Mhelcah's POV "Walanghiya ka!" Sigaw ko sa kanya dahil sa inis ko. Binato ko rin siya ng hawak kong ecobag. "Baby, stop it!" "Siraulo ka talaga! Pagod na pagod ako kakaakyat sa hagdan para lang makarating dito!" Hindi ko maiwasang hindi sumigaw. "Baby, sinusubukan ko lang naman." "Anong sinusubukan?!" Pagalit na tanong ko sa kanya "Kung nag-aalala ka ba sa akin," sagot niya sa akin. "Eh kung layasan rin kaya kita ngayon?!" Sigaw ko sa kanya. Napaupo na lang ako sa sahig sa sobrang pagod at inis ko sa kanya. Ang lakas kasi ng trip niya. Hirap na hirap ako para lang makarating dito kaagad pero ang magaling na lalaki. Kumakain lang ng pizza. Napaupo na lang talaga ako sa sahig, nanginig kasi ang tuhod ko. Kung wala lang siyang sugat at siguradong pinaghahampas ko na siya. "Baby,"