Mhelcah's POV Nagsimula na ang araw ng training ko sa trabaho. Pagod man ako pero masaya naman ako dahil may mga naging kaibigan na ako doon. "Uuwi kana ba Mhel?" Tanong sa akin ni Carl. "Oo," sagot ko kay Carl. "Sabay-sabay na tayo," saad naman ni Pearl. "Sige," nakangiti ko namang sagot. Sumakay kami sa jeep. Pero habang nasa biyahe kami ay nagkukwentuhan kaming tatlo. Masaya silang kausap at halos kaedaran ko lang sila. Naunang bumaba si Pearl kaya kami na lang ni Carl ang magkasama ngayon. Nalaman ko rin na malapit lang sa amin ang bahay nila. Nasa kabilang kanto lang pala. Bumaba na kami sa jeep at sabay na naglakad. "Mhel kumain muna tayo ng fishball doon sa may gilid," yaya niya sa akin. "Sige, gusto ko rin i-try na kumain doon." Sagot ko sa kanya. Lumapit kami doon at m