mas napalapit kaming dalawa ni Harold. Matapos kaming kumain, hindi muna bumalik si Nicole sa office ng team n'ya at doon muna sa office namin tumambay. Nakipagkwentuhan lang muna s'ya sa amin at nagtanong about sa nangyari sa akin. Hindi rin naman ako nag atubiling mag kwento lalo na nung nagtanong s'ya about kay Papa. "I want to meet that Tita Sonia! Mukhang mag kakasundo sila ni Kim!" saad nito nang makwento ko si Tita Sonia sa kanila. "Ay sinabi mo pa! Sobrang naging komportable ako sa kan'ya dahil nakikita ko na si Kim sa kan'ya!" tugon ko na sabay nilang ikinatawa ni Cams. "Bisita tayo doon next time pag medyo tumagal ka na ulit. Kakatapos lang ng leave mo, nakakahiya naman," biro ni Cams kaya ako naman ang natawa dahil doon. "True! Wala na nga akong sinasahod, matatanggalan pa ng trabaho," saad ko na umirap pa ng unti. "Yeah, 'ska na tayo mag walwal pag napatayo na ung coffee shop natin!" masiglang saad ni Nicole na sabay namin ikinatangong tatlo. Dahil nabanggit ni Nicole ung about sa coffee shop namin, nag usap lang kami kung anong magiging balak namin at kung anong magiging set up namin. After noon bumalik na si Nicole sa office nila na medyo binibitawan na n'ya at itinataboy na ung mga bata n'ya. Kami naman ni Camille mag kasama pa din dito sa team namin na nadagdagan nga nitong wala ako. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD