Mhelcah's POV Nagising ako dahil may naramdaman akong dumampi sa labi ko. Dumilat ako pero wala naman akong makita dahil nga bulag ako. Tanging amoy, tunog at nakikiramdam ang tanging magagawa ko. Naamoy ko ang pabango ni Simon kaya alam ko na nasa malapit lang siya. Nahihiya akong makipag-usap sa kanya dahil naiinis ako sa sarili ko. Ang bilis kasi nang t***k ng puso ko kapag nandiyan siya. "Simon!" Tawag ko sa kanya. "Yes, Mhel?" Tanong niya sa akin. "Ang aga mo yatang umuwi ngayon?" Tanong ko sa kanya. "Tapos na kasi ang trabaho ko," sagot niya sa akin. "Okay," tipid na sagot ko sa kanya. Naramdaman ko na umupo ito sa tabi ko. Umusod ako ng kaunti dahil naiilang ako sa kanya. Hindi ko alam pero simula kahapon ay parang natatakot na akong dumikit o lumapit sa kanya. Hindi ko siy