Chapter 22

2650 Words
Krystal's POV "H-Hon.." bulong lang iyon pero halos matumba ako dahil sa pang hihina ng tubod ko. Kanina nung narinig ko ung boses n'ya para isang makahiya na agad na nagtago dahil sa kaba. Ngayong nasa harap ko na s'ya para naman akong nakaramdam ng kasikipan sa dibdib ko. Hindi ko naman inexpect na makakarating s'ya agad dito. Hindi pa nga ako nakakapag message kay Papa na dadating 'to. "P-Pasok," maikling saad ko na may pagkailang. Niyaya ko s'ya pero pareho kaming walang galaw dalawa sa gate at pareho lang na nakatitig sa isa't isa. I want to hug him.. parang sa huling pagkakataon, mayakap ko s'ya baka kasi pag nasabi ko na sa kan'ya iwan na n'ya ako. Eto na naman tayo, Krystal e! Nega ka na naman. Isang tikhim ang nagpabalik sa amin sa wisyo. Agad kong nilingon iyon at nakita ko si Tita Sonia na nakangiting nakatingin sa akin tapos tumingin kay Harold. "Hi, Tala Ganda! Jowa mo?" walang pakundangang tanong n'ya. Mula sa akin nalipat ang tingin ni Harold kay Tita tapos tumingin sa akin na parang pinapahiwatig na 'sino s'ya?' "Ah! Tita Sonia, hindi ko po alam na pupunta kayo ngayon," saad ko dito na hindi sinagot ung tanong n'ya. "Sabi kasi ng Papa mo, wala kang kasama dito, kaya pumunta ako pero mukha namang may kasama ka," saad nito tapos humarap kay Harold. "Ikaw ba si Harold? Ang gwapo mo namang bata, wag kang mag alala. Safe naman si Tala Ganda dito! Hindi namin s'ya pinabayaan. Ako nga pala si Tita Sonia! Ang ex-wife ng totoong tatay ni Krystala!" masiglang pakilala nito kaya napangiti ako at nakita ko ding napangiti si Harold, nakikita n'ya din kaya si Kim kaya Tita. "Pleasure to meet you, Ma'am." Naglahad ng kamay si Harold na malugod naman na tinanggap ni Tita. "Bakit ba kayo nakatayo dito? Pumasok kaya tayo," saad ni Tita matapos nilang magkamay ni Harold. Bumalik ulit sa akin ung tingin n'ya na muling nagseryoso. Niluwagan ko ung gate at pinauna si Tita na pumasok na sinundan ni Harold na huminto. "Sunod ka na kay Tita," nahihoyang banggit ko habang sinasara ung gate. "No, I'll wait for you," saad n'ya na ikinatigil ko sa pagsasara apos tinignan s'yang nakatingin din sa akin kaya iniwas ko agad ung tingin ko at bumalik sa ginagawa ko. Natapos ako pero nagkakahiyaan kami kung sinong mauunang mag lakad, isang bwan lang naman kaming hindi nag kita pero bakit para kaming stranger sa isa't isa? Napaigtad ako nang gawakan n'ya ung kamay ko at hilahin papasok. May kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko.. I miss him.. "Umalis ka lang pero hindi tayo naghiwalay kaya bakit ka nahihiya," saad nito habang papasok kami sa bahay. "I give you so much time to think and to find yourself like what you wish for kaya ngayon mag usap tayong dalawa.." Napakagat lang ako sa labi ko at nagpaubaya. ------------ "Mukhang seryoso iyang jowa mo," saad ni Tita sa akin habang nasa kusina kami at nag hahanda ng meryenda. Napatingin ako kay Harold na nag oobserve sa buong bahay. "Medyo po," tugon ko sabay bitbit ng tray ng pag kain. "Mag usap na kayo ah, nandyan na s'ya," nakangiting saad ni Tita na ikinangiti ko. Marahan akong pumunta ng living room at ibinaba ung bitbit ko sa center table. "Kain ka muna." Umupo ako sa parehong upuan kung nasaan s'ya pero may ilang dipa ang layo. "Thank you." Inabot nito ang baso ng juice at ininum ng deretso. Para naman akong nahipnotismo at tumigil ang ikot ng mundo ko habang nakatitig sa kan'ya. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba habang tinitignan ung pagbaba ng adams apple n'ya. Ang landi mo, Krystal! Sa sobrang titig ko sa kan'ya, hindi ko namalayan na naibaba na ung baso at nakatingin na s'ya sa akin, marahan na lang akong tumikhim para kunwari walang nangyari. "Can we talk now?" tanong nito kaya bumalik ang tingin ko sa kan'ya. "Tal, please.. can we talk what happened? Can we talk about your problem? Our problem? Don't hide from me," habol n'ya kitang kita ko ung sensiridad at kalungkutan sa kan'ya. Huminga ako nang malalim bago tumango. "Doon tayo sa likod bahay, masarap mag usap doon," Tumayo ako at nagsabi lang kay Tita na doon kami sa likod, nagpaalala lang s'ya tapos lumakad na din kaming dalawa ni Harold. Nakasunod lang s'ya sa akin at hindi rin nag sasalita. Sabay kaming umupo sa bench na nakalagay doon, napansin kong tumingin s'ya sa mga bulaklak na nandoon. Hindi ako nagsalita na medyo kinakabahan pero kailangan kong sabihin lahat. "Kumusta?" tanong ko na ikinalingon n'ya sa akin. Sarkastiko s'yang tumawa na may pag iling. "Hon, I'm not your friend nor your acquaintance! I'm your lover, boyfriend and soon to be husband. It's hurt," saad n'ya sabay tingin sa baba. Napakagat ako sa labi ko at tahimik na lang muna. "But I will answer your question.. I'm not good, I'm not okay.. para akong isang tao na walang buhay, isang batang naliligaw dahil basta na lang iniwan ng nanay n'ya na wala man lang sinabi kung babalikan ba o hindi na. Iniwan mo kong walang alam sa lahat ng nangyayari, hindi naman ako mang huhula para malaman kung anong problema," tugon n'ya sabay tingin sa akin na namumula ang mata. "I'm sorry.." pauna ko sabay iwas ng tingin at hinga nang malalim. "December nung umpisang makaramdam ako ng kung ano sa katawan ko. Nag susuka, naghihilo, nananakit ang balakang, delayed. I thought sintomas lang iyon dahil I'm really expecting to be pregnant that time, so naisipan kong mag pt pero mas inuna kong umuwi nang bahay pero hindi pa man ako nakakapasok, I heard them talking at sinabing hindi nila ako anak" "Ayon ung araw na nilagnat ako at hindi nagawang mag pt but nung gumaling ako, I tried but all three pt that I used are negative kaya nagpasya akong pumubta ng ospital," huminto ako saglit at muling tumingin sa kan'ya na hindi inaalis ang tingin sa kain. "I was diagnosed Infertile," Agad na mag unahan ang mga luha ko sa mata nangasabi ko ang isa sa mga bagay na itinatago ko sa kan'ya. Nakita ko ung gulat sa mukha n'ya at pag aalala. "Wala akong lakas ng loob na sabihin sa'yo lalo na alam ko kung gaano mo kagustong magkaroon ng anak, alam ko kung gaano mo kagustong magkaroon ng masayang pamilya but I can't give it you because I'm not capable to bare a child.. I admit, I doubted your love to me. I think so much negativity, inisip kong iiwan mo ko, iniisip kong magalit ka at itaboy ako," Nagpunas ako ng luha at umiwas ng tingin at hindi muna nagsalita. "Just because of that you left me.." mahinang saad nito kaya mas naiyak ako. Dahil eto na, sasabihin ko na ung isang bagay na alam kong ikakagalit n'ya. "No, I was about to tell you before akong umalis.. but something bad happened." Tumyo ako at pumunta sa mga bulaklak na nakalagay sa paanan ng puno tapos tumingin kay Harold habang may luhang tumutulo. "Do you believe in miracle, Harold? Kasi ako naniniwala and this baby is the proof that miracle does exist.. I carried this baby for a month.. just a month but they took it away.." "Nabuntis ka? Nalalag ung anak natin? S-Sino? S-Sinong may gawa?" nanginginig na tanong n'ya na may luhang tumutulo. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Bakit sinarili mo?! Tal! Anak ko yan! Anak natin 'yan! Anak ko ung kinuha nila!" singhal n'ya sabay tayo at naglakad papunta kung nasaan ako, naupo s'ya at nahagyang hinawakan ang ceramic angel na nandoon at umiyak ng tahimik. Mas lalo akong nasaktan nang makita ko na mula sa pagkakaluhod, yumuko ung buong katawan n'ya. Yumuyugyug ung balika't n'ya at kahit gaano katahimik ung isang tao, makakarinig ka ng hikbi pag ito ay sobrang nasasaktan. "I'm sorry.. It's my fault.. hindi ko alam na nandito na s'ya kasi akala ko wala lang like the other time lalo na I was diagnosed as infertile but I was wrong.. I'm sorry.." umiiyak ko din na hingi nang tawad. Hindi s'ya sumagot at isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko. "It's not your fault, hindi kita sinisisi but sana sinabi mo sa akin para hindi lang ikaw ang nahirapan. Tal, I'm your boyfriend.. I am the father of that child, halos asawa mo na ako. Karamay mo ko, dalawa tayong mag luluksa.." saad nito at mas humigpit ang yakap. "Ang sakit! Ang sakit sakit marinig na you doubted me, you forgot how much I love you.. nakalimutan mo kong gaano ako kahandang gawin ang lahat para sa'yo, para lang maramdaman at malaman mong mahal na mahal kita.." Ramdam kong umiiyak s'ya sa bawat salitang lumalabas sa bibig n'ya. "I'm sorry.. sorry.. sobrang gulong gulo ako, ang gusto ko lang alamin kung saan nag simula ung gulong nangyayari sa akin. Umalis ako kasi gusto kong kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa'yo lahat, pakiramdam ko kasi may kulang sa akin, may hindi tama. Niloko ako ng mga kinilala kong mga magulang, ginatasan lang kami ng totoong tatay ko, they killed my miracle at inalis nila ung lahat ng kompyansa ko sa sarili," sumbong ko dito sa lahat ng nangyari. Hindi s'ya umimik at niyakap lang ako ng mahigpit habang nakadikit ung labi n'ya sa ulo ko. Kalmado na s'ya katulad ng lagi n'yamg ginagawa. "Naiintindihan ko.. naiintindihan ko, Hon.. Walang kulang sa'yo, hinding hindi ka kulang at walang mali sa'yo.. papatayin ko kung sinong mag sabing may kulan at may mali sa'yo! Mag babayad lahat ng umapi at lumapastangan sa'yo! They will all pay for this! Hindi ako nag abogado para sa wala. They killed our miracle! Nag titimpi lang ako sa lahat ng ginagawa nila sa'yo dahil akala ko pamilya mo sila pero ngayon na nalaman kong wala kang koneksyon sa kanila, hindi na ko mga titimpi! Mag babayad sila!" madidiing saad nito na ramdam ko ung galit at muhi n'ya. Agad akong humiwalay sa yakap n'ya, nag punas ako ako ng luha at tumingin sa kan'ya. "Harold, please.. wag na.. hayaan na lang natin, wag na natin silang bigyan ng koneksyon sa buhay natin.. please.. magaling kang abogado kaya alam kong mananalo ung kaso natin kung itutuloy natin pero kawawa naman ung mga maiiwan nila.. please.." pagmamakaawa ko dito na nakitaan ko nang pagtutulol sa sinabi ko. "No, they deserve that! They deserve to be in jail! Hindi tao ang mga iyon! Ung ginawa nila sa'yo, hindi makatarungan! Tal, please! Just support me with this! Gagawin ko lahat mapunta lang sila sa kulungan! At alam kong tutulungan ako ng mga kaibigan ko at mo para lang mapagbayad lang sila," giit n'ya pero mabilis akong umiling. "Hon.. please wag na.. hayaan na lang natin.. ayoko na silang makita, ayoko na mag karoon ng koneksyon sa kanila.. please.." umiiyak na pakiusap ko sa kan'ya. Umiwas lang s'ya ng tingin sa akin at nakita kong nagtagis ang panga n'ya. Inaalam kung tama ba ung desisyon ko. "Ayos lang sa'yo na masaya sila? Kasi sa akin hindi," saad n'ya sabay tingin sa akin. "Magiging masaya ba tayo pag nakulong sila?" balik kong tanong sa kan'ya. "Hindi but at least we give justice for what they did to you and to our baby!" madiing at dahan dahan n'yang tugon. Alam kong desidido s'ya sa gagawin n'ya kaya naman muli akong yumakap sa kan'ya. "Hon.. please.. wag na, hayaan na lang natin.. hindi naman na mababago ang nangyari.." pakiusap ko pa din sa kan'ya. Naramdaman kong huminga s'ya nang malalim at bahagya akong inilayo. "I will not say yes to that dahil hindi ako santo na hahayaan sila but pagbibigyan ko sila para sa'yo pero hindi ko maipapangako na wala akong gagawing aksyon sa nangyari, dahil hinding hindi ko hahayaan dumikit miski dulo ng daliri nila sa'yo o sa dulo ng buhok mo!" dahan dahan n'yang usal kaya kahit mga kuwit ay naiintindihan ay nananamnam ko. "Now, can you tell me? Pwede mo bang ikwento kung paano n-nawala ung a-anak natin," Nanginginig bawat sambit n'ya ng mga katagang mabibigat para sa aming dalawa. Sabay kaming umupo sa tabi ng mga bulaklak sa ilalim ng puno at doon ko kinuwento kung paano nangyari ang lahat. Nasa mag kabilang gilid kami at nakatingin lang s'ya sa malayo habang sinasabi ki ang lahat ng detalye. Kitang kita ko kung paano kumuyom ung kamay n'ya, kung paano lumabas ung mga ugat n'ya sa braso at sintido n'ya kung paano nagtagis ung bagang n'ya at kung paano tumulo ung luha n'ya. Masakit makitang ganto ang asal ni Harold lalo na huli ko s'yang nakitang ganito nung sinampal ako ni Sanya na halos ikawala n'ya sa ulirat at muntikan pa n'yang puntahan si Sanya, mabuti na lang pinigilan ko. "Why you don't want them in jail?" nang gigigil n'yang smusal na hindi nakatingin sa akin at nakayuko lang. "Kahit naman kasi galit ako sa kanila at halos isumpa ko na sila, naging pamilya ko pa din sila. Inaalala ko din ung mga anak na maiiwan nila, ung anak ni Lance, maliit pa 'yon. Si Kaye, nagdadalaga, ano na lang ung sasabihin sa kan'ya" paliwanag ko. Tumingin s'ya sa akin na may luha sa mata. "Gusto kong magalit sa desisyon mo dahil anak ko din ung kinuha nila pero hindi ko magawa kasi pilit kitang iniintindi! Kasi may point ka at ayokong gawin ung ginawa nila sa akin o sa'yo dahil hindi sila ang mahihirapan kun'di ung mga maiiwan nila." Umiiling iling s'ya sabay yuko ulit at kinuha ung ceramic angel. "Hindi man kita mabigyan ng hustisya ngayon pero pinapangako ko, aalagaan ko si Mama. Mag kikita pa tayo soon and masaya si Papa na nabuo ka kahit hindi kita nakita at huli ko nang nalaman na nabuo pala kita.. masaya ako kasi binigyan mo ng pag asa si Mama mo.. balik ka kaagad ah.. please.." Halos madurog ung puso ko sa nakikita ko, umaalog alog ung balikat n'ya paglatapos n'yang banggitin ung mga katagang iyon. Tumayo ako at lumuhod sa harap n'ya, agad ko s'yang niyakap na s'yang tinugon n'ya. Sumiksik s'ya sa leeg ko, kung saan nakakahanap s'ya ng kakomportablehan. ---------------- "How did you end up here?" tanong n'ya sa akin after ng isang oras n'yang pag iyak sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ung pagbagsak ng luha n'ya habang nakayakap s'ya sa akin kanina pero nung himinto s'ya at kumalma, s'ya pa mismo ang nag punas no'n. "Pinaamin ko sila, sabi ko pag hindi nila sinabi sa akin, sasabihin ko lahat sa'yo at hahayaan kong ipakulong mo sila, kaya mabilis nilang ibinigay at eto na nga.. katulad ng kwento ko sa'yo nung kanina," tugon ko na ikinatango n'ya. Kinuha n'ya ung kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Wag mo ba akong iiwan ulit.. please.. hindi ko kaya.. you know very well, Tal. I maybe calm outside but there's trouble inside and you are the only one can calm that trouble inside me.. tanggap kita, maging sino ka pa, maging ano ka pa, handa akong mag antay na bumalik sa akin ung anak natin, kahit kailan basta ikaw ang nanay.. mag aantay ako," pahayag n'ya na ikinangiti ko lang. "I'm sorry.." "No need.. may magandang naidulot sa'yo ung pag alis mo at okay na ako doon. Mas tumapang at mag naging matatag ka. Mabuti't nakinig kami kay Nicole na hayaan kang mag isip at wag hanapin," nakangiting saad n'ya at niyakap ako. "Wag mo na ako iiwan, hindi ko na kaya pang aalaska ng mga kaibigan mo lalo na si Kim at Nicole.." sumbong n'ya kaya natawa ako at tumango. "Hindi na and thank you for accepting me again for who I am.." sumiksik ako sa dibdib n'ya at yumakap din ng mahigpit. "I love you.. mahal ko kayo ng dandelion natin," --------------- A/N: Sorry sa typos and grammatical errors :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD