Chapter 5

3574 Words
Continuation ulit ng flashback... Krystal's POV Isang b'wan ang lumipas simula nung kinasal si Kim at isang b'wan na din matapos ung nagkaroon kami ulit ng date ni Harold. Actually hindi ko sure kung date na matatawag 'yun kasi naupo lang kami du'n at pilit n'ya kong pinagkukwento ng mga problema ko pero hindi ko naman sinasabi, tinatawanan ko lang s'ya. "Ate! Baka may pera ka naman d'yan! Pambili lang ng gamot ni Shanine, naubos na kasi tapos wala pa ako sa-" pinutol ko na ung sasabihin n'ya at inabutan s'ya ng 500 pesos. "Bumili ka na, wag ka ng magpaliwanag," saad ko. sabay Ibinato ung wallet ko sa kama dito sa kwarto ko sa bahay. Sunday ngayon at walang pasok kaya naman, umuwi ako dahil gusto din ni Mama. May ipapakilala daw s'ya sa'kin. Last na 'to! Dahil sasabihin ko na may nanliligaw na sa'kin tapos ipapakilala ko si Harold. Kahit hindi pa naman talaga s'ya nanliligaw. "Salamat! Bayaran ko na lang pagsumahod na ko," saad n'ya at umalis na. Napairap na lang ako sabay buga ng hangin. Hindi naman sa ayoko s'yang bigyan o hindi bukal sa loob ko. Pero kasi lagi naman 'yan, pag andito ako. Laging wala s'yang pera tapos babayaran sa sahod pero nipiso, wala namang bumabalik sa'kin. Naudlot ung paghiga ko nang may pumasok ulit ng kwarto ko. Hindi talaga sila marunong kumatok! "Ate! Bakit si kuya binigyan mo? Penge din ako! May project akong kailangang gawin!" pasigaw na sabi sa'kin ni Liza. Gustong tumaas ng kilay ko sa asal n'ya pero masisigawan na naman ako ni Mama pag nagkataon. Kinuha ko na lang ung wallet ko at naglabas ng 300. Mabuti na lang at sinunod ko ung sinabi ni Nicole, na magtabi ng para sa'kin at magtabi ng pambigay kay Mama at para sa mga kapatid ko. "Oh? Naghighschool din ako kaya walang project na lumalagpas ng 200, atska kabibigay ko lang sa'yo ng allowance mo nung nakaraang araw," saad ko, umirap naman s'ya bago kinuha ung pera. "Ayusin mo yang asal mo! Magpasalamat ka binigyan kita! Dukutin ko yang mata mo!" inis na singhal ko sa kan'ya. Hindi naman sya sumagot at patabog na isinara ung pinto ng kwarto ko. Hays! Hinanda ko na ung susunod na ibibigay ko dahil panigurado susunod si Lara na hihingi! At hindi naman ako nagkamali dahil, minuto lang matapos kong ilabas ung pera na ibibigay ko sa kan'ya, pumasok malawak ang ngiti at naglahad ng kamay kaya inabot ko 'yun sa kan'ya. "Thanks!" sabi n'ya at lumabas. Nakakapagod pala pag paulit ulit na! Maya na lang ako hihiga, maliligo na muna ako kaya naman tumayo ako at kinuha ung towel ko. "Ate, andyan na po si mama. Pinapatawag na kayo," biglang sulpot ni Kaye kaya napahinto ako. "Sige, sabihin mo, naliligo. Susunod na kamu," sabi ko at tumuloy na sa pagpasok sa banyo ko. Mabilis akong naligo at lumabas ng ban'yo, nagulat pa ko na andu'n pa din si Kaye. "May kailangan ka din ba, Kaye?" tanong ko dahil hindi s'ya umalis ng kwarto. "Wala naman, Ate pero... May ipapakilala na naman sa'yo si Mama na lalaki. May kasama kasi s'ya eh. Gwapo naman kaso.. mukhang masungit!" nakangusong sabi n'ya kaya matawa ako ng mahina at tumabi sa kan'ya sa kama. "Okay lang, parang hindi ka naman nasanay kay Mama," saad ko sa kan'ya habang hinihimas ung pisngi n'ya. Lima kaming magkakapatid. Apat na babae, isang lalaki. Ako ang panganay, mag 23 na din naman, tapos ung sumunod sa'kin si Lance na 21 years old, ung nakabuntis, sumunod si Lara na 20 years old naman tapos si Liza na napakaarte, 19 lang yun pero mas marunong pa sa'kin mag ayos at magbihis na akala mo ang yaman namin. Tapos etong si Kaye, 15 lang to pero magandang bata na agad. Saming lima ako ang pinaka hindi nila kamukha. Madami nang nakakapansin nu'n pero hindi ko naman iniisip na hindi nila ako kamukha dahil baka sa iba lang ako pinag lihi ni Mama. Sa apat na kapatid ko, si Kaye ang pinakaclose ko dahil mabait na bata talaga 'to. "Mag hanap ka na ng boyfriend mo, Ate. Wag mo na intayin si Mama. Baka sa susunod ibenta ka na n'yan ni Mama sa mga kano d'yan sa tabi tabi," nakangusong sabi n'ya na ikinatawa ko. "Hayaan mo! Pagtapos nito. May ipapakilala ako kay Mama. Abogado, mabait at matalino! Gwapo pa!" natatawang sabi ko sa kan'ya kaya ngumiti s'ya. "Sige na at bumaba ka na du'n, sabihin mo nagbibihis lang ako," sabi ko pa kaya naman tumango s'ya at nagpaalam na. Pag alis ni Kaye, agad akong nagbihis ng pambahay na damit. Denim na tokong at v neck tshirt na may kulay na pink at white na pahaba. Sinuot ko ung tsinelas ko panloob. Kinuha ung suklay at bumaba. May dalawang palapag ung bahay namin, may tig iisang kwarto dahil mga dalaga at binata na daw kami, tapos ung isa samin magkakaroon na ng pamilya. Hindi naman kami mahirap sa buhay. Natustusan nga nila ung half ng tuition ko sa AHC eh, sadyang hindi lang talaga sila makuntento kaya gusto nang madamihang pera. May ginawang sari-sari store dito si Mama sa may balkonahe simula nung natanggal s'ya sa trabaho. Si Papa naman, foreman sa isang construction company kaya sabi sa inyo, may kaya naman kami. Habang pababa ako ng sala, sinusuklay ko ung buhok ko at humihinga nang malalim. Para kasing gusto ko na agad barahin si Mama pag nagsalita at sabihing idate ko 'tong dala n'yang lalaki. Pero hindi ko naman kaya 'yun! Pero pwede din pag sinapian ako ng espirito ni Kim! Joke! Nakababa na ako at nakita kong kausap ni Mama ung lalaki na nakatalikod sa gawi ko, masiglang masigla si Mama habang nagkukwento. Tahimik naman ung lalaki. "Ma? Bakit po?" tanong ko sa kan'ya nang nakalapit ako. Hindi ko pa nililingon ung lalaki kaya hindi ko pa nakikita. "Ay! Bakit naman ang tagal mo, Jane! May ipapakilala ako sa'yo! Nakilala ko s'ya sa palengle nung namimili ako, tinulungan n'ya ako sa mga bitbit ko," kwento n'ya kaya naman hindi ko na napigilang hindi lingonin ung lalake. Paglingon ko, nakatingin s'ya sa'kin! "Sh*t!" ayun lang yung nasabi ko at halos lumuwa ung mata ko! Anong ginagawa dito nito?! Napabalik naman ako ng tingin kay Mama nung nakaramdam ako ng pinong kurot galing sa kan'ya. Nakita kong nanlalaki ung mata n'ya at nagbananta. "Umayos ka nga! Nakakahiya sa bisita na'tin!" dahan dahan pero may diing sabi n'ya tapos humarap ulit du'n sa lalaki! "Pasensya ka na, Harold ah! S'ya pala ung sinasabi ko sayong anak kong dalaga, single na single 'yan, sana hindi ka na turn off! Si Krystal," sabi pa n'ya kaya napabalik ang tingin ko kay Harold na nakangiti na ngayon. Sira ulo 'to! Anong palabas ang gusto nito?! "Okay lang po, Tita. Wala naman po sa'kin 'yun," sagot n'ya kay Mama tapos tumingin sa'kin na nakangiti. Ako naman nakangiwi pa din! Kung makatawag s'ya ng Tita?! Close kayo?! "Ay naku! Sige na at iiwan ko na muna kayo, mag hahanda lang ako ng meryenda! Pwede din namang yayain mong lumabas ito! Tutal ngayon ay linggo at walang pasok 'to," sabi ni Mama at umalis na bitbit ung mga pinamili n'ya. Nung wala na yung presensya ni Mama, agad akong umupo sa tabi ni Harold at pinanlakihan s'ya ng mata na ikinatawa lang naman n'ya. "Anong ginagawa mo dito?!" madiing bulong ko sa kan'ya. "I invited by your mother, obviously!" sagot na habang nakangiti. "you smells good," saad n'ya pa kaya bahagya akong lumayo, ang lapit ko na pala sa kan'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil du'n. "Kaya mo ba tinanong kung saan kami nakatira? At kung anong pangalan ni Mama?" tanong ko ulit nung nakarecover ako du'n sa sinabi n'ya. Pumikit naman ung isa nyang mata na parang nag iisip bago sumagot. "Sort of.. but the plan is, pupunta ako dito at magpapakilalang manliligaw mo, but destiny give me the best option. While driving papunta dito, I saw your mom last week. I didn't know that it was your mom, my kind heart just wanted to help. So bumaba ako ng kotse tapos tinulungan sya. I offered her a ride, then she ask me if I'm single, I said yes but I have a woman na inaantay. The funny thing is, she wants me to forget the girl I'm waiting and be your blind date," mahinang kwento n'ya na natatawa din kaya napatampal naman ako sa noo ko. Nakakahiya! Paano kung hindi si Harold 'yun?! Tsk! "Nakakahiya! Pasensya ka na!" madiing sabi ko. "No, it's fine. Bago naman n'ya sabihin 'yun, I ask her where she live and sinabi n'ya ung same address na sinabi mo kung saan kayo nakatira kaya alam kong s'ya na ung mommy mo, kaya I immediately agree to her offer," sabi n'ya kaya napatingin ako sa kan'ya dahil naramdaman kong nakatingin din s'ya sa'kin, hindi maman ako nagkamali. "Pero kung hindi s'ya ung mom mo, tatanggihan ko syempre, kasi ikaw ang habol ko," dagdag n'ya, kaya napakagat ako sa loob ng ibabang labi ko para pigilan ngumiti. "Okay lang kiligin minsan, Tal," bulong n'ya kaya di ko na kinaya at napangiti na ko ng totoo. "Sira ulo ka!" nakangiting sabi ko tapos tumahimik na din agad dahil nakita ko si Mama na may bitbit na pitchel na may juice, may kasama pang baso kasunod n'ya si Kaye na may bitbit na banana-q na panigurado pinabili d'yan sa tabi tindahan ni Aling Ening. "Oh.. kumain muna kayong dalawa," sabi ni Mama habang inilalapag ung mga dala nila. "Kaye! Umalis ka d'yan sa tabi ng Ate mo, hayaan mo sila d'yan, magbantay ka ng tindahan du'n," saway n'ya kay Kaye dahil pagkatapos malagay ung bitbit n'ya umupo s'ya sa tabi ko. Umalis naman agad si Mama pero nagpahabol pa kay Kaye ng saway. Nakasimangot naman na tumayo s'ya at naglakad papuntang tindahan. Napangiti lang ako lagi kasi 'tong nasa kwarto ko pag andito ako sa bahay kaya gusto nito na nakadikit lang sa'kin ngayon. "Close kayo?" tanong bigla sa'kin ni Harold. "Si Kaye? Oo, pag andito ako sa bahay lagi s'yang nakadikit sa'kin," nakangiting sabi ko kaya tumango tango s'ya. "Kaya pala, where's your other siblings?" tanong n'ya na nagpalinga linga. "Ahm! Hindi ko alam, humingi lang ng pera tapos hindi ko na nakita," kibit balikat na sabi ko habang sinasalinan ng juice yung babasaging baso n'ya at baso ko. "Hm, did your mother know your friends?" tanong n'ya habang inaabot ung juice na ibinigay ko. "Oo, nakilala na nila Mama ung apat na yun. Gusto pa ngang ireto nu'n si Nicole sa mga anak ng kaibigan n'yang mayayaman kasama ako pero strong si Nicole at talaga sinabi n'ya na hindi na kailangan," mahinang bulong ko sa kan'ya kaya napatawa s'ya habang nilalapag ung baso n'ya pagkatapos uminum. "May mayaman naman na may gusto kay Nicole, manhid lang yung kaibigan n'yo, parang ikaw," makahulugang sabi n'ya tapos kumagat ng tinusok n'yang saging. "Hindi naman ako, manhid ah! Mahina ka lang magparamdam," sagot ko sabay uminum ng juice ko. Di sya sumagot sa sinabi ko dahil may laman ung bibig n'ya pero nakangiti sya sa'kin. Mukhang ngayon lang ako natuwa sa nireto sa'kin ni Mama! Magaling talaga ang lalaking 'to! Di ko inexpect ung gagawin n'ya pero mabuti na din kasi at least pwede na! Papayag si Mama dito! Nagtagal pa kami ng kwentuhan du'n dahil wala naman talaga kaming pasok dalawa. Wala din namang nang gugulo sa'min dahil utos yu'n ni Mama. "May balita ka ba kay Danica at Theo?" tanong ko na lang bigla. "I don't know what to say but I guess we're too late to stop them, mukhang kahit pigilan namin si Theo, hindi na din nya matigilan si Danica. Nabaliw na ata sa karisma ng kaibigan n'yo," sabi n'ya tapos tumingin sa'kin. "Parang ako, nabaliw na sa karisma mo," nakangiting sabi n'ya kaya hindi ko napigilan hindi n'ya hampasin! "Ang g*go mo!" nahihiyang singhal ko sa kan'ya. Hindi naman malakas yu'n dahil natatawa pa nga s'ya. Magsasalita pa sana s'ya nang bigla kaming nakarinig ng sigawan habang pumapasok sa loob ng bahay. Agad kaming napatingin sa dalawang taong yu'n at du'n ko nakita si Lance at yung live in partner n'ya na nag aaway. Malaki na ang t'yan ni Shanine. Malapit na din s'yang manganak. Next month ata. "Eh kung paduguin ko kaya yang nguso mo!" sabi ni Lance kay Shanine na nakahawak sa t'yan n'ya. Hawak hawak n'ya si Shanin sa braso at natatakot naman ako dahil baka bigla n'yang ibalibag ung tao. "Lance!" saway ko dito habang lumalapit sa kanila. Pinipilit kong alisin ung kamay n'ya sa braso ni Shanine dahil nga buntis 'to. Baka biglang mapaanak. "Ate! Away namin 'to, pwede umalis ka d'yan!" nagtitimping sabi n'ya pero hinarap ko s'ya. "Bitawan mo! Buntis si Shanine at anak mo yang nasa t'yan n'ya! Mag isip ka nga!" sabi ko at marahas na inalis ung kamay n'ya sa braso nito. Agad kong tinignan ung braso ni Shanine na nagkaroon ng mapupulang marka. "Hoy! Lance! Tarantado ka talaga! Umakyat ka nga du'n sa taas at du'n ka magwala!" sigaw bigla ni Mama kaya napahawak naman ako sa ulo ko! Nakakahiya! Kusang lumipat ung tingin ko kay Harold na nakatingin lang sa'kin. I mouthed sorry to him pero nginitian lang n'ya ko at umiling parang sinasabing okay lang. Inakay ko na lang si Shanine sa sala at pinaupo muna du'n, inabutan ko ng baso ko na may lamang juice. "You should stop crying, your baby might get stress," rinig kong saad ni Harold. "Pasensya na po," sabi naman ni Shanin sa kan'ya. "It's okay," pagpapagaan ng loob ni Harold sa kan'ya. Ewan ko ba naman kasi bakit, hinayaan ng parents n'ya 'to si Shanin na dito tumira sa'min. She's just 18 years old! Alam kong may kasalanan din naman si Shanine pero dapat hindi nila hinayaang ibahay 'to ng kapatid ko. "Naku! Harold, pasensya na sa gulo ah! Ganun talaga minsan, away mag asawa," biglang sulpot ni Mama habang humihingi ng pasensya kay Harold. "Okay lang po, Tita. No big deal," nakangiting sabi nito kay Mama. Pero sa totoo lang nahihiya talaga ako sa nangyari, katulad nga nang sabi ko sa kan'ya noon, mahirap akong mahalin dahil magulo ang pamilya ko, nakita naman n'ya ngayon. "Ahm! Ma, niyaya ako ni Harold, lumabas. Okay lang ba?" biglang singit ko sa usapan nila. Napatingin naman si Harold sa'kin at parang sinasabi na 'niyaya ba kita' look, ngumiti na lang ako tapos ibinalik kay Mama ung tingin na malawak na nakangiti. "Ay naku! Oo naman! Sige at lumabas muna kayo! Walang probleman du'n! Magbihis ka na para makaalis na kayo," sabi n'ya at tinutulak tulak pa ko. Umakyat naman ako agad sa kwarto ko para makapagbihis pero nakakarinig ako ng pagwawala sa kwarto nila Lance kaya napailing na lang ako dahil du'n. Kahit kailan talaga! Nagsuot na lang ako ng denim jeans, plain pink shirt, doll shoes at kinuha ung sling bag ko na kas'ya ung wallet at phone ko. Uwi pa naman ako dito mamaya. "Gwapo ng bagong lalaki mo, Ate ah! Balatuan mo ko pag binigyan ka ng malaking datong ah!" rinig kong sabi ni Lara na nakasalubong ko sa hagdan. Di ko na lamg pinansin dahil hindi ko naman balak huthutan ng pera 'tong si Harold, aasawahin ko' to! Hindi kukuhaan ng pera! "Ow! Sure ka na sa Ate ko? Ayaw mo sa'kin?! I'm old enough to be your wife," rinig kong sabi ni Liza nang makababa ako sa sala. "Hoy Ate Liza! Mahiya ka nga kay Kuya Harold! Eh yung pinambibili mo ng mga gamit at mga damit mo, si Ate Jane pa nagbibigay sa'yo," rinig kong sabi ni Kaye kaya napahawak ako sa sentido ko. Asan ba si Mama? Bakit andito 'tong mga to! "Ano bang paki mo?" pagtataray naman ni Liza kay Kaye at mukhang magkakasabunutan pa silang dalawa. Kaya umeksena na ko. Hinila ko na palabas si Harold pero andu'n pa din ung kunwari ngayon ko lang s'ya nakilala. "Pakisabi kay Mama na umalis na kami, Kaye," paalam ko sa kan'ya kaya tumango lang s'ya. Bago pa kami makalabas nakita ko si Papa na papasok ng bahay at salubong ang kilay na nakatingin kay Harold. "Sino yan?! Alam ba ng mama mo na may kasama kang lalaki?!" singhal n'ya sa'kin, napayuko naman ako. Sobra na talaga ang kahihiyan ko ngayong araw! "Tita Lourdes is the one who invited me here, Sir. Aware din po sya na lalabas po muna kami ni Krystal," magalang nasabi ni Harold kay Papa kaya napatingin ako sa kan'ya. "Saan naman kayo pupunta?! Ibalik mo si Jane! Hindi pwedeng gabihin 'yan nang sobra!" sabi ni Papa. "Yes, Sir! We will be back before dinner," marahang sabi n'ya. Bago pa makasagit si Papa ulit, saktong dumating si Mama. "Ay nako! Baldo! Hayaan mo na 'yan si Jane! Matanda na 'yan!" sabi n'ya at lumapit kay Papa tapos humarap sa'min. "Sige na at ?ag ingat kayong dalawa," sabi n'ya sa'min at hinila si Papa. "Ibalik mo yan bago maghapunan!" habol pa ni Papa na ikinatango naman ni Harold. Nung alam kong clear na, marahan ko s'yang inaya palabas ng bahay namin. Tahimik ako buong byahe at hindi nagsasalita, nakatingin lang ako sa labas ng kotse n'ya. Hindi ko na nga namalayan na nakarating na naman kami sa kung saan kami laging nagpupunta. "Andito na naman tayo," bulong ko pero alam kong narinig n'ya yun. Naglakad ako papunta ng seashore at naupo du'n tinabihan naman n'ya ko. Katulad noon, tahimik kaming dalawa pero binasag n'ya din. "Napapakalma ka ng dagat kaya dinala kita dito, kahit hindi ko sigurado kung maiuuwi kita bago magdinner," sabi n'ya kaya tinignan ko s'ya. "Pasensya na sa mga nakita mo ah, sabi ko sayo, mahirap akong mahalin at magustuhan. Magulo ang pamilya ko at napakastrikto ng parents ko. Kung hindi ka pa siguro nakilala ni Mama, ibang lalaki na naman ang ieereto n'ya sa'kin at kukwestunin ni Papa," saad ko habang seryosong nakatingin sa mata n'ya. Hinarap n'ya ko nang dahan dahang at inilapat ung kamay n'ya sa pisngi ko, naramdaman ko na lang na pinunasan n'ya 'yun, du'n ko lang din namalayan na lumuluha na ko. "At sinabi ko din naman sa'yo na kung ikaw man ang pinakamahirap na kasong hahawakan ko, ipaglalaban kita at hindi titigilan hanggang hindi nanalo. Handa kong itaya ang lahat ng meron ako, wag lang kitang mabitawan, tatanggapin kita kahit ano pa 'yan kasi mahal kita," saad n'ya. "At hihintayin kita kung kailan handa ka nang tanggapin ung pagmamahal na gusto kong ibigay," dagdag n'ya pa. Bakit?! Bakit gan'to s'ya?! "Harold..." ayun lang yung masabi ko at niyakap s'ya ng mahigpit na halata naman natigilan s'ya pero naramdaman ko din na niyakap n'ya ko. "Thank you.. sobra!" saad ko at alam kong umiiyak na ko ngayon. Aware na ko! Hindi ako nagsasalita miski s'ya at tanging paghagod lang sa likod ko ang ginagawa n'ya kaya nakakagaan sa pakiramdam. "Andito lang ako, bilang kaibigan," malambing na sabi n'ya. "Pwede ding ka-ibigan," habol n'ya kaya ung iyak ko napunta sa mahinang pagtawa at dahang dahang humiwalay sa kan'ya. "Sweet na eh, nilagyan mo pa ng biro! Galing mo!" saad ko sa kan'ya at pinunasa ung luha ko. Natawa lang s'ya sabay abot ng panyo n'ya sa'kin. "Here, eto na gamitin mo para hindi madumihan ung kamay mo," nakangiting sabi n'ya, inabot ko 'yun at ipinunas sa mukha ko. "Salamat," saad ko pagkatapos kong punasan ung mukha ko. "Akin na muna 'to, lalabhan ko tas 'ska ko ibabalik sa'yo," habol ko pa habang inilalagay 'yun sa bag ko. "Sige, at least there's a reason para magkita at magkausap tayo ulit," saaf n'ya at tumingin na ng deretso sa tubig. "Ahm... Bakit kailangan ng panyo para makapag usap tayo ulit?" tanong ko sa kan'ya. "Kasi hindi mo naman ako kinakausap pag walang rason kaya mabuti nang nasayo ung panyo para may rason na," turan n'ya ulit kaya napangiti ako. "Paano mo ko liligawan kung hindi mo ko kakausapin pagwala na yung panyo?" tanong ko, kaya ramdam kong natigilan s'ya at dahang dahang isinalin sa'kin ung tingin nya. "Seryoso ka? Hindi kita minamadali," mahinahong sabi n'ya pero halata pa din sa kan'ya ung gulat. "Baka napipilitan ka lang kasi sabi ng Mother mo, kaya nga I'm willing to wait," dagdag n'ya pa pero umiling ako. "The fact na nalaman kong nag effort kang pumunta sa bahay, kahit hindi mo pa kilala si mama na s'ya ung mama ko, you still help her, ung nag antay ka sa'kin ng halos dalawang bwan, tanggap mo ung pamilya na meron ako, ung pagiging caring mo. Proves your action and also your feelings to me. Kaya seryoso akong pinapayagan kang manligaw," nakangiting sabi ko sa kan'ya habang nakatingin sa mga mata n'ya. Kita ko na pinipigilan n'yang ngumiti kaya naman nag iwas s'ya at kumagat sa ibabang labi nya. "I don't know what to sya. I'm happy! Sobra!" saad n'ya at biglang tumayo tapos naglakad papuntang malapit sa natatamaan ng dagat! Nag tataka akong nakatingin sa kanya at halos mapatalon ako ng sumigaw s'ya bigla! "WHOO! MARUNONG NA KONG MANLIGAW! MANLILIGAW NA KO!" sigaw n'ya kaya natatawa akong tinawag s'ya! Nakakahiya kaya! "Hoy! Mukha kang baliw! Lika na nga dito!" sigaw ko din pero hindi gaano malakas dahil may nakita na kong mga tao na nakatingin sa gawi namin. -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD