Chapter 2

1598 Words
Nandahil sa nanyari ay isang linggo akong nanatili sa bahay. At hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang lalaking masungit. Bumabalik pa rin sa akin ang mga nangyari. Araw ng linggo at kasama ko si inay na pumunta sa simbahan. Tahimik lang akong nakikinig sa misa. Pero noong palabas na kami ni inay ay may dumaan at naamoy ko ang pabango niya. Ang pabango na isang linggo ko nang naaamoy. Hindi ko alam pero ayaw mawala sa sistema ko. Baka kapareho lang nito ang amoy nang lalaking arogante. "Inay uuwi na po ba tayo?" Tanong ko sa kanya. "Oo anak pero hintayin mo ako rito dahil bibili lang ako ng bibingka," sabi sa akin ni inay. "Sige po inay, kasama ko po si light." Sagot ko sa kanya. "Light 'wag kang tumakbo ha," paalala ni inay sa aso namin. Tumahol naman ito bilang sagot. "Umupo ka muna d'yan anak," sabi sa akin ni inay. Umupo naman ako. Habang nakaupo ako ay may tumabi sa akin at naamoy ko na naman ang pabango ng lalaking arogante. "Gusto mo," rinig kong nagsalita ang isang lalaki. "Bulag ka ba?" Narinig ko ulit itong nagsalita. "Ako ba ang kinakausap mo?" Tanong ko sa kanya. "Oo, ikaw." Malumanay na sagot niya sa akin. "Akala ko kasi hindi ako ang kinakausap mo Oo bulag ako," sagot ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla na lang niyang hawakan ang kamay ko at may inilagay siya. Malamig ito at a tingin ko ay inumin. "Sa iyo na 'yan," sabi niya sa akin. "Naku! Nakakahiya naman po," sabi ko sa kanya. "H'wag mo naman akong i-po kasi bata pa ako. Ako nga pala si Simon," pakilala niya sa akin. "Ako naman si Mhelcah Lastimoza," sagot ko sa kanya. "Lagi ka bang nagsisimba dito?" Tanong niya sa akin. "Oo tuwing linggo ay nagsisimba kami ni inay," sagot ko naman sa kanya. "Sa tingin ko sisipagin na akong magsimba nito." "May sianasabi ka ba Simon?" Tanong ko sa kanya. "Wala, sabi ko dito na rin ako magsisimba." Sagot niya sa akin. "Ganu'n ba. Saan ka ba nakatira?" Tanong ko sa kanya. "Sa Blak— kakalipat lang namin dito," sagot naman niya sa akin. "Kaya pala, salamat dito sa drinks Simon." "You're welcome," ang galing niyang bumigkas ng ingles sa tingin ko ay mayaman siya. "Siguro mayaman ka," sabi ko sa kanya. "Ako mayaman? Hindi mahirap lang kami taxi driver ang trabaho ng papa ko. Paano mo nasabi na mayaman ako?" sagot niya sa akin. "Kasi ang galing mong mag-ingles," sagot ko naman sa kanya. "Simula ngayon magtatagalog na ako para hindi mo ako mapagkamalang mayaman," saad niya sa akin. "Pero gusto ko ang pagkakabigkas mo ng ingles," nakangiting sabi ko sa kanya. "Mhelcah kailangan ko ng umalis. Magkita tayo ulit sa linggo," sabi niya sa akin sabay gulo ng buhok ko. Hindi ko alam pero bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko. Kinakabahan ako kaya napahawak ako sa dibdib ko. "Anak okay ka lang ba?" Rinig kong tanong sa akin ni inay. "Nan-Nandiyan na po pala kayo inay," nauutal na sabi ko. "May nangyari ba anak? Bakit parang kinakabahan ka?" Tanong sa akin ni inay. "Okay lang po ako inay. Nagulat lang po ako sa inyo," sagot ko sa kanya. "Ahm inay, may nakita po ba kayong katabi ko kanina?" "Wala naman anak. Bakit may katabi ka ba?" Tanong ni inay sa akin. Ang bilis namang umalis ni Simon at hindi siya nakita ni inay. Napagpasyahan namin ni inay na umuwi na dahil marami pa raw siyang labada na gagawin. Nalulungkot ako dahil bulag ako at hindi man lang makatulong kay inay. Kahit sana sa maliit na bagay ay natulungan ko siya pero wala akong magawa dahil puro kadiliman ang nakikita ko. Mas mainam pa rin sana kung nakakakita ako. Natapos ang buong araw ko sa pakikinig ng radyo. Kinikilig ako sa mga istorya na naririnig ko. Hindi ko tuloy maiwasan na pangarapin na maranasan ang sinasabi nilang inlove o 'yung love. Gabi na at narinig ko na may kumakatok sa may pintuan namin. Naglakad ako papunta sa sa may pintuan. "Sino po sila?" Tanong ko s ataong nasa labas. "Ako ito Mhelcah si Simon," sagot niya sa akin. Napangiti naman ako nang malaman ko na siya dahil boses niya ang narinig ko. Kinapa ko ang lock ng pintuan namin at binuksan ko ito. "Paano mo nalaman ang bahay ko Simon?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Hindi mo ba ako papapasukin?" "Ayy sorry, sige pasok kana. Pasensya kana sa bahay namin ha," sabi ko sa kanya. "I'm fine," sagot niya sa akin. Napangiti na naman ako dahil sa pagsasalita niya ng ingles. "Bakit ka nakangiti?" Tanong niya sa akin. "Maganda kasi ang boses mo lalo na kapag wikang ingles ang ginagamit mo," sagot ko sa kanya. "Mhelcah sinong kausap mo?" Tanong sa akin ni inay. "Magandang gabi po," narinig kong wika ni Simon kay inay. "Magandang gabi rin sa iyo iho. Ngayon lang kita nakita rito," sabi ni inay. "Nakakalipat lang po namin sa may labasan," sagot naman ni Simon kay Inay. "Ganu'n ba. Anak may kakilala ka pala at bagong lipat lang dito," sabi ni inay. "Opo inay nakilala ko po si Simon sa may simbahan kanina," sagot ko sa kanya. "Bakit ka pala napadalaw rito iho? Gabi na," tanong ni inay kay Simon. "Napadaan lang po kami rito tita. Bukas po kasi ang bintana niyo kaya nakita ko si Mhelcah," rinig kongg sabi niya. "Kumain na ba kayo? Sumabay kana sa amin," rinig kong alok sa kanya ni inay. "Sige po tita, hindi ko po 'yan tatanggihan." "Tayo na sa hapag anak," saad ni inay at inalalayan ako. Nang makarating kami sa kusina ay umupo na ako sa bangko ko. Kabisado ko na ang puwesto ko. "Kain na tayo iho. Pasensiya kana at ginisang sardinas lang ang kaya kong ialok sa 'yo," nahihhimigan ko na naihiya si inay. "Kumakain ka ba ng ganyan Simon? Alam mo ba masarap 'yan! Lalo na kapag si inay ang nagluluto," sabi ko sa kanya. "Oo naman Mhelcah. Hindi naman ako mayaman at hindi rin mapili sa ulam," sagot niya. "Kumain na tayo," saad ni inay. "Opo," panabay na sagot namin ni Simon. "Ako na ang maglalagay sa plato niya iho, kmain kana d'yan." Rinig kong sabi ni inay. Napaisip ako kung ano ba ginawa ni Simon pero sa tingin ko ay nilalagyan niya ako ng pagkain. "Kumain na po kayo tita, okay lang po na ako na ang maglagay ng food niya." "Sige iho, salamat. H'wag kang mahihiya ha," sila na ni inay ang nag-uusap ngayon. Nagsimula na akong kumain ngayon. Naging tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig namin. "Ang sarap po ng luto n'yo tita," inig kong sabi ni Simon. Napangiti naman ako. Ngayon lang kasi kami nagkaro'n ngg kasabay kumain simula noong mawala si itay. Kapag naaalala ko ay hindi ko maiwasang malungkot. Hindi ko alam pero kahit na matagal na ay masakit pa rin. Pinilit kong maging okay ayaw ko kasing mapansin ni inay na nalulungkot na naman ako. Nang matapos na kaming kumain ay si Simon na ang nagprisenta na maghugas ng mga plato. Nag-igib rin siya ng tubig dahil wala kaming tubig. Matagal na kaming naputulan ng tubig dahil wala kaming pambayad. Ang kuryente naman ay sa kapitbahay namin. Tanging ilaw lang ang ginagamit namin at walang kahit na anong appliances. Nakaupo aako ngayon sa labas ng bahay namin dahil mainit sa loob. Ginawa kong pamaypay ang karton para mabawasan ang init. Nagulat ako ng bigla na lang may kumuha sa kamay ko ng karton. "Ako na ang magpapaypay sa 'yo. Kapag nakasahod ako sa trabaho ko ibibili kita ng maliit na electric fan. Ako na rin ang magcha-charge" sabi niya sa akin. "Naku! H'wag na. Nakakahiya na sa 'yo saka sanay na ako," nakangiting sabi ko sa kanya. Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako bigla ng init noong dumikit ako sa kanya. "Ako na ang bahala doon," sabi niya sa akin. "Naawa ka lang sa akin. Alam mo pangarap ko rin na masilayan ang mundo. Nais ko ring makita ang mukha ni inay at ikaw rin. Ngayon lamang tayo nagkakilala pero napakabait mo sa akin." "Baka mabigo kita kapag nakita mo ako," tumatawang sabi niya. "Bakit naman? Alam ko na gwapo ka. Ang ganda kasi ng boses mo," sabi ko sa kanya. "Hindi lahat ng maganda ang boses ay gwapo," tumatawang sabi niya. Ang sarap sa tenga ng boses niya. May kung ano dito na napapangiti ako bigla. "Why are you smiling?" Tanong niya sa akin. "Alam mo parang may kaboses ka? Pero mas mabait ka do'n," nakangusong sabi ko. "Talaga?" natutuwang tanong niya. "Oo masungit kasi 'yon. Teka lang bakit ba ang galing mong mag-english?" "Ang boss ko kasi palaging ingles ang ginagamit niyang salita," sagot niya sa akin. "Bakit ano ba ang trabaho mo?" "Tagalinis," sagot niya sa akin. "Kung nakakita siguro ako ay magtatrabaho rin ako sa trabaho mo," tumatawang sabi ko sa kanya. "Oo kaya hahanap tayo ng paraan para makakita ka," sabi niya sa akin. "Sana nga mangyari 'yan." "Sige uuwi na ako Mhelca, pumasok kana dahil mahamog na dito sa labas. Maraming salamat sa masarap na hapunan," paalam niya sa akin. "Sige ingat ka." Kumaway ako kahit ko alam kung saan siya banda nakatayo. Napangiti na lang ako dahil sa tingin ko ay magkakaroon na ako ng bagong kaibigan. "Sana ay dumalaw ka ulit dito Simon," saad ko sa sarili ko bago ako pumasok sa loob ng bahay habang inaalalayan ako ni Light.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD