Chapter 17

2737 Words
Krystal's POV Isang malamig at mabangong hangin ang bumungad sa akin nang imulat ko ang mga mata ko. Agad din naman akong napabalikwas sa pagkakahiga nang maalala kung nasaan ako at kung anong nangyari. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng silid kung nasaan ako. Bumungad sa akin ang yellow painted wall , white ceiling and cutain. May isang couch din na mahaba, may study table at may walk-in closet, may sarili din banyo dito. Tinignan ko ung sarili ko at mukha naman buo ako pero ramdam ko ung pamamaga ng mata ko. Ang huling naalala ko ay umiyak lang ako sa kan'ya habang nakayakap. Hindi ko napigilan dahil naalala ko na naman ung anak ko. Ung anak kong pinatay nila! Tumayo ako at tinignan sa relo ko kung anong oras na. "Hapon na," bulong ko sa sarili ko sabay nag ayos. Pumunta ako sa bintana na natatabunan ng puting kortina, dahan dahan kong binuksan iyon at nakita ko ang malawak na likod bahay ng tatay ko. May mga tanim na bulaklak at isang puno. Nakatanaw lang ako doon nang makarinig ako nang pagbukas ng pintuan. "Gising ka na pala," "Pasensya na po kung nakatulog ako habang nag uusap tayo," paghingi ko ng paumanhin na sinamahan pa ng pagyuko. "It's okay, alam kong pagod ka sa byahe pero kinausap pa din kita," saad nito kaya umangat ang tingin ko sa kan'ya. "You want to eat? Nag luto ako," yaya n'ya sa akin. Sasagot sana ako ng hindi na kaso naramdaman kong kumulo ung tyan ko kaya tumango na lang ako. Nauna s'yang lumabas ng kwarto at sumunod ako. Kada madadaanan may nakikita akong painting at pictures. May mga lugar lang, puno at dagat. May painting ng sunsets at meron ding sa bundok. Mukhang sa kan'ya ako nagmana ng pagiging malikhain. "Kayo ho ang nag pinta at kumuha ng mga ito?" tanong ko nang matigil ako sa isang larawan na may bundok, rainbow at mga puno. Ang ganda ng pagkakapinta! Napakapayapa at napakaaliwalas tignan. Sa tabi no'n, may mga litratong kinuha din sa lugar na iyon. "This? Yes. I'm actually a sidelined photographer and a painter but my profession is a retired police officer dahil sa ngayon mas pinag tuunan ko na ng pansin ang pag pinta at pagkuha ng litrato," tugon nito na nakatabi sa akin habang tinitignan ko ung gawa n'ya. Police Officer din pala s'ya, parang si Tito Hance. Tumango na lang ako at tumahimik kaya naman niyaya na n'ya ako ulit pababa para makakain. Tahimik akong nagsandok ng pagkain ko pati nag salin ng tubig ko habang nasa tapat ko s'ya. Mukhang hindi pa din s'ya kumakain dahil sa sinabayan n'ya ako. "Kumain ka lang ng madami para makabawi ka ng lakas," saad nito kaya napatingin ako ulit sa kan'ya at tumango. Ayoko mang aminin, totoong napadami ako ng kain dahil sa pagod at gutom bukod doon masarap ung lutong ulam na nakahain. "Salamat po," nahihiyang saad ko na ikinangiti n'ya. "Walang anuman. Sige at magpahinga ka na muna," usal n'ya pero umiling na ko. "Ako na po ang mag huhugas, nakakahiya naman po," saad ko dito. "Wag ka na mahiya, ngayon lang kita pag sisilbihan kaya naman hayaan mo na," saad nito at ngumiti. Wala akong nagawa kun'di tumango at tumayo kasabay n'ya. "Pwede po bang pumunta ba likod bahay n'yo?" tanong ko dito. "Sige. Feel at home, anak" saad nito kaya medyo natigilan ako pero ngumiti lang din agad. 'anak, bakit kahit galit ako, ang sarap pakinggan ng salitang iyon.' Naglakad ako papuntang likod bahay at mas maganda pala dito kesa sa taas mo titignan. Mapagmamasdan mo ung mga bulaklak na nandito. Iba ibang klaseng bulaklak ang nandito at malalago ang lahat. Napatingin ako sa punong matayog ang taas. Hindi ko alam kung anong puno ito pero masarap umupo dito dahil may lilim na nakalaan sa mismong tapat ng upuan kaya lumapit ako doon at umupo. Hindi pa kami tapos mag usap ng tatay ko pero isa lang ang naiintindihan ko ngayon. Itinago sa akin lahat ng tinuturing kong magulang ang totoo para makakuha sila ng pera sa tatay ko. Hinayaan nila akong mag aral sa AHC dahil panigurado sinabi nila iyon na doon ako nag aaral at hindi ako nakakuha ng scholarship para makuha nila ung kalahati ng tuition ko. Ginawa pa nila akong sakitin para makakuha sila ng pera! Ung camera na pag mamay ari ko na na binili nila kunwari! Paniguradong galing iyon sa tatay ko! Nakakainis! Nakakabwisit! Muli akong tumayo at pumunta sa mga bulaklak na nakatanim sa paligid. Isa isa ko silang tinignan at agad na napukaw ng isang bulaklak ung mata ko. It's a white dandelion.. Sinubukan ko s'yang abutin at pitasin pero hindi ko pa man s'ya nahahawakan agad s'yang nilipad ng hangin.. parang ung anak ko, hindi ko pa man nahahawakan o nalalaman, bigla na lang din tinangay at kinuha sa akin.. Muli na namang tumulo ung luha ko dahil sa alaalang bumalik sa akin. "I'm sorry, baby.." bulong ko at muling hinawakan ung dandelion na nilipad ng hangin.. "I'm sorry for your lost, anak" Mabilis akong nag punas ng luha nang marinig ko ang boses galing sa likod ko. Hindi ko muna s'ya hinarap dahil alam kong may luha pang tumutulo sa mukha ko. "I want to know what happened, Krystal. I know you are so mad at me because of what I did but believe me, gusto talaga kitang kunin nung una pero hindi ko ginawa dahil ang akala ko mas mapapabuti ka sa kamay nila pero mukhang mas malala pa ang nangyari sa iyo," saad nito at naramdaman ko ung kamay n'yang nilagay sa balikat ko. Dahil sa sinabi n'ya hindi naman ako nahiyang humarap sa kan'ya na parang sa mga sinabi n'ya gusto kong mag sumbong at sabihin lahat ng hinaing ko. "Maupo po tayo, kasi mangangalay po tayo kung ikukwento ko sa inyo lahat," saad ko at maglakad papunta upuan. Naramdaman ko naman na sumunod s'ya sa akin kaya nagtuloy tuloy ako sa pag lalakad. Panandalian kaming tumahimik nang makaupo kami sa ilalim ng puno. "Hindi ko po sila sisiraan sa inyo pero katulad po ng sinabi ko kanina, hindi maganda ang naging buhay ko sa puder nila," basag ko sa katahimikan namin. "Masyado po silang strikto na halos lahat bawal, kahit nung tumungtong na ako sa legal na edad, mas dumami ang bawal. Birthday ko, napakababaw lang po pero sobrang masama ang loob ko dahil isang beses lang nila ako binigyan ng cake, nung 18 ko lang dahil may budget daw kaya naman nagparty, pero ung mga anak nila halos laging may paparty. Pinigil nila ako sa gusto kong course dahil wala naman daw akong mapapala sa Fine Arts kaya napunta ako sa Marketing na hindi ko naman pinag sisihan dahil nakakilala ako ng mga mabubuting kaibigan na nagparamdam sa akin ng pagiging kapatid," Kwento ko habang nag uumpisang tumulo ung mga luha ko. Namiss ko bigla sila Kim.. pag nalaman nila 'to, magagalit sila lalo na si Nicole at Camille. Muli akong humugot ng malalim na hinga para mapakalma ung sarili ko. "Pinag aral nila ako sa isang isakat na school nung college at scholar ako doon. May mga times na hirap akong humingi sa kanila ng pera kaya naman pumasok ako bilang isang event photographer. Akala ko pag nakagraduate na ako sa college ko, magiging maluwag na sila pero hindi. Nag apply ako ng trabaho at pinilit na kumawala sa kanila pero inutakan pa din ako. Halos lahat ng salary ko napupunta sa kanila. Nakalaya lang ako ng unti nung nakilala ko ung lalaking nag layo sa akin sa kanila. Hanggang sa narinig ko silang mag uusap about sa inyo, at sinabing hindi ako pwedeng mawala sa puder nila dahil hindi mo na sila mabibigyan ng pera. Nag karoon kami nang pag tatalo nung sinubukan kong alamin kung sino ka, kayo! At hanggang sa umabot na nga na nawala ung anak ko dahil sa kanila!" halos pa sigaw na usal ko dahil hindi ko na mapigil ung emosyon ko. "Ung anak ko na hindi ko alam na nasa loob na pala ng tyan ko kasi I was diagnosed infertile kaya hindi ko inaasahan na meron! I was so depress when the doctor told me that I was infertile pero mas masakit at mas nakakadepress nung nalaman ko na nabuntis ako pero nawala! Ang sakit! Naghalo ung galit, sakit at frustration ko! Sinisi ko lahat! Sinisi ko sa inyo dahil ako ung nagbabayad ng kasalanan n'yo! Ako ung nag hihirap habang kayo masaya sa buhay n'yo! Pati ung anak kong walang kamalay malay, nadamay! Pati si Harold nadamay.." saad ko na parang nag susumbong habang umiiyak. "Pakiramdam ko ang laki ng kulang sa buhay ko nung nalaman kong infertile ako! Hindi ako normal at walang karapatan makipagrelasyon dahil wala akong kakayanan na bumuo ng pamilya!" Yumuyugyug na ung balikat ko dahil sa pag iyak. Naramdaman ko ung kamay n'ya sa balikat ko habang hinahaplos haplos iyon. "Sssshh.. you're a normal person and miracles happen, Krystal. Look! Nagkaroon ka ng anak. May pag asa pa, may pagkakataon pa. Wag mong isiping hindi ka normal dahil normal ka katulad ng ibang tao. Walang mali sa'yo.. I'm sorry dahil sa amin nag sa-suffer ka sa gantong sitwasyon mo.. but I really didn't expect na gano'n ang buhay mo," pagpapatahan n'ya sa akin at bahagya akong kinabig para mayakap. "Lahat ng hinihingi nila para sa'yo, ibinibigay ko, I didn't know that you are a scholar, nung 18th birthday mo, dapat pupuntahan kita at dadalo sa kaarawan mo pero nag karoon ng delay dito kaya hindi ako nakapunta. I'm sorry.. give me a chance to be a father to you, Krystal.. sisiguraduhin kong mag babayad lahat ng umapi sa'yo! I'm not a retired police officer for nothing. Sasampahan natin ng kaso ang pamilya na iyon pati na ang pagkuha nila sa apo ko," madidiing saad n'ya. Huminga akong muli ng malalim at bahagyang humiwalay sa kan'ya bago nag salita. "Wag na po, nangako akong hindi ko sila kakasuhan sa ginawa nila kapag tinuro nila kung nasaan ka, kaya hayaan na lang po natin. Gusto ko lang ho talaga kayong makausap at makilala para naman po kahit paano alam kong buo ako at hindi putok sa buho," saad ko sabay marahas na nag punas ng luha. "Ikaw lang ang nangako at hindi ako," saad n'ya kaya napatingin ako dito, mukha s'yang seryoso. "I will do anything para makabawi sa'yo, anak" habol n'ya. "Can you just let me stay here for the mean time.. I just want to breathe and think," ayun lang ang sinabi ko. "Sure! You're always welcome here!" saad nito na may ngiti sa labi. Hindi pa ako okay, pero at least kahit paano naliwanagan ako na hindi pala ako inabanduna ng tatay ko kun'di namanipula lang ng mga walang hiyang kinikilala kong magulang! "Sinabi n'yo po na nakita n'yo na lang ako na buhay na sa mundong ibabaw. Paano po ako naging De Guzman?" tanong ko nang makarecover sa pag iyak. "When I was about to get you, sinabi kong ipapabago ko ang surname mo," saad n'ya na tumingin sa akin. "Hindi mo ba nakita sa birth certificate mo na may pirma ako doon?" habol n'yang tanong. Sh*t! Pati iyon, peke! Kaya pala, hindi nila ako hinahayaang kumuha ng mga documents ko! "Hindi po, pangalan po ng kinikilala kong mga magulang ang nasa birth certificate ko, wala pong Karlo de Guzman doon, ang akala ko po apelyido lang iyon sa pagkadalaga nung peke kong ina iyong de Guzman, hindi pala!" saad ko na puno ng pagkairita! "Hindi ho nila ako hinahayaang kumuha ng documents ko na ako lang," "That's actually a fraud! Falsification of Legislative Documents! Ako ang nakapangalan sa'yo doon, dahil pirma ko lang ang nandoon!" singhal n'ya sa akin kaya naman tinignan ko s'ya at para kong nakita ung sarili ko. No doubt! He is my father! boy version! "Madali na ho magpagawa ng pekeng documents sa monomento," saad ko sabat hinga nang malalim. "Marami ng kaso ang pwedeng ipatong sa kanila dahil sa ginawa nila," saad nito na ikinatango ko naman. "Pero pwede ba akong mag tanong sa'yo, alam ba ng karelasyon mo na nakunan ka o na nandito ka?" tanong n'ya kaya umiwas ako ng tingin sabay iling. "Wala ho s'yang alam na kahit ano sa nangyayari sa akin," saad ko at nag umpisa na naman mag init ang sulok ng mata ko. "Why?" muling tanong nito. "Natatakot ho akong magsabi sa kan'ya," ayon lang ang tugon ko at hindi na nagsalita pa. Nakita kong tumango lang s'ya at hindi na din muling nagtanong. ---------------- Harold's POV "Okay na sila ni Kim?" tanong ko kay Miggy nang makapasok ako sa bahay nila. It's been 3 days since Krystal left at hindi na ako mapalagay dahil ni isang message, wala akong natanggap kaya kahit ayoko, lumapit na ako kila JK para mag patulong but ang ending pinigilan lang ako ni Nicole, ayokong pumayag nung una pero she has a point kaya naman pumayag ako sa sinabi n'yang pag bigyan si Kystal. I will give her 3 weeks! Pag wala pa! Gagamit na ko ng koneksyon! "Oo, nag punta din kami agad kila Henry dahil manganganak na nga daw ung isa," tugon ni Miggy sa akin. I'm so glad that Nicole and Kim is okay, kanina kasi nag karoon sila ng pag aaway dahil sa pag alis ni Tal, mukhang may alam sila sa dahilan kung bakit umalis si Tal but they didn't want to tell me. "Nasaan pala ang asawa mo?" tanong ni Caleb sabay inum ng juice n'ya. "Sleeping, napagod.. pag uwi namin dito nakatulog din agad," tugon ni Miggy sabay tingin sa akin. "Saan ka nag papalipas ng gabi? Torture panigurado sa unit mo," saad n'ya. "Sinabi mo pa, pero wala naman akong magagawa. Mas gusto ko doon at naaalala ko si Tal kesa sa ibang lugar pero ayoko lang na mag tagal doon naalala ko ung mga ginagawa namin, kaya nakakadepress, uuwi na lang ako doon tapos matutulog at yayakap sa unan," saad ko sabay hinga nang malalim. "Hirap!" malakas na sigaw ni Caleb sabay tingin sa phone n'ya. 'di naman nag tagal, nakarinig kami ng mga yabag na pababa dito kaya sabay sabay kaming lumingon. At nakita namin si Nicole na pupungas pungas na nag lalakad papalapit sa pwesto namin. "Good morning, buntis!" masiglang bati ni Caleb sa kan'ya na tinaasan n'ya lang ng kilay tapos lumapit sa asawa n'ya at yumakap. "Anong ginagawa n'yo dito?" tanong n'ya habang nakayakap kay Miggy. "Palipas oras lang," ako na ang sumagot sa kan'ya. Tinignan naman n'ya ako tapos ngumisi. "Missing Tala ah," saad n'ya na parang nang aasar kaya naman napairap ako bigla. "Ang galing mang asar!" singhal ko na ikinatawa n'ya sa babang boses. "Nics, bakit s'ya umalis?" tanong ko ulit sa kan'ya. Sumeryoso naman bigla ung mukha n'ya at umayos ng pagkakaupo. "Ayaw na n'ya sa'yo," seryosong saad n'ya kaya naman napaawang ang mga labi ko pero muling napairap nang makita ko ung mapaglarong ngiti n'ya. "Joke!" "May sala demonya ka din talaga, ano?" hindi ko mapigilang usal sa kan'ya na ikinatawa n'ya. "Minsan lang! Lalo na bagong gising ako, pero she's doubting your feeling for her. That's all I can say! If you want another answer, wait for her.. kumukuha lang ng lakas ng loob iyon.." saad n'ya kaya para naman akong nasaktan. "She's doubting me? Why?" tanong ko sa sarili ko sabay tingin sa kanila. "Hay.. normal lang iyon! Tropa mo si Theo kaya normal lang na mag doubt s'ya baka kasi nahawaan ka ni Theo," saad nito tapos tumayo. "Punta tayo kila Danica, baka nag aalala iyon," saad n'ya na mabilis na ikinatango ni Miggy. Ako naman nakatingin lang sa kan'ya na naniningkit ang mata. "Kalmahan mo ah! Buntis si D," natatawang saad ni Caleb. "Parang ang sarap n'ya putulan ng dila ngayon, alam ko namang nang aasar s'ya pero nakakainis.." saad ko na ikinatawa nung dalawa. Pagbalik ni Nicole sa amin nakaayos na s'ya at handa nang pumunta sa unit nila Danica kaya ayun na ang ginawa namin. Tulog si Danica nang makarating kami doon. Inaaliw aliw lang ako nung mga kasama ko bago namin naramdaman si Danica. Habang nakain, hindi ko naman maiwasang hindi huminto at kausapin sa isip ko si Tal. 'are you alright there, mahal? Kumakain ka ba nang maayos? I miss you, Tal..' -----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD