Chapter 6

3048 Words
Present.. Krystal's POV Kusa akong napangiti nang maalala ko ung araw na 'yun, pero agad din akong napatakip ng braso ko dahil mabilis maglandas sa pisngi ko ung mga luhang pinipigilan ko, kung alam ko lang sana hindi ko na s'ya pinayagan. Sana pala, nalaman ko na noon pa para hindi kami gan'to ngayon. Bakit kasi sa akin?! Bakit ako?! Bakit sa'kin na gustong gusto naman... Huminga ako nang malalim at kinuha ulit ung phone ko, I message Harold to say sorry dahil namatay ung tawag. Agad akong tumagilid pahiga matapos kong isend ung message ko. Napayakap na lang ako sa sarili kong tuhod at binalot ang sarili ko sa mga bisig ko. Harold's POV As soon as the call ended, napayuko na lang ako sa desk ko. Ano bang nangyayari sa kan'ya? Bigla na lang s'yang nanlamig na parang may malaki akong kasalanan. Napapaisip tuloy ako kung baka nga may ginawa ako pero sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginawang iba. Sila sila lang naman ang kasama. Tuwing pareho kaming walang pasok, lagi lang kaming magkasama. "Hay!" hinga ko nang malalim at bahagyang nagulat dahil nakita ko si Miggy, Theo at Caleb sa pinto ng opisina ko dito sa ME. Parepareho silang nakangisi sakin at nakapamulsa. "I didn't pay you to overthink, Attorney Vasquez," nakangising saad ni Miggy sakin. "F*ck you!" singhal ko sa kan'ya kaya sabay sabay silang natawa. "Nah! I'm satisfied with my wife," saad n'ya kaya kay Caleb naman s'ya nakatikim ng mura. "G*go!" natatawang mura ni Caleb sa kan'ya bago humarap sa'kin. "Anong problema mo? Bakit ang lalim ng buntong hininga mo?" tanong n'ya. No choice! Kailangan kong magkwento, nababaliw na din ako at kailangan ko ng advice. "Si Tal kasi, hindi ko alam kung anong nangyari? Hindi ko alam kung may nagawa ba kong mali? Hindi ko alam kung masasabi ko bang nanlamig s'ya sa relasyon namin? Hindi ko masabing hindi na n'ya ko mahal o nagfade na ung love na meron s'ya sa'kin kasi ramdam ko pa din, lalo na pag yakap n'ya ko, paghawak ko ung kamay n'ya, pagnakatingin ako sa mga mata n'ya. Lahat puno ng pagmamahal," nahihirapan kong sabi sa kanila habang nakikita kong nauupo sila sa tapat ng table ko. Tahimik lang sila na nakatingin nang makaupo na sila. "Saan ba nag umpisa?" seryosong tanong ni Miggy sa'kin. "2 months ago?" patanong kong sagot habang inaalala kung tama ba ung sinabi ko. "Christmas Day, when we're Henry's House, iba na s'ya do'n. Unti unti na 'yon.." sagot ko pa. "Ano bang nangyari bago 'yon?" tanong naman ni Caleb sa'kin. Pinikit ko ung mata ko sabay yuko at pilit inalala kung ano bang nangyari no'n.. pero pagod akong tumingin sa kanila at umiling. "Wala akong maalala na naging away namin nung panahon na 'yan, masayang masaya s'ya no'n dahil kinasal ulit si Nicole at magkakainaanak na naman daw s'ya," sagot ko dahil 'yon naman talaga ung huling event na nangyari sa'ming lahat. "Hindi kaya sa family n'ya? I mean baka may hindi magandang nangyari? Umuwi ba s'ya sa kanila bago yo'n?" tanong ni Caleb. "Alam ko kasi hindi lang basta strict ung parents n'ya, hindi di sila okay, diba?" paninigurado n'ya pa sa'kin. Napaisip tuloy ako, umuwi ba s'ya nang panahon na 'yon. "Kung about naman do'n, sasabihin naman n'ya 'yon sa'kin dahil alam n'yang tanggap ko 'yon. Kaya alam kong hindi 'yon do'n! Bukod do'n kung 'yon man, bakit pati ung time namin sa isa't isa, I mean hindi na din kami madalas nagkakaroon ng..." putol ko sabay tingin sa kanila na nakangiti sa'kin ng nakakaloko. "Alam nyo na 'yon," sabi ko dahil nakita ko na inaantay nila ung sasabihin ko. "Nahiya pa! Parang hindi naman namin ginagawa," sabi ni Theo kaya isang batok ang natikman n'ya galing kay Caleb. "Katabi mo lang ako! Kapatid ko ung kasama mo! Baka nakakalimutan mo!" gigil na sabi ni Caleb sabay tingin kay Miggy na tahimik. "Hoy! Nagagaya ka na sa asawa mo!" biro n'ya dito kaya natawa s'ya dito. "Sorry, iniisip ko lang kung anong iisipin ni Zie pag narinig n'ya 'yan. Pero hindi ko pala kayang isipin ung iisipin ng asawa ko," natatawang sabi n'ya kaya naman kahit boss ko s'ya dito, di ko napigilan na batuhin s'ya ng ball pen. "Pero baka naman napagod lang, I mean si Zie kasi may times na hindi talaga s'ya nanlalambing. When I ask her why, sasabihin n'ya lang na pagod n'ya she wants to rest lalo na ngayong buntis s'ya pero after naman no'n, balik na s'ya sa pang aaway sa'kin," seryosong sabi n'ya kaya natawa ako. Si Nicole kasi ang tipo na panlalambing na n'ya ung pang aaway n'ya. Ung pagiging bratinela n'ya, ayon ung pagiging sweet n'ya, kaya pag hindi s'ya nakikipagsagutan o nakikipag asaran, may ibig sabihin 'yon. "Sana nga ganuo'n lang, sana pag balik n'ya after ng bakasyon na 'to, maging okay na," saad ko at tumingin sa kanila. Napatingin kaming lahat kay Miggy nang tumunog ung phone n'ya. "Ngayon lang tumawag, kanina pa nakarating," saad n'ya bago sagutin. "Love," bungad n'ya at nag usap pa sila do'n sa harap namin bago s'ya tumayo bago nagpaalam, magkausap pa din silang mag asawa. Napatingin na lang ako sa kisame nung nawala na din ung dalawa pa. Sana mga lang pagod lang si Tal at umokay s'ya pag uwi n'ya. Naalala ko tuloy ung lagi kaming nagpupunta sa dagat, hindi pa man ako nanliligaw sa kan'ya do'n ko na s'ya dinadala. Lalo na nung pinayagan n'ya kong manligaw sa kan'ya. Iba ung feeling no'n, kasi first time kong manliligaw kaya nung sinabi nyang pwede na. Sobrang saya lang! Hindi madaling manligaw kay Tal, dahil napaka strict ng papa n'ya sa kanya. Parang ayaw s'yang palapitan sa kahit na sino. Mabuti na lang talaga nahuli ko ung kiliti ng nanay n'ya kay naging madali ng unti. Pero iba din naman ung feeling nung sinagot n'ya ko after ng isang b'wan at kalahati. Flashback "Gabi na tayo," rinig kong sabi n'ya dahil sa sobrang saya ko hindi ko namalayan ung oras at nalate kami ng uwing dalawa sa kanila. "Sorry, first day pa nga lang bagsak na agad sa papa mo," sabi ko at nakarinig ako ng mahinang tawa galing sa kan'ya. Iba pala pag in love ka 'no? Simpleng tawa n'ya lang, masarap na sa pandinig. "Okay lang 'yon! Hindi naman sila nililigawan mo, ako naman," sabi n'ya kaya sinulyapan ko s'ya saglit. Nakatingin s'ya sa labas pero nakangiti. Ang ganda n'ya! Krystal got my attention not because I like her but because I really thought she's the ex-girlfriend of Caleb but when we ask her to drink. Do'n na bumagsak dahil Caleb's Ex-girlfriend don't drink. Simula no'n, natutunan ko na s'yang obserbahan sa mga ginagawa n'ya. Nakikita ko s'yang magaling sa arts and photography. Para s'yang si Nicole, tahimik pero pag inumpisahan mo, mag iingay. Kaibahan lang nila si Tal, pagnalasing talagang nag iingay. At first I had a crush on Nicole, dahil ang cool kasi n'ya, the way she talks, compose herself, paano mag alaga sa mga kaibigan at syempre ung ganda at katawan. Walang duda do'n! Maganda talaga si Nicole sexy pa, but this girl beside me really captures my heart! Aminado ako do'n at hulog na hulog ako sa kan'ya at nahuhulog pa ko! Nakarating kami sa bahay nila ng bandang alas otso at ngayon lang ako kinabahan ng todo todo dahil sa papa n'ya. "Mukha kang tinatawag ng kalikasan, syempre ung number 2!" natatawang sabi ni Tal kaya napanguso naman ako. "Kinakabahan na ko sa papa mo, inaasar mo pa ko," saad ko habang maglalakad kami papuntang bahay nila. "Sorry na," nakangiting saad n'ya. "Salamat ah," habol n'ya. "Hm? Para saan? Dapat nga ako ang magpasalamat sayo eh, pinayagan mo kong manligaw," saad ko. "Sa paglayo sa'kin sa stress ko, sa pagtanggap," sabi n'ya at huminto saglit. "Wag ka sanang magsawa na tanggapin ako nang paulit ulit kahit ano pa man ang makita mong problema sa pamilya ko," sabi n'ya kaya napahinto din ako. "Wag kang mag alala, hindi ko ugaling pakawalan ang mga importante sakin, kaya hindi kita papakawalan kahit ano pang malaman ko. I will always love you, Tal" saad ko habang nakatitig din sa kan'ya. "Salamat," saad n'ya at hinila na ko papunta sa bahay nila. Di n'ya ata namalayan na hawak n'ya ung kamay ko, ako kasi namalayan ko dahil may milyo milyong bultahe ang naramdaman ko nung nahawakan n'ya ko. "Bakit ngayon lang kayo?! Alas otso ba ang hapunan sa inyo?!" mabagsik na angil ng tatay sa'kin nang makapasok kami sa kanila. "Hindi po, nagkaroon lang po ng traffic kaya po hindi kami nakadating sa tamang oras," tugon ko sa mababang boses. Nanliligaw ako sa anak nya kaya dapat lang na galangin ko sya. Walang propesyon, propesyon sa tatay ng nililigawan mo! "Pa, hayaan n'yo na po. Next time po hindi na kami gagabihin atska matanda naman na po ako," rinig kong sabi ni Krystal habang makayuko. "Tandaan mo! Hanggang nasa puder kita, susunod ka sa gusto ko!!" sigaw ng tatay n'ya kaya ramdam ko naman ung biglang panginginig ni Tal, napatingin ako sa tatay n'ya at hindi naman nakakatakot. Mas nakakatakot pa si Miggy pag nagalit pero siguro dahil tatay n'ya kaya takot s'ya. "Pasensya na po, hindi na po mauulit sa susunod," paghingi ko ng paumanhin sa kan'ya. "Naku! Mukhang magkapalagayan kayo ng loob ni Jane, Harold. Mabuti naman kung gano'n," singit ng mama n'ya kaya napangiti ako. "Ahm! Nanliligaw na po si Harold sa'kin," biglang saad ni Tal kaya napangiti ung nanay n'ya pero ung tatay n'ya mukhang hindi nagustuhan ung narinig n'ya pero hindi nagsalita. Padabog itong tumayo at pumasok sa isang kwarto na tanaw lang dito sa sala at pabagsak na isinara ung pinto. "Naku! Hayaan n'yo na yung tatay n'yo, wag n'yo na lang pansinin. Masaya ako na nagliligawan na kayo. Wag mo nang patagalin, Jane ah!" makahulugan na sabi ng nanay n'ya. Hindi sumagot si Tal kaya tinignan ko lang s'yang nakayuko, pag alis ng mama n'ya dahil ipaghahanda daw kami ng pag kain, yumuko ako malapit sa tenga n'ya at bumulong. "I love you," at mabilis na umayos ng upo pero nakatingin sa kan'ya, agad nang angat ung mukha n'ya sakin at may mumunting luha dun. "Thank you.." nanginginig na boses na sabi n'ya. I just hold her hand and smile. Hindi s'ya natatakot sa papa n'ya but she's embarrassed. Nahihiya s'ya dahil mismong sa harap ko, naging gano'n ang asal ng papa n'ya, pero katulad nga nang sabi ko ko sa kan'ya. Andito lang ako. Natapos ang gabing 'yon at hinatid na lang 'ya ko sa labas ng bahay nila, gusto n'ya man ako ihatid sa kotse ko, pinigilan ko na lang s'ya dahil baka madagdagan ung galit ng papa n'ya. Umuwi ako ng condo ko na maayos naman ang pakiramdam ko, masaya ako! Wala akong pinag sisisihan na minahal at kinikilala ko ung mahal ko. Mag aantay ako hanggang sabihin n'yang mahal nya din ako. Lumipas ang araw, linggo, at b'wan walang nakakaalam sa mga kaibigan namin na nasa ligawan stage na kami. Ayaw n'ya ipaalam dahil nahihiya s'ya, I respect her kaya okay lang din sa'kin and besides I want our relationship to be private as much as possible, 'ska lang ako maglalabas ng problema namin pag hindi na talaga kaya. Since nasa ligawan stage kami ni Tal, lumalabas kami minsan nang kami lang dalawa pero pag nagyayaya sila Theo, nagkikita kami at magkakangitian lang pero nalalabas ko ung kabilang side na meron ako, lalo na pag nagkakaroon ng tama ng alak. Katulad ngayon! Nasa bar kami pero wala si Nicole, isa pa 'yon! Nagiging malaya akong hawakan at tabihan si Tal pag wala si Nicole, lagi kasi s'yang nagmamatyag... Observant! Magugulat ka na lang nakatingin na s'ya sa'yo. "Pasundo ko ba kayo kay Nicole?" tanong ni Kim kila Tal. "Ano oras na ba? Baka tulog na 'yon, pagod 'yon galing trabaho tas deretso ng event," sabi naman nitong maganda kong katabi. "Tawagan natin," sabi ni Kim sabay kuha ng phone n'ya. Ilang beses n'yang dinial ung number ni Nicole bago sumagot tapos niloudspeaker. [Hm? Sino 'to?] bati sa kabila, garalgal pa ang boses tapos malalim halatang nagising lang. "Nagising kita?" tanong ni Kim sa kan'ya. [Hm..] ayon lang yung sagot kaya natawa ung apat na babae. Malalim na nga din ung hinga na naririnig do'n kabilang linya. "Tulog na 'yan! Ginising mo pa! Kawawa naman!" saway ni Danica na natatawa. "Tignan mo! Hindi na makasagot nang maayos," "Sorry na! 11pm pa lang kasi! Malay ko ba!" sagot n'ya kay Danica. "Sige na! Tulog ka na ulit! I love you at I miss you! Muah!" kausap n'ya kay Nicole. Gano'n din naman ginawa nung iba pero ang narinig lang naming sagot ay... [Hm..] naikinatawa na naming lahat. Naawa din tuloy ako. Kasi halatang pagod s'ya pero sinagot n'ya pa din ung tawag. Binaba na ni Kim ung tawag after no'n. "Papahatid na lang kami ni Tala kay Miggy," sabi ni Danica na tinutulan ni Theo. Tututol din sana ako pero ngumiti na sa'kin si Tal kaya hindi na ko nagsalita. "Ako na maghahatid sa inyo, I'll take care of them. Don't worry," paninigurado naman ni Theo kay Kim dahil nakataas ang kilay nung isa pero sumingit si Miggy. "Ako na mag hahatid sa kanila, baka kung saan n'yo pa dalhin," sabi n'ya kaya natawa si Keith pati na din ako. Wala naman akong pagdadalhan kay Tal na iba. "Ay tama! Kay Sir Miggy na lang, kesa kay Theo kasi pagnaputulan kayo ng isang daliri, putol ang buong kamay ni Theo kay Nicole," saad ni Kim. "Sisisihin pa no'n sarili n'ya dahil patulog tulog s'ya," habol n'ya pa. Wala din naman s'yang nagawa kahit gusto ni n'ya na s'ya na ang maghatid, sumang ayon na lang din s'ya. "Pero maiba ako, dahil settle naman na ang maghahatid. Bakit tumatanggap pa din si Nicole ng event? Maayos naman ang trabaho n'ya sa kompanya?" puno ng kuryusidad si Keith sa mga binitawan n'yang tanong. "Actually! Tanong ko din 'yon!" sabi naman ni Danica na tumingin kay Kim dahil s'ya lang ata ang makakapag paliwanag sa'min. "Nagpapayaman!" sabi n'ya at umirap pero ngumiti din. "Charot! Hindi naman na kasi n'ya dapat tatanggapin 'yon kaso halos lumuhod at ang dami ng inoffer sa kan'ya. Eh! Alam mo naman 'yon! Ayaw ng ginaganun s'ya. Kaya pinuntahan n'ya kanina pagkatapos ng trabaho, tignan mo nga. Galing pa s'yang work, hindi s'ya nagleave para do'n, naawa lang talaga s'ya!" sagot n'ya kaya napatango kami. "Ano ba yung event n'ya ngayon?" tanong ni Tal "Kasal," maikling sabi ni Kim. "Dami daming pinupuntahang kasal, wala namang balak magpakasal," habol pa ni Kim na ikinatawa ni Keith habang nakatingin kay Miggy na nagpipigil ng ngiti. Di naman nagtagal nagkayayaan na kaming umuwi at naunang umuwi ung mag asawa pati si Keith at Camille. "Migs! Ako na lang maghatid," pamimilit ni Theo kay Miggy. Nakatingin lang naman ung dalawang babae sa kanila. "Ikaw naman talaga mag hahatid, sinabi ko lang na ako para hindi ka mahalata na g*go ka!" sabi n'ya na ikinatawa ko. So! Arte lang yung kanina. "Pahalata ka kasi! Ikakapahamak n'yong dalawa yung ginagawa mo," sabi n'ya tapos tingin kila Danica. "Alam ko naman na hindi ako ang gusto n'yong maghatid sa inyo kaya ingat kayo pauwi," nakangiti lang s'ya do'n sa mga babae. "Salamat po," sabi ni Tal kay Miggy kaya nilapitan ko na s'ya. "Let's go? Hatid na kita sa apartment mo," yaya ko sa kan'ya na ngumiting tumango lang naman. "Bye po sa inyo," paalam nya. "Hoy Theo! Ingatan mo si Dani! Patay ka talaga kay Nicole pag may nangyaring masama d'yan! Bukod sa gugulong ka pauwi, iiyak 'yon dahil sasabihin n'ya patulog tulog s'ya," habol n'ya. "I'll take care of her, Krystal. Wag mo na ko takutin!" sabi ni Theo at lumapit kay Danica at hinawakan ung kamay nito. Tapos hinila na papunta sa kotse n'ya. "Walang dalang kotse si Danica, ibig sabihin ba no'n, magkasama silang dalawa kanina?" tanong ni Tal habang pinagmamasdang mawala ung kaibigan n'ya. "Maybe, anyway! Ingat kayong dalawa. Harold, take care of Krystal. Ako na magpapaalala, lagot ka sa kaibigan n'yang matapang pa ata sa'kin," natatawang sabi n'ya kaya natawa si Tal. Nahinto 'yon nang tumunog ung phone ni Tal. "Si Nicole," mahinang sabi n'ya kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya. Sinagot n'ya 'yon at niloudspeak. [Asan ka?] garalgal at malalim ang boses na bungad ni Nicole sa kan'ya. Halatang kagigising lang. "Pauwi na, bakit?" marahang na tanong n'ya dito. [Hm.. tinadtad ako ng tawag ni Tito, asking if you are with me, sabi ko na lang kasama kita] sabi n'ya kaya napahawak si Tal sa noo n'ya. Nakakarinig pa kami ng hikab kay Nicole habang sinasabi yung mga katagang 'yon "Sorry, nagising ka pa. Pauwi na ko, tulog ka na ulit. Safe naman ako," pagpapagaan n'ya sa loob ng kaibigan. [Okay lang naman. Tumawag pala kayo kanina, hindi ko alam. Sobrang pagod ko! Ingat pauwi! Message mo na lang ako ah! Bye..] paalam nung isa kaya nagpaalam na din si Tal tapos pinatay. "Kawawa naman ung isang 'yon! Ginising pa ni Papa!" saad n'ya na may halong inis tapos humarap kay Miggy. "Salamat po ulit, uwi na po kami," paalam nya dito. Ngumiti lang si Miggy bago nagpaalam at nauna pang tumalikod at umalis samin. Umalis na din kami do'n at hinatid na si Tal sa bed space n'ya. Ayun nga lang ayaw pa bumaba nung isa. "May gusto kang puntahan?" tanong ko sa kan'ya. "sakitin ka ba? Dito na lang tayo matulog sa kotse mo, tinatamad na kong bumaba," sabi n'ya at ibinaba ung upuan nya tapos humarap sa'kin. Nakatingin lang naman ako sa kan'ya. "Okay ka lang ba? Mukha kang malungkot? May nangyari ba?" derederetsong tanong ko. Nagulat naman ako nang may nakita akong luhang lumabas sa mata n'ya. "I'm tired! Nasasakal ako, gusto kong umalis na sa puder ng tatay at nanay ko," umiiyak na sabi n'ya. Inabot ko ung mukha n'ya at pinunasan 'yon. Feeling ko tuloy lasing s'ya, I mean, she's a bit tipsy but not drunk. "Be my girlfriend, ilalayo kita sa kanila," biro ko sa kan'ya. Ngumiti lang naman sya sabay singhot. "Thank you always, Harold. I love you," -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD