Chapter 1

1929 Words
3 weeks before she left and 3 days before KeithyCams Wedding Krystal's POV "Una na ko, Rold. Nasa baba na si Danica," paalam ko kay Harold na nag aayos ng mga gagamitin nya sa pagpasok. Nakaleave kami ngayon para sa bakasyon namin nila Camille dahil ilang araw na lang ikakasal na ulit sya. "Ow! Wait lang! hatid kita sa baba," sabi nya kaya inantay ko na lang sya. Hindi ko naman maiwasang hindi sya titigan. I still can't believe that this handsome and mysterious guy love me so much. Nung araw na inaya nya ko ng coffee, i actually got shock kasi naman hindi naman sya gaano nagsasalita pagkasama kami. Nagsasalita lang sya paglasing na sya pero paghindi tahimik lang sya. Nung araw din na yun dun ko lang nakita na ngumiti sya. I mean nang hindi lasing! Kaya natuwa ako. Nakakacrush kaya ung pagiging mysterious nya. "I know I'm handsome but don't smile too much while looking at me, masyado mo namang sinasabi na mahal na mahal mo ko," saad nya kaya nabalik ako sa reyalidad. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Gwapo mo kasi!" sabi ko kaya napangisi sya. "Tss! Let's go, mahal," sabi nya at kinuha ung mga gamit ko. Sya na ang nagbitbit at hinawakan na yun kamay ko at hinila na palabas. Mamaya pa naman kasi ang pasok nya atska maaga pa din. Hawak nya ung kamay ko habang pababa kami ng parking dahil andun na nga daw si Danica. Ako ang unang sinundo nito tas huli na si Nicole. Pagdating ng parking nakita ko na si Dani na nakalean sa kotse nya at may kausap sa phone, napalingon sya samin kaya nagpaalam na kay Theo. "Sige na. I'll call you later when we get there, bye! I love you too!" paalam nya tapos tumingin samin na parehong nakangiti nang nakakaloko. "Ay! So judger ng look ah!" singhal nya samin kaya sabay kaming natawa ni Harold. "Sorry na." sabi ko tapos humarap kay Harold. "Una na kami, baka maghurumintado ung mga kasama namin pagnagtagal pa kami," paalam ko sa kanya. "Okay," sabi nya tapos yumakap. "Ingat at enjoy ka dun. Tawagan mo ko ha," saad nya habang nakayakap. "Opo, ingat ka din dito," sagot ko naman at yumakap din. Bumitaw sya at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi ko. "I love you," sabi nya matapos ung halik at ngumiti sakin. Ngumiti muna ko at matagal bago sumagot sa kanya. Hinayaan ko munang magsawa ung mata ko sa mukha nyang napaka sungit kung minsan but the truth is Harold is so kind and loving. "I love you too," sagot ko naman at yumakap ulit nang mahigpit when I feel I'm about to cry. Mamahalin pa rin kaya nya ako kahit may kulang sakin? Will he still be sweet if he finds out that I'm not capable of something he wants to have? "Ehem! Antay na lang ako sa loob ng kotse, lover birds ah!" rinig kong paalam ni Danica kaya pareho kaming natatawang bumitaw ni Harold sa isa't isa. Naudlot ung iyak ko! Mabuti naman. "Sige na at baka mainip na ung kaibigan mo, mag ingat ulit," saad nya at humalik sa ulo ko. "I miss you so much, Tal. so much," saad nya habang nakatingin sakin nang deretso. "I hope seaside will help you calm, like we always did before. I hope we can talk about what's on your mind when you came back from this vacation. I'll wait for you, Hon!" masuyong sabi nya habang hinihimas ung pisngi ko. Ganto man kami kasweet pero nitong mga nakaraan, I became cold and sometimes hindi sya pinagbibigyan sa gusto nya. Alam nyo na moment. "Okay, Ingat sa pagpasok. See you in 2 days," sabi ko at yumakap ulit ng mahigpit. Nagkaroon na lang kami ng huling paalamanan bago nya inabot sakin ung duffle bag ko at kumaway sakin. Pinagbuksan nya lang ako ng pinto at bago isara nagpaalam na din sya kay Danica. "Sorry," saad ko pagsara ng pinto ng kotse. "It's fine! Sweet nyo nga eh, di ko akalain na may tinatago pala yang kasweetan si Attorney!" kinikilig na sabi nya bago sya magdrive papunta naman kila Kim. "Ako din eh," sabi ko lang at naalala na naman ung una naming date dalawa. Flashback "Sanya, rest room lang ako," paalam ko kay Sanya habang natayo. Tinaasan naman ako nito ng kilay. "Kelan mo kaya ako tatawaging 'Mam Sanya'?" tanong nito sakin with may paquotation mark pa sa kamay. Ipinakita ko naman sa kanya na nag-iisip ako kuno bago sya nginitian ng sobrang tamis. "Hm? Pagpumuti na ang uwak?" I said while smiling at her na ikinainis nya lalo pero care ko, nagtuloy tuloy na ko palabas ng workplace namin at nag restroom na. Paglabas ko ng restroom. Medyo tinatamad pa kong bumalik sa team ni Sanya dahil mag sisisigaw na naman yun kaya bumaba muna ko ng cafeteria at bumili ng makakain. Mabuti na lang dala ko ung wallet ko. Hindi ko talaga nilalayo sa katawan ko to. Naglakad na ko agad papunta elevator nung nakabili na ko ng pagkain. Nag aantay na lang ako na bumukas yun. Di naman nagtagal bumukas na yun at nakita ko si Attorney Harold, kaibigan ni Sir Henry na jowa ni Kim. Galing diba? "Hi Attorney!" nakangiting bati ko, gwapo talaga nitong isang to eh. Walang tapon sa mga magkakaibigan na to. Crush ko kaya sya! Sabi ko nga minsan kila Nicole, makalaglag panty ang kaseryosohan nya! "Hi Krystal," bati nya sakin at ngumiti, nagulat pa ko dahil ngumiti sya. Akala ko tatarayan nya ko dahil pinansin kong ngumiti sya pero atleast he didn't and to my surprise, sinasagot nya ung mga sinasabi ko. Nakikipag usap din naman pala kahit hindi lasing. Tumahimik kaming dalawa saglit pero binasag nya din yun. "Would you mind if I ask you to have a coffee with me?" tanong nya sakin. Di ako agad sagot dahil inaalam ko kung seryoso sya pero nakita kong para syang nahihiya kaya natawa ako. Niyayaya nya ko ng date diba? "You're asking for a coffee date? Sure! Kaso mamaya pa ang coffee break ko," sabi ko tapos ngumiti, nakita ko na pakagat labi sya! Shocks! He looks so hot and kinda cute, hindi na lang sya makalaglag panty! sama ko na bra ko! Ay! Ano ba to?! Nahahawa na ko kay Kim sa pagiging mahalay! Hindi ko alam na may gantong side pala tong si Attorney. Hindi naman eto ang unang date ko. May mga nagtatanong naman sakin at minsan pumapayag ako. Lalo na pag si mama ang magreto, dahil kung hindi... Ahm! Nevermind! "Okay lang. Just message me," sabi nya. Napaisip naman ako, wala akong number nya, paano ko sya matetext. Hm?! Unless! "I don't have your number. Pero kung may number ako sayo, text mo na lang ako para makuha ko number mo," sabi ko, saktong bumukas ung pinto ng elevator para sa floor namin, pababa na sana ako pero nilingon ko muna sya at ngumiti. "You look cute when you shy, Attorney. See you later!" excited na sabi ko at nagtuloy tuloy na sa paglalakad pabalik ng workplace namin. Pagbalik ko, hindi ko na inabala pa ung sarili ko sa sermon ni Sanya. Wala naman kasing kakwenta kwenta ung galit nya. Nagagalit sya dahil hindi natapos ung ginagawa nya, dahil lagi nya daw kaming chineck, ayos naman yung gawa namin. Lumipas ang oras kaya kinuha ko ung phone ko baka kasi nag message na si Atty, pero ibang message ang mabasa ko. From: Mama Message: Jane, umuwi ka ng bahay sa sabado! may handaan ang kapatid mong si Liza sa linggo! Umuwi ka! bukod sa kailangan ng pera dun! Kung hindi ka makakauwi, magbigay ka ng magandang dahilan at magpadala ka ng sampung libo! Pagkabasa ko nun, bigla naman nawala ung saya ko, dahil 10k? Ano bang ihahanda nila? Nagpacatering ba sila? Ako nga sa birthday, cake lang. Maliit at pinilit pa yun. Kahit nga ngayong may trabaho na ko, maliit na cake pa din ang binibili ko. Sila Kim lang ang magbibigay ng malaki. Hay! Paghindi naman ako nagpadala, pagsasalitaan na naman ako ng kung ano ano ni Mama. Minsan talaga iniisip ko na tama si Danica eh, baka nga hindi ako anak nila Mama at pinaalaga lang ako. Tapos dahil tapos na ko ng college ko, hindi na nagbibigay ung legit na parents ko kaya sakin na sila humihingi. Hay! Eto na naman tayo! Hay! Gusto ko huminga! Saktong kinuha ko ung gamit ko dahil nakapagdesisyon akong mag aunder time ako, nagmessage si Harold. Oo nga pala ung coffee date, pwede kayang hindi na lang coffee? "Cams, asan si Sanya?" tanong ko kay Cams. "NagCR, bakit? Undertime ka?" balik na tanong nya. Tumango naman ako ng dalawang beses kaya ang gaga! "Sige na! Alis na, kami na bahala dito," sabi nya kaya naman sumibat na ko. Ngayon lang naman ako nag undertime, gusto ko lang talagang huminga dahil sa nabasa ko kay Mama. Nakakasakal kasi ung pagiging ganyan nila. Hindi ko alam kung strikto ba talaga silang matatawag ko, hinahawakan ako sa leeg. Nagderederetso na ko sa elevator at bumaba sa coffee shop, dito ko na inantay si Harold. Naupo lang ako saglit at tumingin sa paligid. Di naman nagtagal nakita ko na ung taong maglalayo sakin sa sibilisasyon. Mali! ung hihingan ko ng tulong para lumayo sa sibilisasyon. "Niyaya mo ko magdate diba?" tanong ko sa kanya nang makalapit sya sakin. "Yeah," maiking sagot nya. Ngumiti naman ako dahil dun. Nakatitig lang sya sakin at hindi umuupo. "Would you mind if I ask you na dalhin mo ko sa seaside? Gusto ko lang makalanghap ng tubig dagat," nakangiting sabi ko at humihiling na sana pumayag sya. Natigilan ako saglit nang bigla syang ngumiti nang malawak at inilahad ung kamay nya. Napangiti na lang din ako ulit nang malawak para suklian yun at sabihing salamat dahil pumayag sya. "Sure, let's go?" saad nya sakin sabay abot ng kamay nya. Nung magkahawak na kami ng kamay, may kakaiba akong naramdaman lalo na nung hinawakan nya nang sobrang higpit ung kamay ko. I felt secured and everything will be fine. I felt like he doesn't want to let go of me kahit ano pang mangyari. Pakiramdam ko, bukod kila Nicole, may kakampi pa ko at may mapagkukwentuhan ng nararamdaman ko. Tinitignan ko lang sya habang nauuna sa paglalakad namin papunta ng kotse nya pati ung kamay namin na magkahawak. Napangiti na lang ako. Dahil ngayon ko lang naramdaman to sa isang lalaki at sinong mag aakala na sa kanya pa. Pinagbuksan nya ko ng pinto nang makarating kami sa kotse nya kaya nabitawan na nya ung kamay ko pero nagulat ako nang kunin nya ulit yun habang nagdadrive sya. Katulad kanina mahigpit ung pagkakahawak nya. Hindi basta hawak kamay. Our hands are intertwined. "You can let go my hands now, Attorney," biro ko sa kanya dahil parang wala na talaga syang balak bitawan yun. Sumulyap naman sya sakin at tinignan saglit ung magkahugpo naming mga kamay tapos ngumiti. "I won't let go now, Krystal Jane. I won't!" nakangiting saad nya at mas hinigpitan pa yung hawak sa kamay ko. End of Flashback Nung una hindi ko alam ung ibig sabihin nun per- "Huy! Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Kim nung nakasakay na sya. Andito na pala sya. "Oo naman. Okay lang ako," nakangiting sabi ko. Pero iniisip pa din ung unang date namin ni Harold. Dun kasi sya unang umamin eh. Hindi ko nga alam na ang isang Attorney Harold na laging cold ay may sweet side pala. ----------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD