Chapter 18

1627 Words

Mhelcah's POV Napasinghap ang lahat ng tao na nasa paligid nang sabihin niya ito sa akin. Hindi ko pa sana naintindihan kong hindi ko nakita sa mata niya ang galit sa akin. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Na halos manlabo na ang paningin ko. Ang bigat ng mga paa ko pero pinilit ko na ihakbang ito. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang papalayo ako sa kanya. Akala ko ay mabait na siya ng kaunti pero mas nakakatakot pala talaga siya. Malinaw na sa akin na tinatanggal na ako sa trabaho. Kahit na papaumpisa pa lang sana ako. Hindi ako gumamit ng elevator. Naghagdan ako pababa. Malaya kong pinakawalan ang mga luha ko habang pababa ako. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Sobrang nasasaktan ako sa ginawa niya. Na hindi ko alam kung bakit ganu'n na lang niya ako tanggalin sa trabaho.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD