Chapter 7

2763 Words
Harold's POV Continuation of flashback "Thank you always, Harold. I love you," nakangiting saad n'ya kaya nagulat naman ako. "Please... ilayo mo ko sa kanila," habol n'ya habang may mga luhang lumalabas sa mata n'ya. Tinanggal ko ung seatbelt n'ya at seatbelt ko 'ska ko sya inilagay sa hita ko at niyakap ng mahigpit. Masyado akong mabilis, alam ko 'yon pero I want her to feel na may karamay s'ya. Alam kong nahihiya na s'ya sa mga kaibigan n'ya kaya ako na lang muna. Sa'kin na lang muna s'ya. "Just cry, my love. Just cry. Nandito lang ako," bulong ko sa kan'ya habang yakap ko s'ya sa bewang n'ya at s'ya naman nakasiksik lang sa leeg ko. Ramdam kong basa na 'yon pero okay lang. Luha naman ng mahal ko ang nakakabasa do'n. Matagal kaming nasa ganoong posisyon bago s'ya, kusang umangat at tumingin sa'kin. "Thank you," sabi n'ya at humalik sa pisngi ko. "You're always welcome, Honey" sabi ko sabay punas sa luha n'yang nasa pisngi n'ya. "Kanina my love, ngayon honey! Ano ba talaga?" tanong n'ya habang nakangiti. Napangiti na din ako sa sinabi n'ya tapos tinignan s'ya sa mata. "Ikaw? Kung anong gusto mo. Kahit ano naman doon walang magbabago, mahal pa din kita," saad ko at kitang kita ko ung pagkapula ng pisngi n'ya. "Pakilig ka!" singhal n'ya habang namumula ang pisngi. "Kilig ka naman," natatawang tugon ko sa kan'ya na ikinatawa n'ya din sabay yumakap na lang ulit sa'kin. "I love you, thank you for waiting and for staying kahit madami ka nang nakitang hindi maganda sa pamilya ko," bulong n'ya sa'kin. Hindi ako sumagot pero hinalikan ko lang sya sa gilid ng ulo n'ya. Hindi na s'ya pumasok sa apartment n'ya at doon nga kami natulog dalawa sa kotse. Mabuti na lang at may blanket ako sa kotse at bukod do'n kahit paano tinted ung kotse ko. Nauna akong magising dahil sa ngalay dahil matangkad ako at yakap ko s'ya, pero parang nawala yung ngalay na 'yon nung nakita ko ung mukha ni Krystal na sarap na sarap ang tulog. Medyo nakaawang pa ang bibig, napangiti lang ako dahil do'n at dahang dahan na inayos ung buhok n'ya na napunta sa mukha n'ya. Kas'ya kami kasi sa backseat kami nahiga. Masarap pa ung tulog ni Tal nang tumunog bigla ung phone n'ya. Alam ko kung nasaan ung phone n'ya pero dahil yakap ko s'ya at nakaunan. Kaya no choice ako kung hindi gisingin 'tong magandang katabi ko. "Hon, wake up. Your phone is ringing," malambing na gising ko sa kan'ya na may kasama pang halik sa pisngi at tungkil ng ilong n'ya. Nakikita kong nagmumulat s'ya ng unti kaya naman inalalayan ko ung likod n'ya dahil baka biglang mahulog. Umupo s'ya nang dahan dahan kahit pamedyo pikit pa ang mata n'ya tapos kinuha ung phone n'ya sa passenger seat. "Pa," bati n'ya dito nang sagutin na n'ya. Nakatingin lang naman ako sa kan'ya habang nakaupo na din. Hinayaan ko lang naman na makipag usap s'ya sa papa n'ya kahit pakiramdam ko may mga hindi magandang sinasabi sa kan'ya. I fold my blanket and didn't bother to look at her but still my subconsciousness is still on her. "Sige po. Uwi po ako ngayon," saad n'ya at pinatay na yung tawag. Hindi ko pa din s'ya nililingon pero nagulat ako nang bigla s'yang yumakap sa tagiliran ko. "Good morning, hon!" may sigla n'yang bati. Napakagat labi ako dahil doon bago ako sumagot. "Good morning din, hon. Uwi ka sa inyo? Hatid kita! Tas sabihin na natin sa kanila na boyfriend mo na ko," mabilis na sabi ko kaya napabitaw s'ya sa'kin. Akala ko tutol s'ya pero nung tignan ko s'ya, may ngiti sa mga labi n'ya. "Sige! Liligo lang ako tapos ahm.. uuwi ka ba?" tanong n'ya sa'kin. Tumango naman ako sa tanong n'ya. "Uuwi ako para makaligo tapos 'ska tayo pupunta doon. Magdala na din tayo ng almusal dahil maaga pa naman. Atska para makakain din tayo," sabi ko sabay kindat sa kan'ya. "Tama! At'ska para may pasuhol ng unti kay Mama! Charing!" natatawang sabi n'ya na umaalog pa ang balikat. "Ligo lang ako!" habol n'ya at nag ayos ng buhok at lumabas. Iniwan na n'ya yung phone at ibang gamit n'ya. Ako naman inayos ko ung loob ng kotse at kumuha ng damit sa bag ko sa trunk. Tapos nagpalit dahil amoy alak ung damit ko na suot kagabi. Naupo ako sa driver seats at pumikit saglit. Alam ko naman na magagalit ang papa n'ya pag nalaman na may boyfriend na si Krystal pero alam kong hindi magagalit ang mama n'ya. Kaya kampante naman ako! Ilang minuto pa ang lumipas nakarinig na ako ng katok sa bintana ko kaya napamulat ako at nakita ko ang magandang ngiti ng girlfriend ko! Damn it! Ang ganda ni Tal! Binaba ko lang ung bintana ko para biruin s'ya. "Yes, Ms. Beautiful? May boyfriend ka na ba? Baka pwedeng ako na lang," saad ko tapos kumindat. Bahagya s'yang natawa pero alam kong kinikilig din s'ya. "Sira ka! Ikaw nga boyfriend ko!" mahinang singhal n'ya sa'kin kaya natawa ako ng unti. "Ako pala! wow! I feel bless! Lika na, hon! Baka may kumuha pa sa'yo sa'kin at matanggalan ako ng lisensya," biro ko. Nakarinig lang ako ngahihinang tawa galing sa kan'ya nung nakapasok na s'ya sa kotse. "Ang korni mo talaga, Attorney!" natatawang saad n'ya tapos inayos ung seatbelt n'ya. "Mahal lang talaga kita kaya gan'to ako," sabi ko at nagdrive na paalis sa bed space n'ya. Nag punta muna kami ng unit ko para makaligo ako. Nakaupo lang naman s'ya sa couch sa unit ko at tumitingin tingin ng mga gamit gamit. "Boring dito, walang kahit anong makikitang maganda," saad ko habang nag kakamot ng batok. "pero pag tumira ka dito may maganda na," biro ko kaya umiling iling s'yang natatawa. "Ang korny mo! pero mukha ngang walang maganda dito. Madami mga files at papel papel," nakangiti n'yang saad. Tumango tango lang ako. Malinis naman kasi, ayun lang talaga ang laman ng unit ko. Files ng mga contract na, inaaral ko. Mga libro na inaral ko nung pumasok ako sa law school, tapos mga kung ano ano lang. "Ano 'to?!" tanong n'ya na nagpabalik ng tingin ko sa kan'ya at nakita kong may hawak s'yang isang pakete ng... "Condom?!" agad n'yang binitawan at nagpunas ng kamay! That f*cking litte sh*t Theodore! Ayan ung binato n'ya yan panigurado nung nakaraan dahil tinatanong ko kung gumagamit ba s'ya n'yan kay Dani. Tapos binto n'ya pagkatapos n'yang sabihing hindi. Tinignan ko si Tal na naniningkit ang mga mata sa'kin. "That's not mine!" todo tanggi ko sa kan'ya. "Eh kanino 'yan?!" tanong n'ya na may inis sa boses. Hindi naman bukas 'yon talagang tinapon lang ni G*go! "Kay Theo 'yan! Nagpunta 'yon dito nung nakaraang araw tapos tinapon n'ya 'yan!" paliwanag ko dahil totoo naman. "Oo na, sige na! Maligo ka na," saad n'ya pero tunog hindi naniniwala kaya lumapit ako sa kan'ya ay niyakap s'ya sa likod dahil tumalikod s'ya sa'kin. "Hindi talaga sa'kin 'yon, Tal. Promise!" saad ko habang nilalambing s'ya. Krystal will see my sweet side and other sides. "Oo na nga! Naniniwala naman ako eh," sabi n'ya pero hindi ako convince kaya hinarap ko s'ya sa'kin. "Abogado ako, alam ko ang tunog ng nagsisinungaling sa hindi," natatawang saad ko kaya tumawa s'ya nang malakas. "Apaka daya naman no'n!" natatawang sabi n'ya na bahagyang umiiling iling pa. "Hindi talaga sa'yo 'yan?!" biglang tanong n'ya na may pataas pa ng kilay. "Yes! Kay Theodore 'yan! Hindi sa'kin! Pangako!" madiing sabi ko kaya ngumiti s'ya sa'kin. "Oo na. Naniniwala na ko. Ligo ka na," sabi nya at humalik sa pisngi ko. Sincere na ba pag may halik sa pisngi? Naniniwala na 'yon diba? Convince na ko! "Okay. Wait me here," nakangiting saad ko sabay halik din sa pisngi n'ya. Bumitaw ako sa pagkakahawak sa kan'ya 'ska pumasok sa kwarto ko. Sh*t! I feel like I'm on a cloud 9... Para akong lumulutang sa kasiyahan na nararamdaman ko! I'm f*cking in love! Marahas kong ginulo ung buhok ko habang nakangiti! "Saan ka galing kagabi?!" bungad na tanong ng papa ni Tal sa kan'ya nang makapasok kami. Wala itong pasok kaya naman nandito silang lahat. "Kasama ko po sila Nicole, 'di ba sinabi nama po n'ya sa inyo?" nakayukong sagot ni Tal. Tinignan ko lang sya at pinag lalaruan n'ya ung kamay n'ya. She's so embarrassed and feel humiliated dahil nga naman nasa harap ng ibang tao pero kung pagsalitaan s'ya ay ibang iba. Bukod do'n she's old enough to decide on her own pero para pa din s'yang bata kung pagalitan. "Bakit hindi ka umuwi?! Nagpahatid ka na lang sana d'yan sa mga kaibigan mo! Wala ka bang bahay?! Para kang pakawalang babae!" sabi nito kaya naman hindi ko na nakayaan dahil nakarinig na din ako ng impit na hikbi kay Tal. Ayoko namang baliwalain lang ang nangyayari! Krystal is not the kind of woman! "Sorry to interrupt your sermon, Sir. But mas'yado na po atang below the belt. I know she's your daughter but wag n'yo naman po sana s'yang pagsalitaan ng gan'yan," saad ko sa magalang na pananalita. Naramdaman ung hawak ni Tal sa braso ko kaya tinignan ko s'ya. "Wala kang pake alam dito! Gulong pampamilya to!" sabi ng tatay n'ya. "No. When it comes to Krystal, I'll interfere! Hindi ko ho hahayaan na pagsalitaan n'yo ung girlfriend ko ng masasakit na salita lalo na ho sa harap ko. Wala naman ho s'yang ginagawang masama. Lahat naman ho ng ginagawa n'ya alam n'yo, even though she's old enough to make her own decisions and plan for herself, sumusunod pa din s'ya sa inyo," sabat ko dahil nabubwisit na talaga ako. Simula ngayon! Walang nang mang aapi dito. Nangako ako at tutuparin ko 'yon! Hinawakan ko nang mahigpit ung kamay ni Krystal at inilapit sa akin. Sandaling tumahimik ung tatay n'ya at pakiramdam ko nag aapoy na s'ya sa galit pero hindi ko pinansin 'yon. Ramdam ko din naman ung pag siksik sa'kin ni Tal. "Magkarelasyon na kayo?! Aba mabuti naman kung ganoon!" biglang singit ng mother n'ya sa tensyong meron sa'min. Tumango lang naman si Krystal bilang sagot sa mother n'ya. Tuwang tuwa ito habang inilalapag ung pagkain sa center table nila. Huminga ako nang malalim at tumingin sa tatay n'ya na masama ang tingin sa kan'ya. Pero dahil hindi nakatingin si Tal sa kan'ya hindi ito napapansin. Ayokong mag isip ng masama dahil sabi ni Tal, tatay n'ya 'to pero bakit sa iaasta nito parang hindi sya anak kung ituring. Para s'yang pag mamay ari nito na hindi pwedeng hawakan ng iba. Tumayo ito habang hindi inaalis ang pagkakatitig kay Krystal tapos naglakad papuntang kwarto at binagsak ng pinto. "Sorry," rinig kong sabi ni Tal kaya ibinaba ko ung tingin ko sa kan'ya at walang hiyang dinampia ng halik ang noo n'ya. "Mahal kita," ayun lang yung sagot ko pero it means so much to her kaya nakita ko s'yang naging emotional. Hindi kami nagtagal sa kanila dahil ayaw ni Tal. Sabi ko naman sa kan'ya ilalayo ko sya sa mapang abuso nyang pamilya. Family Oriented ako! Kaya nga family is means so much to me pero pinalaki din ako ni Dad na pag ang pamilya hindi na makatarungan ang ginagawa, hindi dapat pinag bibigyan. Pag abusado na at mali na ang ginagawa kahit pamilya mo pa hindi mo dapat hinahayaan na hamakin ka. That's my dad perspective when it comes on good and bad. Dahil nga pulis si Dad na dapat gano'n din ang gusto n'ya para sa'kin pero tinanggihan ko. Tal and I had a secret relationship behind her friends kaya naman hindi na rin kami naiiba kay Theo at Danica na nagtatago din. Mahirap lang dahil hindi ko s'ya mayaya lumabas pag kasama n'ya ang mga kaibigan n'ya. "So you and Krystal had a relationship now?" tanong ni Miggy sa'kin dahil s'ya lang naman ang nakakaalam na may ginagawa akong palihim pati pala si Theo. "Yeah, but still a secret. Nahihiya pa s'ya sa mga kaibigan n'ya magsabi, 3 weeks na," sagot ko sa tanong n'ya. Tumango tango naman sya. Nagulat kami nang biglang pumasok si Theo at parang problemado kasunod n'ya si Keith na nagtataka din. By the way! Nandito kami sa office ni Miggy. "Help me! I'm being crazy right now!" sabi n'ya at biglang humawak sa dibdib n'ya. "We can't understand what you're saying, Theo!" singhal ni Miggy sa kan'ya. Tumango naman kaming dalawa ni Keith dahil hindi naman talaga namin malaman kung anong sinasabi n'ya. Ginulo n'ya bigla ung buhok n'ya na parang naiinis! "How will you confirm if you are falling?!" mahinang tanong n'ya sa'min kaya nagtinginan kami nila Miggy at sabay sabay na tumawa! "Don't laugh at me! I'm so stressed! Danica keeps on running in my head! I want to see her but she's refusing seeing me! Umuwi s'ya sa bahay ng parents n'ya kaya hindi ko s'ya mapuntahan! Hindi n'ya ko gustong kausapin kahit anong pagpapa appointment na gawin ko!" saad n'ya habang hirap na hirap. "Si G*go kinakarma na!" singhal ni Keith sa kan'ya. Yeah! Karma na nga n'ya 'yan! "Ano ba kasing nangyari bakit ayaw ka na makita?" tanong ni Miggy na kakatapos lang tumawa. Kinuwento n'ya at isa lang ang conclusion naming tatlo.. "In love ka na kay Dani, bro!" sabi ni Keith at umiling pa. "Si Danica lang pala katapat mo! Hayop ka!" dagdag pa nito. "Suyuin mo, daanin mo kung paano mo s'ya nakuha noon. Doon ka naman magaling eh," suggest ni Miggy kaya napatingin kami sa kan'ya. "Gano'n din ba gagawin mo kay Nicole pag nain love na sa'yo at nagtampo?" biro kong tanong sa kan'ya. Hindi man n'ya aminin alam kong malakas ang tama n'ya kay Nicole. Tumingin naman s'ya sa'kin na parang nag tatanong. "G*go! Wag ako! Alam kong malakas ang tama mo doon sa kaibigan nila na 'yon!" singhal ko sa kan'ya na ikinatawa ng malakas ni Keith! See! Confirm! "Wag mo ipasa sa'kin! Kay Theo tayo! Ptcha ka!" singhal n'ya sa'kin kaya natawa namam ako. Pahalata din si G*go! "Pero baka," sagot n'ya kaya napahampas ako sa hita ko sa sobrang tawa! "Ako ang usapan dito! Bakit kayo na nag uusap mga dep*ta kayo!" sigaw ni Theo sa'min. "Ay bahala ka sa buhay mo! Kinarma ka ng g*go ka!" singhal ko sa kan'ya. "Maghabol ka katulad ng ginagawa ng mga babae mo," sabi ko at tumawa kasabay nung dalawa. "Basta bro, suyuin mo lang. Ipakita mong seryoso ka. At tigilan mo na pambabae mo! Patay ka kay Caleb! Kinuha mo ung kapatid n'ya!" saad ni Miggy na biglang sumeryoso. "Si Dani muna iisipin ko, 'ska ko na iisipin si Caleb. Kailangan ko munang makausap at umamin kay Danica at kailangan kong malaman kung mahal na din ba n'ya ko! Ptcha talaga! Namimiss ko na s'ya ng todo!" sabi nito tapos humilamos na naman sa mukha n'ya. "Tsk! Bakit kasi ang lakas ng dating ng magkakaibigan na 'yon! Walang landi landi pero nakakabaliw ang ptcha!" sabi n'ya sabay tayo at padabog na lumabas ng opisina ni Miggy. Napailing nalang kaming tatlo sa asal n'ya pero.... "May point si Theo, walang flirting scenario pero nakakabaliw ung magkakaibigan na 'yon, kaya baliw na baliw ako kay Camille eh," sabi naman ni Keith sabay tayo din at lumabas. Pareho kaming tumango ni Miggu at nagkatinginan. Eto lang ang may alam na kami na ni Tal kaya nginisian ako. "Baliw ka na din kay Krystal?" tanong n'ya.. hindi ako sumagot at tumawa lang. "Ikaw? Baliw ka na kay Nicole?" asar ko habang tumatawa,as malakas naman ung tawa n'ya at umiling lang. "Tarantado! May asawa na ko," sagot n'ya pero nakangiti. "Ah! So doon ka sa asawa mo baliw?" tanong ko na medyo sumeryoso. "Yes agad ang sagot ko!" saad n'ya at ngumiti ng malawak. Mukhang hindi nga si Nicole ang gusto n'ya.. Mukhang sa Anonymous Wife n'ya s'ya in love.. Nagpaalam na din ako kay Miggy dahil may pupuntahan kami ni Tal, pupunta kami sa kanila at ipapaalam kong ibabahay ko na si Krystal. Hindi naman sinasadya pero na kwento n'ya na, ung bedspace na tinutuluyan n'ya ay kaibigan ng nanay n'ya. I have a bad feeling about it. Kaya nung nakaraang araw, inaya ko s'yang tumira kasama ko. Nung una sobrang alangan mga n'ya dahil baka hindi daw s'ya payagan pero nung sinabi kong ipagpapaalam ko s'ya. Lumakas ng unti ung loob at umagree. Mabilis ang galawan ko dahil first love ko si Tal and I want her to be my last. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD