Mhelcah's POV "Wala ka namang laban sa akin, pinipilit mo pa rin." Sabi sa akin nang walang hiyang lalaki. Habang kinakaladkad ako paalis sa banyo. "M-Magbabayad ka! D-Dem*nyo ka!" Kahit nahihirapan ako ay pinilit ko na sigawan siya. Pero tumawa lang ito na parang baliw. "Hindi mo alam kung ano ang hirap ko para makatakas at puntahan ka. Ang bango mo pa rin kagaya ng dati." Nababaliw na sabi nito habang inaamoy ang buhok ko. "Demonyo ka! Ang baho mo! Ang pangit mo!" Patuloy ako sa pagpupumiglas sa kanya at patuloy na umiiyak Ilang sandali pa ay bigla itong bumulagta dahil may humampas sa ulo nito. Medyo nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha ko pero alam ko na si Simon ang dumating para sagipin ako. Naamoy ko ang pabango na gamit niya. "Baby, you're safe now." Saad niya sa akin ha