Mhelcah's POV Nagulat ako sa narinig ko. Alam ko ang ibig sabihin nang i like you. Hindi ko naman nakikita kung gising o tulog ba siya. Nanatili akong tahimik. Ayaw kong mag-isip nang kung ano. Dahil sabi nang teacher ko dati ay marami ang kahulugan ng salitang, i like you. Inalis ko ang kamay niya sa tiyan ko at bumangon na ako. Kinapa ko ang suklay ko. Kagabi ay nilagay ko ito sa mesa katabi nang higaan namin. Nang makuha ko na ay sinimulan ko nang suklayin ang buhok ko. Pero nagulat ako nang biglang inagaw sa kamay ko ang suklay. "Good morning Mhel, ako na ang magsusuklay sa 'yo." Rinig kong sabi ni Simon. "G-Good morning rin sa 'yo. Ako na lang kaya ko naman," sagot ko sa kanya. Pero hindi ito nakinig atpatuloy lang sa pagsuklay nang buhok ko. Naramdaman ko ang pagpatong nang ba